PROLOGUE
-------
Prologue- (One Night Stand to my Fiancee’s Ninong)
-
"I wonder, how will you pretend to be a virgin on your honeymoon with my godson?" nakangising sabi ni Harold sa akin, pero ang kanyang titig ay matalim, parang tumagos hanggang kaluluwa ko.
Aminado akong nabuhay na naman ang hindi ko maipaliwanag na kaba sa tuwing ganito niya ako titigan—na para bang sinasabi ng mga mata niya na may alam siyang hindi alam ng nakararami. Natatakot akong sirain niya ang buhay ko dahil lang sa isang gabi ng pagkakamali—isang gabi na dahil sa kalasingan, naibigay ko ang sarili ko sa kanya. Ang inilaan ko para sana sa unang gabi naming dalawa ni Andrew bilang mag-asawa ay naibigay ko sa kanya.
At iyon ang dahilan kaya nagkagulo- gulo ang buhay ko dahil sa kanya. Sa nakalipas na araw, wala siyang ibang ginawa kundi guluhin ang buhay ko. Pag nandiyan siya at kinakausap si Andrew, pakiramdam ko mababanggit niya bigla kay Andrew ang gabing pinagsaluhan naming dalawa.
Huminga ako ng malalim, sako ko sinalubong ang matiim na titig niya sa akin.
“Please, Mr. Fuentebella, nakikiusap ako. Pabayaan mo na ako. Hindi kita drinoga noong gabing iyon. Huwag mo naman sirain ang buhay ko,” pakiusap ko sa kanya. Nagsumamo ang titig ko.
“Sinisira?” Hindi ko napaghandaan ang gagawin niya. Bigla niya akong isinandal sa dingding at hinarang ng malaking katawan niya sa akin. He is pinning me against the wall. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa mo.
“Kung sa tingin mo sinisira ko ang buhay mo, ano sa tingin mo ang ginagawa ng inaanak ko? He deceived you, betrayed you, cheated on you, but still—you want to marry him? Talaga bang nakakatanga ang pag-ibig?”
I really don’t want to marry Andrew, pero kailangan ko siyang pakasalan. Hindi ako pwedeng umatras sa kasunduan. Ayaw kong biguin ang mga namayapa kong magulang, ayaw kong biguin ang tito ko. Inaasahan na ng tito ang pagpapakasal ko kay Andrew para sa posisyon niya sa kompanya. Kaya kailangan kong magbulag-bulagan at magkunwaring walang alam sa panloloko ni Andrew sa akin.
“He is a man. Natural lang sa lalaking tumikim ng iba,” hindi ko napigilang sabihin. Alam kong isa itong katangahan.
Isang malutong na tawa ang naging tugon niya sa akin—mapang-uyam ang kanyang tawa. Na para bang sinasabi niyang ang tanga ko.
Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ako dapat magpaapekto sa kanya. Kailangan kong gawin ang kung ano ang nararapat.
“Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Mr. Fuentebella?” Frustrated na ako sa mga ginagawa niyang panggugulo sa buhay ko. Gusto kong tigilan na niya ako.
“You know what I want, Bella. I want you to get rid of Andrew and marry me instead,” mariin niyang sabi, hindi inaalis ang matalim niyang titig sa akin.
Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko maintindihan ang intensyon niya.
“Bakit ba gusto mong magpakasal ako sa’yo?” frustrated kong tanong sa kanya. Napalunok ako at nilakasan ang loob ko para itanong ang isang bagay. “M-Mahal mo ba ako?”
Walang pagdadalawang-isip, isang malutong na tawa ang isinagot niya sa tanong ko, at mas lalo lang itong nagdulot ng kabiguan sa akin.
“Love?” natatawa niyang sabi. “I don’t know how to do LOVE, Arabella. All I know is how to F*CK.”
Naningkit ang mga mata ko, dismayado sa sinabi niya.
“All I want is a woman who will warm my bed. At napatunayan kong compatible tayong dalawa, kaya gusto kitang pakasalan. Alam ko kung paano ka nanghihina kahit sa haplos ko lang, kaya agad kang bumibigay sa akin. And no other man can awaken the desire in your body but me. No other man is allowed to claim you but me. You are mine, Arabella," aniya, idiniin ang bawat salita. Sinabi din ng titig niya sa akin na pagmamay-ari niya ako.
“No! Hindi totoo ang sinasabi mo,” naiiling kong sagot. “At saka hindi ako sa’yo. Hindi mo ako pagmamay-ari.”
“You became mine the moment I took your innocence.”
“Tumigil ka! Kahit wala si Andrew, hinding-hindi pa rin ako magpapakasal sa’yo. Hindi kita ma—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang inilapit niya lalo ang sarili niya sa akin, at halos isang dangkal na lang ang agwat ng mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko na naman ang natural niyang bango, at muling nagising ang sensasyon sa aking katawan. Nag-iinit agad ang pakiramdam ko kahit wala pa siyang ginagawa.
“Sa akala mo ba may pakialam ako kung mahal mo ako o hindi? Ang mahalaga ay compatible tayong dalawa sa kama. Tulad ng sabi ko, I don’t do Love, baby!” nakangisi niyang sabi.
Saka niya hinawakan ang panga ko at inangat. Mariin ang titig niya sa akin.
“Akin ka, Bella. Ngayon, tapusin mo na ang relasyon mo kay Andrew. Huwag mo nang ituloy ang kasal mo. Huwag mong hintayin na ako pa ang gagawa ng paraan para pigilan ito. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko."
Nanindig ang balahibo ko, at hindi ko mawari kung bakit. Takot ba dahil sa banta niya? O dahil sa masarap na sensasyong muling nag-apoy sa loob ko, ginising muli ang damdaming hindi ko kayang kontrolin?
-------------
This is the story of HAROLD, ang PI ng mga Montreal at Saavedra, at sa iba kong story. Kung reader ko kayo, kilala niyo na siya dahil madalas niyo siyang na- encounter sa mga story ko. He is self-made secret billionaire. 20 years age gap ito guys. This is just a fiction. Please drop your comment after.
-----------
-----------
Disclaimer Note: This story is purely fictional. It is based solely on my imagination. If any part of the plot resembles other stories, it is purely coincidental and unintentional. Any slight similarities to other stories are not deliberate. All rights reserved @sweetnanenz.
-
This novel is a work of fiction. Any resemblance to actual events, persons, or places is purely coincidental. The characters, storylines, and events portrayed in this book are the product of the author's imagination. The author has made every effort to ensure that the story is original and free from plagiarism. All rights to the content are reserved by the author.