23 - Sculpture

3133 Words

PAGKARAAN ng halos dalawang linggong walang tigil na paghahanap kay Adrian ay nasumpungan ito nila Ndrew at Samuel sa isa sa mga hotel rooms sa isang expensive casino sa lungsod. Nagulat pa ito nang eksaktong paglabas nito sa pintuan ng inuukupa nitong silid doon ay makita sila. Tinangka pa sana nitong tumakbo pero maagap niya itong hinabol at naabutan. Kaagad niya itong hinataw ng suntok sa panga kaya natimbuwang ito sa gitna ng pasilyo. "Ndrew, tama na!" Awat kaagad ni Samuel sa kaniya nang makita siyang babayuhin pa ito ulit ng suntok sa mukha. "Madadale tayo sa ginagawa mo," bakas ang pag-aalala sa tinig at mukha nito. "Kaya nga kita isinama, 'di ba!?" nakaangat ang mga kilay na turan niya sa medyo mataas na tono. Hindi niya iyon nakontrol dahil talagang kumulo ang dugo niya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD