Prologue
"What?! Two days? Ang busy naman yata ng lalaking iyon eh halos palagi nga lang iyong nasa bar eh!"
Inis kong singhal when my secretary tells me na two days pa bago ko makakausap ang Lucas Gutierrez na yun!
Damn that man! Pa importante as always!
"Ma'am, according to his secretary ay madami din daw pong appointment ang boss niya kaya—"
"Arghhhh! Damn it! We only have one week para i save ang kompanya! Tapos maghihintay pa ako ng two days para makausap lang siya?!" Bulalas ko at napatampal na lang sa noo.
Ang aga aga pinapainit ng lalaking iyon ang ulo ko! Pasalamat siya at kailangan ko talaga siya ngayon.
My goshh! Sakit talaga sa ulo ang mga lalaki sa panahon ngayon!
Huminga ako ng malalim at mabilis na hinablot ang bag at ang brown envelope na may lamang dokumento.
Importanteng dokumento na siyang magliligtas sa papalubong naming kompanya.
"Ma'am saan po kayo pupunta?" takang tanong ng secretary ko habang nakasunod sa akin na papalabas ng opisina.
"Gagawa ng paraan. Bago pa ako itakwil ng sarili kong pamilya sa kasalanang hindi ko naman ginawa!" inis kong sagot sa kaniya at pinindot ang groundfloor button sa elevator.
Napahilot ako sa aking sintido habang nasa loob ng elevator. I am desperate right now. Nag pupull off na ang mga investors namin dahil sa kapabayaan ng kapatid ko.
"Good morning, ma'am.."
"Magandang araw, ma'am."
I didn't have the energy to greet them back dahil hindi maganda ang araw ko! Dire diretso lang akong nagpunta sa parking lot at mabilis na pumasok sa kotse at pinasibad iyon.
Nang makarating sa harap ng kompanya ni Lucas ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kotse at dire diretsong naglakad papasok.
"Good morning, ma'am Aza!" gulat na sabi ng guard. I looked at him and smiled a little bit.
Buti at naaalala niya pa ako.
"Si Lucas nasa loob ba?" pasimple kong tanong sa kaniya. Mabilis siyang tumango.
"Yes ma'am." Sagot niya kaya tumango ako at nagpasalamat sa kaniya.
Tuwid at dire diretso akong naglakad papunta sa elevator. I even heared some staff calling me pero hindi ko siya nilingon at pumasok na agad sa elevator.
I know where his office is. Nakapunta na ako dito noon.
Nang makarating sa top floor, I immediately saw Andrew, his secretary.
"Miss Del Fierro, what brings you here?" takang tanong ni Andrew sa akin.
"I'm here to see your boss." mabilis kong sagot at dire diretsong naglakad papalapit sa opisina niya.
"Teka teka, Aza—"
Pagpigil niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Busy si boss. Ayaw niya ng bisita ngayon—"
"Wala akong pake. I need to talk to him. This is urgent." pagpupumilit ko at nilampasan siya.
Napatigil ako sandali nang makitang may kalandian siya sa loob ng opisina niya.
Ito pala ang busy??
As usual, I am disappointed again.
"Miss Del Fierro." baritonong boses ni Lucas at umayos ng upo sa kaniyang swivel chair.
I looked at the girl he's talking to and scanned her from head to toe.
Big boobs, big ass. Ano pa bang bago?
"It's not what you think—"
Mabilis kong pinutol ang sinasabi niya.
"Sorry for disturbing. I need to talk to you." Confident kong saad at naglakad papalapit.
"I'm in a meeting, Miss Del Fierro. Hindi pwedeng basta basta ka na lang mang iistorbo." seryoso niyang saad na ikinainis ko.
Meeting? Eh halos lumuwa na ang boobs ng babaeng ito eh!
"This is urgent and—"
"Urgent din ang meeting namin. Andrew, please escort Miss Del Fierro outside of my office." saad niya na ikinasinghap ko.
What the f**k?!
Nilapitan ako ni Andrew at sinubukang hawakan ang kamay ko pero iwinaksi ko iyon at nag martsa na lamang papalabas.
Pabagsak akong naupo sa couch sa labas ng opisina niya at masamang pinukol ng tingin ang pintuang nakasarado.
"Baka may gusto kayo, ma'am. Coffee? Water?" tanong ni Andrew sa akin kaya naipukol ko sa kaniya ang masamang tingin.
"Wala!" inis kong sagot sa kaniya. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya mas lalo akong nainis.
Fuck! I hate men!
It took me almost ten minutes to wait outside bago lumabas ang babaeng ka meeting niya. Pinanuod ko ang paglalakad nito patungong elevator.
Hindi naman siguro sila nag quickie no? Ten minutes lang naman kaya for sure walang nangyari?
Argh! Ayokonh pumasok sa loob at baka nangangamoy s*x iyon! But I don't really have a choice.
Nag martsa ulit ako papasok sa opisina niya at nakita ko siyang nakatayo at nakapameywang habang nakatalikod sa akin.
"So, anong urgent ang sinasabi mo, Miss Del Fierro?" baritonong tanong niya. Huminga ako ng malalim at naupo sa couch na kaharap ng mesa niya. Inilapag ko sa mesa ang brown envelope.
Humarap naman siya at kinuha iyon. Napairap ako nang mahina siyang natawa habang binabasa ang dokumento.
It’s a marriage certificate.
“You’re proposing?” nakangisi niyang tanong kaya napabuga ako ng hininga.
“Yes. Marry me, Mr. Gutierrez.” walang ka abog abog kong pahayag. Hindi naman na siya lugi sa akin eh! I have everything! Maganda ako, mayaman, succesful din!
“Are you even sure about this? And what make you think na papayag ako sa ganito?” natatawa niyang saad at pabagsak na inilapag ang dokumento sa mesa.
I know this sounds crazy but.. I don’t have a f*****g choice!
“Why? Na engage naman na tayo dati ah?” matapang kong saad na ikinatigil niya.
“Your family call off the wedding.” seryoso niyang saad.
“Then nandito ulit ako. I’m making it happen.” pagpupumilit ko pa.
“Do you like me?” tanong niya.
“No.” mabilis kong sagot. He scoffed kaya napakurap kurap ako.
Should I say yes? Pero hindi ko naman talaga siya gusto! I’m just doing this para isave ang company namin! His name can pull this everything! Malakas ang pangalan niya sa mga investor lalo na at successful silang dalawa ng kapatid niya.
Of course off limits ang kapatid niya dahil may pamilya na ito kaya siya lang ang tanging choice ko.
“I’m sorry to say this but.. it’s a no. I won’t marry you.” seryoso at pinal niyang saad sabay talikod sa akin. Madiin akong napapikit because I don’t take bo as an answer.
“What do you want me to do? Para pumayag ka? I’ll do everything!” desperada kong bulalas.
He looks shocked when he heard it.
“Really?” mangha niyang tanong. I nodded.
“Hmm.. take off your clothes.” baritono niyang saad na ikinasinghap ko.
Fuck!
“What? Akala ko ba gagawin mo ang lahat?” nakangisi niyang saad. Nagtagis ang bagang ko at tumayo. Lakas loob kong tinanggal ang bawat butones ng suot kong top habang nakatitig sa kaniya. He looks taken aback. Mukhang hindi inaasahang gagawin ko ang sinabi niya.
Napasapo siya sa panga at huminga ng malalim.
“Stop it. Still a no.” seryoso niyang sambit kaya napaiwas ako ng tingin. Pabagsak akong naupo sa couch at napabuntong hininga.
Damn it! Ano pa bang dapat kong gawin para kumbinsihin siya? I’ve done my research and wala naman siyang girlfriend o kahit anong romantic relationship! Ayaw niya bang mag settle eh tumatanda na siya!
Napatingala ako nang bigla siyang lumapit sa akin at lumuhod sa aking harapan. Inayos niya ang damit ko at ibinalik sa pagkakabutones ang mga natanggal ko kanina.
“Go home, Aza.” seryoso niyang pahayag. His breath touched my neck kaya nanindig ang balahibo ko sa katawan.
Napatitig ako sa kaniya at hindi ko namalayang napatulala na pala ako.
He looks.. so f*****g handsome. Umawang ang aking mga labi nang mas lumapit ang mukha niya sa akin.
Bigla akong nainitan kaya bahagya akong lumayo sa kaniya. Tumayo naman agad siya at tumalikod na.
Tumayo din ako at walang pasabing lumabas sa opisina niya. Hindi ako magpapaalam. Because I am not accepting his No.
Nang makapasok ako sa kotse ay tinawagan ko ang pinsan ko.
“Kidnap him. I want him on my island by dawn. I don’t f*****g care how you do it! Magbabayad ako kahit magkano!”