CHAPTER 2

2162 Words
Rea's POV "ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" malakas na sigaw ko.. Mukang tiba tiba ako sa school na ito. Mga mayayaman ang estudyante, panigurado karamihan sa kanila, masipag gumala.. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala silang time gumawa ng mga assignments at projects.. "Miss eto oh, nakalagay dyan ang number ko, kapag medyo busy ka at walang time para sa assignment mo text mo lang ako o tawagan, I'll help you.." sabi ko dun sa isang babae at inabutan sya ng isang tarhetang papel kung saan nakasulat ang cellphone number ko at yung mga serbisyong kaya kong gawin.. Maaga pa, pero mahaba na agad ang pila ng mga mag eenroll, buti na lang di kami sinasabay sa mga regular students, isa kasi ako sa mga scholar ng M.U.. Teka, dapat ko na bang ipakilala ang sarili ko? Pwede konti lang about me, kailangan ko pa rumaket eh.. Ako nga pala si Rea Snyder, 17 years old, first year college. At your service ^___^.. Ulila na ako, at wala akong pamilya na narito sa maynila, nakipagsapalaran lang talaga ako para maabot ang mga pangarap ko, di lang para sa sarili ko kundi para na rin------. "Miss! Mura ba ang serbisyo mo?" napaligon ako sa nagsalita. Langya, kitang nagpapakilala ang tao eh.. Ngitian ko sya.. "Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget mo.." sagot ko, may kasama syang dalawang lalaki.. Parang mga aso kung makangisi.. "Talaga? Kung ganun, pwede ka ba, mamayang gabi?" "Magaling ka ba gumiling?" tanong naman nung isa. "Eh bastos pala kayo eh!"-sagot ko, ang ayoko sa lahat yung binabastos ako, lalo na kung hipon lang din ang mambabastos, eh itsura pa lang ng tatlong ito, di lang ulo ang tapon pati katawan.. "Wag ka ng pakipot, pera lang naman katapat mo eh.."-hipon1 "Oo nga, papaligayahin ka na namin, magkakapera ka pa.."-hipon2 Sasagot pa lang sana ako, nang may bigla na lang humarang na napakadaming lalaki sa harapan ko, di ko makita mga mukha nila dahil nakaharap sila dun sa tatlo.. ----------------- Rosmar's POV "ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" napatingin kaming lahat dun sa babaeng sumisigaw ng sunog, este ng ano pala, ng... ewan..nalimutan ko na.. "Aba, ayos ang raket nun ah, mukang magiging madali ang college life ko sa tulong nya.."- sabi ni Howard Di namin sya pinansin, dahil kailangan nya talaga yun.. Tiningnan ko naman yung babae, may pinapamigay syang papel, ayos tinalo pa nya ang kumakandidato.. Medyo malapit na sya samin, nang may lumapit na tatlong lalaki sa kanya.. "Miss! Mura ba ang serbisyo mo?" tanong nung isang lalaki. "Mukhang di ko gusto ang ngisi ng tatlong yan, Dela Cruz , nasan yung dala mong sako?" napangiti ako sa sinabi ni Young, tiningnan ko ang jaguars, at lahat pala sila nakatingin din dun sa tatlong lalaki at dun sa babae.. "Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget mo.." sagot nung babae, di alintana ang intensyon nung tatlong pugo.. "Malaki pala ang matitipid ko.." komento na naman ni Howard. Taena, yun pa din ang nasa isip nya? "Talaga? Kung ganun, pwede ka ba, mamayang gabi?" "Tungunu! may assignment agad ang mga gago, papagawa na agad eh.."-Gibson "Magaling ka ba gumiling?" "Bakit may kasama pang giling? Ginigilingan na ba ang assigment at project ngayon?" tanong ni Howard.. "Karneng baboy lang ang ginigiling ulol!"-sabi ni Dela Cruz. "Ayos din ang kalibugan ng tatlong pugong yan ah, ke-aga aga naiinitan, hilahin ko kaya ang mga alaga ng mga hayop na yan.."- sabi ni Young.. Galit talaga ang taong yan, sa mga taong nambabastos ng kapwa.. pero wag kayo, yan ang nangunguna sa kabastusan ng jaguars, pero syempre sa grupo lang namin.. "Eh bastos pala kayo eh!" Nakahalata na si Miss.. Ngayon alam na nya na bastos talaga ang nasa harap nya. "Wengya, di na nahiya, mga wala namang mukha"-Young "Wag ka ng pakipot, pera lang naman katapat mo eh.." "Captain.." napasunod kaming lahat ng mapansin namin na lumapit na si captain dun sa apat.. Ayos, enrollment day pa lang ramble na.. "Oo nga, papaligayahin ka na namin, magkakapera ka pa.." Pumagitna kami sa kanila. Nasa likod namin yung babae.. "Di nyo ba alam na ang pambabastos ng babae ay di gawain ng tunay na lalaki?" panimula ni Turner.. "Agaw atensyon na nga, agaw eksena pa.. pwe!" sabi nung isa.. "hala!" napatingin kami kay Burns.. "Bakit tol?"-ako "Tingnan nyo yung lupa na pinatakan ng laway nya, umuusok!"-Burns. "pffttt taena may asido pala ang laway ng gago.." Young "Abat...yayabang nyo ah.. Baka di nyo kilala kung sino ang ama ko?" halatang naasar na yung parang pinaka leader nung tatlo.. "Ikaw nga di namin kilala, yung ama mo pa ba makilala namin? Utak naman dyan tang*na.."- Howard.. "Tang*na nyo, lakas nyo mangialam ah! kakasa na ba kayo?" asar na asar na ang tatlong pugo.. "Hindi.." sagot ni Howard. Di kami nagsalita dahil alam na namin ang sunod na sasabihin ng hinayupak na yan.. Nagtawanan naman yung tatlong pugo -__- "Yayabang nyo di naman pala kayo kakasa.." yabang na yabang sa sarili na sabi nung isa.. "Di kami kakasa, dahil di kami baril.."-Howard.. "Pffftt taena sinasabi ko na nga ba eh.."-Turner "Stop this fvcking lasciviousness of the three of you" kalma pa si captain ng lagay na yan.. Natahimik naman yung tatlo.. "Captain, di yata naintindihan yung sinabi mo, translate ko lang ha.." sabi ni Young at hinarap yung tatlong pugo.. "Ehem ehem, dangsin ui se, jeulgeoum hajeema, jugeulae?" -Young "Taena ka Young, nag alien spokening in dollars ka na naman!"-Burns "Gago, korean yun..di nga lang sigurado sa grammar"-Young Napafacepalm na lang ako.. Lahat ng estudyante samin na pala nakatingin. Di na yata maaalis ang tingin nila lalo na sa kagwapuhan ko.. "Ang dami nyong satsat, sapakan na lang ano?" hamon nung tatlo.. "Wengya, lugi kami, wala na kaming babasagin sa inyo, dahil natural ng basag ang mukha nyo.."-pang aasar ni Dela Cruz.. Kinuwelyuhan sya nung isang lalaki. Ngumisi lang kami.. Mukhang maagang sapakan ito.. "Freshmens!" napalingon kami sa nagsalita. Aww si Dean.. "Good morning Dean, ang blooming nyo ngayon ah.." pambobola ni Montereal.. Di pinansin ni dean si Montereal.. "Mr. Young, Mr. Dela Cruz and Mr. Gibson, what's with the topless thingy?" tanong ni dean, ng mapansin na walang damit yung tatlong ugok..Kilala kami ni dean dahil, isa sya nakiusap na maglaro kami para sa university.. "Eh dean, may pafree breakfast kami eh.."-Gibson "Free Breakfast?"-dean "Opo, eto po oh.." sagot naman ni Dela Cruz at pinakita yung abs nya.. "KyaaaaaaaaaaaahhhhH!!!" nagsigawan naman ang mga estudyante dahil sa ginawa ni Dela Cruz.. Players kami kaya natural na sa tulad namin ang magkaron ng abs sa murang edad.. "Let's have a coffee at my office then, all responsible on this scene.." sabi ni dean at nauna ng naglakad papunta sa office nya.. "Tungunu! kala ko pa naman, makakasapak na ako, yun pala sa office ang bagsak kasama ang mga gago.." reklamo ni Gibson.. "Gago! di mo ba narinig? magpapakape daw si dean, tara na kayo aba!"- Turner -------------------- Johnny's POV Success! Katatapos ko lang magbawas.. Pabalik na ako sa registrar kung saan nakapila ang jaguars.. Inikot ko ang paningin sa paligid, nasaan na ang mga gagong yun? Nandito lang sila kanina ah. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Burns.. Taena, pinatayan lang ako ni sunog. Maya maya nag vibrate ang phone ko. From: Taong Sunog (Burns) FprovblemhaA moUwh gHagowH? Tangna lakas maka-jeje, Agad akong nagreply, To: Taong Sunog (Burns) NhAsaAnN kHayouWh mGaH hAyouWpF kHayouWh? message sent! Kala mo ikaw lang nag-jejeje ha.. Habang naghihintay ng reply ay umayon na lang ako sa pag abante ng pila.. Bzzzzzzzt From: Taong Sunog (Burns) [Naka-uwi na kami gago, mag isa ka na dyan hayop ka] Wengya, tumae lang ako, nag alisan na sila? aba! matinde! [Wag kayong magpapakita sakin, mga hayop kayo] message sent! -------------------- Rea's POV Nandito kami ngayon sa deans office, takte ang agang record nito. T.T "Gutom na ako langya.." sabi nung isa sa mga lalaking tumulong sakin kanina.. "Kelan ka ba nabusog Howard?" sagot naman nung isa, kanina pa sila nagbabarahan, at di ko naman mapigilan ang di mapangiti sa barahan nila.. "Alam mo Young para kang kahoy, sarap mong ipanghataw.." sabi ulit nung gutom.. Ganyan ba talaga sila? Di nauubusan ng sasabihin.? Tiningnan ko silang lahat, yung isa abala sa pagtetext, yung iba naman tahimik lang halatang naiinip na.. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dean.. Naipaliwanag na namin sa kanya ang lahat ng nangyari kanina, hinihintay na lang namin ang desisyon nya.. "Pwede na kayong lumabas boys, maiwan ka Miss Snyder" sabi ni Dean, takte katapusan ko na, di pa man nag uumpisa.. Nasa may pinto na sila ng tawagin ulit sila ni dean.. "And one more thing, I don't wanna see that kind of scenes ever again..understand?"-dean "Yes Dean!" sagot nila.. "And Mr. Montereal, I called your dad.." "yeah, thanks for that Dean.." sagot naman nung isa.. "Ipapakilala ko kasi sya sa tatlong ito.." tapos inakbayan nya yung mga hipon na lalaki.. Nakayuko lang naman yung tatlo.. At tuluyan na silang lumabas.. Hinarap ako ni dean.. "And for you miss Snyder, you're not officially enrolled here in Montereal University, pero sasabihin ko na sayo yung mga bagay na dapat mong malaman as one of the scholars.." nakahinga ako ng maluwag.. Kala ko katapusan ko, mukhang kailangan ko ng umiwas sa mga hipon dito sa school.. --------------------------- Johnny's POV Malapit na ako sa pinakauna ng pila, makakapag enroll na din sa wakas.. Nakaalis na yung nasa unahan ko, ibig sabihin ako na ang sunod.. Ihahakbang ko na dapat ang paa ko nang bigla na lang may umakbay sakin.. "Tol, ang tunay na magkakaibigan, di nag iiwanan.."- Dela Cruz.. "Kaya dapat samahan mo kami sa dulo ng pila.." sabi naman ni Young.. "Mga hayop kayo, kayo nga tong nang iwan eh, kala ko ba umuwi na kayo?" "Akala mo lang umuwi na kami, pero hindi! hindi! dahil na office kami" madramang pahayag ni Gibson -__- "Oh problema nyo na yun.." sagot ko at akmang pupunta na sa window kung saan nag eenroll.. "Taena nyo, bitawan nyo ako, ang tagal kong nag hintay mga hayop kayoooo!! huhuhu!" sigaw ko dahil pinagtulungan nila akong buhatin.. Si Young hawak yung kaliwang paa ko, si Gibson sa kanan, si Dela Cruz naman sa kanang kamay at si Howard sa kaliwa..at si Freeman sa ulo ko nakahawak.. Ginawa pa nila akong baboy sa padali nila.. "WaaaahhhH wengya, tulooooong!! kidnaaaap!!" pero walang mabuting puso ang tumulong sakin.. "Ang gwapo naman naming kidnapper"-Freeman.. "Gago! Makukulong ka dahil dito, kaya ngayon pa lang mahiya ka na sa apelyido mo.." sagot ko kay Freeman.. Hanggang sa nakarating kami sa dulo ng pila, binagsak lang ako ng mga ulol sa sahig.. Tumayo ako pinagpagaan ang sarili.. "Welcome back Spencer.." niyakap pa ako ni Turner at Montereal.. "Wag nyo nga akong hawakan.." "Oy nagtampo si Spencer oh!!" sigaw ni Burns.. "Hawakan yan hahaha." sigaw naman ni Dela cruz at nilabas yung dala nyang sako.. "Taena nyo! Bitiwan nyo akooo!! Captaaaain!! tuloooong!!" sigaw ko na naman dahil pinagtulungan na naman ako ng jaguars na buhatin at pilit na nilalagay sa sako, puro sigaw na lang ang ginawa ko ngayong araw.. "Ano tampo ka pa ha?" maangas na tanong ni Gray.. "Taena ka, nagsasalita ka lang kapag p*****n na.." sigaw ko sa kanya, ngayon lang umimik ang gago wengya.. "Isako na yan.." anunsyo ni Gray.. "WaaaaahhhH!! Di naman ako tampo mga hayop kayo.. mahal na mahal ko nga kayo eh!!" sigaw ko ulit.. Binitiwan naman nila ako at niyakap, yung iba nambatok pa.. -__- Bumalik kami sa pila ng maayos.. Lumipas ang dalawang oras.. Naiinip na kaming lahat, maliban kay captain na maganda pa din ang pagkakatayo.. "Knock knock"- Burns "Who's there?" -Young "What can be.." "What can be, who?" "What can be bitiw bigla, what can be bitiw bigla, higpitan lang ang iyong kapit, maglalayag patungong langit." *facepalm* Kanina pa ang mga yan, pang tanggal inip.. "knock knock" - Montereal "Who's there?" Turner "Lactum" "Lactum who?" "I lactum move it, move it.." "Pwede pwede hahaha.. ikaw naman Young.."- Burns "Geh knock knock.."-Young "Who's there?"-Gibson "The hill and cow" "the hill and cow who?" "The Hill and cow ang sigaw ng puso ko,ikaw ang nasa isip ko, ang nais ko ay malaman mo, na mahal kita" "Whoaaa!!" at nagpalakpakan pa ang mga gago.. "Knock knock" napatingin kaming lahat kay Howard.. Tapos sabay sabay naming binaling sa iba ang tingin namin.. "Mga gago kayo, pansinin nyo yung knok knock ko.." himutok ni Howard.. "Tol, sure ka na ba sa course na kukunin mo?" nagkanya kanya na ng usapan ang jaguars.. Hard na kung hard, pero masisira lang ang araw nating lahat kapag pinakinggan pa natin ang knock knock ng taong yan.. Lumipas pa ang ilang oras at kami na ang nasa unahan ng pila.. Sa wakas nakapag enroll din.. 1 week from now, umpisa na ng klase..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD