Ano nga ba ako sayo?

Ano nga ba ako sayo?

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
others
bxg
campus
office/work place
basketball
cheating
friendship
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Hindi ko na alam kung saan pa lilingon,

Punong puno na ako ng tanong,

Gusto ko ng sagot sapagkat iyon lamang ang alam kong solusyon,

Mabigyan mo sana ako ng pagkakataon,

Maitanong ang "ano ba ko sayo?"

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Siguro hindi na kita dapat hinayaan pang pumasok sa mundo ko -na guluhin pa ako.  Ang sakit isipin na ikaw yung dumating, pero bakit parang ako yung nabigo? ....."  Ju's POV  "JAAAYYY NAMANNNN!!" Sabi ko sa kaibigan ko habang siya ay matawa tawa sa ginawa niya.  "Sorry na ju! Hindi ko naman sinasadya na maireto ka sakanya. Napasarap kasi yung kwentuhan namin tapos ayon tymepo naman kakalipat mo lang sa school nila, nikwento kita tapos ayon.. medyo na stalk ka niya, hindi ka daw niya nakikita sa school tapos ayon, type ka daw niya, ilakad ko daw siya sayo." Nanlaki naman yung mukha ko. Mukhang may naloko na naman ang profile ko sa f*******:, akala talaga nila maganda ako, not knowing isa akong patatas. "JAY NAMAN. Ayoko! Hindi ko kakausapin yan kapag nag chat sakin!" Sabi ko sakanya.  "HAHAH sorry talaga. Sabi pa nga niya sakin mag lalalabas ka daw para daw nakikita ka niya, kaso sabi ko irregular student ka kaya baka kaya hindi ka niya nakikita. Pero diba regular ka na ngayon? Ayiie! Replyan mo naman! Wag mo ako ipahiya." Napailing nalang ako.  "Teka lang ha? Bat parang magiging kasalanan ko pa kung hindi ko rereplyan? Kung sinasakal kaya kita?" sabi ko at natawa na naman siya.  "Pogi naman yon tapos mabait. Try mo lang! Malay mo kaya ka NBSB kasi hindi mo pa siya nakikilala HAHAHHA" Napailing nalang talaga ako. Alam niyo yung tipong nanahimik ka lang sa isang tabi, tamang aral o tamang kung anu ano ginagawa tapos magugulat ka nalang naireto ka na pala ng kaibigan mo. Tipong hindi mo alam kung matutuwa ka ba o ano kasi naman, loveless ka simula nung isinilang ka, wala kang kalandian kaso nung dumating naman yung tao, hindi ka naman marunong makipag landian kaya mas pipiliin mo nalang na wag mag entertain?  Sumasakit ulo ko dito sa babae na to!  Saktong pag kauwi galing sa samgyup, eh siya namang nag notif agad yung cellphone ko. Ayan na nga, nag chat na nga. bat ba kasi ang hilig ko mag accept ng friend request basta makita kong friend naman ng mga kaibigan ko o di kaya ka school ko?  Tamang hi siya at wave. Napailing nalang ako, hindi ko alam kung rereplyan ko o hindi kaya naligo nalang muna ako kasi amoy ako samgyupsal. Pag kahiga sa kama after maligo ay tinitigan ko yung messenger, rereplyan ko ba to o hindi? Si Jay naman kasi is mabait, nakakaloka lang talaga, hindi ko akalain na iarereto niya ako kasi medyo tahimik ng beri light ang babae na yon, yung akala mong wala minsang kamuang muang sa mundo tapos magugulat nalang ako, binebenta na pala ko.  So para naman malaman ko yung gagawin ko, inistalk ko muna, titignan ko kung pasado sa standards ko, kung pasok ba sa banga, sabi ni Jay pogi daw, let me check.  .. Uhmn.. mapag kakatiwalaan ba ang mga pangalang' Karl?  .. Duda ako kapag basketball pleyer e, hindi kaya babaero to?  .... Pero may hitsura naman talaga..  .. Mabait naman sabi ni Jay eh?  Pwede na, malaking lalaki, chinito and almost my type hindi lang maputi instead, moreno. Mag isang oras ko na siyang hindi nirereplyan when I decided na iseen siya tapos replyan ng Yes po?  Shems. Kailangan panindigan ko tong ginagawa ko.  K: Wala naman po ehehhe     : Taga -- University ka rin no? Same department tayo?  Me: Ay ganon ba, akala ko kung ano.      :Yes, regular first year na ulit ako this coming semester.  K: Mag ka batch pala tayooooo Me: Hahaha first year ka din?  K: Hahha oo So ano na irereply ko? Anong isasagot ko sa oo? Dud, make you replies repliable naman bago mo ako maturn off.  Me: Ah okay okay haha  Seen.  Sineen pa nga. Tai tai! kaya mas pipiliin ko nalang talagang alikabukin ang messenger ko eh! Ayokong nasiseen. Itong si Jay talaga kahit kailan.  K: So musta naman? hahha  Me: Okay naman, humihinga pa hahaha  K: Mag dorm ka ba next semester?  Me: Uhmn, baka.. kasi ang hirap mag uwian from qz to bulacan and vice verza lalo na may 7am class.  K: Ay oo nga. Same province nga pala tayo hahha  Me: Oo nga, actually it was Jay who told me hehehe  K: Si Jay?? Ano sinabi ni Jay sayo?  Me: Wala naman masyado?      : Meron ba dapat siyang hindi sabihin? lol  K: Hahaha wala naman Me: Yun naman pala e, wag kakabahan.  Parang ayoko ng ganitong usapan, mukhang torpe. Ayoko yung nangangapa ako sa tao. Nag reply pa siya kaso hindi ko na nireplyan kasi ang boring kausap, hind repliable yung mga sinasabi niya. Mas tuyot pa yung reply niya sa messenger ko.  * * * * *  Papunta kami ngayon ng squad sa favorite naming kainan ng unli chicken wings, medyo nilalayuan ko si Jay baka kasi tanungin ako non kung ano ng balita, and feeling ko nag rereport yung Karl na yon sa kanya. As I sitted, nagulat ako ng sundan ako ni Jay at tabihan. Para saan pa yung mga pag iwas ko kanina sa labas nung nag hihintayan kami.  "Oy! Ju! Ano na? Kinakausap ka na ba?" bumuntong hininga ako.  "Oo kaso tukayo mas dry pa yung conversation namin sa sarili ko. Ang boring kausap, wala man lang thrill." Natawa siya ng konti.  "Oo nga daw, sinasabi niya sakin yon. Eh hindi naman daw niya alam ang itotopic kase hindi ka niya masyado kilala, hindi naman daw kayo nag klikita dati sa school kaya ayon wala siyang idea kung paano ka talaga kakausapin." Ganon ba dapat yon? Kung gusto niya talaga akong makausap, he will make a way. Make a topic about how we can both know each other. Ganon! Napaka mahina naman nitong nilalang.  "Nako siz! Hindi ko na nga nirereplyan minsan kasi hindi ko na talaga alam isasagot, na weweirduhan ako HAHAHAH"  "Hahaha shinare niya din sakin yan! Sabi nga niya ayaw ka na daw din niya ichat kasi baka nakukulitan ka na tapos feeling daw niya kasi talaga hindi ka interisado." Napangisi ako.  "Pano ko maipapakita na interisado ako kung siya mismo hindi niya maipkita na interisado siya?" Hindi na nakasagot si Jay, napangisi nalang siya at napatango tango. * * * * *  2 months have passed, and I still try my best to entertain Karl, okay naman pala talaga siyang kausap kaso minsan naiinis ako kasi ang bagal niya mag reply like wth? May iba ba siyang kinakausap? Nakakinis lang kapag biglang ganon yung pumapasok sa utak ko. FYI, uunahan ko na kayo ha! Hindi ako nag seselos or what it's just that I really hate late replies!  K: Naasan ka na?  Me: Sa NLEX na, nasa dorm ka narin ba?  K: Oo, kanina pa kong umaga hinatid nila kuya. Para nga akong nag layas sa dami kong dala hahah  Me: Hahahah samedt. Makaktulog kaya ko nito mamaya? First time ko mag dorm. K: Hahaha nako may nabalitaan nga akong may multo diyan sa dorm niyo e.  Me: Subukan mong ituloy sige, sasakalin kita.  K: HAHAHHAH Mamaya tuloy ko. Chat ka agad kapag nasa dorm ka na ha. Ingattttt  And this way of his talking swayed me. I find him sweet whenever he told me ingat, sana hindi kalang isang john lloyd.  After kon ayusin yung gamit ko sa room syempre medyo na awkward pa ako sa dormies ko kaya ayon, tamang ngiti ngiti lang sa kanila. Medyo nahihiya rin sila kaya di sila masyado nag tatanong. Samantalang yung nasa lower bed ko, ayaw akong pansinin, hindi man lang ako ni welcome. Matapos kong mag gumayak para matulog, I message Karl that I arrived safely and tapos narin mag ayos ng gamit.  K: Ah gumayak ka pa pala akal ko naman naligaw na kayo ang tagal ng message mo.  Ikaw nga matagal mag reply minsan pero hinid sumagi sa utak ko na naligaw ka na. Slight lang pala, kase hindi ko parin talaga alam kung dapat ka bang pag katiwalaan.  Me: Anong oras pasok mo bukas?  K: 7 am HAHHAH gandang schedule no Me: Ya wawa. Ako 2 pa hehe HIndi naman sa pag mamayabang  K: At least wala kaming saturday class *emjoi na nakatingin yung mata sa taas*  Me: Yah! Napaka yabang! Pangit ugali!  K: HAHAHAH  Shineshare ko lang. Hindi ako nag yayabang. Baka ikaw.. Ehem.  Me: Tse! Sige na nga! Mauna ka na matulog maaga pa pala pasok mo.  K: Eh ikaw?  Me: Muni muni siguro, naninbago pa ko sa higaan ko sa paligid ko. K: Huu! Natatakot ka lang eh! HAHHA  Me: Takot mo mukha mo! Asa ka naman K: So diba mag ikwekwento nga ako sayo tungkol dyan sa dorm niyo Me: Hindi ba't  maaga ang pasok mo? Matulog ka na. Night.  K: HAHHAH  multo daw dyan e. Batang nag lalaro sa gabi ganon.  Me: Isa. K: Tapos babeng umiiyak daw kapag alas tres o alas kwatro.  Me: Sige ano pa?  K: Yun lang alam ko. Me: Tapos ka na mag kwento?      :Pwede na kita i block?  K: Luh joke lang eh hahahahah  Me: Tse: Sige na matulog ka na at naiinis mo lang ako.  K: Ayoko. Galit ka ata e.  Ladies? Tell me, anong klaseng motibo ng lalaki yung ganyang reply? Would you mind sharing it with me? Iinisin ka nial tapos kapag nainis ka sasabihin, galit ka ata e. Malamang?  Me: Nights.  Reply ko tapos siniseen niya kaagad.  K: Juuuuu      :Juuu namannnn! Joke lang eee      :Wag ka na magalet ehheh  Me: Hindi ako galit. Sige na.  K: Hindi daw pero ganyan mag reply. Me: Panong reply ba gusto mo?      :Oy! Ano ka ba! Okay lang! Hindi ako galit! *Emoji na tumtawa*      :Ganyan? Luh? Asa ka. Mang tatakot ka dyan tapos di mo kayang panindigan. tse.  K: HAHHAHAHA kadaming sinabi, pero hindi pa galit ng lagay na yan.     :Sorry na. patawarin mo na ko hahah Inaantok na ko biliss.  Me: Edi matulog ka.  K: Ayoko nga. Hindi mo pa nga inaaccept yung sorry ko.  Me: Sige na. Night na! maaga ka pa bukas sa school. K: Okay na? bati na tayo?  Me: Oo na.  K: Yes! Good night ms. juuu Me: Sigii. Night. Wag mo na ko kakausapin kahit kailan :)  K: Juuuuuuuuuu nammmaann Me: Hahha Joke lang. Night hahha  K: Sweet dreams    :Sleep well     :Bukas nalang :))))))  Hindi ko mappigilan ang mapangiti. Masama na ata to. Ngumingiti na ako sa mga reply niya. Self, wag kang mahuhulog! Hindi mo pa alam kung mapag kakatiwalaan talaga yan. Alam mo namang may mga araw lang talaga na ganyan kayo mag usap. Self! Tumino ka!! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OBSESSION WITH THE SISTER-Tagalog

read
211.9K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
408.5K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
326.5K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
690.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
172.2K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
615.8K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
292.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook