Prologue
"You're new"
Napalingon ako sa pasyente ko ng bigla itong magsalita. Nabigla ako, akala ko ba hindi ito nagsasalita? Nasabi kasi sakin ni Grace, ang pang umagang nurse nito which is kaibigan ko na hindi niya pa ito narinig magsalita simula nang ma confine ito 2 days ago that's why I assumed na hindi siya nagsasalita. Hindi naman pala pipi, buti naman sayang ang kapogian ni kuya. He's bulky with muscles at the right places yung para bang hobby ang pag ggym. For sure may abs to! Napahagikgik ako sa naisip. May dark aura na nakapalibot sakaniya, isang tingin mo palang halatang hindi basta- basta. Halatang kaya kang ibalibag sa kama bes ayy! Ang ganda din ng mata nito halatang may lahi. Gray eyes, matangos na ilong, mahaba at makurba ang pilik-mata tinalo pa ako! And that lips oh my god! Natigil ako sa pagpapantasiya nang makitang tumaas ang kaliwang labi nito. Sobrang nakatitig na pala ako sakaniya.
"Done checking me out?" Nakataas kilay nitong tanong sakaniya.
"Ahh yes sir, I'm your new night shift nurse from now on. " Nakangiti kong tugon sa gwapong pasyente. Yes you read it right I'm a nurse na kakaasign palang sa night shift here sa Serenity Mental Hospital.
Tumango naman ito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. s**t baliw ba talaga to? Ang hot pati boses beh super hot. Napangiti ako ng palihim dahil sa naisip. Ang landi mo Evelyn! Sigaw ng isip ko na diko pinansin. Ano naman? Single naman ako kaya pwedeng lumandi duh. I checked his vital signs and blood pressure first. Nang matiyak na maayos ang lahat kinuha ko sa tray ang kaniyang hapunan. Nakatitig lamang ito sa akin feeling ko tuloy ang ganda ko ay maganda naman talaga ako no kaya siguro kung makatitig itong si sir ay wagas.
"I can do it."
Matigas ngunit masarap pakinggan na sabi nito nang uupo na sana ako para subuan siya. Madalas ko naman na kasing ginagawa ito sa iba kong pasyente kaya nasanay na ako. Marahan akong tumango at umupo sa upuan di malayo sa higaan niya. Kailangan kong hintayin siyang matapos kumain para masigurong iinom siya ng gamot. Marahan lang ang kaniyang pagsubo na para bang normal lang ito. Mabilis niyang inubos ang pagkain at binigay sa akin ang tray. Inabot ko naman ito at kinuha ang mga gamot na dapat niyang inumin ngayong gabi.
"Water miss-" bumaba muna ang kaniyang mga mata sa name tag na nakalagay sa kaliwang bahagi ng aking dibdib
"Evelyn"
Oh s**t! Mabilis akong kumilos at kinuha ang isang basong tubig para ibigay sakaniya. Nakakahiya nakatitig lang kasi ako sa gwapo niyang mukha. Ay teka bat ako mahihiya eh baliw naman to? Siguro naman di niya napansin yung katangahan ko no?
Nanginginig kong nilahad ang isang basong tubig sakaniya. Binigay niya naman ito sa'kin pagkatapos ubusin ang laman. Napalunok din ako ng makitang tumaas baba ang kaniyang adams apple dahil sa paglunok.
"Do you need something else sir?"
Nakatitig lang ulit ito sa'kin kaya naman ngumiti ako at tumango bago isa isang nilagay sa cart ang mga ginamit. This is my last patient na need bisitahin para pakainin at painumin ng gamot. After this makakapagpahinga na ulit ako hayyy sa wakasss! Dahan- dahan kong tinulak ang cart palabas.
"Evelyn"
Napalingon ako sa pasyente dahil sa tawag niya.
"yes sir?" nakangiti kong tugon.
"Goodnight."
Marahang sabi nito at namamalikmata ba ako nang nakita kong tumaas ang gilid ng labi nito? Nang tumingin ako ulit ay seryoso na naman itong nakatitig sa'kin. Namamalikmata lang siguro ako?? Hala ewan.
"G-goodnight s-sir heheh"
Nag aalangan kong tugon. At nakita ko ngang tumaas ang gilid ng labi niya! Shet ang gwapoo!
Nakangiti akong lumabas ng kwarto niya. VIP patient si Mr. Damian Del Mundo. Isang business tycoon na na diagnose ng suicidal behavior. Months before his wife died in an accident. Naconfine siya 2 days ago. Mukha naman siyang hindi baliw kinausap pa nga ako eh. Malamang baliw yun Evelyn! Kaya nga nandito sa mental hospital gaga! But so far, after niyang maconfine ay wala naman na itong ginawang pagtatangka sa buhay nito. Dinala daw siya rito ng kaniyang kaibigan na puro bandage. Galing pa silang ospital dahil sa pagtatangkang pagkitil nito sa kaniyang buhay at naisipan ng kaniyang kaibigan na dalhin ito dito sa mental hospital dahil sa kalagayan. Wala na rin itong ibang pamilya kaya naman ang kaibigan niya lang ang bumibisita rito. That's according to Grace nang nagtanong ako tungkol sa pasyente. Napabuntong hininga nalang ako sa aking naisip at pinag patuloy ang paglalakad.
"Tapos kana mag rounds?"
Bungad na sabi ni Earl sa akin. Sa aming grupo, kaming dalawa lang ang na assign sa night shift. Lima kaming lahat, si Grace, Jeyan, Anton, Ako at si Earl. Ayoko nga sana kasi ang eeri ng hospital kapag gabi kaso wala akong choice alangan namang magreklamo pa ako eh baka masisante pa ang disney princess na to.
"Sa wakas!"
pabuntong hininga kong sagot sakaniya.
"Ikaw tapos na?" balik kong tanong.
Tumango naman ito at naupo sa aking tabi. Magrarounds na naman kami after 1 hour para mamonitor ang mga patients. Nakakapagod but I chose this career path so kailangan ko tong panindigan.
Nagsidatingan naman ang ibang nurses at nagkwentuhan lang sandali tapos nagkaniya -kaniyang tayo agad dahil magrarounds ulit.
I have 4 patients na kailangang imonitor kaya inisa-isa ko ang kanilang rooms. Sinilip ko muna at nang makitang tulog ay pumasok na ako. I did my tasks checking their vital signs and blood pressure and making sure they're resting bago lumabas. Huli kong pinuntahan ang VIP room ni Mr. Damian. Pumasok naman agad ako ng makitang nakahiga siya. After I did my task tumalikod ako para umalis na ng biglang may humawak sa kamay ko.
I can feel the electricity na nanggagaling sa kamay niya patungo sa lahat ng parte ng katawan ko. Bumangon ito habang hawak padin ang aking kamay. Nakapatay ang ilaw at tanging ang sinag ng buwan lang na nanggagaling sa siwang ng bintana ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.
"s-sir do you need anything?"
Nauutal kong tanong sakaniya.
"hmm yes"
ako lang ba oh sadyang sensual ang pagkakasabi niya nun?
"what is it sir?" bahagya akong yumuko para makita ang mukha niya. Tumingin ito sa'kin, magulo ang buhok nito at namumungay ang mga mata at nagulat nalang ako sa sunod niyang ginawa.
Mabilis niyang nahanap ang batok ko at nilapat ang labi niya sa labi ko.
He's kissing me! For f**k sake! Oh my god!
Napapikit ako dahil sa lambot ng labi niya. Bigla niyang ginalaw ang mga labi kaya naman napaungol ako. s**t ang sarap! Nawawala ako sa huwisyo damn.
"hmm"
he's nibbling my lower lips and my knees are starting to be weak. Napaawang ang labi ko ng bahagya niya itong kinagat at mabilis na pinasok ang dila siya sa loob. f**k! Ginaya ko ang kaniyang ginagawa at mas ginanahan ng marining ang mahinang ungol niya.
Hinihingal kaming pareho ng matapos ang malalim na halikan. Magkadikit ang nuo at walang salitang namutawi sa aming dalawa. Nakahawak parin siya sa batok ko habang hindi ko namalayan ang mga kamay ko na nasa balikat niya.
"This is what I need"
Baritonong saad nito habang nakatitig padin sa labi ko.
"s-sir" pigil hininga kong saad.
Dinampian niya pa ng dalawang mababaw na halik ang labi ko bago niya binitawan ang aking batok at ngumiti.
"You should go back, someone might notice." He's smirking habang sinasabi iyon.
Bahagya akong nabalik sa huwisyo ng maalala na nagtagal ako sa pagrarounds s**t baka hanapin na'ko ng mga kasama sabay-sabay pa naman kaming nagrounds. Lumayo ako sakaniya at nahihiyang yumuko at kinuha ang dala at dali-daling lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang mahinang tawa nito bago ko naisarado ang pinto. s**t Evelyn! Why did you let him kissed you! Nanghihina akong napaupo sa upuan sa hallway habang hawak ang dibdib. Ang lakas ng t***k ng puso ko f**k! I can still feel his lips on mine. Bakit niya ako hinalikan? Ay mali bakit ko hinayaan? Wala sa tamang pag iisip ang tao kaya dapat ako ang umiwas!
"Arghhhh gaga ka talaga Evelyn!"
sasabunutan ko sana ang buhok ko ng maalala na baka magulo ang hairstyle ay tumayo nalang ako at naglakad pabalik.
"tagal mo ah"
Natatawang tanong sa'kin ni Earl. s**t mag isip ka ng dahilan Evelyn!
"Ah ano kasi medjo natagalan lang sa isa kong pasyente. Di pa natutulog kasi heheh"
Naghalikan pa nga kami. Nasabi nalang ng isip ko. Diko ata makakalimutan yun. He's a good f*****g kisser baliw ba talaga yun?