"SA WAKAS natapos na rin tayo," masayang aniya ng inang si Christy. Kakatapos lamang nila magayos ng buong bahay. Bago lahat ng kagamitan nila, tanging sarili lamang nila ang dala noong lumisan sila ng probinsya. Pag-aari kasi ng Daddy niya ang mga gamit nila sa bahay.
Iginala niya ang paningin sa bagong tirahan nila. Masuwerteng nakakita sila ng murang apartment habang kumakain sila sa isang karinderya hindi kalayuan sa lokasyon nila. Ayon kay Aling Toring, kakaalis lamang ng huling umokupante sa apartment na iyon.
Maganda ang lokasyon niyon. Bukod na sa Maynila, malapit lamang ang mga establisyimento at paaralan. Hindi man ito kasing laki ng bahay nila sa probinsya, kumportable at maaliwalas naman ito. At higit sa lahat, hindi na malulungkot ang Mommy niya. Malayo na sila sa problema.
"Magpahinga ka muna anak. Maghahanda ako ng makakain natin." Tumango siya at pinagdiskitahan na lamang na maglagay ng kurtina sa bintana.
"Siya nga pala, maaga tayong gumising bukas. Nakausap ko si Toring, mayroong malapit na eskuwelahan diyan paglabas nitong subdivision. I-eenroll na kita at baka mahuli kapa sa enrollment." Tumango lamang siya. Nagpatuloy ito, "Pagkatapos kitang i-enroll, ayos lang ba sa'yo na mauna kana umuwi?"
Napalingon siya rito. "Hindi po ba kayo sasabay saakin?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Maghahanap ako ng trabaho, anak. Kung hindi ako maghahanap mauubos at mauubos ang savings natin. Sa pagbili pa nga lang ng appliances at furnitures natin naka-magkano na ako," Tumango siya. Tatlompu't anim na taong gulang lamang ang Mommy niya at nakapagtapos ito ng kursong Accountancy.
"Ipagdadasal ko hong matanggap kayo," Pang palakas loob na aniya. "Sus! Ako pa. Kayang kaya 'to ng Mommy mo, Corey." Ngumiti ito ngunit alam niyang hindi iyon umabot sa mata.
Lihim niyang naisumpa ang Ama. Kung hindi ito sumama sa mas bata, sariwa at seksing seksi na personal assistant nito, buo sana ang pamilya nila at hindi na kailangan kumayod ng ina upang mabuhay sila. Mayaman kasi ang Daddy niya. Isa itong abogado at may Law Firm sa bayan. At sa isang iglap lamang, ang marangyang pamumuhay sa probinsya ay naglaho ng parang bula.
Hay buhay parang life!
TULAD ng naging usapan, pinaenroll nga siya ng ina sa isang private university ilang kilometro lang ang layo pagkalabas sa subdivision. Pero hindi siya pumayag na umuwing mag-isa, bukod sa hindi niya pa gaano kabisado ang lugar ay takot siyang mapag-isa. Sumang-ayon ang ina niya na sumama na lamang sa pagapply nito.
Dalawang bangko ang in-applyan ng ina at ayon dito, tatawagan na lamang daw ito upang malaman kung nakapasa ba ito o hindi. Nagtake-out na lamang sila ng pagkain sa isang fast food at sa bahay na lamang kakainin iyon.
Sumakay sila ng jeep pauwi. Binenta ng ina ang kotse nila pandagdag pinansiyal. Pagkababa, humanay sila sa pilahan ng tricycle papasok ng subdivision. Pinapapuno pa iyon at walong katao ang kasya roon. "Maganda iyong ganito, 'yung pinapapuno ang tricycle at magaambagan kayong lahat na pasahero. Hindi mahal ang bayad. Hindi tulad sa lugar natin, mag-isa kang sakay kaya mabigat sa bulsa." Reklamo ng ina
Natawa naman siya. Naalala tuloy niya ang mga kaibigan na lagi niyang nililibre sa tricycle pauwi. Malayo kasi ang eskuwelahan nila sa probinsya at busy naman lagi ang ama kaya hindi siya nahahatid at sundo. "Saan ho kayo?" Tanong ng driver sakanila nang mapuno iyon.
"Mauve Street,"
Napasinghap ang batang lalaking kaharap niya. "Excuse me po, sa Mauve Street po kayo nakatira? Ngayon ko lang po kayo nakita rito?" Tantiya ni Corey, kasing edad niya ang batang lalaki.
Ngumiti naman ang ina niya rito. "Bagong lipat pa lang kasi kami rito, hijo. Wala pa kaming isang linggo." Nagpatango tango ang kaharap. "Sa Mauve Street din po kasi kami nakatira. Saan po ang bahay niyo roon?" Magiliw na tanong nito, ngumiti pa kaya lumabas ang dalawang biloy nito sa pisngi.
"Iyong apartment na kulay green ang gate." Sagot ng Mommy niya. Napasinghap nanaman ito. "Talaga po? Oh! Magkapit-bahay po tayo. Kaharap lang po niyon ang bahay namin. Ako nga po pala si Carlito, Tita...?"
Mukhang nakuha naman nito ang loob ng Mommy niya. "Tita Christy. Heto naman ang anak kong si Corey,"
Ngumiti sakanya ang batang lalaki. "Hi, Corey! Sana maging magkaibigan tayo." Nakakapagtakang saglit pa lamang silang naguusap pero tila ang gaan gaan ng loob niya sa kaharap. "Oo naman, Carlito. Ang totoo niyan, gusto ko magkaroon ng kaibigan dahil dito na kami permanenteng titira." Sagot niya
"Great!"
"Ate mo ba siya?" Tukoy niya sa babaeng katabi nito. Umiling ito. "Ah hindi, Yaya namin siya. Pero Ate na ang turing namin sakanya. Siya si Ate Gail." Binati niya ito at ngumiti naman ito. Base sa obserbasyon niya, masiyahin at mababait ang mga tao sa subdivision nila at mukhang hindi siya mahihirapan mag adjust.
Naputol lamang ang maganang kuwentuhan nila nang humantong na sila sa harap ng apartment nila. Umibis na siya roon. "Iyan po ang bahay namin Tita Christy, Corey." Turo nito sa malaking bahay na kaharap mismo ng apartment nila. Napatango tango siya. "Bumili kami ng Merienda, Carlito, samahan mo kami ni Corey." Yaya ng ina niya
Nanlaki ang mga mata nito at tumili nang pagkalakas lakas. "Oopps! Sorry Tita. Kasi ang totoo niyan... Carly po ako tuwing gabi." Napapakamot sa ulo na sabi nito at namumula pa ang mukha. Saglit na nashock ang ina niya ngunit agad din iyong napalitan ng halakhak. Maging siya'y napatawa rin.
"Ay, susmiyong batang ire! Sabi ko na nga ba, kaya may naaamoy akong iba kanina," Nagpapalatak na sabi nito. Lumabi at nagpapadyak si Carly. "Tita naman, eh!"
"Sige na, maghahanda na ako at mukhang nagutom si Carlito sa sinabi ko,"
"Tita!"
"O siya, mukhang nagutom na si Carly sa sinabi ko." Ngumiti ito at pumilantik ang mga daliri. "That's right, Tita! It's Carly. Not Carlito." Dahil sa itsura nitong tila diring diri sa sariling pangalan ay naibato niya sa mukha nito ang isang throw pillow at tumawa.
Hindi siya nito pinansin at umupo sa malambot na sofa nila at ginala ang paningin. "Ang cute naman ng bahay niyo. Nasaan ang kuwarto mo, girl?" Nakakatawang isipin na kakakilala lamang nila ngunit nahanap niya ang sarili na pinapakita rito ang kuwarto niya.
"Oh my gosh, magkakasundo talaga tayo. I love Hello Kitty too!" Ngumiti lang siya. "Ano'ng school mo? Nakapagenroll kana ba for this coming June?"
Tumango siya. "Yup. Sa Heather Field University. Incoming 2nd year highschool." Tumili nanaman ito ng pagkalakas lakas. Hinampas niya ito sa braso. "Hoy, Carlito. Nasa teritoryo kita, hina-hinaan mo ang boses mo." Kunwa'y galit na sita niya
Napaismid ito sakanya. "Kababaeng tao ang bigat ng kamay. At... Carly ang itawag mo sa’kin, hmp!” Humalakhak siya.
Umirap ito sakanya. "Pero seryoso, sa Heather Field ka rin pala nagenroll? Baka maging magclassmate tayo, girl! Incoming second year highschool din ako." Nagniningning na sabi nito
Nasisiyahang tumingin siya rito. "Sana nga, Carly.”
ILANG LINGGO ang lumipas. Nang araw na iyon ay inutusan si Corey ng ina na magwalis sa harapan nila. Nakita niya ang ilang binatilyo na naghihintay sa harap ng bahay nila Carly. "Patapos ka na ba riyan, Corey?" Sigaw ng ina mula sa loob ng bahay.
"O-oho!"
Mula sa malayo, kitang kita niya ang paglabas ng isang lalaki. Matangkad, moreno at maalon-alon ang buhok nito. Tila napako ang paningin niya sa binata, hindi man niya matignan ito ng malapitan, sapat na para malaman niyang magandang lalaki ito. Kaano-ano kaya ito ni Carly? Kasunod nito sa paglabas ang isang binatilyong sa tingin niya’y hindi nalalayo ang edad sakaniya. Hindi tulad nang una, maputi ito at mestizo.
Nagtago siya sa likod ng puno. Hindi niya mawari kung bakit pakiramdam niya’y pagal na pagal siya. Ang bilis bilis ng t***k ng puso niya! Halos iyon na nga lang ang marinig niya at hindi siya makapagisip ng maayos. Ano ba’ng nangyayari sakaniya? Sinubukan niya muling tignan ang binata mula sa pinagkukublihan at hindi naman siya nahirapan. Nakita niyang tumawa ito at tila naestatwa siya sa kinatatayuan. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na tinitignan nang palihim ang lalaki nang biglang sumulpot ang ina kung saan at sumigaw ng pagkalakas lakas.
"Nariyan ka lang pala, Corey! Hindi mo ba ako naririnig? Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo. Ano bang nangyayari sayo at nandiyan ka sa likod ng puno? Umalis ka riyan at baka katihin ka." Pakiramdam niya para siyang lobo na puputok anumang sandali.
Nanlaki pa ang mga mata nito. "O, ano pang tinutunga-tunganga mo riyan? Halina sa loob."
Wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob, bitbit ang walis at dustpan. Bago pa siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay, lumingon siya at nakita niyang nakatingin sakaniya ang morenong lalaki na lumabas sa bahay nila Carly at may mapaglarong ngiti ang nakapaskil sa labi nito.