Prologue
This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Prologue
ARIANA XIAMARA
PAGKAPASOK ko sa bahay, mahigpit kong hawak ang papel na para bang takot na takot akong mabasa at makita iyon ni Azreal. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Nakakatakot ang lalaking iyon, laging nakakunot ang noo at malamig ang kanyang mga mata.
"Bawal kang mabuntis." Iyon ang paulit–ulit niyang paalala sa akin, walang mintis. Pero heto ako, dalawang buwan nang nagdadala ng sikreto na hindi ko kayang itago pa, kailangan niyang malaman na magkaka–anak na kami.
Huminga ako ng malalim bago umakyat sa kwarto, inilapag ko ang bag sa ibabaw ng side table at humiga nang dahan–dahan. Inipit ko ang papel sa ilalim ng unan at pumikit, kahit ilang oras pa akong hihiga rito, hindi mawawala ang problemang dala ko.
Hanggang sa nakatulog ako, pero hindi rin nagtagal.
Nagising ako nang biglang bumaliktad ang sikmura ko. Agad akong bumangon habang tutop ang bibig ko at dumiretso sa banyo, kung saan suka ako nang suka, ngunit wala akong maisuka, puro maasim na laway lang. Binuksan ko ang gripo sa lababo at naghilamos at pagkatapos ay tinuyo ang mukha ko ng tuwalya mula sa towel rack. Tinitigan ang sariling reflection sa salamin.
Iniisip ko kung bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon. Una, nabuntis ako kay Alpha na hindi inaasahan, hindi pinagplanuhan. Hindi naman ako nakipag–sex, at hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung sino ang ama ni Alpha. Ngayon, buntis na naman ako, at may ama na ang magiging anak ko, pero ang tanong—papanagutan ba ako? Araw–araw, galit siya sa akin. Pinaparamdam niyang wala akong halaga, at kulang na lang araw–araw akong pinaparusahan. Minsan, magulo ang isip ko, at pilit kong hinahanap sa aking isipan kung ano ba ang kasalanan ko sa kanya.
Kung nandito lang sana si Isaac, siguro may taga–pagtanggol ako ngayon. Nasaan ka na ba, Isaac? Bakit ang tagal mo nang nawawala? Huminga akong muli nang malalim. Makalipas ang ilang sandali, lumabas ako ng banyo at dumiretso sa kusina.
Ngunit, pagdating ko sa kusina, nasusuka na naman ako kaya nagsuka ako sa lababo. Naramdaman kong may presensiya ng tao sa likuran ko.
"What's happening to you?" Ang boses ni Azreal—cold, calm, pero may kung anong panganib sa bawat tono ng kanyang salita.
Napapikit ako saglit at pinunasan ang aking bibig. Dahan–dahan akong humarap sa kanya, sumalubong sa akin ang malamig niyang mga mata. Nakasalubong ang makakapal niyang kilay, at ramdam ko ang pagpigil niya sa sarili.
I swallowed hard, pilit winawaksi ang kaba sa aking dibdib. "F–Felix---" nauutal na sambit ko sa pangalan niya. "A–ano...kasi—"
Lumapit siya, biglang hinawakan ang braso ko nang mahigpit. "I asked you a question. What's wrong? Bakit ka nagsusuka?"
I swallowed hard again. "I...I'm pregnant." Mahina ang boses ko, pero pakiramdam ko'y para itong paputok na sumabog sa buong kusina.
His eyes wider in shocked. Marahas niyang binitiwan ang braso ko. Tumingin siya sa akin, matagal—parang iniisip kung tama ba ang narinig niya. Then, naningkit ang mga mata niya.
He furrowed his brows. "You're what?"
"Pregnant. I'm pregnant, Felix."
Nakita kong nanigas ang panga niya. Tumalikod siya, napahawak sa batok, at malalim na bumuntong–hininga bigla siyang natahimik. Hindi ko alam kung mas gugustuhin ko bang sumigaw siya kaysa manatiling tahimik ng ganito.
Ilang segundo ang lumipas, muli siyang humarap sa akin. "How did this happen? Why? Diba, sabi ko, ayokong mabuntis ka," giit niya.
Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.
"Sagutin mo ako, Aria. How?" Medyo tumaas ang boses niya pero banayad na kalmado.
Hindi ko magawang makatingin sa kanya, nanatili akong nakayuko. "I didn't take the pills."
Biglang nagdilim ang mukha ni Felix. Tila hindi makapaniwala sa narinig. "What?" Bulalas niya. "You are so impossible, Aria. Plinano mo? For what? Para pakasalan kita?" He chuckled. Hindi umabot sa mga mata niya ang tawa niya.
"I stopped taking them..." mahinang sabi ko, kahit alam kong walang silbi ang pag–iwas ko sa mga titig niya.
Napahigpit ang kamao niya at nakita ko kung paano nanigas ang buong katawan niya sa pagpipigil.
"We had a deal, Aria. Ang linaw ng usapan natin. You can't get pregnant."
"I'm sorry, Azreal."
"Sorry? That's all you have to say?!" Umiling–iling siya. "Sorry? Damn!"
Ramdam ko ang galit sa boses niya, kahit pa hindi niya ito itinataas. Sa expression pa lang ng mukha niya, alam ko galit na galit siya.
"Bakit mo hindi iniinom? Bakit, Aria?" He keep questioning me.
Hindi ko na napigilan ang luha ko. "Azreal, I didn't mean for this to happen—"
"Stop." He shouted furiously. Sumilay ang mapait na ngiti sa labi niya.
"You know why I can't let you have this baby?" Tumingin siya diretso sa mga mata ko. "Because I don’t want commitment, Aria. I made that clear from the start." Nakita ko ang mahigpit na pagkakuyom ng mga kamao niya, in controlled fury.
Nagpatuloy siya, at bawat salita ay parang kutsilyong humihiwa sa puso ko. Matalim ang bawat katangang lumalabas sa bibig niya.
"Aside from that, it's not you. I don't want you to be the mother of my child. Not you. Not even in my dreams." He said with conviction.
Napalunok ako, pero hindi nito nawala ang kirot na naramdaman ko.
"Azreal—" hindi makapaniwalang sambit ko.
"You're here because I needed you to be. I paid for you, Aria. You're here because I want you in my bed, not in my life."
I closed my eyes tightly, pilit pinipigil ang panginginig ng mga balikat ko.
"Fix this, Aria." Ang huling sinabi niya, at walang bahid ng pag–aalinlangan ang tinig niya. "Before I fix it for you."
At gaya ng dati, iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng kusina—basag at walang kalaban–laban sa kanya.
Pero bago siya tuluyang mawala sa paningin ko, sumigaw ako.
"Ano ang gagawin mo kung gusto kong ipagpatuloy ang pagbubuntis ko?"
Bahagya siyang huminto, ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya. Tumigil siya sa tapat ng pintuan, pero hindi niya ako hinarap.
Nakatingin lang ako sa likuran niya—umaasa, kahit kaunti, na may awa pa siyang natitira para sa akin.
Tumikhim siya, at narinig ko ang malalim na paghinga niya. Dahan–dahan siyang lumingon, at ang bumungad sa akin ay ang mga mata niyang puno ng lamig.
"I will bring you to the abortionist kung ipagpipilitan mo ang batang iyan."
Parang nabingi ako. Napatitig lang ako sa kanya, hindi makapaniwala sa narinig ko. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko, tumingala ako sa taas, kumurap–kurap para lang pigilan na hindi tumulo ang mga luha ko. I gasp for air, parang naubusan ng hangin ang didbib ko.
"Ano?"
Tila ba hindi ko matanggap na si Felix mismo ang nagsabi noon. Si Felix na isang batikang doktor.
"Felix, doktor ka. You're supposed to save lives, not take them."
SANA SUNDAN PO NINYO HANGGANG DULO ANG STORY NINA DOC AZREAL FELIX MONTEFALCO AT XIAMARA ARIANA JOHANSEN.
KINDLY LEAVE YOUR COMMENTS PLEASE....THANK YOU SO MUCH.