CHAPTER 1
Malakas ang alon ng tubig- dagat, ngunit hindi naman natakot si Jake dahil wala namang bagyong ibinalita. Nasa gitna sila ng karagatan ngayon sakay ng kanyang yatch kasama sa kanyang mga tauhan sa kanyang yate, isang katulong at ang kanyang secretary. Kapag wala siyang trabaho sa office ay mas ginusto niyang maglakbay sa karagatan, kasama sa kanyang Secretary ngayon. Kakahiwalay lang nila ni Shantal dahil nahuli niyang may iba ito. Kaya sinubukan niyang makipagdate naman ngayon sa ibang babae sa kanyang yatch. Ganoon naman talaga sila ni Shantal, break at balikan ang naganap sa kanilang relasyon. Minsan ay di na kasi matiis ni Jake ang pagka spoiled brat ng kanyang girl friend at ang pakipag harut pa nito sa ibang lalaki. At ngayon, dinala niya ang kanyang bagong secretary sa kanyang yatch. Halata namang malaki ang pagkakagusto nito sa kanya kaya ito nga, walang pag-alinlangang sumama ito ngayon sa kanyang maglakbay sa karagatan sakay ang kanyang malaking yate. Habang naninigarilyo si Jake ay nakatanaw siya sa malawak na karagatan. Bigla namang may pumisil sa kanyang balikat buhat sa kanyang likuran. Si Grace iyon, ang kanyang secretary. Nasa alas siyete na ng gabi, subalit kitang-kita naman nila ang malawak na karagatan dahil sa tulong ng liwanag ng buwan.
"Sir Jake, hindi pa ba tayo magpapahinga?" Malanding wika ng tinig ng secretary niyang si Grace.
"I'll take a break later, Miss Grace. You may go into the master cabin first." Sagot ni Jake sa kanyang secretary habang patuloy sa paghitit sa kanyang sigarilyo.
" Sigurado ka ba? iiwan kita rito?" Wikang tanong pa ni Grace sa kanya.
"Yes. Susunod na lang ako." Tugon ni Jake rito.
"Okay, maghihintay ako sa'yo Sir Jake ." Nakangiting sabi pa nito at tumalikod na agad.
Naiwan naman si Jake na nag-iisa. Alam naman ng kanyang secretary na hindi siya seryoso rito at magiging pampalipas oras niya lang ito dahil nagkaproblema sila ng girl friend niyang si Shantal. At dahil sa laki ng pagkagusto nito sa kanya ay hindi siya nahirapang kumbinsihin itong pasamahin sa kanya dito sa yate niya.
Matapos manigarilyo ni Jake ay aalis na sana siya sa main deck ng yate nang may bigla siyang maaninag sa unahan na parang taong nakalutang sa may tubig! mga ilang metros lang ang layo nito buhat sa kanyang yate! at mas nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig niya ang mahinang boses nito kasabay ng pagkilos nito.
" Tulong.." Anang tinig ng isang babae na nagpalutang-lutang nalang sa tubig.
"Babae! at buhay ito!" Namilog ang mga matang sambit ni Jake.
Hindi na siya nagtagal pa, hinuklas niya ang Jacket na suot at T-shirt bago nagmamadaling tumalon sa tubig. Mabilis niyang nilangoy ang babaeng nakalutang sa tubig na humihingi ng mahinang tulong. Nang makalapit siya rito ay naaninag niyang babae nga ito! mabilis na inakwat niya ang babaeng nanghihina at naninigas na halos dahil sa lamig ng tubig-dagat. Sumigaw si Jake sa kanyang mga tauhan sa yate upang matulongan agad siya sa pag rescue ng babae. Mabuti nalang at alerto naman ang mga tauhan niya sa yate upang siya'y tulongan agad sa pag-ahon ng babaeng niligtas mula sa tubig.
Nang maiahon na ang babae ay walang pag-alinlangang binigyan ito ng mouth to mouth resuscitation ni Jake nang makitang wala itong malay, hindi na niya inisip kung sino ang babae, basta maligtas lang ito. Agad namang napasuka ng maalat na tubig-dagat ang babae sa ginawa niyang mouth to mouth resuscitation rito. Hindi na sinundan ni Jake iyon dahil peligro din kung maparami ang isusuka nito baka mas lumala pa ang problema.
Inutusan ni Jake ang kanyang isang tauhan sa yate na dalhin ang babaeng nailigtas sa Day cabin na isa sa mga maliit na room ng yate niya. At nagmamadali niyang inutusan ang katulong nilang kasama na si Aling Tisay na ito'y kumuha ng extra niyang t-shirt at jacket sa kanyang master cabin upang ipagamit sa babaeng kanyang nailigtas. Pagbalik ni aling Tisay ay dala na nito ang kanyang extrang Jacket at t-shirt upang ipasuot sa babae. Nakasunod na rin ang secretary niyang si Grace sa kasama nilang katulong upang makita din nito ang babaeng nailigtas niya ng gabing iyon. Madali namang binihisan ni aling Tisay ang babae dahil nanginginig ito at di na makapagsalita sa sobrang ginaw na naramdaman nito. Saglit pang tumalikod si Jake nang binihisan ng katulong ang babae. Nang muli siyang tumingin ay tapos na itong nabihisan ni aling Tisay at makitang panatag na ang mukha ng babae.
Pinasandal nalang muna nila ito at muling sinuri ni Jake ang paghinga nito, mabuti naman at humihinga lang ng normal ang babae habang ito'y nakapikit. Kitang-kita nila ang sobrang panghihina nito. Pinabigyan ni Jake ito ng makapal na kumot dahil nakikita niyang nilalamig o giniginaw parin ito kahit may jacket na dahil nababad ito ng matagal sa malamig na tubig ng dagat.
Nakahinga si Jake nang makitang komportableng nakatulog na ang babae dahil may jacket at kumot na itong nakabalot rito. Maganda naman ang babae ngunit mukhang nasunog ang balat nito sa sikat ng araw at ang buhok nito ay kulay buhok ng mais na parang nasira din sa laging bilad sa init.
"Aling Tisay, samahan mo ang babae dito sa Day cabin. Dahil kung anong mangyari, agad mo akong makatok sa Master cabin ko." Wika ni Jake sa kasama nilang katulong. Pinasama Kasi nila ito dahil ito ang kanilang tagapagluto roon sa yate.
" Oh sige po Sir, sasamahan ko po siya dito. Kawawa naman ang babaeng ito, ano kaya ang nangyari sa kanya? at bakit nagpalutang-lutang nalang siya sa dagat?" Naitanong pa ni Aling Tisay.
"Malalaman natin yan kung magising na ang babaeng 'yan." Sabi pa ni Jake.
Tumuloy na si Jake sa master cabin ng yate kasama si Grace upang magpahinga na. Mga alas nuebe na ng gabi kaya dapat na talaga silang magpahinga. Katabi ni Jake ang kanyang secretary at hindi naman siya nagsasayang ng Oras na dalhin ito sa yate niya dahil ginalingan naman nito ang performance sa kanya at siya'y pinaligaya nito ng gabing iyon. Tanging mga ungol nila ni Grace ang kanilang maririnig sa master cabin ng mga oras na iyon.
" Baka masabunutan ako ni Ma'am Shantal kapag malaman niyang pinasarapan kita ngayon, Sir Jake." Nakangiting wika pa ni Grace kay Jake.
" Gumaganti lang ako sa kanya, Miss Grace." Ani Jake sa kanyang secretary.
"Oh, really Sir? kaya pala.." Nakangiting wika ni Grace.
Kinaumagahan.
Napamulat ng mga mata si Kerai. Naalala niyang isang malaking lalaki ang nagligtas sa kanya kagabi. Kaya lang ay di na niya nakikita ang mukha nito dahil nakapikit lang ang kanyang mga mata at di na niya alam kung anong susunod na nangyari. Naalala niya na tinangay siya ng malaking alon, sumama siya sa kanyang tatay nangisda sa laot at naabutan sila ng malakas na hangin kaya lumubog ang pamboat na sinakyan nila ng kanyang tatay. At di na niya nakita pa kung ano ang nangyari sa kanyang tatay dahil tuloyang tinangay na siya ng mga malalaking alon at di niya alam kung saan siya ngayon napadpad. Nakaramdam siya ng sobrang gutom buong araw siya kahapon walang kain at nagpalutang-lutang lang siya sa karagatan hangga't sumapit nalang ang gabi. Nawalan na sana siya ng pag-asa ngunit nang makita niya ang malaking yate sa unahan ay sinikap niyang makalangoy upang makalapit sa nasambit na yate. Mahinang-mahina na siya kagabi nang mailigtas siya ng isang lalaki. Pagmulat niya ng mga matang umagang iyon ay mukha ng may edad na babae ang bumungad sa kanya.
" Good morning." Bati nito sa kanya.
"M-magandang umaga po." Aniya rito.
Ngumiti ito sa kanya at natuwa siya nang makitang may dala itong isang bowl na lugaw.
"Kumain ka nito, dapat ay lugaw muna para hindi mabibigla ang tiyan mo, alam kong nalipasan ka na ng gutom." Sabi nito sa kanya.
" S-salamat po." Aniyang tinanggap agad ang binigay nitong lugaw at kinain na agad ito dahil sa kanyang pagkagutom.
"Ano nga palang pangalan mo, ineng?" Tanong nito sa kanya habang pinanood siya nitong kumain.
" Ako po si kerai." Sagot niya rito.
" Kerai? taga saan kaba kerai?" Tanong parin nito.
" Taga Isla po ako, Isla Conception na nasasakupan ng Iloilo City." Sagot niya rito.
" Ay kaya pala parang ilongga ang tono ng pananalita mo, ilongga ka pala, naku, malayo na pala ang pinadparan mo, malayo itong yate sa Iloilo." Ani aling Tisay.
" G-ganoon po ba." Sagot ni Kerai na parang nanlumo sa narinig.
"At magpasalamat ka kay Sir Jake, dahil siya ang nagligtas sa'yo kagabi. Hintayin mong magising sila." Anito sa kanya.
" S-Sir Jake?" Ulit pa niya.
" Oo, si Sir Jake. Siya ang amo namin at siya ang nagmamay-ari nitong yate. Mapalad ka dahil nagkataong nandito kami sa karagatan at nailigtas ka ng amo namin." Wika pa ni Aling Tisay.
" S-sige po, magpapasalamat po ako ngayon sa kanya." Tanging sagot ni Kerai sa may edad na babae.
"Oh sige, maiwan na muna kita dito dahil magluluto pa ako ng almusal at ubusin mo yang lugaw na niluto ko sa'yo ha." Bilin pa nito sa kanya bago siya nito tinalikuran.
Inubos nga niya ang lugaw at medyo lumakas naman siya nang matapos siyang kumain at ubusin iyon. Tumayo siya, at saglit na sumilip sa labas. Noon naman niya napansin ang kanyang suot na Jacket. Mabango iyon at lalaking-lalaki ang amoy. Napansin din niya ang suot na short na panlalaki. At kulay White t-shirt naman ang sinapawan ng black na jacket niyang suot. Kanino kaya ang mga damit na suot niya? Kahit nalulungkot siya sa nangyari ngayon sa kanya ay di parin niya maiwasang mapahanga sa loob ng yateng iyon! malaki ang yate at may mga kuwarto pa iyon. Gusto sana siyang mamasyal ngunit mahina pa ang katawan niya kaya hanggang silip nalang muna siya at pagkuwa'y isinara ang pinto at muling nahiga.
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata kaya muli siyang nakatulog. Nagising nalang siyang muli nang marinig na may mga nag-uusap at yabag ng paa at binuksan ang kanyang kuwarto. Nagulat pa siya nang makitang nakatayo ang matangkad at guwapong lalaki na nakatunghay sa kanya kasama ang isang sexyng babae na nakasuot lang ng maiksing short at sleeveless, ni hindi giniginaw ang babaeng ito.
"Good morning , how's your feeling?" Tanong ng malaking tinig ng lalaki na may magandang mga mata, matangos na ilong, manipis na labi at may pinong bigote sa mukha. Napakaguwapo nito. Kapwa ito naupo at ang babaeng kasama nito.
Para naman siyang napahiya at bumangon.
"O-okay na po ako, kaya lang medyo mahina pa. Kayo po ba ang nagligtas sa akin Manong?" Tanong niya sa lalaki.
Parang natawa naman ang babaeng kasama nito sa pagtawag niya ng Manong sa lalaki. Nakita rin niya ang pasalubong ng mga kilay nito sa kanyang pagtawag rito ng Manong. Sa Isla kasi nila sa illoilo ay kapag may edad sa kanila ay tinatawag nila itong Manong.
"Just Call me Sir. Don't call me 'Manong'." Parang inis na wika ng lalaki sa kanya.
" And yes, ako ang nagligtas sa'yo." Dugtong pa nito.
" S-sorry po, S-sir. Sa Isla po kasi namin ay Manong ang tawag sa mga taong may edad sa amin. At maraming salamat po sa pagligtas niyo po sa akin. " Parang napahiyang wika niya rito.
"Bakit? matanda na ba ang tingin mo sa akin?" Mas lalong nag arko ang kilay na tanong nito sa kanya.
" Hindi naman po, sabi ko po, mas may edad po sa amin." Sagot niya.
Parang hindi makapaniwala ni Jake sa katabilan ng babaeng nailigtas niya.
" Sir Jake naman, huwag mo nang patulan ang taga islang 'yan, baka may kulang din yan sa pag-iisip." Natawang wika ni Grace.
Umalsa naman ang dugo ni Kerai sa narinig mula sa babae. Kahit taga Isla lang siya pero never naman siyang magpapaapi.
"Grabe naman po kayong magsalita Manang, porke't taga Isla lang ako, kulang na sa pag-iisip. Mas maganda pa nga si Zaza sa'yo." Aniya rito.
" Anong Manang!? Sinong Zaza?" Kunot-noong tanong nito sa kanya.
" Yung alaga kong isdang Zagoksok."
" What!!?"