DYING INSIDE TO HOLD YOU BOOK 2 CHAPTER EIGHTEEN

959 Words
Tatlong araw nagkulong si Matthew sa kanyang kwarto. Pati si Rayver ay hindi niya nagawang kausapin ang binata. Hindi naman sa takot siya pero binibigyan niya lang ito na makapagdesisyon kung ano ang tamang gagawin nito. Napaigtad pa siya nang tumunog ang telepono sa kanyang tabi, agad niyang dinampot iyun at iniangat para alamin kung sino ang tumatawag. "Hello?." wika nito "Hey! uuwi na diyan ang mag-iina ko, pakisabi kay Tenten ihanda niya ang mga gamit ng kambal," sabi ni Nathan na nasa kabilang linya. Nagulat si Rayver at tumahimik nang bahagya. "Ahhmm...Tenten is not here she went on a vacation she missed her dad," pagkakaila ni Rayver. Hindi niya kasi alam kung sasabihin niya ba na wala si Tenten dito dahil nagkatampuhan sila ni Tenten. "Okay, di muna uuwi sina Grace sasabay na lang sila kay Tita," sagot ni Nathan. "Sige couz, i'll tell you when Tenten is back," turan ni Rayver. Nagpaalam na si Nathan at nawala na ito sa linya. Nakahinga ng maluwag si Rayver, akala niya darating sila ngayong araw. Whew! muntikan na kami r'un ah...aniya sa kanyang isipan. Tumingala siya sa taas at napailing ito. Tingnan mo nga naman, si lamok may nasipsip na..bulong parin nito. Napatuwid siya ng upo nang makita niyang bumababa nang hagdan ang binata. Ngunit tiningnan lang siya nito mula ulo hangang paa at tumalikod ito sa kanya. "Napakaguwapo ko naman, bakit di mo ako napansin?" pagbibiro niyang sinabi sa binata. Tiningnan lang siya nito ulit mula ulo hanggang paa. Napangisi si Rayver at napapalatak. "Huwag mo ng tingnan yan, sadyang maganda ang aking katawan alaga yan," pagbibiro niya ulit sa binata. Inismiran lang siya nito. "Bye the way, Nathan called two minutes ago," seryoso niyang sabi rito. Napatingin sa kanya ang binata nang mataman. "I told him, Tenten is not here," matapat na turan ni Rayver. "What! sinabi mo?." gulat na sagot ni Matthew sa binata. "Don't worry, i told him she went to see her that," maagap na wika ng binata. Bumuntong-hininga si Matthew. "Seriously, go and fetch her," tapik ni Rayver sa balikat ni Matthew. Tumingin ang binata sa malayo. "Bakit di mo siya sundan?" patuloy parin ni Rayver. Hindi umimik ang binata. "Paano? ang tigre kaya n'un tapos idagdag mo pa ang napakaabnormal niya," maya- maya'y sagot niti. Napatawa nang mahina si Rayver. "Ano ba talaga ang nangyari?" seryosong tanong nito sa binata. Wala nang nagawa pa si Matthew kundi ikwento kay Rayver ang lahat- lahat nang nangyari. Nakanganga lang ito hanggang matapos magkwento si Matthew. "Hanep, napakatorpe niyo ni Nathan pero napakabilis niyong markahan ang inyong gustong markahan," umiiling na sabi ni Rayver sabay palatak. Binatukan siya ng binata at inirapan. "Alam mo, dapat amuin mo siya, may kasalanan ka kaya ikaw ang magpakumbaba," payo niya rito. "Paano? sabi ko naman sayo tigre 'yun," inis na sagot ni Matthew kay Rayver. Napangisi ang binata saka tiningnan si Matthew. "Hindi ko alam, takot na pala ang mga Inocencio ngayon," pangangantiyaw niya sa binata. Binatukan siya ulit nito na ikinatawa ng binata. "Seriously, go and fetch her, lambing lang ang katapat nu'n ikaw ang may kasalanan kaya magdusa ka siyempre magpapakipot pa iyun," patuloy ni Rayver. "Hindi ko naman hinalikan ang babaeng iyun ah...bwisit talaga!." naiinis paring tugon nang binata. "Alam mo, make a move before it's too late, magsisi ka huli na ang lahat galit na ang mundo sayo nu'n Matt," saad nito sa binata. Hindi nakaimik si Matthew. "Napakaresponsable mong tao sa paningin ni Grace, ano sa tingin mo ang masasabi niya sayo kapag nalaman niya ito," mahabang saad na naman ni Rayver. Natigilan si Matthew at biglang tumayo. "Let's go!." biglang yaya nito sa kanya. Kumunut- noo si Rayver. "As in, ngayon na?" paniniyak nitong itinanong. "As in now! " madiing sabi ng binata. Wala sa loob ni Rayver na sumunod siya sa binata. Kapwa sila lumulan sa loob ng sasakyan at mabilis na pinasibad ang kanilang sasakyan. Tatlong oras nilang nilakbay bago makarating sa lugar nina Tenten. Agad nilang ipinarada ang kanilang sasakyan at biglang nagsilapitan ang mga tao na tila ba nakakita sila nang artista. Samantalang si Tenten ay nasa likod ng bahay, nakahiga ito sa duyan at nakapikit pero buhay ang kanyang diwa. Suminghot siya nang maamoy ang pabango na pamilyar sa kanya. Agad siyang nagmulat at tumingin sa kanyang tagiliran. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakatayo doon si Rayver. Agad bumangon ang dalaga at tumayo. "S- sir, Rayver kayo pi pala! bakit po kayo nandito? may problema po ba? o dumating na po ba ang kambal?" Sunud- sunod na tanong nito sa binata. Natawa si Rayver. "Shhhh! hinay- hinay lang Ten, mahina ang kalaban," natatawa paring sagot ni Rayver. Pilit namang ngumiti ang dalaga sa binata kahit namumula ito. "So, hindi ka na ba babalik sa Villa?" diretsong tanong ni Rayver kay Tenten. Hindi kaagad nakasagot ang dalaga, pari siya hindi niya alam ang kanyang kasagutan. "Okay, pwede bang magbakasyon dito nag ilang araw?" pag- iiba ni Rayver ng kanyang tanong. "H- ho? eh, " naguguluhang tugon ng dalaga. Napangisi si Rayver. "Well, hindi ba ako o kami welcome dito?" tanong parin ni Rayver kay Tenten. Napayuko ang dalaga at namula. "Okay lang po, pero pagpasensiyahan niyo po rito kung anong meron," kimi niyang sagot. Lumaki ang ngiti ni Rayver. "Thank you, Tenten," nakangiting wika ng binata saka lumingon sa may sasakyan at sumenyas. Nagtataka ring sinundan ni Tenten nang tingin kung saan lumingon si Rayver. Natutop niya ang kanyang bibig nang makita kung sino ang bumaba sa kotse. Si Matthew!! sigaw ng kanyang utak. Tiningnan siya ni Rayver at nginitian siya na parang nakakaloka. "Opps! may kasama pala ako," sabi niya sa dalaga na pulang pula na at di alam ang kanyang gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD