2
Ngayong araw ay sasalubungin ng buong Emperyo nila Sandford ang mga bisita na nagmula pa sa Espanya at nagtungo dito sa Rio de Janeiro, Brazil. Ito ay ang Hari ng Alhambria na pinagtatakhan nila na ngayon lang napunta sa Embrio at sa hindi pa nila alam na pakay nito. Narinig na nila ang pangalang King Arric Barrone o ngayon ay King Arric Zion na dahil sa napangasawa nito na sa pagkaka-alam nila ay leader ng Dark Eyes Pack na si Maximus Zion.
Dahil nga nasa linya sila ng mga royalties ay naimbitahan ang amang Hari nila noon sa Alhambria para sa koronasyon nito, pero sila ay ngayon palang ito makakaharap at makikilala.
Lahat silang magkakapatid ay nakasuot ng Parliament Robe o ang pormal na kasuotan nilang mga nobility. Ito ay kulay pula na full length garment wool at may collar na makapal na white fur. Sarado ito sa harapan na tinalian ng isang itim na laso, pero nakabukas sa right side para sa kanilang kanang kamay. Mga miniver bars o kulay gold na oak-leaf lace ang matatagpuan din sa may kanang bahagi ng roba, indicating ng kanilang mga posisyon 4 oak-leaf para sa Duke, 3 and a half sa Marquess, 3 sa Earl, 2 and a half sa Viscount at 2 sa kanilang Baron.
Nasa unahang trono ang kanilang panganay na Duke Duke Jinko De Blanc. Sunod ang Marquess Marquess Loki De Blanc. Siya ang nasa pinakagitna, Earl Sanford De Blanc. Katabi niya ang pang-apat nila na si Viscount Sebastian De Blanc. At lastly, ang bunso nila na si Baron Rade De Blanc. Dahil masama pa rin ang kundisyon ng kanilang amang hari at sinabi ng Royal Doctor nila kanina na hindi pa ito maaring mapagod ay sila na ang haharap kay King Aaric.
Tumunog ang mga horn na pinapatunog ng mga Royal Servants na nakatayo sa magkabilang gilid ng malaki nilang pinto hudyat na ang kanilang bisita ay nasa likod na noon. Bumukas iyon at bumungad sa kanila ang isang magandang lalaki na sa tantiya niya ay nasa 5'5 ang taas. Nasa aura nito ang isang taong may mataas na antas as the man gracefully walk papasok na tila ba ito ang may hawak ng mundo. Though, his beautiful smile glows dahilan para mapaupo ng tuwid ang katabi niyang si Sebastian at ng masulyapan niya ito ay nakita niya ang nanunuring mga mata nito at napakagandang ngiti sa mga labi.
Napailing siya. Huwag kang magkakamali Sebastian, may asawa na iyan. Ani niya sa kaniyang isipan.
Agaran silang napatayo sa kanilang mga trono at sa pangunguna ng kanilang kapatid na Duke ay nagbigay galang sila sa Hari ng Alhambria. Aaric is wearing a beautiful golden coat na may silver fur sa kwelyo, black tie and a pair of golden boots. Katabi nito ang sa tingin niya ay Beta nito at may mangilan ngilan din itong kasamahang mga Epsilon.
"Your Highness. Welcome to our empire, Embrio." pormal na ani ng kanilang Duke at hinalikan ang likod ng palad ni Aaric na kinabigla pa nito maging ng Beta nito.
Pipigilan sana ng Beta nito na hawakan ito ng Duke, pero agaran itong pinigilan ni Aaric. In their Empire, kissing the back of the hand of someone with a high status like them is a form of respect.
Nang si Sebastian na ang hahalik sa kamay ni Aaric ay may marahas na kamay ang tumulak sa dito. Sinalubong sila ng nagbabagang mga mata ng isang lalaki na may kulay tsokolateng buhok at halos kasingtaas lang din nila na 6' and above. Matalim sila nitong tinignan isa-isa at halos iyakap na si Aaric sa katawan nito. May isa ding Beta na tumabi dito at base sa suot nitong itim na coat na nadedesenyuhan ng mga kulay ginto na laces, sa tingin ni Sandford ay ito ang asawa ni King Aaric.
"Maximus!" suway ni Aaric sa dito at dahilan din para magkatinginan silang magkakapatid.
It is really the Maximus Zion. Anas niya sa kaniyang isipan at sa ikalawang pagkakataon ay umiling.
"Bakit hinayaan mong halik halikan ka nila?" baling nito sa asawa. "At kayo "
"Maximus pumormal ka! Nasa teritoryo nila tayo." panunuway ng asawa nito sa dito at kahit galit man ito ay tila tuta itong nanahimik bigla. Namamangha siya sa nasaksihan.
Tumikhim ang Duke nila at pagkuway pormal na nagsalita.
"Desculpa, your highness." (Sorry, your highness.) Pormal na ngumiti ang Duke nila kay Maximus. "We don't have any lustful intention to your partner; it is just our sign of respect. Sorry if you misunderstood."
Kahit amoy niya ang nakakahalimuyak na amoy ng isang omega kay Aaric ay hindi siya natatablan noon sapagkat siya nga ay nagtatake ng Rut Suppressant Pills. Pero sa kanilang lahat alam niyang si Sebastian ang nahahalina dito, expected sa kapatid niyang 'playboy' kung i dedescribe niya. Ramdam din ang bigat sa atmospera dahil sa inilalabas na Alpha Pheromones ni Maximus at alam niyang malakas ito.
"No, we are the one who have to say sorry, Duke Jinko, first son of Maison De Blanc. Naging bastos ang aking asawa." nakita niya ang pagporotesta ni Maximus, pero palihim itong kinurot ni Aaric kung kaya nagmumukmok ang mukha na nanahimik na lang ito. Tumingin din si Aaric isa isa sa kanila. "Kinagagalak ko na makilala at makita na kayong lahat, De Blanc Noblemen."
Tumango sila sa dito at nagbigay din ng galak na makilala din sa wakas ang Hari ng Alhambria.
Nang maupo na sila sa pahabang lamesa sa gitna ng palasyo na napupuno na ng pagkain ay agad na nagtanong ang kapatid nilang Duke sa pakay ng pagbibisita ng mga ito doon. Naka-upo sa magkabilaang dulo ng mesa ang Duke at si King Aaric, habang sila ay nasa gilid ng Duke at sila Maximus ay nasa gilid ni King Aaric.
"We found a dead Omega sa kagubatan ng Madrid at nagdadalantao iyon. Nadiskubre na ang bata ay nabibilang sa angkan ninyo." Ani Aaric at sabay na napatingin ang Duke, Marquess at Baron nilang kapatid sa kanilang dalawa ni Sebastian.
As an Earl, he must know the crimes involving their people and empire at si Sebastian as a Viscount or watcher, he must know the attacks or threats that will or occured around their people or empire. Palihim niyang naikuyom ang kamao. Bakit hindi nila dalawa nalaman agad ito? At sino ang omegang iyon? Bagabag niyang ani sa isipan at sigurado siya na isa sa mga concubine nila iyon.
"How did you know na sa amin nga iyon?" sa wakas ay nagkaboses na siya para magtanong.
Bumaling sa kaniya si Aaric at pormal na ngumiti.
"This is the first time I saw people na gaya niyo na may kakaibang mga mata. A blue and a red one. Ganoong ganoon ang mata ng paslit na dinadala ng Omegang namatay at natuklasan din ang kakaibang dugo na meron kayo. Wala din kaming ideya na kayo pala ay mga lobo din at may rare type na condition, kung hindi lang dahil sa insidenteng ito."
Alarmang napaupo sila lahat ng maayos at nagkaroon ng tensiyon sa paligid. Maging ang sarili niyang inner wolf ay bigla ding umalma.
Calm down, Laxus. Pagpapakalma niya sa kaniyang inner wolf.
"Sino ang gumawa ng imbestigasyon o nakatuklas noon? Kayo ba, your highness?" sarkastiko na ani ni Sebastian na agad namang sinamaan ng tingin ng Duke nila.
Si Maximus ang sumagot kapatid niya.
"Karrim Brahman. Pinakapinuno ng Iron Wolf Pack at isa ding Prinsipe. Alam kong kilala niyo siya." preskong ani nito na sinita din ni Aaric. Ngumuso lang ito kay Aaric, tila nagtatampo ulit.
"Karrim Brahman, I know that man. I met his father during one of our King's meeting sa lugar nila." ani ng Duke nila na tumango tango sa tinuran ni Maximus. "So? Now that you've known our secret, are you our friends or foe?" nahimigan niya ang halong tensiyon at pagseseryoso sa boses ng Duke.
Alam niyang wala silang kakayahang lumaban at umaasa lang sa mga Royal Servants nila kung kaya natetensiyunado sila.
Isa pa, sino sa dalawang kapatid niya na Duke at Marquess ang ama noong paslit at kaninong concubine iyon? Takha niya pang ani sa kaniyang isipan dahil silang dalawa pa lang naman ang nagpapalahi sa kanila.
Sino din ang pumatay dito at bakit naroon ito sa Madrid? Dagdag tanong niya pa sa sarili.
"Rest assure Duke Jinko, we are just here to inform you about this matter and Mr. Brahman also wants to hundred percent assure you that your secret is safe. If" bahagyang natigilan si Aaric. "… if a leak may occur dahil hindi pa natin alam ang mga mangyayari, we will lend our hands to protect you and Mr. Brahman will also take responsibility. "
Iyon ang sinabi nito na bahagyang nagpakalma sa kanila, pero hindi maipagkakaila na nasa delikadong lagay pa rin ang kanilang Sigma.