AMAYA!!! Patahimikin mo ‘tong puking inang anak mo naririndi ako sa kakaiyak! Napapitlag si Amaya dito sa kusina habang naghahanda ng almusal ng asawa niya. Sa gulat niya ay nasugatan pa siya sa dalire dahilan ng pag-agas ng dugo. Tinapat niya ito sa gripo upang mahugasan. “Amaya? Punyeta ka ihagis ko sa ilog ‘yang batang ‘yan!” Muling sigaw ni Eno kaya tumakbo siya patungo sa sala at naiwan ang sinaing niyang nag-uumapaw. Dinalohan niya agad ang isang taong gulang na si Abegail. Iyak ito nang iyak sa duyan bukod sa puno na ang lampin nito ay natatakot pa ito sa sigaw ng ama. “Hindi mo naman kailangan sumigaw, Eno. Kaya umiiyak ang anak mo kasi natatakot sa boses mong malakas.” Pagtatama niya ngunit sa lahat ng ayaw ng asawa niya ay sumasagot siya kaya sinampal siya nito at sa lakas ng palad ng asawa niya nasubsob silang mag-ina sa lamesa. Niyakap niya ang anak upang hindi ito matamaan ng upuan kaya ang mukha niya ang napurohan.“At kailan ko pa naging anak ang batang ‘yan? anak mo ‘yan sa ibang lalake kaya ‘wag na ‘wag mong ipapaako sa akin, putang ina ninyo mag-ina!” Mas lalong umiyak ang anak niya, tumutulo ang mga luha niya pero walang pakialam ang asawa niya. “Buntis na ako nang ipakasal tayo ni ama kaya dapat—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang lumipad sa ere ang kamay ni Eno at dumapo muli sa mukha niya. “Dahil napakalandi mo! ang paalam mo ay magtatrabaho ka lang sa Maynila pero bumalik kang buntis. Hindi mo lang ako iniputan sa ulo kundi binastos mo ang buo kong pagkatao!” “Hindi kita pinagtaksilan dahil kahit kailan hindi naman kita nobyo at lalong hindi kita mahal at kahit sa huling hininga ko, hinding-hindi pa rin kita mamahalin!” malakas niyang sigaw sa mukha ng asawa. Namilog ang mata ni Eno at ito na yata ang pinakamalaking kahihiyan na dinulot sa kanya ni Amaya. Nandilim bigla ang paningin ni Eno kaya sinabunutan niya si Amaya at nginudngod niya sa haligi. May nahawakan na matulis na bagay si Amaya sa gilid at mahigpit niya itong hinawakan. “Eno, Amaya? Hindi ba kayo titigil? malapit nang mag alas sais darating na si pinuno!” sita sa kanila ng tiyahin ni Amaya na tila mga batang naglalaro lamang sila. Binitiwan ni Eno si Amaya at ‘yon ang pagkakataon ni Amaya, bigla niyang tinusok sa mata si Eno kaya napasigaw ito at napaluhod sa sakit. “Amaya? Anong ginawa mo?” namilog ang mata ni Tiya Esme. Nanginging ang kamay ni Amaya at nabitawan ang kahoy na matulis sa dulo. Patuloy sa pag-iyak ang anak niya. “Tulong? Tulon—” “Huwag kang maingay, tiya. Huwag kang maingay!” tinakpan ni Amaya ang bibig nito. Tumahimik si Tiya Esme kaya dahan-dahan niyang binitiwan. “Tulungan mo akong makatakas rito, Tiya. Hahanapin ko ang ama ng aking anak siya lang ang makakatulong sa amin.” Pagsusumamo niya. Tumango-tango si Tiya Esme at napangiti siya niyakap niya agad ang tiyahin. Pagkatapos ay hinampas pa niya ng kahoy si Eno kaya hinang-hina ito. Kinarga niya agad ang anak niya at kinuha ang lata na alkansya niya. “Saan ka pupunta, Amaya?” tanong pa ni Tiya Esme. “Sa Maynila, Tiya. Naroon ang ama ni Abegail, ng aking anak.” Hindi kumibo si Tiya Esme kaya agad siyang tumakbo. Subalit sumigaw nang malakas si tiya Esme. “Mga ka-tribu, tatakas si Amaya! Mga ka-tribu, tatakas si Amaya!” Nanlumbay si Amaya nang sumigaw nang paulit-ulit ang tiyahin kaya nagsilabasan ang mga ka-tribu sa kani-kanilang kubo.Ngunit hindi nawalan nang pag-asa si Amaya. Mahigpit ang yakap niya sa sanggol habang binabaktas niya ang kakahoyan. Ngunit sa isang pana ang tumusok sa braso niya at agad siyang natumba. Sinubukan pa niyang tumayo pero natumba siyang muli nang masegunduhan sa binti niya. Si Eno pala ang nagpana sa kanya. Sa kabila ng tama nito sa mata. “Anak, huwag kang susuko, ah? makakatakas tayo dito, anak!” sunod-sunod na pumatak ang luha niya. Naabutan siya ni Eno at hinawakan siya sa buhok at itinayo. Sobrang sakit sa anit niya parang matatanggal ang buhok niya. Pero hindi niya pa rin binitiwan ang anak yakap niya ito nang mahigpit. “Tingnan mo, tumingin ka sa mga mata ko, Amaya!” nagtatagis na sigaw ni Eno. Hindi siya tumingin kaya hinawakan ni Eno ang panga niya nang mahigpit. Natatakot siya sa mga dugong umaagos sa mata nito. Subalit ang hindi niya akalain ni sa panaginip niya ay hindi niya inaakalang mangyayari ito. Biglang hinablot ni Eno ang anak niya na sa sobrang lakas nito ay binitiwan ni Amaya dahil mapipilayan si Abegail. Ngunit sa ginawa ni Eno, hinawakan niya ito sa leeg at hinagis sa ere. “Anak ko!!!” dumagondong ang boses ni Amaya, sa sobrang lakas ay abot sa karatig bundok. Tinakbo ni Amaya ang anak niya at sasaluhin niya sana nang itulak siya ni Eno kaya lumagapak sa lupa ang bata. “Anak? anak?” Nawalan ng lakas si Amaya upang tumayo kaya gumapang siya sa lupa at naabot ang paa ng anak niya ngunit sa kasamaang palad, nasawi ang bata. “Anak!!!” Kasabay ng paglamig ng katawan ng bata ay tumigil rin ang pag-ikot ng mundo ni Amaya.