Chapter- 9

2325 Words

Nagpatuloy ng pag-aaral si Shy at wala namang naging problema. Nakalimutan na rin niya ang pagbabanta ng mga kapatid ni Knight. Ganoon pa rin ang routine niya. Maaga siyang gumigising para asikasuhin ang anak. Papaliguan at pakakainin niya muna ito, bago niya asikasuhin ang sarili. Si Manang ang naiiwan kay Baby Syros. Nagpaalam naman si Knight na mawawala raw ito ng medyo matagal. Tumatawag naman ito palagi sa kanya para kamustahin ang kanilang anak. Hindi alam ni Shy kung nasaan ang binata. Ayaw din naman niyang magtatanong—takot kasi siyang magalit ito sa kanya. "Hija, okay lang ba sa iyo na dalhin namin si Baby sa mansyon? Para hindi ka rin masyadong mahirapan. Dapat mai-priority mo na ang pag-aaral mo. Anytime naman ay makakadalaw ka roon." "Señora, ipapaalam ko ho muna kay Señor

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD