KABANATA 2

1202 Words
KABANATA 2 Everyone around us gasped while the both of us are still staring with each other. Natahimik ang paligid at pigil hiningang nag-aabang sa susunod na mangyayari. Ako nama’y kaagad na nagsunggab ang mga kilay sa narinig mula sa kaniya. He looked so amuse while looking at me. “Hoy, Raine! Ano ba ‘yang ginagawa mo?” boses iyon ng babae. Nakita ko mula sa likuran niya na paparating na ang tatlong tao na lagi niyang kasama. Sila ang mga kaibigan niya. Alam kong sila Hyacinth, Mark, at Franciz ang mga pangalan nila. I struggled around his grip habang sila Sam ay lumapit sa tabi niya. “B-Bitawan mo ako…” halos pabulong ang pagkakasabi ko. “Hoy kayong tatlo, siya ang sinasabi ko! See? Hindi siya multo, ‘di ba?” Nang makalapit ang tatlo niyang kaibigan sa kung saan kami ay pinakatitigan nila ako. They looked at their friend Raine like he’s the weirdest person alive. Like I mean, mukha lang siguro akong multo pero hindi ako multo. Kahit ako man, tinititigan siya na para bang naging isa siyang alien bigla. Unang nagsalita ang mukhang pormal at matalino sa kanila. Si Franciz iyon, ang pinakamatalino sa batch ng fourth year. “She looks like a ghost, but she’s definitely not a ghost, Raine,” aniya sabay tulak sa salamin niya sa mga mata. He got the right words out of my mouth. Ang mukhang mapaglaro naman sa kanila at parang maraming kalokohan sa katawan ay bahagyang lumapit sa akin, naniningkit ang mga mata niya. Kung tama ako, si Mark ito. Siya naman ang kengkoy sa batch. Pinipilit ko pa rin na makaalis sa pagkakahawak ni Raine habang ang lahat ng mga mata nila’y nasa akin. Pakiramdam ko’y para akong langgam na pinapalibutan ng mga pusa. Ayaw ko nito. Ayaw ko ng atensiyon. Pero bakit ba pilit nila akong nilalagay sa ganitong situwasiyon kahit hindi naman ako nagpapapansin sa ni isa sa kanila? “Ah! Si weirdo pala ang hinahanap mo!” Raine’s other friend beamed like he won a jackpot. “Weirdo?” Narinig ko ang mababaw na tawanan sa paligid. Sam and her gang even looked at me like I’m the most pathetic girl in the world. Sanay na rin naman ako, ano pa ba ang bago? “Sabi nang bitawan mo ako, eh!” napakalakas kong sigaw, taas-baba ang dibdib ko sa inis. I gasped when everyone looked at me with wide eyes. Wala na akong sinayang na sandali nang mabitawan ako ni Raine. Kaagad na akong tumalikod at tumakbo paalis doon. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakaabot ako sa lugar kung saan ako laging nagtatago. Ang lugar na tahanan ko rito sa paaralan na ito. Hawak ko ang braso na mahigpit na hinawakan ni Raine kanina. Hinila ko bahagya ang mahaba kong jacket at nakita ang bahagyang pagdurugo ng mga hiwa roon. Kaya pala sobrang hapdi, ang higpit pa naman ng kapit niya maging sa may pasa kong braso kung saan si Sam naman ang humawak. Naupo ako sa kahoy na upuan doon. Napayuko ako sa lupa at maraming bagay na naman ang pumasok sa aking isipan. Bahagya akong napasabunot sa buhok ko at kinagat ang ibaba kong labi hanggang sa nalasahan ko ang dugo roon. Bigla akong kumalma. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nasasaktan o nasusugatan ko ang aking sarili ay kumakalma ako. Minsan naiisip ko na baka nga tama sila at baliw na ako. Nakatago sa likod ng mga mahahabang kasuotan na ito ang mga pruweba na wala na ako sa tamang pag-iisip. Mababaw akong natawa sa aking sarili. “Teka…” Napatingin akong muli sa kamay ko nang makita na tila may nawawala roon. “A-Ang notebook ko!” Kinakabahan akong napatayo at tumakbong muli. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi na rin ako makatakbo ng maayos sapagkat nanginginig na ang mga tuhod ko. Sweat started to drip from my forehead to my neck. Alam ko na dala iyon ng pagtakbo na may halong tensiyon. If I lose that, if I lose that only thing that’s keeping me sane, then I am afraid I am really done for. That’s the only thing that is keeping me alive. The only thing where I could pour all my thoughts because no one’s there for me. My family, my bestfriend, my heart. I can’t lose it. Nang makabalik ako sa lugar kung saan kami kanina ay kaagad akong tumingin sa lupa. Hapo na hapo ako ngunit wala na akong pakialam. My eyes are starting to blur because of the tears. Naririnig ko ang mga boses nila sa kalayuan dahil nagsisimula na ang flag ceremony na hindi ko na sana a-attend-an, ngunit tila ba may kakaibang ingay na bumabalot ngayon sa mga tenga ko. Napatakip ako sa mga tenga ko dahil kahit anong hanap ko ay hindi ko na iyon makita. “Nasaan ka… Nasaan ka na?” I said between my nervous sobs. “Sabi ko na, sa’yo ‘to noh?” My head instantly snapped to where that voice came from. He’s grinning while he’s waving my notebook from one of his hand. Ang isa niyang kamay ay nasa kaniyang bulsa habang siya ay marahang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko inalis ang paningin sa notebook ko. “A-Akin ‘yan. Ibalik m-mo ‘yan…” I said, almost a whisper. “Hmm… ganoon ba kaimportante sa iyo ang bagay na ito?” tanong niya. Mula sa notebook ko ay nalipat ang nagtataka na mga mata ko kay Raine. Bakit ba kanina pa siya ganito sa akin? Wala naman akong naalala na nabanggaan ko siya kaninang umaga o nagkaatraso ako sa kaniya noon. Sa pagkaalala ko, heto ang unang pagkakataon na kinausap niya ako o pinadapuan ako ng mga paningin niya. Palagi ay parang hangin lang naman ako sa tao na ito. Hindi naman sa dinaramdam ko ang bagay na iyon, wala lang din naman siya sa akin. Basta ang alam ko, kilala siya dahil sobrang palakaibigan daw niya at mabait. Pero bakit ginaganito niya rin ako kagaya nila? “A-Ano ang kailangan mo sa akin?” depensa kong tanong. Nakita niya siguro ang pagkabahala sa mga mata ko at ang panginginig ng katawan ko. Nakita kong nagtagal ang paningin niya sa suot ko dahilan kung bakit ako laging tampulan ng tukso at tinatawag na ‘weirdo’. But unlike them, I can’t see any judgement from his eyes. It remained calm and kind. “Alam mo, fourth year na tayo pero ngayon lang talaga kita nakita. Sabi ng mga kaibigan ko, sikat ka raw dahil lagi kang binu-bully.” Lumapit siya sa akin at nakangiti na inabot sa akin ang notebook ko na kaagad kong kinuha. Nakahinga ako nang maluwag at napangiti nang muli kong nahawakan iyon. “S-Salamat…” may kaunting ngiti na pagpapasalamat ko kay Raine na noo’y napawi ang ngiti. Napaatras ako nang yumuko siya para magtapat ang mga mukha namin. Tila sinusuri na naman niya ako. Ang isa niyang kamay ay nakalapat sa baba niya, iyon bang parang nag-iisip ng malalim. Naiilang na ako sa mga titig niya kung kaya ay wala sa sarili na napayuko ako. “Okay, I’ve decided!” Napatalon ako sa gulat nang bigla siyang sumigaw. “Simula sa araw na ito, magkaibigan na tayo!” bigla niyang deklara na kinanganga ko sa harap niya. “H-Ha?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD