Ten Years Ago..
Gordon POV
MALAKAS na sinarado ko ang pinto ng kotse at malalaki ang hakbang na pumasok sa mansion. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba.
Agad naman akong sinalubong ng mayordoma na nakaguhit sa mukha ang pag aalala.
"Ser Gordon, mabuti po at dumating na kayo."
"What happened Manang Lucing? Nasaan si lolo?"
"Sinugod na po sya sa hospital nila Manito." Ani Manang Lucing na halatang ninenerbyos. Tila may gusto pa syang sabihin pero nagdadalawang isip.
Bumuntong hininga ako at tumalikod. Muli akong lumabas ng mansion at bumalik sa kotse. Mabilis kong binuhay ang makina at minaniobra palabas ng gate. Agad namang binuksan ng mga tauhan ang gate.
Tinapakan ko ang gas at tinulinan ang takbo habang nakatiim bagang. Malakas ang pintig ng puso ko sa kaba dahil sa pag aalala sa abuelo. Tumawag sa akin kanina si Manang Lucing at sinabeng inatake nga sa puso si lolo. Kaya mula sa board meeting ay agad akong umuwi.
Si Lolo Valentin na lang ang natitira kong pamilya at ayokong mawala sya sa akin. May sakit sya sa puso at ilang beses na ring inatake kaya ingat na ingat sya sa kanyang kalusugan. Regular ang check up nya at hindi nakakalimot uminom ng maintenance. May nangyari kanina kaya sya inatake.
Umigting ang panga ko at humigpit ang hawak sa manibela. Mananagot sa akin ang taong dahilan ng atake nya.
Pagdating sa hospital at agad kong nakita ang kanang kamay ni Lolo Valentin na si Manito kasama ang apat pa naming tauhan.
"Ser."
"Nasaan si lolo?" Agad kong tanong.
"Nasa loob ng emergency room, ser. Tinitingnan na sya ng doctor."
Pumasok ako sa loob ng emergency room at at nakita ko si Lolo Valentine na nakahiga sa hospital bed at sinusuri ng doctor. Malalaki ang hakbang na lumapit ako. Tinitigan ko si lolo na walang malay, may nakakabit ng oxygen sa ilong at bibig. May swero na rin sya sa kamay.
"Doc, how is he?" Tanong ko sa may edad na doctor ni lolo.
Tumingin sya sa akin at bumuntong hininga. "Ikinalulungkot kong sabihin pero mahinang mahina na ang puso ng lolo mo. Pang limang atake na nya ito at mababa ang tsansang makasurvive pa sya."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi ng doctor. Nanlumo ako. "No.. hindi pwedeng mangyari yun doc. Please, gawin nyo ang lahat ng paraan na alam nyo makaligtas lang sya. Handa akong magbayad ng halagang gusto nyo." Desperadong sabi ko.
"Hindi na kailangan, iho. Gagawin ko naman ang lahat pero tinatapat lang kita sa tunay na kondisyon ng lolo mo. Anoman ang mangyari ay kailangan mong tanggapin yun -- "
Hinaklit ko ang lapel ng coat ng doctor at tiim bagang na masama syang tiningnan. Nagsinghapan ang mga nurse at mga doctor na naroon.
Lumapit naman si Manito. "Ser, huminahon kayo."
Hindi ko pinansin ang kanang kamay ni lolo at tinitigan ko lang ng masama ang doctor na namumutla na.
"Doctor kayo, tungkulin nyo ang pagalingin ang pasyente nyo. Pagalingin nyo si lolo kung ayaw nyong ipasara ko ang hospital na ito at patanggalan kayo ng lisensya." Mariing banta ko.
Nagdidilim na ang paningin ko. Wala na akong pakialam sa mga tingin sa akin ng mga taong naroon at kung anoman ang isipin nila. Ang importante lang sa akin ay mkaligtas si lolo.
"C-Calm down Gordon. Hindi matutuwa ang lolo mo sa ginagawa mo sa akin. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo at gagawin ko ang lahat ng makakaya ko pero hindi ako nangangako."
Padaskol kong binitawan ang lapel nya. Bahagya na rin akong kumalma at nahimasmasan. Walang mangyayari kung magalit ako o magwala. Baka hindi lang makakilos ng maayos ang mga doctor at nurse.
Binalingan na ng doctor ang mga nurse at inutusan na dalhin na sa intensive care unit si lolo.
Bumuntong hininga naman ako at lumabas ng emergency room na mabigat ang dibdib. Sumunod sa akin ang mga tauhan.
Namaywang ako at hinarap si Manito. Sya ang kanang kamay ni lolo. Sya lagi ang kasama saan man magpunta ito. Sa pakikipag transakyon sa negosyo, sa golf club o kahit saan.
"What exactly happened Manito? Bakit biglang inatake si lolo. Maayos naman sya kaninang umaga pag alis ko at nakainom pa sya ng mga gamot nya."
"Hindi ko rin po alam ang eksaktong nangyari kay Don Valentin, ser. Bigla na lang pong sumigaw kanina si Manang Lusing pagpasok nya sa library office dahil nakita nyang nakahandusay na sa sahig si Don Valentin at sapo ang dibdib."
Inis na mariin kong sinuklay ng daliri ang buhok. Hindi ako kuntento sa sagot nya.
"Pero ano nga ang dahilan? Imposibleng basta na lang atakehin si lolo gayung maalaga sya sa sarili nya at laging on time uminom ng gamot. Maliban na lang kung may nangyaring ikinagalit nya ng husto. Sino ang huling kasama nya kanina?"
"Si Diosdado Pareñas, ser."
Kumunot ang noo ko. "Who is he?"
Ngayon ko lang narinig ang pangalang yun. Kilala ko ang mga malalapit na kaibigan ni lolo.
"Sya po ang bagong kaibigan at business partner ni Don Valentin."
Muli akong napamura. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagong kaibigan ni lolo.
"Maayos naman po ang pag uusap nila kanina. Nagbibiruan pa nga po sila at nagtatawanan. Pero pinalabas po ako ni Don Valentin at may pag uusapan daw po silang importanteng bagay. Makalipas ang tatlumpong minuto ay nagmamadaling lumabas si Diosdado dahil may meeting pa raw syang pupuntahan. Hindi naman po ako agad nakabalik sa library office dahil minamanduhan ko pa po ang mga tauhan. Narinig ko na lang na sumigaw si Manang Lucing kaya agad kaming napatakbo sa loob ng mansion."
Umigting ang panga ko at malutong na nagmura. Gusto kong manuntok. Gusto kong mangbasag ng mukha sa galit.
"Sigurado ako, may ginawa ang Diosdado na yan kaya inatake si lolo. Damn him! Humanda sya sa akin. Pagbabayaran nya ang ginawa nya kay lolo." Nagngingitngit sa galit na hayag ko.
"Mr. Gordon Maceda."
Lumingon kami sa nurse na tumawag sa pangalan ko.
"Sir, nagkamalay po ang lolo nyo at hinahanap po kayo."
Bumilis ang pintig ng puso ko at muli akong bumalik sa loob ng hospital. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang icu.
"Lolo.." Sambit ko ng nasa tabi na ako ng hospital bed ni lolo. Nakadilat ang kanyang mata. May mga aparato ng nakakabit sa kanya. Meron na ring heart rate monitor sa gilid nya.
Umungol si lolo na parang may gusto syang sabihin. Tinanggal naman ng doctor ang oxygen nya sa bibig.
"G-Gordon apo.." Mahinang sambit nya sa bahaw na boses.
Hinawakan ko ang kamay nya. "Lo.. magpalakas ka. Magpagaling ka para makauwi ka na."
Ngumiwi sya. "B-Baka.. h-hindi ko na.. k-kayanin a-apo.. N-Nahihirapan na a-ako.."
"No lolo! Don't say that.. kaya mo yan."
Pinisil nya ang kamay ko ng mahigpit na para bang binubuhos nya dun ang natitira nyang lakas.
"I-Ikaw n-na a-ang b-bahala sa l-lahat G-Gordon.. hahh.."
"Lo.." Nahihirapan ang kalooban ko ngayong nakikita ko syang nahihirapan.
Akmang ibabalik na ng doctor ang oxygen pero marahang umiling si Lolo Valentin.
"Si D-Diosdado.. hahhh!"
Tumiim bagang ako ng banggitin nya ang pangalan na yun. "Lo, anong ginawa sayo ng hayop na yun?"
"H-Hahhh.. n-niloko n-nya ako.. b-bawiin m-mo sa k-kanya l-lahat.. hahhh!"
Biglang nangisay ang katawan ni Lolo Valentin at bumilis ang galaw ng monitor. Tumaas ang kanyang bp pati na rin ang t***k ng puso nya.
"Lo! Lolo!" Tawag ko sa abuelo pero patuloy pa rin syang nangingisay at tumitirik na ang mata.
Nagkagulo naman ang doctor at mga nurse sa pagaasikaso sa kanya. Ayaw ko mang bitiwan ang kanyang kamay pero kailangan dahil makakasagabal lang ako sa pagrevive sa kanya.
Pero sa huli ay tuluyan ng bumigay si lolo at iniwan ako.
*****