14 - A stroke of sadness

1216 Words

PINANOOD ni Ndrew nang hapong iyon ang mga kalalakihang tauhan niya sa hacienda sa paglalaro ng basketball doon sa covered court na ipinagawa talaga ng kaniyang ama sa loob ng hacienda para sa libangan ng mga ito. Nagkakaroon ng basketball league sa hacienda tuwing sasapit ang kaarawan ng namayapa niyang ama at isa sa mga araw na ito ay magpapaliga na ulit siya dahil tatlong buwan na lamang ay kaarawan na nga nito. "Magandang hapon po, Señorito Ndrew!" bati ng mga naroon tuwing magagawi sa kaniyang kinaroroonan na tinutugon niya. Kumilos siya upang bumaba sana kay Abilo pero naudlot siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kaniyang cargo pants. Si Carlina ang tumatawag. "Carlina?" "Señorito Ndrew, dumating na po si Señorito Adrian." Kaninang tanghali l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD