Episode 1
Chapter 1
Tthird pov
Dalawang magkasunod na putok ang narinig ni Raynier. Kitang-kita niya kung paano nabuwal ang katawan ng isang lalaki sa lupa. Parang hayop lang kung patayin ni Mario Morales, ang lalaki na nasa harap nito kanina.
Walang awa niya itong pinatay.
Hindi makaalis si Raynier, sa pinagkukublihan niya dito sa may abandonadong lote na kabibili niya lang upang tayuan ng subdivision. Subalit hindi niya inaasahan na sa paglilibot niya rito ay masaksihan niya ang kademonyuhan ni Mario.
Hina-hunting siya ng mga ito, dahil isang linggo pa lang ang nakalipas ng mapatay niya ang kapatid ni Mario dahil muntik na nitong gahasain ang ex-girlfriend ng matalik niyang kaibigan.
"Boss, ano ang gagawin natin sa labi ng lalaking ito?" tanong ng tauhan ni Mario rito.
"Hayaan natin na mabulok ang katawan ng lalaking ito rito. At hanapin niyo Raynier Zeun dahil siya ang isusunod ko. Kapag hindi ko siya napatay isa sa mahal niya sa buhay ang paglalamayan!"
Nagtagisan ang mga ngipin ni Raynier, ng marinig ang sinabi ni Mario. Napakuyom pa sya ng kaniyang kamao.
Talagang hindi siya titigilan ni mario hangga't hindi siya mapapaslang. At ang iniisip ni Raynier ay ang mga mahal niya sa buhay.
Ilang sandali pa umalis na sina Mario at ang mga tauhan nito at iniwan ang labi ng lalaki na kinuhanan nila ng buhay.
Nang makasigurado ni Raynier, na tuluyan ng umalis sina Mario ay dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan ng lalaki na binaril ni Mario.
Sa dibdib ang tama nito, subalit nakita niya pa itong gumagalaw.
"Buhay ka pa dadalhin kita sa hospital." nagmamadali na hinawakan ni Raynier, ang lalaki.
May pilit itong dinudukot sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay ibinigay nito kay Rayinier, ang isang bracelet.
"I-ibigay mo-" Hindi pa nga natapos ng lalaki ang sasabihin nito ng malagutan na ito ng hininga.
Pinilit pang gisingin ni Raynier ang lalaki, subalit wala na talaga itong buhay.
Napatingin na lamang siya sa kanyang kamay na duguan habang hawak ang isang bracelet.
Napapakamot na lamang siya ng kanyang ulo dahil hindi niya alam kung kanino niya ibigay ito.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Narinig niya ang tunog ng serena. Ilang sandali pa ang lumipas napapalibutan na pala siya ng mga pulis.
Nilagay niya sa bulsa niya ang bracelet. "Huwag kang gumalaw itaas mo ang iyong kamay!" Utos sa kanya ng pulis habang tinututukan na siya nito ng baril.
Itinaas ni Rainier ang kaniyang mga kamay.
Kinuha ang kanyang kamay at pinusasan. "Sir, hindi po ako pumatay sa kanya. Nakita ko kung sino ang pumatay sa kaniya!" sabi pa nito sa pulis.
Nang makit nito ang mukha niya bahagya pang nagulat ang pulis na nagposas sa kaniya.
"Mr. Zeun Harris, ikaw pala iyan," wika ng pulis sa kanya na parang natatakot ng mapag-alaman na siya pala ang hinuhuli nila.
"Kalagan niyo ako. Hindi ako pumatay sa kanya. Si Mario Morales, ang pumatay sa kaniya!" mariin na wika ni Raynier, sa kaniya.
Tinanggalan siya ng posas. Hinilot-hilot niya pa ang kanyang pulsohan.
"Pasensya na, Mr. Harris. Subalit totoo ba ang sinabi mo? Si Mario Morales ang may kagagawan nito?" Paninigurado pa na tanong sa kaniya ng pulis.
"Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano niya binaril ang taong iyan na walang kalaban-laban at alam niyo na rin siguro kung gaano kademonyo ang Mario na iyan? Bakit hindi niyo pa rin mahuli-huli ang hayop na iyon?" Nagtatagisan ang mga ngipin ni Raynier habang tinatanong niya iyon sa mga pulis.
"Kailangan namin ng sapat na ebidensya para mahuli ang mario na iyon Sir. Sa ngayon kailangan mo munang magpalamig o magtago, tiyak na ikaw ang mapapagbintangan sa nangyari dahil ikaw lang ang naabutan namin rito," sabi pa ng pulis kay Rayinier.
Ilang sandali pa isang ginang ang patakbong pumunta sa kinaroroonan nila.
"Aljun!" Sigaw ng ginang at dali-dali itong lumuhod sa harap nang nakahimlay na lalaki.
"Aljun, gumising ka. Anak maawa ka gumising ka!" Humagulgol na sabi ng ginang habang katawan ng lalaki na wala ng buhay.
Tumingala ito kay Raynier, tinitingnan ang duguan niyang kamay. "Ikaw ang pumatay sa anak ko! Walang hiya ka! Anong kasalanan niya para kitilin mo ang buhay niya?" Hinagpis na tanong sa kanya ng ginang.
Umiling-iling si Raynier. "Hindi ako ang pumatay sa anak ninyo!"
Hindi naniwala sa kanya ang ginang. "Tumawag sa akin ang anak ko. Ang sabi niya sa akin may gustong pumatay sa kanya. Ang binanggit niyang pangalan Raynier Zeun Harris. Minsan na kitang nakita sa tv. Kaya, alam ko na ikaw ang pumatay sa anak ko!" Umiiyak pang sabi ng ginang habang siya ang sinisisi nito.
"Pvta ka, Mario!" Napapamura na lamang sa rainier dahil batid niya na gusto talaga siyang i-premup ni Mario. Kaya pala dito dinala ni Mario ang lalaking ito sa lupa na kabibili niya lang, para pala siya talaga ang mapagbintangan.
Lumapit sa kanya ang isang pulis. "Sir, mabigat na kaso ito. Habang may pagkakataon ka tumakas ka na. Kami na lang ang bahala rito," wika sa kaniya ng pulis.
Ayaw man sana umalis na Raynier, at gusto niya sanang patunayan na hindi siya ang pumatay sa lalaking iyon kundi si Mario subalit wala na siyang oras na magpaliwanag.
Umalis Raynier, at bumalik sa Holand. Pinuntahan niya ang kanyang kasintahan na si Zoey.
"Kumusta 'yong nabili mong lupa sa San Agustin? Nagustuhan mo ba ang location? Kapag nagkataon tatlo na ang subdivision na pagmamay-ari ng pamilya ninyo sa San Agustin,'' nakangiting sabi sa kanya ng kasintahan niyang si Zoey.
Niyakap ng mahigpit ni Raynier, ang kasintahan.
"Babe, ano man ang nangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kung ano man ang maririnig at makikita mo tandaan mo mahal na mahal kita at para sa kinabukasan nating dalawa ang gagawin ko." Nagtataka naman si Zoey, sa mga sinabing iyon ni Raynier.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? May nagawa ka ba?" Nakakunot ang noo ni Zoey, na tanong kay Raynier.
Umiling-iling naman sa Raynier. Kumala siya ng yakap kay Zoey. Matamis naman na nakangiti sa kanya ang kanyang girlfriend..
"Ano pa ang nangyayari sa'yo parang balisa ka?" Malambing na tanong ni Zoey sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang mukha.
Hinawakan naman niya ang kamay ni Zoey na nakahaplos sa kanyang pisngi. Hinalikan niya pa ito.
"Pagod lang kasi ako sa biyahe. Palagi mong tatandaan na papakasalan kita. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay," seryoso pang sabi ni Raynier kay Zoey.
"Alam ko, babe. Mahal na mahal rin kita at ikaw lang din ang gusto ko makasama habang buhay. Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?" Alok pa sa kaniya ng kaniyang girlfriend.
Tumango lang siya at nagtungo naman si Zoey, sa kusina ng apartment nito upang ipagtimpla siya ng kape.
Hindi naalis ang mga tingin ni Raynier kay Zoey.
Gusto niyang protektahan ang kasintahan sa mga kamay ni Mario. Kaya may naisip siyang paraan, para hindi galawin ni mario si Zoey.
Dalawang oras na natili si Raynier, sa apartment ni Zoey. Ayaw niya muna itong papuntahin ang San Agustin. Si Zoey, kasi ang secretarya niya.
Umuwi siya sa mansyon nila sa mga magulang niya.
"Good afternoon, Kuya. Mabuti umuwi ka pa!" pang-aasar ng butso nilang kapatid na si honey.
Nilapitan niya ito sa sofa at inakbayan. Kinuha nito ang braso ni honey at kinagat niya.
"Aray, Kuya! Mommy! Kinagat ako ni Kuya!" Sumbong pa ni honey sa ina nila.
Iyon kasi ang pang-aasar ni Raynier sa bunso nilang kapatid.
Mahilig siyang paiyakin ito.
"Ohh, iyak siya. Kadalagang tao, iyakin!" Pang-aasar pa ni Raynier kay Honey. Subalit ang totoo mahal na mahal niya ang kanyang kapatid dahil hiningi nila ito ni Raydin sa kanilang mga magulang.
"Kuya naman kasi ayan tuloy bumakat na naman 'yong ngipin mo sa kamay ko!" Nakasimangot na protesta ni Honey sa kaniya.
"Raynier, nandito ka na pala. Tamang-tama dahil darating ang kapatid mo. Mamayang gabi ang dating niya," wika sa kanya ng kanyang ina na si Donya Rosa.
"Mabuti naman na naisipan niya ng umuwi rito. Wala namang ginawa 'yon sa Amerika, kundi ang mag-racing. Tulungan niyo na lang ako rito sa pagpapatakbo ng negosyo. Tuturuan ko rin siya kung paano patatakbuhin ang kompanya," sabi pa ni Raynier sa magulang niya.
Walang kaalam-alam ang mga ito kung gaano kabigat na problema ang dinadala ni Raynier. Subalit hindi lang talaga makitaan si Raynier na may problema siya na kinakaharap. Masyado kasi siyang malihim, lalo na ayaw niyang mag-aalala ang pamilya niya sa kanya.
Hindi mo mahahalata sa mukha niya ang problema.
Kinagabihan dumating sa Raydin Zayn.
Siya mismo ang sumundo sa kanyang kambal.
"Wow, bro! Mukhang lalo tayong pumupogi, ah!" Nakangiti pang sabi ni Raydin sa kaniya.
"Huwag mo na akong bulahin. Mabuti naisipan mong umuwi. Lalo na kailangan ko ang tulong mo. Bukas na bukas tuturuan kita paano patakbuhin ang kompanya. Hindi natin masabi kung ano ang mangyayari bukas. Kaya kailangan matuto ka magpatakbo ng kumpanya para kahit wala ako alam mo kung anong gagawin mo," wika pa ni Raynier sa kakambal niya.
"Wow, daig mo pa si Daddy. Huwag kang mag-alala tutulungan kita," sabay tapik naman ni Raydin, sa balikat niya.
"Dapat lang hindi puro babae ang inaatupag mo. Baka pala magkaroon ako ng biglaang business trip. Ikaw na ang bahala kina Mommy at Daddy at kay Honey. At tigilan mo na rin ang pagre-racing mo, para hindi mag-aalala si Mommy palagi sa'yo. Saka gusto ko rin sana na bantayan mo ang girlfriend ko kapag wala ako," habilin pa ni Raynier kay Raydin.
Gusto lang kasi ni Raynier, maging ligtas si Zoey. Wala siyang ibang mapapagkatiwalaan sa girlfriend niya,kundi ang kakambal niya lang.
"Pambihira ka naman! My business trip ka lang pati girlfriend mo sa akin mo pa iiwan? Ano ba ang business ng pamilya bg girlfriend mo na iyon?" tanong pa ni Raydin sa kaniya.
"Huwag mo ng tanungin. Basta mahal ko ang girlfriend kong iyon. Ano man ang mangyari huwag mo siyang pabayaan. Sa'yo ko muna siya iiwan pansamantala," seryoso pang sabi ni Raynier sa kakambal niya na si Raydin.
"Whatever," sabay kibit balikat ni Raydin.
Nakarating sila sa kanilang mansion. Tuwang-tuwa ang mga magulang nila dahil kompleto na sila.
Masaya silang kumain sa hapagkainan. Habang si Raynier naman sinasamantala ang moment na kasama niya ang kanyang buong pamilya.
Pagkatapos nilang kumain nag family picture muna sila.
Pagkatapos ng kwentuhan sila sa sala. Pinagmamasdan ni Raynier isa-isa ang mga ito.
Natutuwa siya dahil umuwi si Raydin. May maaasahan siya na magpo-protekta sa kailang pamilya at kay Zoey.
Pagsapit pa ng ilang oras dalawa na lang sila ni Raydin ang naiwan. Natulog na ang kanilang mga magulang at kapatid. Nagkape silang dalawa sa may terrace.
May kinuha si Raynier at ibinigay niya iyon kay Raydin.
"Regalo ko iyan para sa'yo. Kailanganin mo iyan para sa proteksyon mo," seryosong sabi ni Raynier kay Raydin.
Naka kunot naman ang noo ni raiden ng buksan niya kung ano ang ibinigay sa kanya ni Raynier. "Artificial mask? Ano naman ang gagawin ko rito? Ang pangit naman nito!" Protista pa ni redin sa kanya at pahagis pa nitong ibinaba ang maskara sa upuan.
"Basta itabi mo iyan. Kakailanganin mo iyan balang araw. At gusto ko kapag lumabas ka isuot mo ang maskara na iyan. May kaso akong kinakaharap ngayon, hindi iyon alam nila Mommy at Daddy. Ayaw ko lang na kapag nasa labas ka ikaw ang mapagkamalan na ako," seryoso pang sabi ni Raynier sa kakambal niya, kahit na naguguluhan ito sa mga sinasabi niya.
"Masyado ka namang seryoso, bro. Talaga bang isusuot ko ito kapag lalabas ako?" Napapakamot pa na tanong ni Raydin sa kaniya.
"Kailangan mo iyan para hindi ka mapagkamalan na ako. At huwag mong sabihin kina Mommy at Daddy, tungkol sa kinakaharap ko na kaso. Kapag nasa business trip ako huwag mo silang pababayaan. Ikaw lang ang mapapagkatiwalaan ko. At si Zoey sa'yo ko siya iaasa."
Napabuntong hininga ng malalim sa Raydin sa mga inhabiling sa kanya ni Raynier.
Pakiramdam ni Raydin parang namamaalam sa kaniya ang kanyang kakambal. Subalit hindi niya na lang pinansin ang pakiramdam niyang iyon dahil alam niyang matapang ang kanyang kapatid. At alam nito kung paano lusotan ang mga problema na kinahaharap nito.
Tinapik na Raydin, ang balikat ni Raynier.
"Huwag kang mag-alala bro ako ang bahala sa kanila. Gawin mo ang mga dapat mong gawin. Kung hindi mo na, kaya ang problema na hinaharap mo magsabi ka lang sa akin dahil handa kitang damayan ano ang problema na kinahaharap mo ngayon," sabi pa ni Raydin.
Tipid lang na ngumiti si Raynier. Kilala siya ng kakambal niya. Hindi siya nagsasabi kung ano man ang problema na hinaharap niya dahil kaya niya naman itong solusyunan. Ayaw kasi ni Raynier na mamorblema ang pamilya niya at idamay sa problema niya. Hangga't kaya niyang harapin ito, hinharap niya itong mag-isa.
Napaka-protective niya pagdating sa pamilya, lalo na sa mga taong malalapit sa kanya.