When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"MABUTI na ba ang pakiramdam mo? Sumasakit pa rin din ba ang t'yan mo?" tanong ni Ndrew kay Savanna pagkaraan ng ilang sandali. Naroon siya sa inuukupa nitong silid. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang ito naman ay nakatagilid ng higa paharap sa kaniya. Umiling ito. "Medyo nabawasan na ang sakit ng tiyan ko, hindi na kagaya kanina," tugon nito sa mababang tono habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Tinitigan din niya ito kaya naman nagpagkit ang mga paningin nila. "Ano ba ang nangyari?" kapagkuwa'y tanong niya. Nakita niya ang bahagyang pag-irap nito. Ganito ito kapag ayaw nitong pinag-uusapan ang isang bagay o isyu. Napailing siya at naiiwas ang mga mata pero hindi sinasadiyang napadako iyon sa maumbok nitong tiyan na nang kasalukuyang iyan ay tila tubig-dagat sa kalautan na pand