Sunset Lullaby

Sunset Lullaby

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
sweet
bxb
gxg
bold
campus
highschool
musclebear
brutal
like
intro-logo
Blurb

Matagal ng may crush si Neri kay Cedrick until her happy crush turns into a serious love pero dumating naman si Erkan na may gusto kay Neri.

Who will she choose in the end? The one she's been yearning for? or the the one who yearns for her?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
I always had this fascination with my classmate, he has a color red hair, bilogang mga mata, makapal ang kilay tapos wavey ang mga pilik mata. He also has a hazel brown eyes who radiates whenever he smiles tapos sobrang pantay at puti ng ngipin kaya sa tuwing tumatawa siya hindi ko mapigilang itigil ang mundo ko pansamantala. He has been my classmate since elementary at swerte ko nga naman na kaklase ko pa rin siya ngayong highschool. He is Glen Cedrick Castillo, kilala sa school namin lalo pa at mahilig siyang magbasketball, a campus crush. Ewan ko ba kung kilala niya ako, sa dami ba naman kasing babae na nakakasalumuha niya araw-araw sa campus baka ni minsan hindi dumapo ang tingin niya sa akin. "Hoy, Neri!" Malakas akong kinalabit ni Mice sa tagiliran kaya inungusan ko siya. "Bakit ba?" Inis kung tingin sa kaniya. Inirapan niya naman ako pabalik, "kanina pa kasi kami salita nang salita rito tapos tulala ka naman diyan kay Castillo." Naiinis nitong wika. "Hoy! Bad words!" Sigaw ko sa takot na baka marinig kami ng iba naming mga kaklase. "Sus, kung hindi lang talaga focus ang mga kaklase natin sa pagfa-fangirling kay Glen ay mahahalata kana nila 'nu." Natatawa namang sabat ni Lisha. "Masyado ba talaga akong obvious?" Mahina kong tanong sakanila at baka may makarinig pa sa amin. "Girl, kaunting-kaunti nalang at lalapitan muna si Glen para magtapat ng feelings. Kaloka!" Sagot ni Ericka "Hindi naman niya ako kilala kaya bakit ko naman gagawin 'yun." Inirapan ko si Ericka dahil pambansang basher kasi siya. "Ang gwapo talaga ni Glen 'nu?" Mahinang wika ni Ericka pero rinig ko naman. I don't care if she has a crush on Cedrick, wala rin naman sa amin ang magugustuhan nun. Masyado kayang mataas ang standard nito, narinig ko kasi minsan na mas gusto niya ang mas matanda sa kaniya ng ilang taon at nalaman ko rin na may gusto siya sa Ate ni Miyuki–iyong kaklase namin na Japanese at nililigawan daw ito ni Glen ngayon. Happy crush ko lang naman siya kaya ayos lang. "Neri, nasagot mo na ba ang assignment natin sa math?" Tanong sa akin ni Lisha ng mapunta kami sa canteen. Tumango ako. "Oo, ikaw ba?" She shook her head. "Pakopya naman," pabiro niyang sabi pero hindi naman ako madamot kaya inilabas ko ang papel na may sagot na. Nagkumpulan silang tatlo sa lamesa dahil sa komopya sila sa sagot ko. Tiwala naman akong tama ang lahat ng nandiyan dahil pina-check ko kay kuya lahat ng sagot ko kagabi. "Mabuti nalang talaga at masipag si Neri kung hindi zero na naman tayo." Natatawang wika ni Ericka pero hindi man lang nagpasalamat sa kaniya. Ang totoo niyan hindi niya talaga feel si Ericka dahil naging kaaway ito noon ni Mice, Mice is my best friend since toddler at naging close lang sila ni Ericka dahil pinsan ito ni Lisha na sumasama lang din sakanila. Maldita kasi si Ericka and she's mean. Mice and Lisha thanks her at sinauli ang papel niya, sinilid niya naman kaagad sa bag at bumalik na sila sa classroom. Grade 11 na pala sila and they were all taking Humanities and Social Sciences as their strand as well as Glen. Nakita ko kaagad pagpasok palang ang red na hair ni Cedrick–no one know that I am calling him Cedrick inside my head. Glen is too used, para naman espesyal at ako lang ang tumatawag sa kaniya. Nasa pinakahuling upuan nakaupo ang lalaki kasama ang mga barkada nito. Ako naman ang nasa pinakaunang row dahil iyon ang sabi ng adviser namin na si Miss Venus. It was almost end of the school year at malapit na kaming mag-grade twelve. Tapos college na, saan kaya magka-college si Cedrick? Ako kasi sabi nila mama na dito nalang daw muna ako sa amin dahil baby pa raw nila ako and they don't want me away. Gusto ko pa man din sa school ni kuya sa Maynila pero kung hindi man ako payagan ay okay lang, masaya naman dito sa Negros. "Good afternoon, class." Dumating ang MIL teacher namin na si ma'am Gwen, ate siya ni Glen kaya nga magkatunog ang pangalan nila, e. They greeted her back. Nasa lahi na talaga nila Cedrick ang pagiging gwapo dahil sobrang ganda din ni ma'am Gwen at crush rin siya ng mga kaklase kong lalaki. "We will have a pairing activity this afternoon. Since we already discussed our lesson yesterday about media, I want you to be with your partner for the whole week. You will discuss with each other the pros and cons of technology and next Tuesday afternoon you will present your data. At saka hindi lang discussion ang magaganap all along the week, you also need to gather datas from your schoolmate on how technology affects them at iyon ang ipre-present ninyo next week, do you get me?" They all said yes, ma'am. Nagsimula ng magtawag ng mga pangalan si ma'am Gwen at partner sina Lisha at Mice, I just hope hindi ko ma-partner si Ericka dahil for sure ako na naman ang gagawa sa lahat at ayaw ko nun. "Neri Abigail Palomares and Glen Cedrick Castillo." Everyone gasped including me. Sa tinagal-tagal naming magkaklase ngayon pa lang kami naging magka-partner. Rinig niya ang panlulumo ng ibang kaklase niyang babae pero ng dumapo ang mata ko sa kay Mice at Lisha tanging mapanuksong ngisi lang ang nakita ko sakanilang dalawa. I heard Ericka retorted. Sorry nalang siya. "Go with your partners and you can now start planning on how to present everything on tuesday. Remember that I am setting a high look upon everyone that you will present me nothing but the best, only." Miss Gwen said seriously at alam niyang hindi ito nagbibiro. Lumapit sa akin si ma'am Gwen kaya kinabahan naman ako. "Neri. Ikaw na ang bahala kay Glen, masyado siyang behind sa klase ko. Please help him on this one." Masuyo itong ngumiti kaya tumango nalang ako. "Huwag po kayong mag-aalala, ma'am. I'll help him as much as I can." Ngiti ko sa kaniya. Gwapo nga si Cedrick pero dahil mas mahilig siya sa extra curricular activities at sports medyo behind siya sa mga academic thingy. Pero nakikita ko namang matalino siya, hindi niya lang talaga binibigyang focus ang mga aralin. "Uy, Neri, tulungan mo rin kami ni Dwayne sa amin a? Lintik talaga at nagkapartner pa kami." Kamot-kamot sa ulo na lumapit sa akin si Cristian. Natatawa namang lumapit si Cedrick kaya muling tumigil ang mundo ko at heto naririnig ko na naman ang huni ng mga ibon. "Mga basag ulo kasi kayo, gago." "Naku, okay lang Crist, tutulong ako sa abot ng makakaya ko." Ngiti ko sa kaniya dahil mukhang nahihirapan talaga siya. Nag-apir naman silang dalawa ni Dwayne sabay tapik ng malakas sa balikat ni Cedrick kaya sumimangot ito. "Tingnan mo itong si Glen, mabuti nalang si Neri ang kapartner mo kung hindi lintik kana naman sa ate mo." Natatawang umupo malapit sa kanila si Dwayne sumunod naman kaagad si Cristian. Umiiling namang natawa si Cedrick. Hindi na ako nag-aalala na ma-offend siya dahil magkaibigan naman silang tatlo at close pa. Normal nalang siguro sakanila na ganito mag-usap. "Buti nalang valedictorian itong kapartner ko, safe." Namula ako sa sinabi ni Cedrick. Para iyong compliment at first time akong na bigyan ng compliment ng crush ko. "Swerte mo pre." Nag-apir pa sila ni Cristian kaya nahiya naman ako. Hindi naman kasi sure kung valedictorian ba talaga ako dahil next year pa naman kami ga-graduate at marami pa ang pwedeng mangyari. At saka hard work lang naman ang lahat ng puhunan ko kung sakali and thanks to Cedrick for being one of my top most inspiration. "Huwag muna nating e-claim na valedic ako baka mausog pa." Mahina akong natawa pero hindi naman sila sumang-ayon. "Sino pa naman kasi ang makakatapat mo Neri? Mga basag ulo kaya lahat ng ibang strand." Seryosong wika ni Dwayne na sinang-ayonan naman ng mga kaibigan nito. "Hindi naman siguro." Mahina kong sabi. "Neri..." Napatigil ako sa pagsusulat sa notebook ko ng marinig ko ang boses ni Cedrick. Gulat ko siyang tiningnan. "Kilala mo name ko?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. "Oo naman, bakit parang gulat na gulat ka?" Mahina itong natawa dahil sa reaksiyon ko. Wow, all my entire journey this is the first time I heard him call my name. Nakaka-addict 'yun, pramis. "Wala lang," inikot ko muli ang ulo ko para harapin ang sinusulatan kong notebook. Sigurado ako na namumula ako ngayon dahil ramdam ko ang init ng pisngi ko. Ayaw ko namang makita ako ni Cedrick na ganito dahil baka isipin niyang may gusto ako sa kaniya—which is totoo naman pero ayaw ko kayang malaman niya, nakakahiya. "Kailan mo balak mag-interview?" Tanong niya, mabuti nalang lumayo ng upuan sina Dwayne kung hindi makikita talaga ng mga 'yun na namumula ako. "Ikaw? Kailan ba ang free time mo?" Hindi ko pa rin hinarap si Cedrick. Shock pa rin ako na kilala niya ang pangalan ko. Baka kasi kilala niya lang ako sa mukha. Tapos ito maririnig ko mismo sa bibig niya ang pangalan ko? Lord, thank you for the blessing of hearing. Gusto ko sanang tumili pero pinigilan ko muna ang sarili ko dahil nasa room pa ako at malapit lang ang crush ko, baka isipin pa na baliw ako. "If you want we can have it done tomorrow." Suhestiyon nito na agad ko namang tinanguan. Wala rin naman akong gagawin bukas, kaya okay lang din. "Anong oras ba?" Doon na ako bumaling ng tingin sa kaniya dahil ramdam ko na nawala na ang pamumula ng pisngi ko. "Siguro sa lunch time nalang para free din ang lahat, if it's okay with you." Sagot nito. Mas natitigan ko ang mukha niya at gwapong-gwapo talaga siya. Kung hindi lang talaga alam ng school na ganiyan lang ang kulay ng buhok ni Cedrick baka expelled na ito. "Okay lang sa akin, sila Cristian baka gusto nilang sumama while we conduct our interview para na rin hindi sila mahirapan." Suggest ko dahil humingi naman ang mga ito ng tulong. "Sige sabihin ko." Tumango siya at muling bumalik sa kaniya upuan sa may likura. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya at nakipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya. Masaya lang ako buong araw dahil kilala ako ng crush ko. Nakangiti lang ako sa lahat kahit na matatalim ang ibinibigay ng tingin sa akin ng grupo nila Cheska. Halatang inggit dahil gusto nito si Cedrick. Possessive yarn? Bakit jowa ba sila? Ako nga may crush pero hindi naman nagagalit sa mga babaeng lumalapit kay Cedrick, bakit ko naman gagawin 'yun, e nagkaroon pa ako ng kaaway, wala naman kaming relasyon ng lalaki. Tsaka nalang ako magseselos 'pag may karapatan na ako nu. "Hulaan ko, masaya ka dahil sa crush mo nu?" Sinundot ni kuya ang bewang ko ng umuwi ako sa bahay ng nakangiti. Inirapan ko lang siya dahil basher din kasi siya. "Ano naman sa'yo ngayon Nuk Adrian?" Tinaas ko ang kilay ko sabay pamewang. Palibhasa kasi hindi siya crush ni ate Aliana kaya ganyan. Sus! "Hey, swetie." Bumaba si mama sa hagdan at agad naman akong niyakap. "kamusta ang school?" Tanong niya sa akin sabay kalas sa yakap at naglakad papuntang kusina. "Naku, ma. Ngiti-ngiti iyang Neri dugyot mo dahil na naman doon sa crush niyang pulang buhok na mukhang manok." Sinimangutan ko si Kuya dahil sa sinabi niya. "Ma, oh! Palibhasa kasi hindi ka gusto ni ate Aliana. Mukha ka kasing tilapia." Inirapan ko siyang muli. Kainis. "Tumigil nga kayong dalawa d'yan. Ikaw Nuk tulungan mo ako rito, tsaka sweetie, magbihis kana darating na rin ang daddy mo. Let's all have our early dinner." Mahabang sabi ni mama kaya bago ako umakyat sa itaas, binilatan ko muna si kuya. "Loser." Belat ko kay kuya, mas natuwa naman ako ng sumimangot siya. Asar talo naman pala. "Hoy, Neri Abigail kuya mo pa rin ako!" Naiinis nitong sigaw pero tumakbo na siya paitaas. Ewan ko ba diyan sa kapatid ko ang hilig-hilig mang-asar pero kapag naman napikon umuusok ang ilong. Graduate na pala sa college ang kuya ko tapos tambay lang muna siya sa bahay dahil hindi pa siya nagta-take ng board exam para makakuha ng license sa engineering. Best in math 'yan no'ng grade 1 kaya sa kaniya ako nagpapa-check ng mga sagot ko. Tumatama naman, minsan. Papa ko engineer, tapos si mama ko ay negosyante. She owns a caffe nearby. Dinudumog naman iyon ng mga estudyante dahil malapit lang sa paaralan. Malayo nga lang sa school ko ngayon pero kapag weekend doon ako madalas nakatambay dahil tumutulong rin ako dahil weekend ang madalas maraming order for deliveries sa mga pastries na bini-bake ni mama. Suportado naman namin siyang lahat especially papa na kapag walang work ay doon din nakatambay para tulungan si mama. I love how cool my parents relationship is. Para lang silang magbabarkada si mama at papa, palaging nasasabayan ang trip ng bawat isa. Dahil may project ngayon si papa busy siya sa site nila pero kapag wala naman ay focus naman siya sa farm namin. He doesn't want to leave us kaya naisipan niya nalang mag venture sa farming dahil may lupa naman kami rito na namana ni mama kina lola. Ayaw niya kasing kumuha ng project na malayo sa negros at hindi siya nakakauwi kada araw sa amin. Ang sweet talaga ng mga magulang ko, naku. "I cook your favorite, anak." Hindi pa man ako nakalapit sa lamesa pero agad ko ng naamoy ang mabangong adobo ni mama na hindi lang naman ako ang may paborito. "Para namang ewan si mama, akala ko ba para sa amin din 'yan?" Tampo-tampuhan ni Nuk Adrian. Papalambing lang 'yan. Akala mo naman ikina-gwapo niya. Susmaryosep! Kay laki-laking tao puro pabebe lang naman alam lalo na kay mama. Pinaghila ako ni papa ng upuan kaya humalik ako sa pisngi niya. Hindi pa siya nakapambahay kaya kararating niya lang siguro. "Thanks, pa." Nagsimula na kaming kumain. Walang nagsasalita sa aming tatlo dahil focus na focus lang kami sa paglamon dahil sa sobrang sarap ng adobo ni mama. Kahit ulamin ko pa ito araw-araw, okay lang. "How's your day, hon?" Binasag ni mama ang katahimikan ng lahat. Muntik pa ngang mabulunan si papa dahil ang daming kanin ng nasa bibig niya, mahina naman kaming natawa ni kuya. "Hayaan mo muna kasing makakain si papa, ma. Mukhang hindi pinakain sa site nila, e." Natatawang wika ni kuya kaya malaki ang ngiti ni papa. For sure, sarap na sarap lang din 'yan sa kinakain niyang adobo. This is what I like about my fam, they are all cool and easy to be with. Para lang kaming magbabarkada lahat dito pwera nalang pagseryoso na ang usapan. "Kanina pa ako gutom, busy kasi masyado. Ang init-init ng ulo ng matandang hukluban kanina, akala mo naman talaga." Pagsusumbong ni papa kaya natatawa naman kaming umiiling. Nasa construction site daw kasi ang CEO ng pinapatayo nilang building at utos daw ito ng utos na akala mo naman alam lahat. "Tomorrow is friday, what's our plan?" Tanong ni mama sa amin. Nakasanayan na rin kasi na may ginagawa kami kada byernes ng gabi. Minsan dinner date sa garden, minsan lalabas kami para doon kumain or manonood ng sine. Friday night until sunday night is family time. Kapag linggo ng umaga sabay kaming magsisimbang apat tapos kain ulit. Bonding na nakasanayan na namin. "Kayo ba? Saan ninyo gusto pumunta? Ikaw sweetie?" Papa asked, ewan ko ba sakanila at sweetie pa rin ang tawag sa akin. Wala naman akong specific na plan tomorrow night. I look at kuya to ask him if he has an idea but he also shrug his shoulder. Pwede naman kaming dito lang sa bahay. Manonood nalang kaming netflix. "Dito nalang tayo, pa. Paluto nalang ulit tayo kay mama ng adobo." Suggest ko na agad naman nilang sinang-ayunan. Tumulong ako kay mama sa pagliligpit dahil wala naman kaming hired na katulong. Kuya and I grow up not having a nanny or house maid, tinuruan kami ni mama sa gawaing bahay kaya iyon na ang kinasanayan. Ayaw kasi ni mama na sanayin kami sa mga bagay na need daw for survival. Kailan daw naming matutunan ang gawaing bahay for our future purposes. "Ma, ako na po ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin." Lagay ko sa mga plato doon sa sink. Umakyat na si papa sa taas para magbihis while my brother went into the garden. Papakainin na naman nun ang mga koi fish na alaga niya. O edi kaya tatawagan si ate Aliana at kakamustahin, torpe kasi. Best friend niya kasi si Ate since Elementary sila tapos hanggang ngayon hindi pa rin masabi-sabi ni kuya na gusto niya si ate. Ewan ko ba sa kaniya. "Thanks sweetie. Pupuntahan ko lang ang papa mo sa taas dahil baka nahihirapan na naman iyong makahanap ng susuotin." Tumango ako at umiling. Si papa talaga. "Susuotin na nga lang dito sa bahay, hirap na hirap pa rin iyang si Nick!" Dagdag ni mama na ikinatawa ko. No wonder papa is so dependent with my mom. Nakasanayan na kasi na si mama lahat ng pumipili ng susuotin niya kaya kapag wala si mama talagang inaabot ng siyam-siyam si papa sa pagpili ng damit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.2K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.8K
bc

His Obsession

read
99.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook