Naalimpungatan si Graciela at bumalikwas nang bangon.
Nanaginip siya!
May isang lalaking hindi niya makita ang mukha nito ang dumalaw sa kanya. Bumangon siya at nilibot niya ang kanyang paningin. Nagulat siya ng makitang wala na ang mga ginamit niya kanina, nakaayos na ang mga ito.
Napaisip siya, sigurado naman na natulugan niya ang mga 'yun at hindi iniligpit. Padapa pa nga siyang natulog katabi ang kanyang mga gamit.
Nasapo niya ang kanyang mukha. Sino ang nagligpit ng mga 'yun? Tanong niya sa kanyang sarili. Natataranta siyang lumabas ng kanyang kwarto at bumaba papunta sa sala.
"O, andiyan ka na pala Grace, come on let's eat na." Yaya ni Madam Cess sa kanya.
Lumingon siya rito at tumango siya. Marahan niyang hinila ang silya at naupo na siya.
"Papasok ka na pala bukas, sabay ka na lang sa akin." Sabi ni Matthew na nakangiti sa kanya.
Tumikhim si Nathaniel.
"Sa akin ka na lang sasabay," giit naman ni Rayver.
"Hindi! Sa akin na, may bibilhin ako sa Mall." Pilit naman ni Matthew.
"Talaga?" Dilat na sinabi ni Rayver.
"Oo, bakit?" Dilat ding sabi ni Matthew.
"Sa akin siya, sasabay." Walang anu- ano'y wika ni Nathaniel.
Natigilan ang dalawa at sabay na tumingin ang dalawa sa binata. Tumingin ito sa kanila.
"May problema?" Tanong nito.
Namilog ang mata ni Matthew at ngumiti.
"Okay! Sabi mo, eh!" Ani nito at sumubo na.
Habang si Rayver ay ngising- ngisi naman at kinindatan si Matthew. Pinandilatan lang ito nang binata at nagpatuloy na ito sa pagkain.
"Stop that! Nahihiya na tuloy si Graciela," sabad ni Madam Cess sa kanila.
At tiningnan niya ang dalawa ng pairap. Kumunot- noo ang ginang at huminga nang malalim.
"Sa late niyong bumabangon, mala-late na rin si Grace niyan. Kapag kayong dalawa ang kasabay niya," sermon nito sa dalawa.
"Tita, I said okay! Hindi na siya sasabay sa akin," sagot ni Matthew.
"Di ba, may bibilhin ka sa Mall? sabay na tayo!" Baling naman ni Rayver kay Matthew.
"Ayokong sumabay sayo, ulol! " Irap ni Matthew at iningusan ang binata.
"Bah, kung ayaw mo 'di huwag!" Ani nito at umingos din at kumain na.
"O, siya kain na!" Putol ng ginang sa dalawa at napatuloy na sila sa pagkain.
Panaka- nakang tinitingnan niya ang tatlo, para namang hindi sila napipikon kahit nagbabangayan. aniya sa kanyang isipan.
Biglang tumingin si Nathaniel sa kanya. Napaigtad siya at nilunok bigla ang kanyang kinakain. Bigla siyang uminom para kumalma siya.
Para kasing napapaso siya sa mga tingin nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng pintig ng kanyang puso kapag tinitingnan siya ng binata.
Kaya, minadali niya ang kanyang pagkain upang makaalis na siya sa hapag- kainan.
Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siyang papanhik na siya sa kanyang kwarto. Hindi kasi siya mapakali 'pag kasama niya si Nathaniel. Ninenerbiyos siya na 'di mawari. Tinanaw ni Nathaniel si Graciela, mabuti naman para maaga itong gigising bukas sabi nito sa sarili.
"Anong tinatanaw mo, riyan?" Untag sa kanya ni Rayver na ngising- ngisi.
Kunwaring patay malisya niya itong tiningnan. Hindi siya sumagot, nilapagsan niya lang ang binata.
"Sus! Kunwari ka pa, bakit namumula 'yang punong tenga mo aber?" Pambubuska ulit ni Rayver sa binata.
Wala sa sariling hinawakan ni Nathaniel ang kanyang tenga, mainit nga 'yun. Mahina namang napatawa si Rayver sa ginawa ni Nathaniel.
Inis na nilingon ito ng binata at kaagad na binatukan. Nahimas naman ni Rayver ang kanyang batok at sumimangot.
"Kung anu- anong pinagsasabi mong, ugok ka!" Singhal ng binata rito at nagmartsa na paalis.
Napangisi si Rayver at napailing- iling.
"Hoy! Tandaan mo, Nath actions speak louder than voice!" Pahabol na sabi ng binata.
Kumaway lang si Nathan at tuluyan na itong umakyat papunta sa kanyang kwarto. Naiwan namang bubulong- bulong si Rayver at nagpasya na ring tunguhin ang sariling kwarto.
Maaga nagising si Graciella. Naligo na siya at nagbihis. Nagpasya na siyang bumaba ng makaayos na siya. Nadatnan niyang kumakain si Nathaniel. Napatigil siya, pinagmasdan niya ito habang nakatalikod ito sa kanya.
"Dont stare me like that! Come and eat," biglang sabi nito at nilingon siya.
Napaigtad siya at namula. Dahan- dahan siyang umupo. Nilagyan ni Nathaniel ng ham at sinangag na kanin ang plato niya. Lalo lang siya nahiya at namula.
"From now on, eat with me quietly." Titig nito sa kanya.
Nagbaba siya ng tingin. Tamilmil siyang kumain dahil sa hiya.
"Kainin mo lahat yan, little Grass." Utos nito sa kanya.
Agad siyang tumalima at tumango. Kinain nga niya lahat. Nginitian siya nito.
Napatitig siya sa binata. Mas guwapo pala ito 'pag nakangiti nakakainspire... para itong chinese actor sa mga napapanood niya!
Biglang piningot ni Nathan ang ilong niya upang matauhan siya. Namula siya ulit at napayuko.
"Little grass, next time don't sleep with your things." Kapagkuwan ay wika nito.
Nagulat siya at nanlaki ang mga mata niya. Naalala niya ang nangyari kahapon, meaning ito ang nagligpit sa mga gamit niya.
" Thank you!" Mahinang sagot niya dahil hiyang- hiya na talaga siya.
Siya pala ang nagligpit ng mga gamit niya!! aniya sa isip niya.
Napapikit siya, gusto niyang maglaho ito sa harapan niya dahil sa hiya.
"Let's go!" Untag nito sa kanya at hinila na naman siya sa kamay.
Inalalayan siya nito papasok sa sasakyan. Nayon lang niya napansin, may dalawa pala itong bodyguard bukod sa driver.
"Siya si Mang Kanor driver ko, sina Tyrone at Samuel mga bodyguards ko." Pagpapakilala nito.
Ngumiti siya at tinanguan niya ang mga ito.
"Graciela," maikli niyang tugon.
Ngumiti ang mga ito at tumango, saka pinausad na ni Mang Kanor ang sasakyan.
"In case nagtatanong ka kung saan sila nakatira, may bahay sa likod ng villa. Sila lahat nakatira roon, maliban kina Manang Cely at mga kasama niyang katulong. May quarters mga 'yun malapit sa kusina." Paliwanag ng binata sa kanya.
Tumingin siya dito at tumango siya.
"Sina Mang Ramon at Gascon, may quarters sila sa garahe kasama nila yung dalawang guards na sina Panfilo at Chester." Patuloy ng binata.
Ngumiti siya dito at muling tumango.
Andami pala nila sa villa!! Anang niya sa kanyang isipan.
"Yung driver ni Matthew na si Eric umuuwi, yung driver naman ni Rayver na si Tony, kina Mang Kanor nakatira sa likod." Si Nathaniel pa rin.
Tumango- tango siya. Ngayon, alam na niya lahat at nagpapasalamat siya rito para hindi na siya tanong ng tanong kay Manang Cely.
"Salamat sa info, Sir Nathan." Kimi niyang sagot.
Tumingin ito sa kanya at piningot ang ilong niya. Ngumiti ito nang bahagya at muling tumingin sa daanan.
"I will pick you at exactly, eleven thirty. " Sagot nito sa kanya at tumigil na ang sasakyan.
Nakarating na pala siya sa school.
Hindi pala niya namalayang nasa school na siya. Tumango siya at ngumiti. Ilang sandali pa ay bumaba na siya ng sasakyan.