WADE FLETCHER
"Ang tagal na nating naglalakad! nasaan na ba yang si Black?!" naiinis na reklamo ni Kairo, Eh sa matagal na kaming naghahanap sa pusa ni Flame, masakit na nga yung paa ko. Ewan ko ba kung anong meron kay Flame at hindi maalagaan ng mabuti ang pusa niya, takte dinamay pa kami.
"Wag ka nang magreklamo, maghanap ka na lang" kalmadong saad ni Flame, kahit kailan talaga tong lalaking to, napaka astig eh hindi naman. kita mo, nagpapatulong pa sa paghahanap ng pusa.
"Masakit na paa ko!" Umupo na sa damuhan si Tristan dahil sa kapaguran, isa pa 'to, kung maka reklamo parang bakla. nakakainis talaga 'tong mga gago!
"I smell something different" Wika ni Luke na parang may inaamoy
"Gumagana nanaman yang pagka wolfboy mo, kung amuyin mo nalang kaya yung pusa?" Hindi niya ako pinansin at pumunta sa may mga halaman
"Guys! tingnan niyo!" mabilis naman kaming lumapit sa kanya, maliban nalang kay Flame, andun lang siya sa gilid nilalaro ang apoy niya, kung hanapin nalang kaya niya yung nawawala niyang alaga?
Nalaglag ang panga ko ng makakita ng napakagandang nilalang, para siyang prinsesa, may mahaba at pula siyang buhok, sa sobrang haba ay nakalatay ang buhok niya sa lupa. Nakasuot isya ng puting bestida na parang pantulog. Nakaupo siya sa d**o at paulit-ulit na hinahatak ang mga d**o.
"Papagalitan ako ni Doyle nito!" Naiinis na sabi niya sa sarili, kinakausap niya ang sarili niya? Bigla siyang tumayo at naglakad siya sa gilid ng ilog na lumilitaw, ngayon ko lang napagtanto na nakapaa lang siya.
"Okay lang yun! di naman niya ako mahahanap!" Tumawa siya ng malakas tapos nagpatuloy sa paglalakad at pinaglaruan niya ang mga bulaklak, pilit siyang pinapaalit ng mga Fae na nagbabantay sa bulaklak.
"Kailangan kong makabalik agad! baka magwala yung lalaking yun" Natataranta niyang sabi sa sarili at paulit-ulit na naglalakad sa isang dereksyon pero bumabalik.
Napangiwi ako, she's really cute and innocent but I have a feeling that she's not all in the head, if you know what I mean.
"Ang saya! di na ako babalik sa kulungan na yun!" Namamangha niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga lumilipad na isda tapos tumalon talon pa siya, napangiwi ako, may mental disability ba siya? baka yung kulungan na tinutukoy niya ay isang mental hospital?
Lumingon ako sa mga kasama ko, Nakatunganga rin sa kakaibang babae sa harapan namin.
"I love her smell" Bulong ni Luke sa sarili.
"Ang cute niya" Bulong din ni Kairo na kumikinang ang mga mata.
"She's a perfect girlfriend" Biglang na-activate itong pagkababaero ni Tristan. Napailing nalang ako.
"Wait guys, is that-"
And that's the story of the loudest scream I've ever heard.
LISANNA ELOISE ANTOINETTE MACAROV
"ang cute mo!" May nakita akong maliit at itim na pusa na naglalaro sa damuhan at may hinahabol na paru-paru. Lumapit ako dito at tinitigan niya ako gamit ang malalaki at bilog niyang mga mata, bigla akong nanggigil kasing laki lang siya ng palad ko.
"Meow"
"Ang cute mo talaga! " Hinimas ko yung ulo nito, gumawa siya ng ingay at mukhang nagustuhan niya ang ginawa ay humiga sa sahig. Nagpatuloy ako sa paglalaro sa kanya.
"Meow Meow" Nilaro yung mga daliri ko at marahan itong inagat "Bat ka andito? alam mo bang mapanganib dito? may amo ka ba?"
Napanguso ako, asa ka namang sasagutin ka ng pusa.
"Meow" Para akong tanga, kinakausap yung pusa
"Aiish! wag kang maingay! baka marinig tayo!"
"Ang cute niya talaga!"
"Bat siya gusto ni Black?"
Napalingon naman ako sa may mga halaman at nakitang may mga lalaking nakasilip dun, mabilis akong tumayo at napaatras at bumagsak sa lupa dahil napatid ako.
"Tss. mukha mo kasi! natakot tuloy!" sabi nung isang lalaki. Lumabas sila mula sa mga halaman kasama ang mga kaibigan niya yata.
Binatukang ng isang lalaking kulay kayumanggi ang balat ang isa pang lalaki na may pagkapayat "Aba! baka nga sayo natakot yun eh!" angal nung isa
"Uhh, Miss." lumapit sila saakin kaya mas napaatras ako hanggang sa bumangga ang likod ko sa puno
"W-wag kayong lalapit kundi, kundi--" hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil wala naman akong magagawa pero buti nalang at may nahawakan akong kalakihang bato "ihahampas ko sa inyo 'to!"
Pananakot ko sa kanila pero tumawa lang sila "hindi ka naman namin sasaktan eh, parang nagtatanong lang kung ano ang ginagawa ng isang magandang binibini dito" sabi nung lalaking matangkad at may matitingkad na damit na suot, kumunot ang noo ko, gumagana yung babaero radar ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at kinindatan ako
"Ang harot mo Tristan!" sabi ng lalaking may kayumangging balat.
"Harot mo mukha mo, sabihin mo nalang na nabibihag ka na sa mukhang ito" saka siya ngumisi kaya nagsimula nanaman silang magtalo
"Uhhh, what brings you here?" tanong nung lalaking singkit ang mga mata, parang palaging inaantok. Nakasuot din siya ng salamin.
"M-malay ko, but I don't speak to strangers so back off"
Sige lang Lisanna, magtapang tapangan ka lang! tumayo at ako naglakad paatras at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nung lalaki kanina.
"Miss, teka" hahawakan niya sana ako pero agad akong lumayo
humakbang pa ako palayo at nagvictory dance sa isip ko nung nakita kong hindi sila makalapit at mukhang gulat na gulat pero habang nagsasaya ako sa isip ko ay may nabangga ako at nakaramdam ako ng mabuhok
pagkatalikod ko ay napahiyaw at biglang napatakbo sa likod ng mga lalaki, Isang higanteng halimaw na parang oso pero mahaba ang buhok nito at walang mga mata, matutulis ang mga ngipin at malalaki ang mga kamay at paa.
"Grrraagghhhh!" biglang tumakbo ang halimaw sa dereksyon ko kaya kinabahan ako, Napahawak ako sa damit ng lalaking mukhang babaero pero nginisian lang niya ako.
"T-tulong"
"Ayaw namin, total hindi ka naman nakikipag usap sa strangers diba?" sabi nung isa na mukhang makulit, tiningnan ko ulit yung halimaw na palapit na wala kong nagawa kundi magsimulang maiyak, ito na ang katapusan ko, first time ko pa nga lang makalabas eh mapapatay agad ako!
"Ano ka ba Wade! tinatakot mo yung babae eh!" pananaway sa kanya nung lalaking singkit ang mga mata "pasensya naman!"
napapikit naman ako nungtatalunan na kami nung halimaw napatigil ako sa paghinga, so this will be the last! Goodbye freedom!
Pero hindi ito dumating sa amin. Napatigil ang halimaw na ilang metro nalang ang layo saamin. Pinipilit niyang makaabot sa amin pero parang may pader na hindi nagpapapasok sa halimaw.
"P-paano nangyari yun?" taka kong tanong sa kanila, ngumiti ng tipid ang babaero sa akin.
"Boundary" tipid niyang sagot. Bumalik ang tingin ko sa halimaw na pinipilit pa ring pakapasok. May lumapit la lalaki sa amin, mataas at may itim na buhok at may hikaw sa kaliwang tenga. Lumapit siya akin at akmang hahawakan ang ibabaw ng ulo ko. Napapikit ako at kinabahan bigla, h-hahalikan ba ako neto?
Pero walang nangyari, kinuha niya lang si Meow, ang maliit na pusa, mula sa ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"O-oy! meow ko yan!" reklamo ko, dahan dahan siya lumingon saakin at tiningnan ako ng masama "Shut up, this isn't meow, this Black and this is my cat." he stated coldly at nagwalk out
"M-meow" naiiyak ulit ako, mukhang nataranta ang iba kong kasama "W-wag kang iiyak! sa kanya talaga yun at papahiramin ka nun!" sabi nung isang lalaki.
Pinunasan ko ang mga mata ko at huminga ng malalim
"pwede niyo ba akong tulungan?" I think this is the best way to be safe at mukha namang wala silang gagawin saakin na masama, I should trust them. Mukhang hindi ordinaryong mundo ang pinasukan ko. I need people to help me.
"Para?"
"To find a new home."
--
END