When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter 12 Zari POV NANG mabaling ako sa agos ng ilog, naramdaman ko ang malakas na p'wersa na humihila sa akin pababa. Agad kong pinagana ang aking isip, hindi ako p'wedeng magpadaig sa takot. Lumalayo na ako at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng agos. Nagawa kong kunin ang isang malaking sanga na lumulutang sa tabi ko. Sa pamamagitan ng matinding pagsisikap at dasal, unti–unti kong naabot ang gilid ng ilog. Masakit ang bawat kalamnan sa aking katawan, lalo na sa binti ko. Mahapdi at masakit, ngunit hindi ko hinayaan magpadaig rito. Sa wakas, nakarating ako sa pampang. Mahina at hirap na hirap, bumagsak ako sa putikan habang nakatingala sa kalangitan na unti–unting binabalot ng kadiliman. Kahit sa kabila ng aking pinagdaanan ay nagawa ko pa rin ang ngumiti. Ang malas–malas ko na