KABANATA 4

2931 Words
F A I T H Ilang araw kong ginugol ang sarili ko sa trabaho ko kahit hindi pa ako tuluyang magaling dahil hindi ko alam parang kinakabahan ako sa malalaman ko. Sana hindi totoo ang mga sinasabi nila baka hindi ko kakayanin sobra ko siyang mahal para iwan. Kung ano man ang totoo. Tatanggapin ko martyr ba? Ganun naman talaga ang kapag mahal mo di'ba? Gagawin mo lahat para lang hindi ka niya iiwan. Tatanggapin mo siya kahit nagkaroon siya ng malaking pagkakasala. Ganun ko siya kamahal para magpakatanga sa kaniya. Pagkatapos kong makipagkita nung nakaraan sa P.I ko yun din yung araw na umuwi siya sa mansion na may pagaalala halos nasa tabi ko lamang siya para masigurado niya na gagaling kaagad ako. Halos di na siya umalis sa tabi ko nung araw na yon. Tama ba ang pagiimbestiga ko sa asawa ko? Kung gayong bumalik na siya ulit sa piling ko? Tama bang paghinalaan ko siya? Paano kung malaman niya na naghihinala nako? Baka magalit siya sakin, never ko pa siya nakitang nagagalit and this time baka makita ko na ang totoong Zendrick Montemayor. Natatakot ako na baka mawala siya sakin. I can't live without him! Madami na kaming pinagdaanan sa buong buhay namin, ilang bala na rin ang nasalo namin para lang kami ang magkatuluyan. What if pa kung malaman ko ang totoo hindi ba? Masasaktan man ako pero wala akong magagawa kung hindi tanggapin yon. Ganun nga siguro ako kabobo, katanga katulad ng sinasabi ng iba pero anong magagawa ko? Mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang iwan pero sana nga hindi tama ang sinasabi ng lahat tungkol sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako, at kumuha ako ng alak at nilagay ito sa kopita atsaka ako sumimsim. masyado nakong naiistress netong mga nakaraang araw halos hindi nako natutulog para lang magtrabaho. Mahirap ang buhay na may gagampanin kang responsibilidad pero kailangan ko tong gawin dahil ako lang din naman ang aasahan sa sarili kong business. "Hey" Halos mahulog ako sa swivel chair ko sa gulat at lumingon sa pintuan. Si Z. Anong ginagawa niya dito? "Na-istorbo ko ba ang asawa ko?" Alanganing tanong niya sakin umiling naman ako at sinenyasan siyang umupo sa sofa. Simula nung umuwi siya palagi na niya akong pinupuntahan sa opisina ko para pagdalhan ng pagkain o di kaya minsan dadalaw lang siya. "Wala ka bang trabaho?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at lumapit sakin. Hinilot niya yung sentido ko at sobrang sarap sa pakiramdam. "Masama bang dalawin ang asawa ko? Tara dinner tayo" masayang sambit niya sakin. Natigilan ako at alanganin lang akong ngumiti sa kaniya. Ito nanaman siya sa pagaaya baka hindi nanaman matuloy at magmukha nanaman akong tanga kakahintay sa kanya. Ay sabagay tanga nga pala ako pagdating sa kaniya. Ngumiti naman ako at hinalikan ko siya sa labi. "Sure! Wait magbibihis lang ako" ngumiti naman siya at niyakap niya ako. W-Wait. Parang may mali May mali sa mga yakap niya. Nararamdaman ko na wala ng init ang mga yakap niya. Hindi na mahigpit tulad noon na parang ayaw niya akong pakawalan. Anong nangyayari satin Z? Nasan na ang init ng halik at yakap mo? This is not you Z! Where is my husband? Bakit parang tila nagiba ang mga yakap mo? Anong nangyayari? "Hey Are you okay wife?" Pinilig ko lang ang ulo ko at pilit na ngumiti sa kaniya tsaka ako pumasok sa kwarto dito sa opisina ko. Sinulyapan ko pa siya na naghihintay sakin Tama na ba ang kutob ko Z? Na may kahati nako? Namalayan ko na lang na tumutulo nanaman ang masasaganang luha ko Sobrang sakit na pakiramdam mo wala ka na lang para sa kaniya. "Whats wrong with you Z? Ikaw paba ang Z na asawa ko?" Bulong ko sa kawalan. Pagkatapos kong magbihis inayos ko ang mukha ko baka mahalata niya na umiyak ako ayoko rin naman maging panget sa harapan ng asawa ko. Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti. "Be Strong Faith..." Paglabas ko ng kwarto napansin ko na may kausap siya sa phone niya na may pagaalala sa mukha niya hindi niya ako napansin kasi nakatalikod siya sakin. "Ssshh Don't cry.. I'll be there." Rinig kong sambit niya sa kabilang linya.. Nawala ang ngiti ko ng marinig yon, mukang hindi nanaman matutuloy. May aasahan pa ba ako? Hanggang kailan ka ganito Z? Nung humarap siya sakin ngumiti ako kahit pilit lang Alam ko naman na kung ano ang sasabihin niya. "Wife im sorry may appointment ako ngayon kasi may isang site na nagkaroon ng problema" may bahid na pagaalala na sambit niya sakin. Ngumiti lang ako at tumango naiintindihan ko naman dahil trabaho niya yon hindi niya pwedeng pabayaan yon. "I understand hubby.." Mapakla akong ngumiti bago ko siya nilapitan. "Naiintindihan ko" mahinang sambit ko kahit may badyang luha nanaman na tutulo pero pinigilan ko at huminga ako ng malalim. "Sige na baka kailangan ka na nila. Wag mokong intindihin ayos lang ako may next time pa naman hindi ba?" Niyakap ko siya at naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. "Thank you wife. I promise babawi ako sayo" hinalikan niya ako sa noo. Mapait akong ngumiti sa kanya at tumango. May aasahan pa nga ba ako Z? Hinalikan naman niya ako sa labi bago siya lumabas ng opisina ko nakatulala lang ako sa pintuan na nilabasan niya at doon na tumulo ng tumulo ang luha ko. Wag kang mangako Z kung hindi mo rin tutuparin. Nakatanaw lang ako sa bintana at tinanaw lang ang sasakyan niyang humarurot na. Napabuntong hininga naman ako at uminom ulit ng alak. Naisip kong sundan siya? Hindi pa naman siya nakakalayo di'ba? Tama! para malaman ko na rin ang totoo kung saan ba talaga siya pumupunta. Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang pouch ko sa sofa tsaka ako nagmamadaling lumabas ng opisina ko.. Nasalubong ko pa ang butler ko at ang secretary ko.. "Maaga akong uuwi ikaw na bahala dito Crisa" sambit ko sa sekretarya ko. Tumango naman siya sakin at sinabihan akong magingat. Hinila ko na ang butler ko hanggang sa nakarating kami sa sasakyan ko. "John sundan natin si Z" utos ko sa kaniya. Kahit naguguluhan siya sumunod din naman siya sakin. Sinundan nanamin ang sinasakyan ni Z alam kong hindi pa siya nakakalayo. Napasandal na lang ako sa sandalan at hinilig ko ang ulo ko Hindi ko alam pero kinakabahan na ako sa mangyayari hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong totoo ang lahat. I don't know what to do! "Lady Fem nasa isa tayong street.." Anunsyo ni butler John. Napaayos ako ng upo at sumilip sa labas ng bintana. Maraming tao ang nadadaanan namin pero halos lahat nakatingin sila sa sasakyan namin yung iba namamangha at yung iba nagtataka. Napansin ko ang sasakyan ni Z na medyo kalayuan kaya hindi niya napansin na sinusundan namin siya. Tumigil ang sasakyan niya sa isang kalumaang bahay kaya tinabi rin ni john ang sasakyan namin sa tabi na malayo sa kaniya para hindi siya makaramdam na nasundan ko siya. Hinintay ko lang na bumaba siya sa sasakyan niya kaya ilang minuto lang rin bumaba na siya at nagmamadali na pumasok sa isang kalumaan na bahay. Bakit siya nandito sa lugar na to? Alam niyang hindi kami pwede sa ganitong matao na lugar! At baka may makakilala sa kaniya na isang montemayor! Pinapahamak ba niya sarili niya? Sinenyasan ko si john na bababa ako, nagaalangan pa siya pero sumunod din siya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at bumaba ako ng sasakyan ko. Ginala ko pa ang mata ko sa lugar, this isn't familliar. Hindi pa ata namin ito napupuntahang lugar na ito dahil nagpupunta rin ang pamilya namin sa mga ganito para pakainin ang mga street children pero iilan lang sa mga pinsan ko ang nakakarating sa mga ganitong lugar dahil kailangan naming magingat dahil nasa paligid lang kalaban ng pamilya namin sa negosyo pero.. Bakit nandito si Z? Anong ginagawa niya rito? "Ineng" napaigtad ako sa humawak sa balikat ko kaya napalingon ako mukang natakot ata ang matanda tsaka bahagyang lumayo sakin. "Pasensya kana ineng kung hinawakan kita diko sinasadya" nakayukong sambit niya sakin. Napangiti naman ako at hinawakan sa kamay si nanay. "Nay ayos lang ho.." Nakangiting sambit ko sa kanya. Umangat naman ang tingin niya sakin halata ang gulat sa mata niya, lumingon lingon pa siya sa paligid bago ako hinila sa tagong lugar. "Anong ginagawa mo dito lady fem? Hindi ka nababagay dito baka may makakilala pa saiyo dito." Mahinang saad niya. Hindi ako makapaniwala na kilala niya ako. "Mukang nagulat ata kita ako to si Inang Della ang binigyan ng pamilya niyo ng negosyo at pinagtapos ang mga anak ko sa inyong paaralan.." Napangiti naman ako at niyakap siya natatandaan ko siya siya yung nagalaga sa mga kuya ko noon pero nag-asawa na siya kaya pinakawalan na siya ni lolo. "Sorry po nay gusto ko lang po makita ang lugar niyo baka masabi ko ito kay lolo alam niyo naman po sila willing tumulong sa mga tao" sambit ko sa kanya. "Nagsisinungaling ka iha, nakatanaw ka sa bahay ni Arila. Bakit nga pala nakatanaw ka sa bahay nila?" Napalunok naman ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko im sure hindi niya nabalitaan na matagal nakong nag-asawa. "Gusto ko lang po dalawin sila.." Nanlaki yung mata niya pero ngumiti rin. "Kaibigan ka ba ni Ariyah? Diretsuhin mo lang at kumatok kana lang pero magiingat ka bawal may makakilala sayo.. Oh sya aalis nako inaantay nako ng asawa ko" nagmano naman ako sa kanya at ngumiti rin sa kanya. Nung makaalis na siya napatanaw ako sa bahay kung nasaan si Z hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba. A-Ariyah? Sino siya? Anong connection niya sa asawa ko? Lumingon ako sa bahay nung Ariyah at unti unti akong lumapit don alam kong sinusundan ako ni john pero wala nakong pakialam gusto kong malaman kung anong connection nila sa isat isa. Nang makarating nako sa gilid ng bahay nila, sumilip ako sa bintana at gulat akong magkayakap si Ariyah at ang asawa ko. Umiiyak si ariyah habang ang asawa ko inaalo siya. Napatakip ako sa bibig. S-Siya ba ang tinutukoy nila? O Baka naman isa to sa mga tinutulungan ng mga montemayor? Mali ang magisip ng mali Faith! Biglang may dumaan na dalawang babaeng kasing edad ko, sumilip muna sila sa bahay ni Ariyah bago kinilig. "Ang swerte ni Ariyah noh?" "Si Ariyah pa ba? Ang gwapo kaya ni Zendrick!" Kilala nila si Zendrick? "Ang sweet pa! Nako! Hindi ko aakalain na makakabingwit si Ariyah ng gwapong boyfriend!" B-Boyfriend? "Sa kasweetan nilang dalawa baka malaman nalang natin ikakasal na sila!" "Nako abay ako noh!" Napasandal ako sa puno at napahawak ako sa tuhod ko ng maramdaman kong nanlalambot ito. B-Boyfriend niya ang asawa ko? Ibig sabihin.. Kabit siya ng asawa ko? Tama ba pagkakarinig ko? Napahinga ako ng malalim at napailing ako. No! Please tell me nananaginip lang ako! Tell me! No! Ayokong maniwala na may kabit siya! No please tell me. Z sabihin mo sakin na hindi ito totoo. Please im begging.. Natigilan ako at napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang mga yabag ni Z na papalabas na ng bahay ni ariyah kaya napasilip ako pero ang kinasakit ko pa lalo ng makita ko ang mga ngiti niya. Napatakip na lang ako sa bibig ko at sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanila. Bakit Z? Bakit mo nagawa sakin to? May mali ba sakin? May pagkukulang ba ako? "Baby thank you sa pagpunta nataranta kasi ako nung atakihin si nanay" B-Baby? Napangisi ako ng mapait. "Wala yon baby nagalala rin naman ako sayo. Uuwi na ako magiingat kayo dito" Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na eksenang nakita ko. Hinalikan siya ni Z ng buong puso.. Napahagod ako sa buhok ko at napangisi ng mapait. Ang halik na dapat sa akin lang Ang halik na hindi ko naramdaman kanina kay Z Ang halik na ako lang dapat nakakaramdam. Siya naba nagpapasaya sayo Z? Siya na ba ang bagong mahal mo? Pero.. Paano ako Z? Ako itong asawa mo pero hindi ko na maramdaman ang init ng yakap at halik mo. Am i not enough for you Z? Mahal mo paba ako Z? Nang makaalis siya atsaka din kami umalis ni John. Hindi ko alam pero umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng sasakyan. P-Paano mo nagawa- Damn you Z! Why are you doing this huh?! - Nakauwi na ako sa mansion na lutang, kahit namamaga pa ang mga mata ko. Kahit na nakikita nako ni john hindi niya ako pinatigil siguro nararamdaman niya rin ang problema ko. Nagpalipas lang ako ng oras para makapagisip at naisip ko na kikilos ako na parang walang alam na parang walang nangyari. Gusto ko malaman lahat nang tungkol kay Ariyah kung bakit siya minahal ng asawa ko at nagawa akong lokohin ni Z. "Goodness Wife!" Pagod akong ngumiti nung maramdaman ko ang yakap niya, wala ng spark, wala ng init hindi katulad kay ariyah kung paano niya dinamdam ang bawat halik ng babae niya. "Where have you been? Sabi ng secretary mo maaga kang uuwi pero hindi kita naabutan dito" galit na sambit niya. Galing ako sa bahay ng kabit mo Z at napanood ko kung paano mo siya yakapin at halikan na may buong pagmamahal. Na hindi ko nararamdaman ngayon. Masuyo kong hinaplos ang mukha niya ramdam kong natigilan siya at nagtataka sa kinikilos ko. "Gutom ka na ba? Ipagluluto kita.." Mahinang sambit ko. At bahagyang lumayo sa kanya tsaka ako dumiretso sa kusina. Habang nagluluto ako, sunod sunod na luha ang tumutulo at parang bumalik sakin ang nangyari kanina. Mapakla akong natawa bakit hindi pa niya ako hiwalayan kung ganon iba na ang nasa puso niya? Bakit hindi na lang niya ako bitawan kung gayong may iba na siya? "Wife?" Mabilis kong pinunasan ang luha ko at napangiti na lang. "Sandali na lang to hubby!" Garagal na sambit ko na para pang natatarantang pinunasan ang mga luha ko. Oh god! Please not now! "Are you okay?" Tanong niya at masuyo niya akong niyakap. Ngumiti naman ako at tumango sa kanya atsaka ako umalis sa pagkakayakap niya. "No you're not okay.." 'YES! IM NOT OKAY! BECAUSE YOU CHEATED ON ME!' gusto kong isigaw sa kanya yan pero nanatili lang tikom ang bibig ko. Hindi ko siya kayang sigawan baka magalit siya sakin at tuluyan na niyang piliin ang kabit niya kaysa sakin. "Ouch!" Daing ko hindi ko namalayan na nasugatan na pala ako. Akala ko magiging manhid nako pero hindi pa pala dahil ngayon ko lang naramdaman ang hapdi at sakit. Wala lang tong sugat na to kumpara sa nararamdaman ko ngayon mas masakit at tagos pa sa puso ko ang mga nalaman ko. "f**k!" nagising ako sa sigaw ni Z at hinawakan ang kamay kong punung puno ng dugo. Sanay nako makakita ng dugo dahil sa kung anong meron sa pamilya ko. Speaking of them.. Sana hindi nila malaman to ayokong mapahamak si Z lalo na ang negosyo na pinaghirapan ng pamilya niya. I know my family! Gagawin nilang miserable ang buhay ng isang tao kapag may kumanti ni isa samin lalong lalo na sakin at hindi ko kakayanin na gawing miserable ang buhay ni Z ng dahil lang sakin. Naramdaman ko na lang na ginagamot na ni Z ang malaking sugat ko sa kamay Tinititigan ko siya. Kunot na kunot ang noo niya habang ginagamot ang mga sugat ko. Totoo ba to Z? O pakitang tao lang? "Sinasabi ko na nga bang hindi ka okay" mahinahong saad niya sakin. Habang nakatitig lang ako sa mukha niya. "Mahal mo paba ako Z?" Hindi ko alam na yun ang lumabas sa bibig ko, nakita kong natigilan siya at tumingin sakin. "O-Of course! What kind of question is that?! Of course i love you!" Sambit niya at umiwas ng tingin sakin. Bakit hindi mo masabi yan Z habang nakatingin sa mga mata ko? Hindi katulad dati na halos tunawin mo na ako sa titig mo. Ayaw mo bang makita ko sa mga mata mo ang tunay na sagot? O ayaw mong makita ko ang awa sa mga mata mo? Huminga ako ng malalim at marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. Tumayo nako at naglakad patungo sa taas pero bago yun may sinabi pako sa kanya. "Mahal na Mahal kita Z kaya tatanggapin kita kaya sana magpakatotoo ka rin sa nararamdaman mo. Ayokong mawala ka sakin dahil baka hindi nako mabuhay pa. Kahit ilang bala pa ang saluhin ko ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko." At tuluyan nakong umakyat sa guest room. Kaya kong itago ang sakit Z basta magsabi ka lang ng totoo.. Dahil ayokong nagsisinungaling ka Alam ko na Z hindi mo na kailangan itago pa. - Z What the hell? What's wrong with you fem? Nakatitig lang ako sa first aid kita na hawak ko at napakuyom ang mga kamao ko. M-May alam na ba siya? Iling iling No. I know her. Alam kong hindi niya ako kayang paimbestigahan. She trusted me so much. Alam kong pagod lang siya. Right! Pagod lang siya. Umakyat na ako sa taas para sundan siya at binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ng makitang wala siya sa kama namin. Damn! Napatakbo ako sa guest room at napansin kong nakasiwang ang pintuan at napansin kong nakadapa siya akmang papasok na ako nang matigilan ako ng marinig ko ang hagulgol niya. "F-Faith.." Im sorry.. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD