KABANATA 3
“Mahal, what do you think about adaption?”
The moment those words left Jian’s mouth, he instantly regretted it. Lalo na noong makita niya ang nagdaang inis sa mga mata ng asawa. Nakagat niya ang ibaba ng kaniyang labi at napayuko. Natigil siya sa pagpupunas ng basa niyang buhok habang ang asawa na katabi sa kama ay natigil sa pagtitipa sa laptop nito. Bahagyang natahimik ang buo nilang silid.
“What about it?” anito sa seryosong boses.
“K-Kasi…” Tumikhim siya dahil ramdam na niya ang kaba. “Ayaw mo bang magkaanak tayo?”
Sinubukan niyang balingan ito ng tingin. Nagpatuloy lang ito sa pagtipa at ang expresiyon sa mukha nito ay tila walang interes sa kaniyang sinasabi. Noon, kung nagsasalita siya, buong atensiyon ang ibinibigay nito sa kaniya. Iiwan pa nga nito ang ginagawa para mapakinggan lang siya magdamag. Ngunit ngayon… iba na talaga ang lahat.
“Nag-usap na tayo patungkol diyan dati, Jian. Hindi ba at ayos lang na wala tayong anak?”
Oo, tama ang sinabi nito. Bago sila ikasal, they also talked about having a child or not. Dahil pareho silang lalaki, automatic nang isa sa konsiderasiyon bago sila sumuong sa pagpapakasal noon ay kung nanaisin ba nilang magkaanak at may magmana ng mga maiiwan nila o hindi na. Ofcourse, entering the kind of relationship they had, isa na sa ginive-up nila bilang lalaki ay ang ideya na makapagbibigay o magkaroon ng anak. It was not as if may mabubuntis sa kanilang dalawa ni Felix kahit pa nagniniig sila sa kama.
Nagkasundo sila noon na ayos na munang silang dalawa, kahit walang anak. Pero ngayon, nais nang i-open ito ni Jian muli.
“P-Pero hindi ka ba nababahala? Dapat may magmamana pa rin ng mga maiiwan natin. Isa pa, hindi mo ba gusto? Iyong magkaanak tayo na atin?” Pinilit niyang ngumiti rito. Jian wanted to make their atmosphere exciting.
“Atin? Kahit hindi natin kadugo?” Ngumisi ito at kinuha ang salamin sa mga mata sabay baling sa kaniya. “Isn’t it weird, Jian?”
Natitigilan siyang tumitig sa mukha ng asawa. It was as if every word he was uttering were pure mockery. Hindi ganito ang asawa niya. Hindi ito ang Felix niya.
“What’s weird?” naiinis na rin niyang tanong.
“Two man having a child?” Hindi iyon patanong, pero tunog insulto. “At the first place, what we had is already weird.”
Hindi makapaniwala si Jian sa narinig. Tila sinampal siya ni Felix sa magkabila niyang mga pisngi. Sa walong taon nilang mag-asawa, ganoon na ang iniisip nito ngayon sa kung ano ang mayroon sila? Jian clutched his chest sabay talikod rito dahil hindi niya napigilan ang nagdaang sakit doon. Tinalikuran niya ito dahil baka hindi niya matantiya ang sitwasiyon at baka masapak na ito.
“Weird?” Napasinghal si Jian dala ng namumuong inis sa kaniyang sistema. “Ganiyan na ba ang tingin mo ngayon sa atin, Felix? Nagsisisi ka na ba sa relasiyon natin? Na nagpakasal tayo?”
Hindi lubusang makapaniwala si Jian na sa tagal ng pinagsamahan nila at sa walong taon na kasal sila, aabot pa sila sa punto na ganito. Na papasok pa sa isip ng asawa niya ang mga ganoong kaisipan. Kung saang kasal na sila, roon pa nito nasasabi na kung ano ang mayroon sila ay parang hindi maganda o tama.
“I’m tired, Jian. Drop this talk and just go to sleep.”
Hindi na niya ito sinagot pa dahil ayaw niyang humantong lang sa isang away. Natatakot si Jian na kapag ginalit niya si Felix ngayon, baka ang susunod na nitong sabihin ay itigil na nila ang lahat. Pagod lang ito. Iyon ang dahilan sa utak niya para intindihin si Felix ngunit gasgas na iyon. Nagiging estranghero na ang asawa niya at iyon ang kinatatakutan ni Jian. They couldn’t fade right now. They couldn’t fall apart. Kahit hindi na niya isipin ang magkaanak, basta huwag lang silang masira. His heart was becoming more anxious. Isang gabi na naman ang nagdaan na nakatulugan niya ang tahimik na pag-iyak. Hanggang kailan niya kikimkimin ang sakit na unti-unti ay lumalaki sa kaibuturan ng kaniyang puso?
Hindi ba nito pansin na unti-unti na nitong tinutulak siya palayo? Hindi ba nito napapansin na naroon na ang takot sa kaniya kapag ang mga paningin nila’y magtatagpo? Hindi ba nito napapansin na tila kutsilyo na ang bawat salitang binibitawan nito? Hindi ba nito napapansin na ang dating masigla, ngayon ay malumbay na ang pagmamahalan nila? No more kisses, no more greetings before sleeping and after waking-up, no more sweet talks, kahit ang tawag nito sa kaniya ay malamig na at tanging pangalan niya na lamang. Hindi ba nito napapansin o sinasadya na nito iyon? Ngunit kahit ganoon, kumakapit pa rin si Jian. It was just a phase, it would pass. Pinapaniwala niya ang kaniyang sarili na naroon pa rin ang Felix na pinili at minahal siya despite of all the odds.
“Jan Adrian?”
Bahagyang nagulat si Jian sa pamimili ng dalawang de-lata na hawak nang may katandaang boses na nagsalita sa gilid niya. Narito siya ngayon sa mall at nag-grocery pagkatapos ng trabaho niya sa daycare. Naalala niya ang pagpapaumanhin ni Vernon sa kaniya kanina at nagpaumanhin din siya sa kanila ng anak nito. Jian was glad they were back to normal. Akala niya ay magiging awkward na rin sila ng kaibigan.
“Professor?” nagugulat niyang tawag sa tao na ngayon ay kaharap niya.
Isa ito sa mga paborito nilang professor ni Ameiry sa kolehiyo. Sobrang bait nito at maintindihin. Nang makita ulit ay labis na nasiyahan si Jian. Medyo may katandaan na ito at alam niyang hindi na ito nagtuturo. Sa karamihan na hindi tumanggap sa kanila ni Felix noong una, isa si Professor Daryl Cruz sa mga sinabing kung ano ang mayroon sila ay hindi mali. Hindi mali na nagmamahalan sila. And to be honest, kung hindi dahil sa mga payo ng professor nila na ito, hindi na sana niya papasukin si Felix sa buhay niya dahil sa kaniyang mga pangamba. Ngunit dahil sa mga tao na kagaya ng kaniyang professor na ito at sa pursigidong Felix na nais siyang makuha, he eventually gave-in at the end at pinili na ipaglaban ang pagmamahal niya para sa asawa. At the first place, hindi rin naging madali kung paano nag-umpisa ang relasiyon nila ni Felix kahit pa sabihing nahantong sila sa kasalang sinuportahan ng lahat.
“Masaya akong makita kang muli, ijo,” anito pagkaupo nila sa food court para makapag-usap. “Kumusta ka na?”
Inabot niya sa kaniyang dating professor ang isang baso ng mainit na tsaa habang sa kaniya naman ay isang mainit na kape. Sinubukan niyang ngumiti rito kahit mabigat na sa kaniyang pakiramdam ang gawin iyon. Jian felt like he needed to hide his pain from people around him lalo na ang mga malalapit sa kaniya. Isa sa kadahilanan noon ay ayaw niya rin na pag-isipan nila ng kung ano si Felix.
“Maayos naman po, ganoon pa rin. Ikaw po?”
Sumimsim ang matanda sa kape nito habang pinakatitigan siya. Jian shifted on his seat as he felt the pressure.
“Maayos din naman ako, ijo. Mas nagkaroon ako ng maraming oras sa aking pamilya magmula nang umalis ako sa aking trabaho. May mga asawa na rin ang mga anak ko at masaya akong inaaliw ang aking sarili sa aking mga apo.” Nakaramdam siya ng tuwa sa narinig na iyon. “Kumusta kayo ni Felix?”
Hindi na siya nagulat. Inaasahan na ni Jian na tatanungin nito iyon.
“Maayos din naman po. Sinusulit pa rin namin ang buhay mag-asawa,” pagsisinungaling niya at mas pinilit na palawakin ang kaniyang mga ngiti.
Matagal siyang pinakatitigan ng professor na tila ba kinikilatis ang kaniyang expresiyon. Rinig na rinig ni Jian ang malakas na t***k ng kaniyang puso, ngunit hindi siya nagpatinag. Tumango ito sa kaniya kalaunan.
“Masaya akong malaman iyan. Ang relasiyon ninyo, maraming humanga riyan, Jan Adrian. Isa na ako roon. Kahit hanggang ngayon, sariwa pa rin sa utak ko kung paano kayo nag-umpisa at kung paano niyo nilaban sa lahat ang pagmamahalan ninyo. Nawa ay maging matatag kayo hanggang sa huli.”
Hindi siya nakasagot sa tinuran nito. Napayuko siya at pinakatitigan ang baso niya ng kape. With his fingertips, Jian traced the rim of the cup and started reminiscing of the past in his mind. Kung paano unang nagtagpo ang landas nila ng seryoso at may pagkasimpatikong Felix Anderson habang siya ay isang mahiyain na Jan Adrian Laxamania. Naalala niya na sa inter-school iyon, kung saan nagsama ang iba’t-ibang eskwelahan sa iisang eskwelahan para sa mga paligsahan. Dahil sa talino, contestant sa debate noon si Felix na kalaunan ay nalaman niyang natatanging tagapagmana ng mayaman na pamilyang Anderson. Hindi nga inaakala ni Jian na darating sa punto na magkakamabutihan sila. Nagsimula lang naman iyon nang aksidenteng nakita niya ang cellphone nito at pinagkamalan siya nitong magnanakaw. Hanggang sa namalayan na lamang niya na araw-araw na itong pumupunta sa unibersidad nila para kuhain ang loob niya. Na naglaon ay nagbunga sa isang malalim na relasiyon na humantong sa pagpapakasal nila.
Malakas na ang buhos ng ulan sa labas nang papauwi na si Jian. Mabuti na lamang at may dala siyang payong habang bitbit sa isang kamay ang mga pinamili. Ang dati niya namang professor ay nasundo na ng anak nito kasama ang asawa at mga apo. Seeing them ignited Jian’s jealousy once again. A happy family… how good it could be.
Nag-aabang siya noon ng masasakyan nang aksidente siyang mapatingin sa kabilang bahagi ng kalsada. Sa tapat ng mall kung nasaan siya ay isang jewelry shop. May lumabas doon na dalawang tao at halos mapunit ang puso niya nang makita kung sino ang lalaki habang sa tabi nito ay may nakaangkla na babae. They were both smiling with each other. Ang mga ngiti na iyon na dati ay para lamang sa kaniya.
“Felix?” he uttered the man’s name.
Nabitawan ni Jian ang kaniyang payong at hinayaan ang tubig-ulan na basain ang buo niyang katawan. Gusto niyang humakbang at habulin sila, kaso masyado na siyang nagulat dahilan para manigas na siya sa kinatatayuan. He felt dizzy. He could feel people’s eyes around him. His eyes blurred as tears came falling from his eyes at humalo sa tubig-ulan na patuloy sa pagbuhos mula sa madilim na kalangitan.
Nananaginip lamang ba siya ngayon?