Enrico Pov...
Pabagsak akong umupo sa aking upuan. Nakakapagod din ang aking meeting ngayon pero worth it naman. Hindi ko aakalain na mamahalin ko na ang pagiging isang hotelier.
Dynasty hotel is my legacy simula ipinasa sa akin ni papa ang pamamahala. Namatayan ako ng isang kaibigan pero nakahanap siya ng mamahala dito. Buti naman at profitable ang kanilang hotel kahit kakasimula pa lamang. Sayang naman kasi though willing naman akong isama sa aking busy na skedyul. That business is one of my wings!
Balita ko rin na magaling na chef ang kanilang naging tagapagmana which is a good catch as well. Bihira magtiwala ang mag asawang yun sa mga tao sa kanilang paligid kaya naman kung sino ang napili nila I bet maasahan siyang tao at curious akong makilala siya. My new business partner!
Matagal na rin ang huling dalaw ko sa Vidal Hotel. Madalaw nga at makita ang bagong may ari. Tapusin ko lang ang meeting kay Danny at Sharon sa darating na Lunes para sa branching dito sa Makati. The hotel is almost finish. Kakaibang kanegosyo talaga si Letty. Ang babaeng akala mo ay hindi kayang tumayo sa kanyang sariling paa pero tignan mo nga naman kung anu ang iniwan niya. Her legacy!
"Enrico!" Pagpukaw sa akin ni Levi.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya. Para siyang nakakita ng multo sa kanyang hitsura.
"Tawagan mo si Mae at sabihin mong kapag may naghanap sa'yo ay hindi ka pwedeng abalahin." Kanyang saad. Napakunot noo akong nakatitig sa kanya.
"At bakit naman Levi? May meeting pa ako mamayang alas tres eh!" Sagot ko sa kanya.
"Basta gawin mo nalang!" Singhal niya sa akin na pinagpapawisan. Hindi ko man maintindihan ang point niya ay tinawagan ko pa rin si Mae saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag na bumagsak sa sofa.
Kapwa kami tahimik at hinihintay ang kanyang paliwanag nung may kumatok sa pintuan. Sabay kaming lumingon sa pintuan habang siya ay lumaki nanaman ang mata.
"Levi anu ba ang nangyayari ha? Pakipaliwanag mo nga sa akin?" Tanong ko sa kanya kasi sa kanyang hitsura ay mukhang hindi niya gusto ang taong nasa likod ng pintuan.
"Levi!" Muli kong tawag sa kanya. Umiling siya na nakatitig sa akin.
"Sigurado akong pagsisihan mo kung sino ang anjan Enrico." Kabado niyang saad. Sino ba kasi ang tinatakbuhan niya. Lumaki ang aking mata nung mapagtanto kung sino.
"F*ck!" Malutong kong usal bago tumayo at tinignan kung sino ang kumakatok.
"Diana!" Hindi makapaniwala kong sambit.
"Hi babe!" Nakangiti niyang pagbati. Dumilim ang mukha ko pagkakita sa kanya. Babe! The nerve!
"What the f*ck are you doing here? And I'm not your f*cking babe!" Singhal ko sa kanya. Hindi pa natatapos ang inis ko sa kanya nung dumating din ang babaeng stalker ni Levi.
"Hi Enrico, sabi ko na ba eh, andito ka lang. Your secretary is a liar!" Malandi niynag saad. Napakunot noo naman si Diana pagkakita sa kanya na nakangiti at kumekendeng kende pa na naglalakad palapit sa akin.
Masakit na ang ulo ko sa meeting ko ngayon tapos makikita ko pa ang dalawang ito! Bago ko pa sigawan si Levi ay dumating na ang sekyurity.
"Maam pasensya na po pero may importanteng meeting si sir Enrico ngayon!" Saad na paliwanag ng sekyu. Tumaas ang kilay ni Diana sa kanya.
"I'm his fiance!" Mayabang niyang gatol.
"Pasensya na po maam, saka wala pong fiance si sir Enrico." Patol ng sekyu na seryosong nakatitig sa kanya.
"What!" Maarteng singhal ni Diana.
"Okay! I'll see you later Enrico!" Kindat ni Lisa na ikinainis ni Diana para habulin siya. Sinara ko na ang pintuan ng aking opisina. Bahala na ang gwardiya sa kanila.
Tinitigan ko si Levi ng masinsinan. Pwede naman kasi niyang sabihin na anjan si Diana.
"Sana sinabi mo na anjan si Diana para alam ko." Singhal kong asar sa kanya.
"Anu?" Gulat niyang sambit.
"Si Diana ang nasa may pintuan Levi!" Sabi ko sa kanya na naiinis.
"What the f*ck! Enrico hindi si Diana nag humahabol sa akin kanina kundi si Lisa!" Sabad niya. Tumigil ako sa pagpunta sa aking mesa at tinignan siyang muli.
"Hindi ba siya stalker mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling siyang pabagsak na umupo.
"Sisihin mo ang sarili mo sa pagiging ubod ng karisma at kagwapuhan. Mamigay ka kasi!" Angal niyang sagot sa akin.
"At anu naman ang kinalaman ni Lisa sa karisma ko, Levi?" Angil ko sa kanya. Wala talaga siya sa ayos. Bigla siyang humalakhak ng malakas.
"Okay! Lisa is stalking yoy not me! Ilang beses na siya nagset up ng trap sa'yo pero ako ang nakakakuha kaya hanggang ngayon wala kang problema jan pero ang pagbalik ni Diana ay hindi ko alam yan!" Bato niya sa akin na sagot. Napatanga akong nakatitig sa kanya. If there's someone I want to waste my life with, yun ay ang babaeng walang pagsisisi niyang ibinigay ang kanyang kainosentehan sa akin, hindi sila.
"Hindi ako magsasayang ng oras sa kanilang dalawa. Kung gusto ko ng babae hindi sila yun!" Sagot ko sa kanya. Bakit ko naman babalikan ang babaeng nagtapon sa akin? Hindi rin ako papatol sa babaeng mababa ang lipad kahit siya pa ang pinakamayaman na babae sa balat ng lupa!
"Okay! So paano mo sila tatakasana ngayon lalo na si Lisa na desidido kang makuha kahit sa maduming paraan?" Tanong niya sa akin. Kailangan kong mahanap ang babaeng bumihag sa puso kong nanahimik. Yun lang ang paraan. Limang taon ko na siyang hinahanap at hindi ako titigil.
"I'll that woman who makes me man again!" Malalim kong sagot. Kapag makita ko siya hindi ko siya pakakawalan.
"Anu! Limang taon na ang nakakaraan Enrico baka may asawa na 'yun!" Pagkontra niyang sagot. Napaamin niya kasi ako kung bakit umiba ang mood ko noon. Hindi ko kasi siya makalimutan! Para siyang isang sirang plaka na paulit ulit na lumalabas sa aking balintanaw.
"Paghihiwalayin ko sila ng asawa niya!" Sagot kong ikinalaki ng mata niya.
"A-Anu! Teka Enrico hindi ka pa nababaliw niyan ha! Baka kailangan na kitang dalhin sa psychiatrist!" Hindi makapaniwala niyang saad. Ngumisi ako sa kanya ng nakakaloko. Malakas ang kutob ko na wala pa siyang asawa.
"Mukha ba akong nababaliw Levi? Matino pa ako at malakas ang pakiramdam ko na wala pa siyang asawa." Siguradong sigurado kong sagot sa kanya. Nakanganga siyang hindi makapaniwala sa mga katagang lumalabas sa aking bibig.
"Enrico huwag mo akong hamunin. Mahal kitang kaibigan kaya kung gusto kong masiguradong matino ka pa talagang tatawag ako ng doktor!" Hamon din niyang saad bago tumayo para umalis.
"Be my guest buddy or find your f*cking woman!" Pahabol kong sigaw sa kanya na nakatawa.
I'm not crazy! I just fallen in her damn trap that I never expected to happen!