Missing You

1324 Words
Vivian Pov Dalawang buwan na ang nakakaraan simula bumalik si Greg sa Dubai pero hanggang ngayon wala akong naririnig tungkol sa kanya. Nakaraang buwan pa ang huli naming pag - uusap at sabi niya magiging busy na daw sila dahil buwan ng ramadan kaya hanggang ngayon hindi na siya tumatawag. Kahit minsang text wala din siyang pinapadala. Anu ba ang nangyayari sakanya? Dati hindi siya pumapasok sa trabaho at natutulog na hindi ako nakakausap. Namimiss ko na siya! "Vivian, gusto mo bang sumama sa mall?" Tawag ni Mam Dana. "Dito nalang po ako Mam pero kapag kailangan ako, sasama po ako." "Hindi naman at kasama ko si Jay. Ayaw mo ba mamasyal?" Muli niyang tanong. "Hindi po muna maam." "Sige, ikaw ang bahala. Aalis muna kami." Hindi na ako lumabas sa aking kwarto pagkaalis ng aking mga amo dahil wala naman akong gagawin sa labas. Pero kapag andito lang ako sa loob lalo lang akong nakakaramdam ng lungkot. Halos gabi gabi may nangyayari sa amin dito ni Greg. Andito ang aming alaala na mahirap kalimutan. Ang bawat tawanan, iyakan, kulitan at mga pangakong pinanghahawakan ko. Pangakong hindi niya ako iiwanan at ipagpapalit. Pangakong mamahalin niya hanggat nabubuhay siya. Pangakong ipaglalaban namin ang isa't isa. Nalulungkot ako sa maraming alaala na dumadalaw sa aking gunita kaya naisipan kong lumabas muna at mamasyal sa pinakahardin ng mansiyon. Nilibot ko ang paboritong lugar ng Mam Dana at inisa isang tinignan ang mga magagandang bulaklak. Walang oras na hindi siya pumunta rito. Ngayon naiintindihan ko ang pakiramdam kapag andito ka. Lahat ng alalahanin mo ay kusang maglalaho dahil sa ganda ng paligid at ang magandang halimuyak ng mga bulaklak. Muli pa akong tumambay ng ilang oras bago bumalik sa loob ng bahay. Kumuha ako ng ilang piraso ng bulaklak at inilagay sa kusina ganun din sa aking kwarto. Pakiramdam ko nakakarelax ang amoy at nakakawala ng anumang mabigat na bumabagabag sa aking kalooban. Pagkatapos kong mailagay ang bulaklak sa aking kwarto ay bumalik ako sa kusina para tumulong sa paggawa ng panghimagasa na gusto ng mga bata dahil nagpaalam silang mag anak na kakain ng dinner sa labas. Tahimik akong tumulong sa kusina, dinampot ko kung anuman ang pwede kong maitulong. Hindi ako pinagluluto pero nakikialam ako dahil gusto kung matuto. Gusto ko ring matuto sa pastries katulad ni Mam Dana pero nanaig ang kagustuhan kong pasukin ang mundo ng fashion katulad ni Jasmine. Parehas kaming magkasundo kapag sa design ng damit ang pag - uusapan. Si David ang hindi ko alam kung saan ang forte niya for now. May pagkaseryoso siya sa lahat ng bagay eh bata palang. Sa dami naman ng negosyo ng kanyang magulang ay hindi na problema kung anu ang kanyang magiging trabaho. "Vivian iha pauwi na raw sina Mam Dana. Ihanda mo na ang kwarto at liguan ni David" Bilin ni Manang pagkatapos kong maghugas ng mga ginamit sa kusina. "Opo 'nay!" Nagmadali akong umakyat sa taas para ihanda ang magiging bihisan niya. Pagkatapos kong liguan si David at patulugin ay bumalik na ako sa aking kwarto. Sinubuka kong tawagan muli si Greg pero hindi ko pa rin siya makausap. Napabusangot akong ihinagis ang aking cellphone sa kama. Pumikit muna ako ng ilang sandali ngunit imahe niya ang aking nakikita. Greg anu na ba ang nangyayari sa'yo? Kumusta ka naman ba jan? Namimiss na kita! Naiiyak kong bulong sa hangin. Muli kong dinampot ang aking cellphone at pumunta sa aking f*******: para magpost sa aking status. 'I miss you munchkin!' Na sinamahan ko ng tatlong umiiyak na emoticon. Pinatay ko ang aking cellphone at inilagay sa ilalim ng aking unan sabay dumapa. Nagising akong nagkakagulo sa labas kaya nagmadali akong lumabas para makita kung anu ang kaguluhan. Hindi ko akalaing tinanghali na pala ako ng gising. Halos mahulog ako sa gulat pagkakita kung sino ang kalaro ng mga bata. "Greg!" Mahina kong sambit na tanging ako lamang ang makakarinig ngunit matalas yata ang kanyang pandinig para narinig ang aking bulong at lumingon sa aking gawi. Gustong tumalon ang aking puso sa tuwa pero pinigilan ko ang aking sarili dahil kasama niya sina Mam Dana at Sir Jay. Dahan dahan akong bumaba habang kinakalma ko ang aking sarili sa sobrang tuwa. Kung kami lang andito baka kanina pa ako tumalon sakanya. "Magandang umaga po sir Greg!" Pilit na ngiti kong pagbati. Naku ang hirap naman talaga magpanggap na hindi kinikilig. "Good Morning Vivian!" Malapad ang ngiti niyang bating sagot! Naku, Vivian pigilan mo ang sarili mong huwag lumandi kung ayaw mong matanggal sa trabaho at pulutin sa kalsada. Nagmadali akong pumunta sa kusina para magtimpla ng aking kape at uminom ng maraming tubig. Bigla akong nakaramdam ng uhaw! Goodness! Kaya ba siya hindi nagpaparamdam dahil babalik siya agad. "Vivian, samahan mo si Manang Tess maghanda ng welcome party kay Greg!" Sigaw ni sir Jay. Welcome party para saan? "Opo sir!" Sagot ko nalang kahit hindi ko alam kung bakit sila magpaparty. "Manang, bakit ho may party?" Tanong ko kay ate habang tinutulungang maglagay ng mga set sa labas ng garden. "Naku, nilipat si sir Greg dito ng kinakaptid ni sir Jay. Siya na ang magiging Marketing manager niya dito at hindi na babalik si Mam Dana sa opisina dahil buntis siya ngayon." Mahabang paliwanag ni manang. "Po! Talaga ho?" Gulat at hindi makapaniwala kong tanong. "Oo kaya tuwang tuwa rin ang mga bata dahil may makikipaglaro sakanila araw araw." Hindi ko alam kong lulundag ako sa tuwa. Gusto kong sumigaw sa tuwa pero pinigilan ko ang aking sarili pero ang aking ngiti ay hindi mapigilan. Tapos ko ng ayusin ang mesa. Nilagyan ko ng design ang mga table cloth dahil nakapag - aral naman ako kung paano ang gumawa ng table's curtain at maglagay ng ibat - ibang desenyo ng mga table napkins. Hindi ko lang gustong ipakita ang alam ko dahil hindi ko nasabing nakapagtapos ako sa aking pag - aaral pero hindi sinasadyang sa sobrang saya ko ay nakagawa ako ng iba't - ibang tables napkin na nakalagay sa gitna ng plato. Wala akong kaalam - alam na may nanonood pala sa akin sa di - kalayuan. Mukhang may mga iba pa silang bisista dahil may tatlong mahabang mesa na pang sampuhan ang nakahanda. Ilang sandali pa at nagsidatingan ang kanilang bisita. Ang iba ay nakita ko na sa kasal ni sir Jay pero ang isang grupo ng pamilya na paparating na may kasamang kambal ay hindi ko pa kilala. Nagkanya - kanya silang upo sa magustuhan nilang upuan at sinimulan ko naman salinan ng tubig ang kanilang mga baso. Hindi sinasadyang napatapat ako kay Greg. Pasimple niyang hinawakan ang aking pwet at bumulong. "I miss you so much sweetheart!" Sabay lagok sa kanyang hawak na wine. Napakaaga naman niya uminom ng wine, mukhang pang ilan na niya at halos maubos ang laman ng isang bote ng wine sa harapan niya. May caterer silang inimbita kaya kahit papaano ay hindi kami mapapagod. Tumunog ang aking cellphone, dinampot ko sandali at binasa ang text. "I'll see you later. By the way I saw what you did? I didn't know you're good in decorating. Thank you sweetheart. I love you!" Mahaba niyang text. Napangiti ako sakanyang text. "Doon ka sa kwarto mo mamaya! Hindi totoong namiss mo ako dahil halos dalawang buwan mo akong hindi tinawagan!" Kunwaring nagtatampo kong text sakanya. Pasayaw akong naglalakad pabalik sa kusina nung hindi sinasadyang may humila sa akin. "Ay!" Malakas kung sigaw. Bago pa ako muling sumigaw ay tinakpan niya ang aking bibig. "Sssshh!" "Greg!" Gulat kong sagot. "Sinong maysabi sa'yong hindi kita namiss huh! I miss you so much!" Kanyang galit na sagot at walang sinayang na sandali. Sinunggaban niya agad ang aking labi na may pagpaparusang halik. Napaungol ako sa sarap ng kanyang halik ngunit bumitaw siya sa paghalik sa akin. Nabitin tuloy ako! "I'll be with you later baby and don't dare accused me of not missing you!" Banta niya bago ako iwanan na nakatulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD