Chapter 3

2402 Words
MARIELA ROSE LOPEZ __ "You are buying him a new watch? Kabibili mo lang sa kaniya noong nakaraan." Bumaling ako sa staff at ngumiti rito. "I'll take this one." "I got it, ma'am. Have a seat for a while. I'll take care of this." Nakita ko ang pag-iling ni Callie sa tabi ko at ang mahinang pagsinghap nito. Binayaran ko ang relo gamit ang credit card ko. Nagpunta kami sa isang restaurant para magtanghalian. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. She stared at me sternly. "That's expensive." "He was robbed..." mahinang sambit ko. She chuckled sarcastically. "I can't believe you continue to believe his lies. He was not robbed, you are the one being robbed. Sigurado ako binenta niya at ginamit niya sa ibang babae ang pera o 'di kaya ay nilustay niya na naman sa sugal." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. I never wanted to think of that. "El, this guy is obviously mistreating you and just using you. Why not leave him and stop pleasing him? He's not worth it." "Callie, mabait si Leigh..." Umikot ang mga mata nito. "What are you talking about? Alam kong malabo 'yang mga mata mo, but you are not blind. Harap-harapan siyang nangbababae. Hinihingan ka ng pera. Ninanakawan ka. Minsan nasasaktan ka pa–" "It'll never be his intention to physically hurt me." Napapikit ito nang mariin at muling napailing. "'Yan ang problema sa'yo, lagi mo pa ring pinagtatanggol. Can't you imagine the disrespect? He had an affair with your secretary sa mismong property na pagmamay-ari mo, yet, there you are. Nag-sorry lang, nag-alibi, nilambing ka, hinaplos ka, you forgive him. Then you will make yourself believe again that he's a good man." Naglapag ng order ang waiter sa ibabaw ng mesa naming dalawa. Pinili kong hindi na sumagot pa dahil lalo lang nagiging mabigat ang dibdib ko. "El, ang ganda-ganda mo..." I gulped and glanced at her. "Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan. No man likes me. Ikaw ang gusto nila, hindi ba?" She sighed. "What I mean, 'yung natural na ganda mo, nandiyan na. You just need a makeover. Mag-shopping tayo. Pumunta tayo sa salon. Use contact lenses instead of glasses. Change your style. Gosh, you are so pretty." "I don't want to transform myself into a stranger... and force myself to be comfortable about it." Marahas niyang hinalo ang pasta sa ibabaw ng pinggan niya, still obviously upset. She was my best friend. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagagalit. Isa pa, siya lang talaga ang natatakbuhan ko kapag masyado nang mabigat ang lahat. "I don't know how long I can take that he's treating you like trash. You don't deserve it. Hello, you are Mariela Rose Lopez. You're a billionaire and renowned artist. Mas may value pa ang paintings mo kaysa sa lalaking iyon. Maraming matinong lalaki riyan. Hindi katulad ng asawa mo na walang ibang alam gawin kung hindi maglasing, magsugal, mambabae. He's even smoking. Gosh, you are so out of his league." "Ikaw na rin ang nasabi sa akin na huwag tumingin sa estado ng buhay, hindi ba?" "Oo nga. The problem is, mahirap na nga siya manloloko pa siya and what I can't accept is that you are tolerating him. Kaya ka niya binabastos nang ganiyan kasi hinahayaan mo. El, you're not a sugar mommy. He's making you look like you are." Binaling ko na ang atensyon sa sirloin na nasa ibabaw ng pinggan ko at marahang ginalaw ang mga kubyertos doon. Halos hindi ko na malunok ang pagkain ko habang kusang pumapasok sa isip ko ang maraming beses na nakita ko siyang may kasamang ibang babae. He was so nice to me... we were fine when we got married. He was a gentleman. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung bakit biglang may nagbago. Maya-maya ay muling nagtanong si Callie. "Aren't you pregnant?" Marahan akong umiling. "Hindi niya pa gusto. I'm taking pills." "Mabuti naman dahil siguradong hindi rin gusto ng magiging anak ninyo na siya ang ama. You can still leave that asshole whenever you want to. Just please, tigilan mo na 'yang pagiging marupok mo. He won't change." Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi niya pag-uwi ng bahay pero pinilit ko ang sariling isang-tabi iyon sa pamamagitan ng pagguhit. Inayos ko ang suot kong salamin bago ako nagpatuloy sa pagguhit sa... magandang hugis ng labi nito. His upper lip looked like a bow... and I won't forget how bright red his lips were. Bahagya akong napangiti. Ginuguhit ko lang ito pero nagiging malakas na ang kabog ng dibdib ko. It was really not hard to draw him. Malinaw sa isip ko ang litrato niya at lahat ng parte niya. Noong nakaraang araw ko pa iyon ginagawa. May tinatapos akong malaking painting sa working area ko na nakabukod malapit sa bahay. Sa tingin ko ay ilang buwan pa bago ko iyon matapos. Iyon ang pinagkakaabalahan ko sa umaga at nagpipinta rin ako sa loob ng bahay habang hinihintay ko siyang umuwi. Sinisigurado kong nakapagluto na ako ng hapunan kung sakaling uuwi ito ng maaga. Parati kong tinitingnan ang cellphone ko kahit matagal na noong sinagot niya ang mensahe ko. At sa tuwing tutunog ang iyon, umaasa pa rin akong pangalan niya ang makikita ko sa screen. Matagal na niya akong hindi tinatawagan. Hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya. Hindi ko namalayang lumagpas na ang hating gabi. Nang makita ko sa bintana ang ilaw ng sasakyan nito, hinubad ko na ang salamin ko at mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Kinuha ko ang papel kung saan ko ginuhit ang mukha niya, ang sobre, at ang bagong relo na binili ko para sa kaniya. My heart was jumping. I was so excited to see him. Lagi ko iyong nararamdaman sa tuwing alam kong nakauwi na siya. Binilisan ko ang pagbaba ng hagdan nang matanawan ko ito. Huminto ako agad sa harapan niya at hindi ko na naman maiwasang mag-alala. Lukot na naman ang mukha nito na tila ba hindi naging maganda ang araw. Naamoy ko rin ang alak na ininom niya at... pabango ng babae. Hindi ko alam kung nasasanay na ba ako sa kirot sa dibdib ko sa tuwing makikita siyang ganoon. "M-mag-iinit ako ng pagkain. Do you want a chamomile–" "I told you, I don't like it," malamig na sambit nito. Magkasalubong ang makakapal na kilay nito simula pa lang nang makita ko siya kanina. Alangang inabot ko sa kaniya ang sobre with the hope na magbabago ang mood nito. Kinuha niya iyon mula sa akin at sinilip ang lamang pera sa loob. "Ito lang?" he asked coldly. Napalunok ako. "I-its one hundred thousand... isn't that enough?" "Are you kidding me?" Muli akong sunod-sunod na napalunok. "D-dadagdagan ko na lang bukas..." Alangan kong inangat ang kahon na dala ko. "Binilhan kita ng bagong relo." Tiningnan niya iyon bago hablutin mula sa akin na hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mukha. I also excitedly showed him my drawing of him. "Look, I drew this–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lagpasan niya ako. Dumiretso siya paakyat ng hagdan nang hindi iyon tinitingnan. I felt that sharp needle poking in my chest again... but as usual, I tried to ignore it. Tiningnan ko ang papel na hawak ko at kinagat ang ibabang labi ko. Siguro... sa susunod ko na lang ipapakita sa kaniya or maybe it was better if I would... frame it. Baka mas ma-appreciate niya. Sinundan ko siya sa loob ng silid naming dalawa. Nakapasok na ito sa loob ng bathroom. Hinila ko ang drawer sa bedside table at maingat kong dinala roon ang ginuhit ko para sa kaniya. Kinuha ko sa sahig ang mga damit na hinubad niya. Ilalagay ko na sana ang puting damit nito sa laundry basket pero napatigil ako nang makakita ako ng pulang mantsa roon. Marahan ko iyong hinaplos and I knew... it was a lipstick stain. Naalala ko na naman ng sinabi niya sa akin noong nakaraan. "If you weren't too boring, I wouldn't find someone else." Every single word from it kept stabbing me. He once told me... he loved me for who I was and that I was enough for him. He told me na hindi ko kailangang magbago and I believed him... I was still believing him. Agad kong pinunasan ang luhang nalaglag sa pisngi ko at tuluyan nang dinala ang sleeves nito sa laundry basket. Hindi ako mapakali habang hinihintay ko siyang makalabas ng bathroom. Sinundan ko lang siya ng tingin nang lumabas siya roon. Kinuskos niya ng tuwalya ang basang buhok habang papunta sa closet. Nakatapis lang ito ng tuwalya at nakalahad sa mga mata ko ang malapad na likuran nito. Sinuot niya rin ang damit pang-itaas na nakuha niya at sinadya ko namang tumingin sa ibang direksyon nang tanggalin nito ang tapis sa baywang niya. I was still bothered about a lot of things. Hinintay kong lumapit ito sa kama naming dalawa. "Leigh..." I called. Hindi ito tumingin sa akin. Kinuha niya ang comforter sa ibabaw ng kama. "A-are you mad at me?" alangang tanong ko. Huminto ito at bumaling sa akin na may matalim na tingin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba pero gusto kong kuhanin ang pagkakataong iyon. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko kung hindi ko magagawang ilabas. "May nagawa ba akong mali?" malumanay na tanong ko. "It's past midnight. I'm tired." Kusang humakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya. Namumuo ang mga luhang hinawakan ko ang mga braso niya nang marahan at maingat pa rin. "Why do I... why do I feel like... why are you making me feel this way?" He sighed. "I said I'm tired. Stop this drama." Muli kong naramdaman ang pag-agos ng isang butil ng luha sa pisngi ko. "You've been so cold... I have you, but I feel like you're so far away. I can't help but think... I just can't stop myself." "I had a bad day and every time you open your mouth you're making my day extra bad. I don't have the time to deal with your drama tonight." Akmang aalis ito pero muli kong kinuha ang mga braso niya. "Leigh... please, let's talk." Nagtangis ang bagang nito at tila ba kaya akong saksakin ng mga mata niya. "I just want to understand everything. I just wanna know if... if I'm not enough–" He laughed sarcastically. "Are you really stupid? I told you to stop all your drama. I don't want to hear anything about us. I don't want you to even open it up. I don't want to hear anything. Anything," malamig na sambit nito. Muli niya akong nilagpasan pero hinabol ko pa rin siya. Kinuha ko ang braso niya. Humarap siya agad sa akin pero agad akong napayuko at umangat ang mga kamay ko sa ere nang ambaan niya ako ng sampal. I sobbed thinking that he would actually slap me pero hindi ko naramdaman iyon. Naramdaman ko na lang ang panginginig ng buong katawan ko. "Sinabi nang tumigil ka na," malamig na sambit nito. Hindi ko pa rin nagawang tanggalin ang pagsangga ko sa sarili at iangat ang ulo ko kahit pa narinig ko na ang pagsara ng pinto. I just... I just never imagined that he could actually do that. Hindi niya pa ako nagawang ambaan ng palad niya puwera sa pagkakataon na iyon. I wasn't scared of him... but my body felt so afraid. Muli akong napaiktad nang makarinig ako nang mga nababasag na gamit sa baba. Nagpatuloy ako sa paghikbi at nag-ipon ako ng lakas ng loob na babain ito. Lalong nadurog ang puso ko nang makita kong naghahagis ito ng mga bote ng alak mula sa counter. He looked so mad. He was losing his control again. I just let him. If that would make him feel better, I wouldn't say anything. Hinayaan kong manlabo ang mga mata ko. Bumaling ito sa akin na na nagbabaga ang mga mata at marahas pa ang paghinga. I couldn't seem to bear seeing him that way. Paulit-ulit pa ring sinasaksak ang dibdib ko. "Don't make me mad, naiintindihan mo?" Muli siyang kumuha ng isang bote ng alak at hinagis iyon sa sahig. "f**k!" Halos manginig ang buong katawan ko nang daanan niya ako. "Clean all of it." Hindi ako nakagalaw sa ilang sandali, but I felt the need to clean all of it. I thought that it was my fault. I shouldn't have pushed him to his limits. Sinimulan kong punasan ang alak at tubig sa sahig habang pinupunasan din ang luha ko gamit ang braso ko. Pinulot ko ang mga bubog galing sa mga boteng nabasag. Gusto kong kalimutan na lang ang nararamdaman ko. I shouldn't have asked. Wala rin namang magbabago sa aming dalawa kahit ano pang sagot ang makuha ko mula sa kaniya. His answers would only add weight to the heaviness in my chest. Napadaing ako nang matusok ng bubog ang kamay ko. Tiningnan ko iyon sandali. Masyadong maliit ang sugat para indahin ko pa. Nagpatuloy ako sa pagpulot ng iba pa. Hindi ko naisip pang magsuot ng gloves. My body was too heavy to get up and do the right thing. I felt like I needed that to forget about the real pain. Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Marami na rin akong napupulot nang napatigil ako sa pagkuha sa isang basag ng piraso. Someone held my hand. Nag-angat ako ng tingin. Saktong nalaglag ng luha sa mga mata ko kaya naman sandaling naging malinaw ang paningin ko. I saw him in front of me. Him. "Let me see..." malumanay na sambit nito at mas hinigit pa ang kamay ko para ilapit sa kaniya. He was so gentle. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha ko. Ni hindi ko namalayan na nahila niya na ako patayo. "Gamutin natin," narinig kong muling sambit nito. Pakiramdam ko ay bote rin ako ng alak na nabasag sa sandaling iyon. Mahigpit akong yumakap sa kaniya. Hindi ko mapigilang tahimik na humikbi habang hinaplos nito ang buhok ko. "I'm okay now..." I whispered. Callie was right... his change of tone was enough to make me forgive him. His embrace was even more than enough to make me continue to love him. She was right. Kaunting lambing, kaunting hawak, halik... nakakalimutan kong nasasaktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD