When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KINABUKAS AY ALAS SAIS pa lamang ay nag-check out na silang mag-ina kahit hanggang alas dose pa nang tanghali ang dapat ay check out nila. Ngunit dahil babiyahe pa sila ay napaaga. Dinala na kasi nila ang lahat ng gagamitin nila pag-uwi dahil mas madaling sumakay ng bus doon sa Pasay papunta ng La Union. Habang nasa daan ay pigil hininga si Nikka. Anim na taon din siyang hindi nakauwi sa probensiyang iyon kaya hindi alam kung ano ang mararamdaman sa tuwing makikita ang lugar na magpapaalala sa lahat nang kaniyang nakaraan. Nang makababa sila ng ina sa bayan nila ay napasinghap siya. Naalala ang lugar kung saan ay tambayan nila ng kaibigan si Jaja. Ang grocery kung saan una siyang nagtrabaho. Malaki ang pinagbago ng bayan nila pero may ilan-ilan pa ring nananatiling nakatayo katulad ng s