WHEN THE WRITER FALLS IN LOVE

WHEN THE WRITER FALLS IN LOVE

book_age16+
219
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
lies
passionate
like
intro-logo
Blurb

She is complicated. Marami siyang inaabot, marami siyang pangarap, marami siyang nais patunayan. She's happy being single. Hopeless romantic nga sabi nila. Dahil ang buhay niya umiikot lamang sa pagsusulat wala ng iba pa. Deadline dito, deadline doon. Submit dito, submit doon. Masaya nang ganoon si Elly.

Until one day sa 'di inaasahang pagkakataon nang dumating sa buhay niya ang isang lalaking gusgusin at wala sa sarili na nakita niya sa Isla.

Ang lalaking pinangalanan niyang si Elias.

Sino nga ba ito? Mararamdaman kaya ni Elly ang pagmamahal sa unang pagkakataong sa binatang wala sa sariling katinuan?

Ano nga ba ang mananaig pangarap o pag-ibig?

chap-preview
Free preview
I THE ENCOUNTER
  TIKLAOK ng manok, tahol ng aso, at manaka-nakang hampas ng alon ang gumising kay Elly nang umagang 'yon. Pupungas pungas siyang napasulyap sa relo niya sa tabi niya mag-aalas-otso na pala ng umaga. Bagamat linggo hinayaan niya muna ang katawan mahiga sa malambot n'ya pang kama. Nakangiti siyang napatingin sa dalawang butiki sa kisame sa gilid ng bombelya na nagsisilbing liwanag niya sa dilim. "Mabuti pa ang butiki may lovelife." Nakangiti niyang bulong sa sarili. Napatikhim siya sa naisip. Ano naman kong lovelife sila' Sabay bawi niya sa mga naisip. Nagpasya siyang bumangon kunot-nuong napasulyap sa work table niya kong saan nakasalampak ang mga scratch paper niya na sinulatan niya nagdaang gabi. "Iyan ang lovelife ko." Aniya sa sarili. Sabay-sabay na dinampot ang mga naglaglagang mga papel na nakatulugan niya na. Natuon ang pansin niya sa binasang pamagat ng bago niyang nobela. (BE MY TEN DAYS DATE) muli niyang sinulyapan ang mga butiki sa kisame ng silid niya magkahiwalay na ang mga ito na kanina lang halos naghahalikan. "Tulad ni Ally at Thea. Magkakahiwalay rin kayo." bulong ni Elly sa sarili. Pagkatapos isalansan ang mga papel na ginawa niyang sulatan. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa dingding ng malaki niyang salamin nagpasya ng lumabas para ayusin ang sarili. May kailangan pa pala siyang ayusin sa munisepyo. Hinawi niya ang bintana para silipin ang paligid sa labas ng bahay niya. Kalmado ang dagat. May manaka naka na ring mga Turista sa gilid ng dalampasigan na sadyang nagpapainit para sa magandang panahon. Napakunot-nuo siya sa ilang surfer na nakatayo pa sa gilid ng dalampasigan. Wala pa kasi gaanong alon para ang mga ito'y magsimula nang maglaro sa alon at magpakitang gilas sa mga taong nandoon. "I love Siagrao." Malakas na sigaw ni Elly. Bata pa lamang siya pangarap niya na tumira sa isang lugar na malapit sa dagat para kasi sa kaniya mas marami siyang maiisip na mga kwento kong nakakakita siya ng alon. Mas maraming ideya ang pumapasok sa isip niya. At nang magtapos siya sa kolehiyo nagdesisyon siyang tumira sa Siargao. Ang islang noon pa man minahal niya na. "Elly, Elly," Narinig ni Elly na sigaw sa labas ng munti niyang bahay. Kunot-nuo siyang sumilip sa labas. Ang batang si Buknoy na madalas magdala sa kaniya ng isdang sariwa ang nandoon. Tiyak na may dala na naman itong isda na laging binibigay sa kaniya na kuha ng kuya Natoy nito. "Kamusta Elly?" bungad nito sa kaniya nang pagbuksan niya ang pinto. Ngumiti siya ng maluwag dito ganoon rin siya. Nagbaba siya ng tingin sa laman ng palangganang dala nito. "Kuha ni Kuya," aniya nito sa kaniya. Napataas kilay siya kilala niya si Buknoy malamang irereto na naman siya nito sa kuya nito. "Magkano?" tanong niya ditong nanatili ang ngiti sa labi niya. Nakaramdam siya ng saya ng makilala ang lamang dagat na dala nito ang paborito niyang Salmorete. "Bigay nga ni Kuya, Ate." Pagpipilitan nito. Umiling-iling si Elly. Pumasok siya muli sa bahay niya kinuha ang pitaka sa ibabaw ng lamesa niya kumuha siya ng singkwenta at inabot kay Buknoy. "Pambili mo tsinelas," abot niya dito. Laglag balikat na kinuha ni Buknoy ang perang nakasimangot na tiningnan siya. "Ayaw mo talaga kay Kuya?" Natawa siya sa tanong nito. "Bata ka pa Buknoy. H'wag mo muna pinag-iisip mga bagay na 'yan. O, siya salamat dito. Uwi ka na. Hinahanap ka na ng Kuya Natoy mo." Aniya sa bata. "Si Kuya Natoy na mahal na mahal ka Ate," sagot nito sa kaniyang natatawa. Napailing iling siya ng patakbong umalis si Buknoy. Muli niyang sinarado ang pinto niya. Pagkatapos linisin ang isdang sariwang bigay nito. Nagtuloy na siya sa banyo para maligo at makaalis na. "PATAY NA 'YAN!" Huling salitang narinig ni Santi bago siya tuluyang iniwan ng mga 'di niya nakilalang mga lalake. Muli siyang nagising sa gilid ng dalampasigan kong saang lugar hindi niya alam. Masakit ang ulong sinulyapan niya ang paligid. May ilan siyang mga taong nakikita na base sa nakikita niya tiyak na ibang lahi ang mga ito. Muli siyang napapikit ng maramdaman ang sakit ng ulo. Hinimas niya ang sintedo nakaramdam siya ng hapdi. Alam niyang may sugat siya at wala siyang maalala kong ano ang nangyari sa kaniya. Kong bakit siya nandoon sa bahagi ng lugar na 'yon. Nakaramdam siya ng kalam ng sikmura ng makita ang dalawang babaeng puting may kinakain habang nakaupo sa buhangin kaharap ang dagat. "Ano'ng nangyari sa'kin?" Tanong ng binata sa sarili. Pinilit niyang makaalala maging ang pangalan niya hindi niya maalala. Napalunok siya ng tuyong laway ng muling sulyapan ang dalawang babae na patuloy pa rin sa pag kain. Namataan niya ang babaeng papunta sa gawi niya. Pinagmasdan niya ito lihim. Nakatungo itong naglalakad habang ang mga tingin ay sa malawak na karagatan. Nakangiti maging ang mga mata'y kitang kitang niyang masaya ito sa nakikita sa paligid. MASAYANG pinagmamasdan ni Elly ang paligid. Maging ang mga turistang prenteng nakaupo sa malinis at nangingintab na buhangin dala ng sikat ng araw. Natuon ang pansin ni Elly sa lalaking nakaupo sa tabi ng puno ng niyog. Marumi ang suot nitong puting T-shirt. Napakunot-nuo siya tila ngayon niya lang ito nakita doon. Sabagay hindi niya naman halos kilala ang mga tao sa Siargao. Nilagpasan ni Elly ang binata nagpatuloy siya sa paglalakad kailangan niyang maging maaga sa Munesipyo para asikasuhin ang permit sa binabalak niyang Printing business sa maliit niyang space sa bahay niya. LIHIM na pinagmasdan ni Santi ang dalagang nilagpasan siya. Maliit ito balingkinitan ang katawan. Maganda ang makintab na mahabang buhok. Muli siyang napapikit sa kirot na naramdaman sa ulo niya. At 'di niya na namalayang makatulog dala ng sakit at gutom na nararamdaman.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
647.3K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
615.6K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
202.9K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Shotgun Wedding (Tagalog)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook