Umuwi kami ng anak ko bitbit ang ibang kakanin na hindi ko na ideliver sa ibang suki sa kalapit na tindahan ng paaralan,hanggang ngayon nasa isipan ko pa ang mga sinasabi sa akin ni Rhea kung hindi lang sana naging mahina ang loob ko sa panahong yun siguro ay may narating na din ako sa buhay.
"Mama gusto ko kain Jolibee po" naputol ang aking muni-muni nakalimutan kong kasama ko pa pala ang anak ko.
"nak sa susunod na lang mahina kasi ang bentahan ng tinda ni mama ngayon eh,pag nkapagsahod na lang ang papa mo promise kain tayo Jolibee ha" pinangako ko kasi ky Junior na dadaan kami sa paborito niyang fast food ngayon oras na makolekta ko lahat ang byad ng paninda ko hindi ko naman akalain na mgkikita kami ni Rhea doon tuloy nawalan na ako ng ganang maglibot pa.
"dami pa foods mama oh" turo ni Junior sa paninda ko
"okey lng nak ipapautang ko na lang to sa mga kapitbahay natin" pag aalo ko sa kanya,pagdating namin sa bahay ngtaka pa ako at bukas ang pinto nakita ko si Rino sa bakod kaya tinanong ko siya kung bakit napaaga ang uwi niya.
"o Rino ba't ang aga mo yata ha di ba pinabaunan kita ng tanghalian para iwas gastos sa gasolina ng motor mo" himutok ko sa kanya
"naalala mo ba si pareng Gabriel Lisa?yung ninong ni Junior" aniya
"yun bang matalik mong kaibigan na nag ninong kay Junior pero saglit lng na pumunta dito noon?" tanong ko
"oo yun nga tumawag kasi sa akin kararating niya lang galing States"
"eh ano naman ang kinalaman sa pagtawag niya sayo at parang nag half day ka pa talaga sa trabaho mo ah" padabog kong sabi sa asawa ko naiinis lang talaga ako bihira na nga lang may kumuhang pakyawan sa kanya ng absent pa talaga dahil lng sa pagtWag ng kaibigan niya"
"paano kasi Lisa tumawag papunta na daw dito sa bahay eh alangan naman pabalikin ko bumiyahe na papunta dito" habang kamot-kamot sa ulo.
Hindi pa natapos ang usapan namin ng asawa ko ng may bumusina na sa labas,dali-dali namang lumabas ang asawa ko para salubungin ito.
Pinagmasdan ko na lang ito sa bintana ng bahay naalala ko lang kasi ito noon na pumunta sa binyag ni Junior ngunit saglit lang at umalis agad ni hindi ko nga ito nkausap,nakita ko pa ang magara niyang sasakyan na pumarada sa maliit naming bakod sa harap,nka sunglasses ito halatang galing states ang aura matipuno ang katawan na halatang babad ito sa gym at mas matangkad pa ito ng ilang pulgada kumpara kay Rino,balita ko pa na may maraming negosyo daw itong pinamamahalaan sa ibat ibang panig ng bansa,sa katunayan siya ang nagma may ari sa pinakamalaking hardware dito sa
lugar namin,napakaswerte siguro ng babaeng nabingwit ng lalaking ito.
"nak halika may pasalubong na laruan para sayo ang ninong mo" dinig ko pa si Rino na tinawag ang anak namin,mabilis namang napatakbo si Junior at nag bless sa ninong niya patalon talon pa ito ramdam ko ang saya sa mukha ng anak ko habang hawak ang malaking laruan na robot idagdag pa ang mga pagkain at chocolates na imported.
Nag aalangan pa akong lumabas sa silid nahiya kasi ako sa hitsura ko duster na bulaklakin lng ang suot ko halata pang galing ukay-ukay,nag pulbo muna ako bago lumabas buti na lang natural na mapula ang labi ko ewan ko ba marami namang mga kaibigan ni Rino ang pumupunta dito sa bahay ngunit hindi ko maintindihan bakit naging conscious bigla ako sa ninong ng anak ko.
"Lisa si pareng Gabriel naaalala mo pa ba siya" ngiting tugon sa akin ng asawa ko,nakita ko pa na tinanggal ni pareng Gabriel ang suot niyang sunglasses at tumitig sa akin,mas lalo tuloy akong nawala sa aking sistema mas klaro ko na kasi siya sa malapitan at sadyang malakas talaga ang kanyang s*x appeal,nagpang abot pa ang aming tingin sa bawat isa nginitian pa niya ako at nakipagkamay sa akin.
"Hi mareng Lisa ako nga pala si Gabriel pasensya ka na noong binyag ng anak nyo hindi man lang tayo ngkausap flight ko na kasi yun papuntang states kaya nagmamadali talaga ako nun" paliwanag niya habang hawak ang kamay ko.
"ok lang yun pareng Gabriel importante ngayon nagkausap na tayo" sagot ko na ikinatawa niya.
"naku ang dami mong pasaĺubong sa amin nag abala ka pa" nahihiya kong saad sa kanya,nginitian niya lang ako kita ko pa ang mapuputi niyang ngipin.
Ilang oras din ang itinagal niya sa bahay nag inuman sila ng konti ni Rino nagdala kasi siya ng mamahaling alak galing states.
Naging abala din ako sa loob sa pag arrange ng mga pasalubong niya,sa tatlong taon namin ni Rino ngayon pa lang napuno ang pantries namin ng mga groceres galing kay pareng Gabriel nagdala kasi siya ng isang malaking carton na puno ng stocks ng groceres,hindi din magkandamayaw ang anak ko sa pagkain ng mga chocolates salamat na lang talga at nakalimutan na nitong kumain sa mamahaling fast food.
Hapon na ng umalis si pareng Gabriel niyakap pa niya si Junior at nangakong babalik ulit,tuwang tuwa naman ang anak ko,pero sa puso ko naawa ako sa anak namin ni Rino dahil sa hikahos ng buhay namin malimit lang namin siyang bilhan ng mamahaling laruan sa bangketa o di kaya sa Divisoria ko lang siya mabibilhan naiiyak pa ito dahil nasisira agad.
"Lisa heto oh bukas mamalengke ka sa talipapa" saad ni Rino inabutan ako ng libuhing pera.
"saan galing ito Rino" pagtataka ko.
"binigyan ako ni pareng Gabriel,ayaw ko nga sanang tanggapin dahil sa dami na ng pasalubong sa atin ipambili dw ng bigas at mga uulamin natin"
"Rino naman nakakahiya sa kaibigan mo bakit mo pa tinanggap?" pagmamaktol ko sa kanya
"pinilit nga niya kaya tinanggap ko na lang bawi daw yan sa tatlong taon na hindi siya ngbigay ky Junior" anito,kaya tinanggap ko na lang kahit nakakahiya man itinuring kong biyaya ang pagdating ni pareng Gabriel sa tahanan namin.