CHAPTER ONE
THIRD PERSON'S POV
"Bakit sa dinami-rami ng tao sa 'kin niyo pa talaga kailangan ihabilin ang babaeng iyan?" galit na tanong ni Zandrick sa ina niyang nagdesisyon nang hindi muna kinokonsulta sa kanya.
Nagkatinginan naman ang mag-asawang Kandrick at Aya, sila nga naman ang kaagad na pumayag sa pakisuyo ng kaibigan nila.
Hindi naman nila matanggihan dahil inaanak nila ang anak ng nasabing kaibigan.
"Sorry Zandrick, nahiya na kasi kami ng Papa mo na tanggihan. Inaanak namin kaya agad na kami um-oo, kinakapatid mo naman ang anak nila," rason ni Aya dahilan para matampal na lang ni Zandrick ang noo.
"Ano ba iyang babaeng iyan, bata? Bakit kailangan pa niyan ng bantay? Hindi naman siguro PWD iyan?" iritableng tanong niya at banas na nagpamaywang.
"Zandrick," pananaway naman ng Papa niya sa paraan ng pananlita niya.
He groaned and hissed at suminghal. Nilapitan naman siya ng Mommy niya sabay hinawakan siya sa braso para lambingin dahil alam nila na mainit na ang ulo niya.
"Anak, mabait naman ang dalaga. Hindi na rin siya batang paslit na alagain hindi katulad niyang iniisip mo, at mas lalo namang hindi siya PWD, she's just too young lang, she still need guidance—"
"Bakit nga ako ang kailangang tumingin diyan?" may roon niyang putol niya sa pagsasalita ng Mommy niya habang salubong ang dalawa niyang kilay.
"Wala akong balak maging isang guardian, Mom. Wala ba iyang mga kamag-anak? Ilan taon na ba iyan?" Umarko pa ang isa niyang kilay.
Bukod sa isa siyang negosyante, isa rin siyang pulis. Pinagsasabay niya lang ang dalawa niyang magkaibang propesyon.
Kaya hindi niya alam saan pa siyang lupalop kukuha ng oras para sa batang gusto ipalaga sa kanya? Tamang-tama lang ang oras niya sa trabaho at mga babae.
Kung may dadagdag pa, hindi niya na alam. Kaya siya nabubwisit kung bakit ang babaeng iyon na kinakapatid niya raw kailangang siya ang magbantay?
At saang lupalop naman niya hahagilapin ang oras niya para lang tingnan-tingnan ito? Kaya hindi niya talaga mapigilang mag-init.
"Kaka-18 niya lang, aalis ang parents niya para mag-asikaso ng mga negosyo nila sa ibang bansa kaya kailangan nila ng titingin sa anak nilang dalaga... and also about their relatives."
Umiling pa ito. "Ayaw nila kay Lorna, walang gustong makisama sa kanya sa bahay nila para tingnan-tingnan siya kaya inuwi nila siya ng Pilipinas."
"18?" Tinawanan niya lang ang sinabi ng inang edad nito pero agad ding nawala ang ngiti niya nang mapagtanto ang pangalang nabanggit.
Matagal bago na-proseso ng isip niya ang pangalang iyon habang nagsasalita pa rin ito siya namang nahulog na sa isang malalim na pagiisip...
This can't be. He laughed sarcastically.
"She's experiencing an extremely depression anak. Kaya nga nakikisuyo na sa iyo ang pamilya niya," saad pa nito kaya mas lalo pa siyang natigilan.
Kung sila ang may kailangan sa kanya bakit hindi siya ang rektang kinausap? And what? The woman has depression?
Bigla siyang natawa ulit at may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi pero isa lang ang nangingibabaw sa kanya, walang iba kundi galit at pagkabigla sa nalaman.
Dinaan niya na lang sa pagak na pagtawa. "Come on Mom..." Pagod na lang siya napalaylay ang magkabilang braso.
"Sa palagay niyo saan pa kaya ako kukuha ng oras?" tanong niya sabay napahilamos at napatitig na lang sa sahig, nagiisip.
Ngumisi pa siya, ngising hindi natutuwa at suminghal muli at nanatiling banas na nakapamaywang.
Nagkatinginan naman sina Kandrick at Aya pero ibinalik din naman ang tingin sa anak pero kita ni Zandrick na biglang ngumiti ang ina nang malisyoso.
"Well... you like pretty girls right?" His mother trying to hit his weak spot in a teasing way which made him groaned and he rolled his eyes. Alam niya na 'to.
"And sexy women?" dagdag pa ng ina niya kaya ang ama niyang si Kandrick natawa na.
Dito magaling ang Mommy niya ang mang-asar at kahit naman ang Papa niya ay alam na alam din ang labis na kahinaan niya... babae.
"Yes, I love pretty girls and sexy women and you know that, but it doesn't mean I will take obligations—"
"Kahit pa maganda at sexy?" Mapanudyo pa ngang ulit ni Aya kaya napalunok siya kasabay nang pagtiim bagang. Hindi siya nakasagot agad.
"Depende," seryoso niyang sagot kaya ang ngiti ng mga magulang niya ay mas lumawak. "Depende kung pasok ba siya sa panlasa ko."
Pero sa kabila ng pagpo-protesta niya may lihim nang naglalaro sa isipan niya. Pero kailangan niya muna makumpirma kung ang taong nasa isip niya at ang dalagang aalagaan niya ay iisa.
Pero imposible.
"Kapag nakita ko na siya, saka lang ako mag-de-desisyon kung aakuin ko ba siya," matatas niyang sinabi.
Wala siyang ibang maramdaman ngayon o maisip kundi kuryosidad lang tungkol sa babae na nabanggit.
Lorna... inulit-ulit niya sa isipan ang pangalan ng babae... hindi nag-pantay paghinga niya, halo-halong emosyon ang bigla niyang nararamdaman at nakabuhay ng loob niya.
Iisang babae lang ang kilala niyang nagmamay-ari ng ganoong pangalan, hindi niya kailan man malilimutan bata pa lang hindi na naalis sa puso't isipan.
Ang pangalang Lorna, hindi niya pwedeng makalimutan. Gusto niyang isipin na ito rin ang babaeng tinutukoy ng mga magulang niya pero hangga't hindi niya nakukumpirma, wala silang maririnig mula sa kanya.
Ngumiti naman si Aya bakas ang panunukso. "Malay mo naman... ang dalaga na palang iyon ang matagal mo na hinihintay baby pa lang," natawa pa ito kaya mas lalo siyang napatiim bagang.
Ayaw niya mag-assume, o umasa dahil matagal na noong inilayo ang batang nagngangalang Lorna na kilala niya.
And it's been 18 years baby pa ito noong umalis na kahit sa litrato hindi pa niya ulit nakikita kaya wala siyang ideya sa itsura na nito ngayon.
"Ibigay niyo sa akin ang mga impormasyong kailangan ko saka lang ako magdedesisyon," pinal niyang sinabi na may riin.
"Her name is Lorna Amore, 18 years old undergoing depression kaya inuwi na ng Pilipinas at nag-iisang anak na lang nina Marilou at Sebastian. Now, you know her."
Ganoon na lang ang paglagabog ng dibdib niya at natawa pa siya sa sarili pilit pino-proseso ang impormasyong narinig.
Imbis na maging masaya siya, kabaliktaran nang makaramdaman siya ng galit lalo na nang ulanin siya ng mga katanungan sa isipan na nag-iwan ng mga pala-isipan.