Marikit's POV
“ Anong number nun?” seryosong tanong ko kay Ronnie habang pinisil-pisil ang kamay ni Pau. Ngumisi lang siya sa akin, loko itong isang ito.
Ngayon lang ako nagkaganito sa isang lalaki. Di naman ako ganito dati, ang laki talaga ng pinagbago ko nang dahil sa mala-misteryosong lalaki na iyon. Ang gwapo niya rin kasi. Agad akong nahumaling sa kaniya, ito na ata ang tinatawag nilang Love at first sight. Grabe kung makapana sa akin si Kupido sapol talaga eh.
“ Why? Interesado kaba sa bestfriend kong iyon?” taas-kilay na sambit ni Ronnie sa akin at sheyt 'yung kamay niya nasa dibdib na ni Pau. Agad naman itong pinalo ni Pau kaya't napatili ito. Parang bakla kung makatili ang isang ito. Sayang naman ang gagi na ito kung totoo siyang bakla.
“ Magtatanong ba ako kung hindi?” sarkastikong tanong ko na ikinangiwi ni Pauleen. Di ko talaga tatantanan ang nobyo niya hangga't hindi niya sasabihin ang full name, address at contact number nito.
Ang sama rin ng mga titig ni Pau sa akin. Takot ata ang impaktang ito na maagaw ang boyfriend niya. Wala akong planong agawin ang boylets niya. Si Mr. Chinito ang gusto ko hindi ang boyfriend niya. Pakipot din kasi si Ronnie, ayaw pang sabihin sa akin ang pangalan nito. Si Marikit ata ito, ang reyna ng mang-aakit pero hindi mang-aagaw.
Umaakit ngunit hindi nagpapakama.Virgin pa ako no! Si Mr. Supladong singkit lamang ang makaka-angkin nito. Sa kaniya ko lang isusuko ang bataan ko ngunit kailangang kasal muna bago niya makuha ang virginity ko. Importante kasi sa akin ang maikasal muna bago isuko ang bataan sa Laguna.
Ayoko ring suwayin ang pangako ko kay Lolo Linda. Mapupunta karin sa akin, Mr. Supladong Singkit. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang muling himas-himasin ni Ronnie ang malulusog na dibdib ni Pau. Jusko! Wag niyo akong painitin.
“ Kung may balak kayong magturjakan sa harap ko parang awa niyo na. Maawa kayo sa akin, gawin niyo iyan sa hotel.” mas lalo akong nginisian ni Ronnie. Isang ngisi pa, Ronnie. Pag ako napikon, lulunurin ko talaga ito sa dagat. “ Nakaprivate ang buhay 'nun, Marikit kaya mahihirapan kang malaman ang mga bagay na tungkol sa kaniya.” napakamot na lamang ako sa batok ko.
Pwede naman niyang sabihin sa akin. Sekreto lang ba, di ko naman siya ibubuking sa bestfriend niya. May misyon agad ako ang mapaamo si Mr. Supladong Singkit. Panigurado akong hahanap-hanapin niya ang malunod sa malulusog kong dibdib.
“ Di mo talaga sasabihin?” umiling-iling pa si Ronnie at muling ngumisi sa akin. Walangya talaga ang isang ito. Pasalamat siya, nobya niya ang bestfriend kundi matagal ko na itong nasapak. Habaan mo pa lalo ang pasensya mo, Marikit! Hay!
Walang balak ang gagi'ng si Ronnie sa information na hiningi ko sa kaniya kaya't tumayo na lamang ako kaysa maging saksi ng pagtuturjakan nila. Jusko! Tigas talaga ng ulo ni Pau, ilang beses na siyang winasak nito.
Hinubad ko na lamang ang suot ko at ang tanging natira ay ang bra't panty ko na kulay pula. Agad akong lumusong sa malinaw, malinis na dagat. Ang mga mata ng mga kalalakihang narito ay nasa akin at nahuli ko ring sumulyap si Ronni sa gawi ko.
Plano pa ata nitong, durugin ang puso ng bespren ko. Subukan mo lang saktan ang bestfriend ko, goodbye Philippines ka talaga.
“ Ang sexy niya pare!”
“ Tara, lapitan natin.”
“ Tignan mo ang katawan niya, grabe napakakurba. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang bikini. Perfect coca-cola body.”
Bwesit! Pinagtritripan na naman ako ng mga manyak. Bahala kayong maglaway diyan, hindi niyo mahahawakan ang katawan kong ito.
Hindi rin nagtagal ang pagbabad ko sa dagat ay agad akong umahon, ayoko narin kasing pagnanasahan ako ng mga lalaking narito. Mabuti pa't simulan ko na ang misyon ko.
Bahala na kung abutin ako sa ibang planeta sa kaka-research kung paano ko siya mapaibig sa akin. Nang makaahon ako sa dagat ay agad akong nagbihis at sumakay sa aking motor. Hindi ko na rin nakita ang mag-jowa, naghotel ata ang mga iyon.
May sariling mundo ako ngayon. Pinaharurot ko ang aking motor pauwi sa amin. Pagdating ko sa amin as usual wala na naman sina mama at papa. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay agad kong kinuha ang aking laptop at nag-research.
Nilista ko sa isang maliit na notebook ang mga nakuha kong impormasyon ukol sa kung paano paibigin ang lalaki. Pagkatapos ay nagshower ako, pupunta ako ng mall upang mamili ng bagong damit, bag, make up, alahas at pabango. Ngunit habang namimili ako ng bag ay nakita ko sa di kalayuan si Mr. Suplado kaya't dali-dali kong ibinalik sa lalagyan ang bag at tumakbo papalapit sa kaniya.
Nang makita ko ay agad itong nag-iwas ng tingin sa akin, tila may nakakahawa akong sakit. “ Are you following me?” supladong tanong niya na ikinangiwi ko at sabay siyang naghalukipkip. Ginaya ko ang posisyon niya.
Tumaas ang isang kilay niya. “ Nanggagaya kapa talaga, Miss!” umuusok na naman ang ilong niya sa inis.
“ Kiffy ko di mo ba i-tra-try?” pabirong saad ko na mas lalong ikinainis niya. Ang sarap niyang inisin.
“ You're insane, Miss. Respect yourself,” sambit nito at sabay na tumalikod. Agad ko siyang sinundan, nakapamulsa sumakay sa escalator. Ganun rin ang ginawa ko. Halos magdikit na ang aming katawan sa escalator.
“ Stop following me, Miss!”
“ Ayoko nga!”
“ I'm sorry but hindi ko bet ang isang katulad mo. At hindi ako magkakagusto sayo.” ang sakit niyang magsalita ngunit kailangan kong ipakita sa kaniya na di ako apektado. “ Wag kang magsalita ng patapos, Mr. Suplado baka bumaliktad ang mundo at kaw naman ang maghahabol sa akin.” lumukot ang mukha niya. Ang cute niya talagang inisin.
“ What did you say?” nagpanting ata ang tenga niya sa sinabi ko. Namilog ang mga ko nang makita ko ang wallet niya na nasa likod ng bulsa niya. Pasimply ko itong hinablot nang hindi niya namamalayan. Kaagad kong dinukot ang company id niya at itinago sa bulsa ko. Abot tenga ang ngiti ko dahil sa wakas ay malalaman ko rin ang identity niya. Hindi na ako mahirapang mag-hired ng sekretong investigator. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon ng interesado sa isang lalaki. Swerte nga niyang siya ang natipu-an ko. Sa kaniya lang kasi tumib0k ang puso ko. Isinukbit ko sa kanang braso niya ang kamay ko kaya't nasa amin ang mata ng mga tao na narito sa mall. “ Ang sabi ko, sayo na ang puso ko,” sabi ko at sabay na kumindat sa kaniya.
“ They are perfect couple!”
“ Ang gwapo ni kuyang singkit at mala-manikang awra ang girlfriend niya.”
“ Kakaiba ang karisma nilang dalawa. “
“ Remove your hand at wag kanang lalapit pa sa akin . Dumistansya ka nga sa akin. ”
Ngunit nagmatigas ako at sabay na ngumuso. “ Kiss nayan!” hiyawan ng mga tao kaya't napalinga-linga siya sa buong paligid at sunod-sunod ang paglunok niya ng laway.
“ Kiss me first!”malanding sambit ko sa kaniya at muling ngumuso with matching pikit pa. landi talaga ng isang Marikit.
“ Kiss mo'ko at kapag nagawa mo iyan tatantanan na kita.” hamon ko pa sa kaniya kahit ang totoo ay di ko naman gagawin. Mas lalo akong mahuhumaling sa kamandag niya.
“ Wag mo nga akong lokohin, Miss. Iba ako sa mga lalaking nakuha mo. Ibahin moko sa kanila, Miss.” suplado talaga nito. Saan kaya ito ipinaglihi ng mama niya?
Wala akong pakialam kung pagtitinginan at pagchi-chismisan ng mga tao. “ Kiss!”muling hiyawan ng mga tao. Magkasabay kaming nakalabas ng mall. Sinusundan ko siya.
Loko, ayaw pa pagbigyan ang mga tao. Kiss lang naman kahit dampi-dampi lang masaya na ako dun. “ Stop following me, Miss!” lumukot na naman ang mukha niya.
Pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. “ Hindi kaya kita sinusundan,” pagmamaktol ko pa. Tumigil siya sa paglalakad at sabay na lumingon sa akin.
“ Yes, you did!”
Saan niya ba ko gustong dumaan? Iisa lang naman ang exit. Loko 'to ah. Mas lalo tuloy akong nagka-interest sa kaniya. Sarap niyang asarin. “ Ang sungit naman nito,” mahinang saad ko sabay hampas sa balikat niya.
Ipinilupot ko sa braso niya ang kamay ko na hindi ikinabigla niya. Halatang may trauma ito sa magagandang katulad ko. “ Remove your hand,” pabulong na utos niya nang may matang nakatingin sa amin. Para tuloy kaming artista nito. “ Paano kung ayaw ko?” pang-iinis ko pa sa kaniya at pinisil-pisil ang braso niya. Sheyt ang tigas.
“ Wag na wag mo akong galitin, Miss baka sa hospital ang bagsak mo.” luh? Bakla pala ang isang 'to eh. Pumapatol sa magagandang katulad ko. “ Blina-blockmail moko?”
“ Obviously, Miss.”
I hugged him tightly at the back. Isiniksik ko ang ulo sa likod niya. He took a deep breath. Ang bango-bango niya. Nakakaadik...
“ Mapapaibig rin kita, Mr. Sungit,”mahinang bulong ko at sabay na bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. At agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa loob ng mall dahil nakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong bilhin because of him.