BRIX POV.
MATAPOS ang graduation ko ay sa isang magarang bahay ako dinala ni Don Mariano.
“Feel at home Hijo, mula sa araw na ito ay ito na ang magiging tahanan mo.”
“S-Salamat po,” saka ko iginala ang paningin sa kapaligiran. Lahat ng aking nakikita ay karangyaan, at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may isang taong nagligtas sa akin mula sa putik na ginagalawan ko. Ngunit ang malaking palaisipan ay ang ginawa nitong pagtulong sa akin. Sino ba talaga si Don Mariano, para ibigay sa isang tulad ko ang ganitong marangyang buhay?
“Gabriel, doon tayo sa library at ipapaliwanag ko sayo ang lahat ng katanungan diyan sa iyong isipan.”
“Sige po Don Mariano.” saka ako sumunod sa kanya at binaybay namin ang pasilyo patungo sa pinaka dulo.
“Maupo ka.” at iniwan akong saglit nito. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako binalikan ng Don. May dala itong isang folder at inilahad sa harapan ko.
“Read carefully, pag meron kang gustong ipabago o idagdag ay sabihin mo.” hindi ako sumagot bagkus ay dinampot ang folder at sinimulann basahin iyon. At hanggang natapos ko ang nasa sampung puhas ay tahimik ko pa ring ibinaba iyon sa ibabaw ng table.
“What do you think, Hijo?”
“Bago ko po sagutin ang gusto mong sabihin o kaya naman ay itanong, gusto kong malaman bakit ako po ang napili mo? Sa dami ng mga kabataan na maaaring mas higit na nangangailangan kumpara sa akin ay ako ang nais mong bigyan ng chance?” ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya, bagkus ay may envelopes na inilabas ito mula sa drawer nito.
“Here, tingnan mo lahat yan, Gabriel.”
Few minutes later…
“P-Paanong sa kaibigan ni Mama niya ako ipinagkatiwala at hindi mismo sa inyo?”
“Dahil bata pa lang ang mama mo ng lisanin ko ang mansion. Nagsimula iyon ng malaman ng aking ama ang tunay kong pagkatao. Pinalayas nila ako at sinabing huwag nang babalik dahil para sa kanila ay patay na raw ako. At sa mga panahong iyon ay hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Hanggang nabalitaan kong pumanaw na ang iyong mama. Pinuntahan ko ang lugar kung saan siya nakatira at doon ko nalaman na may anak siya. Maraming taon kitang hinanap ngunit bigo ako. Iyong pagkikita natin sa mall, naramdaman kong may connection tayong dalawa nang tulungan mo ako. Kaya pinaimbistigahan ko agad at hindi nga nagtagal ay lumabas ang result na ikaw ang matagal ko ng hinahanap.
“Maaari ko po bang malaman ang dahilan kung bakit ka itinakwil ng mga magulang mo, lolo?”
“Dahil isa akong s-silahis sa pamilya. At nang mamatay si Papa at Mama ay sinisisi nilang lahat sa akin kung bakit maagang namatay ang mga magulang namin. Nalaman kong inalisan din pala ako ng mana sapagkat isa raw akong kahihiyan na sumira sa buong angkan ng mga Guevarra.
“Kung ganun paanong naging anak mo po si Mama?”
“Dahil na set-up ako, pinainom nila ako ng may halong s*x drugs at dinala ang lola mo sa kwarto ko. Iyon ay utos mula sa aking ama, gusto raw magpakalalaki ako nang mabura sa mata ng mga tao ang pagiging silahis ko. Ngunit hindi nangyari hanggang isinilang ang iyong Mama, walang nagbago sa pagiging silahis ko.”
“L-Lolo, akala ko po ako lang ang may pinakamahirap na pinagdaanan sa buhay. Ganun ka rin pala, mas masakit pa dahil mismong ang pamilya mo ang tumalikod sayo.”
“Kaya kung anuman ang lahat mga pinagdaanan mo Gadriel, sikapin na kalimutan ang lahat at magsimula kang muli dito mismo sa bahay na ito.”
Wala akong alam na isagot sa aking abuelo, bagkus ay napayakap na lang sa kanya. At hindi napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha. Tama ito, dito sa mansion Guevarra, sisimulan kong baguhin ang lahat. Dito rin mismo ay simulan ko ang bagong kabanata ng buhay ko.
-
HINILING sa akin ni Don Mariano, na mag-aral ako at kumuha ng kurso na related sa business. Gusto pa nga nito ay na rin sa ibang bansa ako magpaka dalubhasa ngunit aking tinaggihan. Mas pinili ko na sa isang pamantasan ng bansang Pilipinas na lang ako pumasok. Kumuha ako ng kursong Business administration, ayon din sa kagustuhan ni Lolo. Sa bawat pagsunod ko sa mga request niya ay bilang pasasalamat na rin. Isa pa ay para sa mga negosyo na ako rin naman ang magmamana sa bandang huli.
Malapit nang matapos ang unang semester ng biglang nagkaroon nang gulo sa aking buhay. Isang tao na kailanman ay hindi ko na inaasahang makikita pa.
“How are you Brix?”
Hindi ako sumagot bagkus ay nilampasan ko lang ang aking professor. Subalit muli itong nagsalita na kinahinto ko sa gagawin pag paghakbang.
“Follow me kung ayaw mong dito mismo ay malaman ng mga estudyante kung sino ka talaga.”
Wala akong nagawa kahit nagngingitngit sa galit ay sumunod ako sa opsina nito.
“Lock the door, Brix, nang walang ibang makarinig ng sasabihin ko sayo.”
“Para saan po ang sasabihin mo Sir?”
“Bumalik ka sa akin,” walang paligoy ligoy na pahayag nito sa akin.
“Sorry sir, pero hindi ko binabalikan ang mga tao o bagay na dumaan na sa buhay ko.”
“Gusto mong makatapos?”
"Of course yes, kaya nga ako muling nag-aral eh."
"Kung ganun sundin mo ang mga gusto ko or else...
"Go ahead Sir, dahil hindi lang naman ako ang sisikat sa eskwelahang ito kundi tayong dalawa." saka ako tuloy tuloy na lumabas ng pintuan. Nawalan na ang gana kong pumasok sa susunod pang subject. Kaya nagpasyang umuwi na lang ng bahay, agad namang nag-alaala ang aking lolo sa pag-uwi ko ng maaga.
"I'm sorry lolo, pero parang hindi ko na yata kayang mag-aral pang muli."
"Ano ba ang tunay na nagyari apo?"
"Isa sa professor ko ay dating nagpasasa sa katawan ko. At ngayon ay gusto niyang bumalik ako sa kanya, tinakot pa ako na malalaman raw ng buong campus kung sino talaga ako kapag hindi ko sinunod ang gusto niya."
Wala akong narinig na sagot mula kay lolo ngunit naramdaman ko ang yakap niya sa akin. "I'm sorry Gabriel, kundi kita pinilit na muling mag-aral hindi sana nag krus ang landas niyo ng professor na yon."
"Ayos lang po lolo, susubukan ko pa rin pumasok at sana lang hindi na kami muling magkita pa."
Naging maayos naman sa akin ang mga sumunod na araw, linggo at buwan. Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Lalo na ang mga babaeng hantaran nagbibigay ng motibo upang mapansin ko lang. Subalit kahit isa ay wala akong binigyan ng atensyon. Sasaktan ko lang ang aking sarili kung sakaling makipag relasyon isa man sa mga iyon dahil walang lihim ang hindi nabubulgar. Kaya mas mabuting umiwas na lang ako sa commitment, ngunit sadyang maraming tukso sa paligid. Kagaya na lang ngayon isang napakagandang babae ang nakasandal sa wall malapit sa men's rest room. Nang sulyapan ko ito ay nakatitig pala sa akin, ang malaki nitong dibdib, makinis na balat at mapupulang labi ay parang nag-aanyaya ng isang matamis na halik. Ngunit dapat akong umiwas at nang akmang lalampasan ko ito ay biglang humarang sa aking daraanan.
"Slept with me, Brix."
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Your a popular kaya bakit ka pa nagtatanong?"
"Ilang lalaki na ang inalok mo ng ganyan?"
"Wala pa ikaw pa lang ang una, gusto ko lang na makatabi ka sa pagtulog dahil sa susunod na mga araw ay aalis na ako sa eskwelahang ito.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"I mean, bakit ka aalis?"
"Dadalhin na ako ng mapapangasawa ko sa ibang bansa."
"Mag-aasawa ka na?"
"Pambayad utang sa malaking pagkakautang ng parents ko, at gusto kong kahit sa huling sandali ay magawa ko ang gusto ko sa buhay. Ano payag ka ba na buong gabi tayong magkasama sa isang kama?"
"Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?"
"Yes, Brix, I want to be with you, once lang naman. Papayag ka ba?"
"Sige, but I remind you, hindi ako nakikipag commitment sa kahit sino."
"Sure, sabi ko nga 'di ba aalis na ako one of this day?"
"Yeah, so saan tayo?"
"May kotse ka 'di ba?"
"Yeah," kakaiba rin ang babaeng ito sabagay napakaganda naman kaya mahirap tanggihan at baka sa iba pa mapunta.
"Sundan mo lang ang kotse ko."
"Copy."
Habang nakasunod ako sa pulang Ferrari na dala ng dalaga ay lalo pang gumada ito sa aking paningin. Bagay na bagay dito ang mamahaling sasakyang gamit nito.
Halos isang oras din akong susunod sunod sa dalaga, hanggang pumasok kami sa parking. Saka ko pa lamang nabasa ang lugar kung nasaan kaming dalawa matapos makababa ng sasakyan. Isa pala iyong five star hotel, at pagdating sa taas ay namangha ako sa napakagandang kwartong pinasukan namin.
"Hindi ba malalaman ng magiging asawa mo ang mangyayari sa atin ngayong gabi?"
"Hindi, dahil matanda na iyon at isa ng senior citizen."
Natilihan ako at hindi nakapagsalita, ngunit nagulat ng biglang yumakap ang dalaga sa aking likuran. Ramdam na ramdam ko ang malambot nitong katawan ang malusog na dibdib at ang kaakit-akit na alindog. Kahit sinong lalaki ay pagpapantasyahan ito, pero ngayon ay nasa aking mga bisig kaya dapat ko pa bang pakawalan ito kung sakaling magbago nga ang isipan?
"Angkinin mo ako ng buong gabi Brix."
Hindi ako sumagot ngunit agad na binuhat ang dalaga at dinala sa ibabaw ng malapad na kama.
"May oras ka pa upang magbago ang isipan, dahil once na sinimulan ko ang gusto mong mangyari ay wala ng atrasan pa. Sisiguraduhin kong hindi ka makakalakad bukas ng umaga." matiim ko siyang tinitigan sa mukha at nahalata kong napapalunok ito. Hindi ko alam kung natatakot ito sa akin o baka nasasabik sa mga gagawin naming dalawa.