TORN DANGER ROSS
__
Tumayo ako sa harap ng mansion habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Pinagmasdan ko ang paparating na isang vintage car at ilang bagong sasakyan na nakasunod sa likuran ng mga ito.
Sinundan ko agad nang tingin ang magandang binibining bumaba mula sa likod ng sasakyan. Bagay na bagay rito ang suot niyang kulay itim na dress na abot hanggang sa talampakan niya. Nakasuot ito ng sunglasses at isang malaking sombrero.
Humakbang ang mga ito palapit sa akin. Nilahad ko ang kamay ko kay Don Emmanuel na agad nitong kinuha. Nilahad ko rin ang kamay ko sa binibining nasa tabi nito na marahan din nitong kinuha.
Malambot na para bang kutson ang kamay na iyon. Bago pa tuluyang dumaloy ang malakas na kuryente sa buong katawan ko marahan ko rin iyong binitiwan.
"Welcome to my home, Don Emannuel and... Esther. Hayaan ninyong ipakilala ko kayo sa aking mga kanang kamay. Ito si Belinda ang aking namumuno rito sa mansion at ito naman si Rafael, ang aking personal bodyguard. Makasisiguro kayong paglilingkuran nila kayo habang nandito kayo sa aking lupain. Hayaan ninyo akong dalhin kayo sa loob ng aking tahanan."
Nauna akong pumasok sa mga ito sa loob at huminto rin ako agad para bumaling sa mga ito. Nakita ko kung paano nila iikot ang tingin sa buong paligid.
"Napaka-ganda," mahinang sambit ni Don Emmanuel.
"Nagagalak akong nagustuhan ninyo ang aking tahanan, Don Emmanuel. Ipaumanhin ninyo ang ilang gasgas at ang mga lumang gamit. Matagal na noong huling umuwi ako rito. Hindi ko gustong tanggalin ang kahit ano dahil nagpapalala sa akin ang mga gamit rito sa aking mga magulang at mga ninuno."
"Don Emmanuel, Ms. Esther, sumunod po kayo sa akin patungo sa dining area," sambit ni Viv, also known as Belinda.
Sumunod din ako sa mga ito hanggang sa makarating kami sa mahabang mesa na punong-puno ng iba't-ibang pagkain.
Ako mismo ang naghila ng silya para kay Esther. Tiningnan pa ako nito sa mga mata bago tuluyang umupo roon.
Umupo ako sa dulo ng mesa malapit sa mga ito. Tumayo naman si Viv at si Veer sa magkabilang gilid para magsilbing alalay sa tuwing may kailangan ang mga ito.
Sinadya kong makipagkaibigan sa isang bilyonaryo sa ibang bansa matagal na panahon na ang nakalipas na may pag-mamay-ari ng malalaking lupain sa Pinas. Naisip kong kakailanganin ko ng maganda at isang malaking-malaking mansion pagdating ng panahon para mas maging epektibo ang pagpapanggap ko.
Hinayaan niya akong bantayan ang lupain niya dahil madalang ang pag-uwi niya ng bansa.
Hindi lang iyon, marami pa akong kilalang negosyante sa iba't-ibang bansa na may pagmamay-aring lupain na maaari kong gamitin ano mang oras.
"Hindi ka ba natatakot na manirahan dito nang mag-isa, Mr. Pierre?"
Ngumiti ako nang bahagya. "Kasama ko sina Belinda at Rafael. Para ko na rin silang mga kapatid. Isa pa, iba't-iba ang negosyong pinupuntahan ko, Don Emmanuel. Plano ko ang lumagay na sa tahimik na buhay kung..." Bumaling ako kay Esther, "sakaling pipiliin akong pakasalan ng inyong apo."
Mahina rin itong tumawa. "Sa totoo niyan ay marami siyang manliligaw pero sa totoo rin ay ikaw ang pinaka-gusto ko sa lahat. Bukod sa makisig ka, kampate akong kayang-kaya mong protektahan ang apo ko."
"I loved to hear that, Don Emmanuel. Makakasiguro ho kayo na hangga't nasa paligid ako ni Esther, hindi ko siya pababayaan. Gayunpaman, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Hahayaan ko siyang makilala ako nang lubos at iiwan ko pa rin sa kaniya ang desisyon."
I loved looking into her eyes. Those were puzzling.
Muli naming napag-usapan ang negosyo. Pinagmalaki ko na ang mga lugar na maaari kong ipakita sa kaniya. Dinala ko rin siya sa volt ko at nagpakita sa kaniya ng ilang ginto. Peke ang mga iyon pero walang makapagsasabi na hindi iyon totoo sa isang tingin lang ng mga mata, unless... they were experts like me.
Namangha ito sa lahat ng bagay na ipinakita ko sa kaniya. He was very convinced that I was filthy rich.
Plano kong ipakita rito ang ilan pang peke kong koleksyon ng mga diamonds pero may tumawag sa cellphone nito at kinailangan niyang magpaalam sa aking umalis.
"Apo," tawag nito kay Esther, "nais mo bang maiwan sandali para makilala pa si Mr. Pierre? Nais ko sanang magtagal pa ngunit may negosyo lang akong kailangang puntahan."
Hinintay ko itong sumagot. Napangiti ako sa marahang pagtango nito. "Wala hong problema, Ama."
"Tumawag ka lang sa ating mga tauhan kung ika'y magpapasundo—"
"Huwag po kayong mag-alala sa kaniya, Don Emmanuel. Ako na ho ang maghahatid sa kaniya at sisiguraduhin kong ligtas siya."
"Maraming salamat, Mr. Pierre. Inaasahan ko pa ang madalas mong pagbisita sa mansion."
Bahagya akong yumuko sa kaniya. "Makakaasa ho kayo. Hayaan ninyo ho akong ihatid kayo sa sasakyan ninyo."
Sinundan ko siya hanggang sa makapasok siya sa loob ng sasakyan niya. Ako na rin mismo ang nagsara ng pintuan sa backseat just to make him believe that I was a real gentleman.
Sinalubong ko lang ang mga mata ni Viv at Veer na tahimik na nakatingin sa akin. Nagpatuloy ako sa paghakbang para balikan si Esther kung saan ko siya iniwan.
Huminto ako nang hindi ko ito makita sa puwesto niya kanina. Hinanap ko siya sa paligid hanggang sa makita ko siya.
Hindi agad ako lumapit. Pinagmasdan ko lang siya na tumingin sa paligid niya at sa ibabaw ng mga drawer na tila ba may hinahanap na kung ano.
Sa ibabaw ng isang mesa, nakita niya ang isang crossbow na nakalagay sa isang glass box. Hinaplos niya iyon sa kamay niya. I loved to watch her pero maingat din akong lumapit sa kaniya.
"Be careful," mahinang sambit ko at marahang hinawakan ang kamay niyang nandoon, "it can hurt you..." bulong ko malapit sa tainga niya bago ako marahang pumwesto sa likuran niya.
Muli kong naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko nang humalimuyak sa ilong ko ang napaka-bagong amoy nito. Para iyong bagong bukang bulaklak sa isang malawak na hardin. It smelled so fresh and relaxing. May kung ano namang gumuhit sa balat ko nang tuluyan kong maidikit ang katawan ko sa likuran niya. Parehas kaming may saplot ngunit tila kakaiba ang init ng katawan nito sa akin.
Marahan kong inangat ang mga kamay niyang may hawak pa ring crossbow.
"Let me teach you how to use it," muling bulong ko sa tainga niya habang pinuposisyon ang tamang paghawak ng kamay niya. "Look for your target... take a peek at the scope." Pinikit ko ang kaliwang mata ko at tinutok ang crossbow sa ulo ng deer na nakasabit sa dingding. "Lock your eyes at the target and when you're already sure about it... gently squeeze the trigger." Marahan kong hinaplos ang kamay niya bago ko iyon diniinan." Lumipad ang bolt papunta sa target at tumama diretso sa ulo ng deer. "That's how you do it."
Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya pero bago pa tuluyang hindi ko magawa, marahan ko na ring binitiwan ang kamay niya at lumayo nang bahagya.
Binalik niya rin ang crossbow kung saan niya iyon kinuha.
"Are you looking for something?" casual na tanong ko.
Sandali itong tumingin sa paligid bago muling bumaling sa akin. "I noticed, you don't have any photos here."
Dinala ko ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ko. "When I was ten years old, nasunog ang bahay namin sa Romania. Wala akong nailigtas na kahit isang larawan man lang ng mga magulang ko. Ito ang nag-iisang bahay bakasyunan namin noon pero wala ring kahit anong litratong nadala ang mga ito rito."
"That makes sense."
"Gusto mo bang ilibot kita sa paligid ng mansion?"
"If you please."
Habang iniikot ko siya sa buong bahay, kinuwento ko sa kaniya ang mga bagay na madalas kong gawin doon noon-- just to make everything convincing for her. I already built a story about me at lubos kong pinag-aralan maging isang Xathieur Pierre.
Ipinagmalaki ko ang mga kaya kong gawin at ang mga gusto kong gawin. Nagkuwento rin ako sa kaniya ng mga history ko. Kahit pa tingnan niya sa internet, she would see me there. Torn Danger Ross would always be prepared.
Pagkatapos ng mahabang lakaran, dinala ko siya sa balcony ng bahay kung saan nakahanda ang dessert at mamahaling alak.
Karamihan sa mga iyon ay ninakaw namin sa iba't-ibang malalaking hotel sa ibang bansa. Halos nasa isang daang milyon ang halaga ng mga nanakaw naming alak.
Kami rin ang umiinom ng mga iyon at ang ilan naman ay ginagamit namin sa mga bisita pinangreregalo sa mayayaman para lalo silang paniwalaing isa kaming mayamang bilyonaryo. That way, we could earn their trust and we could finally manipulate them to do us favors.
Pinagsalin ko ito ng alak sa baso. Pinanuod ko ang pag-alog niya roon bago dalhin sa mga labi niya.
She was so demure. Wala na akong masasabi pa.
"May nadala ka na bang babae rito?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Ikaw pa lang ang inimbitahan ko."
"Should I believe that?"
"You may not. Nandito ako para lubos mo pang makilala. Hayaan mong patunayan ang sarili ko."
"I don't like the way you talk."
Hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. That was too blunt.
"And I like the way you talk," nangising sambit ko. "Soft... yet straightforward. Puwede ko bang malaman kung bakit?"
"People who can talk so well aren't real."
Muli itong uminom ng alak at muli ko namang pinagmasdan kung paano dumampi ang mga labi niya sa baso. It was effortless, but looked so seducing.
"Do you think... I'm not being real? Do you have doubts about me?"
"The more perfect something is, the more you doubt it. That's how business works, right?"
"I am not perfect." Dinala ko ang baso ng wine sa bibig ko bago ko marahang dinala ang dulo ng daliri ko sa dulo ng sa kaniya sa ibabaw ng mesa. "I have flaws..."
Sinundan niya iyon ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ibang-iba ang dating niya sa bawat galaw. She was so attractive.
"Puwede ko bang malaman kung nagka-nobyo ka na?"
Marahan niyang tinanggal ang kamay sa ibabaw ng mesa, leaving my hand alone there. Binigay niya ang buong atensyon sa akin.
"I'm very selective."
Marahan ding umikot ang palad ko sa ibabaw ng mesa. "I guess... I'll be the luckiest man alive kung ako ang pipiliin mo. Cheers?"
Itinabi nito ang baso niya sa baso ko at muling uminom. I had a lot of things to ask her pero hindi ko alam kung bakit ang bilis kong nalasing. Pakiramdam ko iilang baso pa lang ang naiinom ko, nagdodoble na ang paningin ko.
She remained firm in front of me. Marahan niya pa ring iniinom ang hawak niyang baso ng alak. Sinubukan kong tingnan siya nang maigi pero totoong malabo na ang paningin ko.
"Esther... can you excuse me for a while?" I asked.
"Sure," sagot nito na ilang beses na nag-echo sa isip ko.
Sinubukan kong tumayo at humakbang pero kamuntikan na akong bumagsak. Hindi ko agad napansin ang pagsalo nito sa akin.
"Are you okay?" muling tanong nito na para bang mula sa malayo at paulit-ulit pa ring nag-e-echo. "Are you drunk already?"
"No..." mahianang sambit ko. I wouldn't accept and even admit na natalo niya ako sa inuman.
"Let me accompany you to your room."
Naramdaman ko ang pagdala niya ng braso ko sa balikat niya at ang pagyapos ng braso niya sa baywang ko.
That was quite embarrassing for me. Hindi pa ako nalasing nang ganoon sa harap ng isang babae.
Narinig ko rin ang tanong niya kung saan ang direksyon ng silid ko. Sinubukan kong ituro iyon sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng puwitan ko sa ibabaw ng kama.
Akmang aalis ito pero mahigpit kong nakuha ang kamay niya. I didn't know what exactly happened next. Ang alam ko lang tila umiikot pa rin ang buong paligid ko ngunit alam kong nasa ibabaw ito ng kandungan ko at nalalasahan ko ang alak sa mga labi niya.
Ang isang palad ko ay naka-hapit sa baywang niya habang ang isa ay nakapasok sa butas ng suot niyang dress at abot ang kaliwang dibdib niya.
Para akong lalong nalasing sa bawat paggalaw ng mga labi nito sa mga labi ko at tila ba pinapaso ang buong pagkatao ko sa init na dala niya.
Kakaiba ang kabog ng dibdib ko. Bagong-bago iyon sa akin. Para akong nasabik sa mga labi na hindi ko iyon nagawang bitiwan. Naging mapusok iyon... mainit, madiin.
Nagising na lang akong nakahiga sa ibabaw ng kama ko. Suot ko pa rin ang mga damit ko pero alam kong totoo ang gabi dahil hanggang sa sandaling iyon naaamoy ko pa rin ang napaka-bango niyang amoy na tila ba nakadikit sa damit ko at sa mga labi ko.
Marahan akong bumangon. I was about to leave that room pero napatigil ako nang makita ko ang isang basong wine sa ibabaw ng table na nasa gilid ng higaan.
Wala sa loob na tiningnan ko iyon at ang lipstick stain na naiwan doon. Dahan-dahan ko iyong dinala sa ilong ko.
Damn... hindi ko alam kung nasisiraan na ako, but it also smelled so damn good.
Nagpakawala ako nang marahas na hininga habang naalala ang paglapat ng malalambot na mga labing iyon sa akin. She was a good kisser-- so f*****g good.
Marahan kong binaba ang baso sa ibabaw ng mesa at mahinang bumulong.
"Torn Danger Ross... remember the last rule on the list... don't dare to fall in love."