Crush Kita! [COMPLETED]

Crush Kita! [COMPLETED]

book_age12+
1.6K
FOLLOW
5.5K
READ
others
goodgirl
drama
comedy
sweet
Writing Challenge
bxg
childhood crush
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

High School is where you can find unexpected and interesting people in your life. This is the most exciting part of being a teenager. You will make precious memories, friends and even fall inlove.

Zyra Laurel is also a high school student who has an unrequited crush on her classmate, Allen Garcia. She admired him for being smart despite of his cold personality. Almost all of their classmates know about her feelings for him except for Allen who is not showing any interest on her.

Would she be able to make her feelings reached Allen Garcia or she will find another man who will take care better of her heart than her first love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 Zyra.           Tahimik akong nakatulala pagkatapos kong basahin ang isang romance book na pinahiram ng kaklase ko. Happy ending iyong book at nakatuluyan nung babaeng bida iyong lalakeng crush niya. Bigla akong napaisip sa crush ko. Matalino at gwapo kaso isnabero. There are only two girls who managed to get close with him and it’s Sam and Jane. Iyon yung dalawang babaeng kinaiingitan ko dahil laging nasa kanila ang atensiyon ni Allen. Minsan nga iniisip ko, may karapatan ba akong mag-selos sa kanila? I'm just a nobody for him. "Zyra! Labas na magpra-practice na tayo!" tawag sa akin ng ka-group ko. Ka-group ko rin si Allen sa role play at siya ang magre-record sa voice over namin dahil siya rin mismo ang leader ng grupo na kinabibilangan ko. Palibhasa ay rank 1 sa klase kaya siya lagi ang lider sa tuwing may group work. Taga-pagbasa kasi ang role ko. "Wait lang!" sigaw ko mula sa loob ng klasrum.   Agad akong tumayo at nagsuot ng shoes.  Iyong teacher kasi namin pinapatanggal pa ang shoes para hindi madumihan ang bagong floorwax na sahig ng klasrum. Typical public school. Nakita ko siyang naka-upo roon. Nakakunot ang noo niya habang nakatanaw sa akin. Ayaw niya na naghihintay. Hindi ko rin naman siyang paghintayin kaya lang pinaayos ko pa ang buhok ko kay baklang Carl para naman maging maayos ako kapag kaharap ko na siya. "Ba't ang tagal mo?" Iritadong bungad nito sa akin. Napangiwi naman ako. Sabi na nga ba. "A-Ano kasi, inayos kasi ni Carl yung buhok ko kanina. Sorry." Utal kong sagot at napansin ko ang masamang tingin sa 'kin ni Sam. Wala pa akong ginagawa ah? Pinag-iinit na naman ng babaitang 'to ang dugo ko. Ramdam ko talaga na ayaw niya sa akin and the feeling is mutual. "Bakit ganyan ang ayos ng buhok mo? Ginagaya mo yung hair style ko noh?" Napairap ako sa kaartehan niya. Si Carl kaya ang nag-ayos sa akin at malay ko ba na parehas kami ng style ng braid ngayong araw. Hindi ko nga napansin na parehas pala kami ng hairstyle ngayon. "FYI hindi kita ginagaya at si Carl ang nag-ayos sa akin kaya malay ko ba na magiging magkaparehas tayo?" sagot ko na lamang kahit na nag-iinit talaga ang dugo ko sa babaeng ito! Kung hindi lang to kaibigan ni Allen, papatulan ko talaga siya. I can't tolerate her bitchiness. Masyado na siyang sumosobra minsan. "Tsk. Ginaya mo pa rin." For the second time umirap ako muli at hinarap na siya. "Aba! Wag ka sa akin mag-reklamo! Doon ka kay Carl! Kasi siya ang nag-ayos sa akin. Sa kaniya mo tanungin bakit ginaya niya yung hair style na katulad ng iyo." napasimangot na lang ako at ganun din siya.  Nag-angat pa ng kilay sa akin. I always admired her kilay pa man din dahil makapal iyon mas makapal pa sa pagmumukha niya. Pero kapag nagagalit talaga siya o naiinis, nagiging angry bird ang dating ng mukha niya sa akin. "Hmp." Pinabayaan ko na lang siya. Ayoko ng pumatol. Spoiled brat kasi siya at dapat lang na masanay ako sa ugali niya. "Game magsimula na tayo." seryosong sabi ni Allen na parang walang pake sa diskusyunan namin ni Sam kaya lang napansin ko na may mga langgam sa inuupuan niya. Nasa may damuhan kasi kami nagpra-practice. "Allen, May langgam diyan." saway ko sa kaniya. "Uy, wag diyan! Ang kulit naman eh!" saway ko pa ulit sa kaniya at tiyaka ko hinila iyong kamay niya. Noong una nagulat pa ako pero napangiti rin ako sa ginawa ko sa huli. Nahawakan ko ang kamay ni crush! "Mamaya na tayo mag-record, magpipicture muna ako ng mga characters. Pahawak." Napangiti ako dahil doon kaya lang akala ko kamay niya ang inaabot niya, ‘yong script pala. Ang assuming ko talaga. Mabilis naman na umayos ang mga tauhan sa role play upang magpakuha ng litrato at maya-maya lamang ay nag-edit na si Allen ng mga pictures nila. Ang galing. Hindi ako marunong mag-edit pero siya sanay na sanay na. "Hi, Neil!" Bati ko. Neil is one of the oh-so-called mahilig mang-asar sa akin in our room. Lagi niya akong inaasar at tinutukso kay Allen simula nang malaman nila ni Michaela na may gusto ako kay Allen dahil nakasulat iyong pangalan niya sa notebook ko. "Allen, ‘di ba crush mo si Zyra?" Biglang sabi nito na nagpagulat sa akin. Totoo ba? OMG, I know right? May HD (hidden desire) sa akin si Allen! Palihim akong napangiti. Ngunit agad din iyon na napalitan ng ngiwi nang sumagot si Allen. "Sinungaling ka talaga, Neil." Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko dahil sa sagot niya. Alam ko naman na isa lang kila Sam at Jane ang gusto niya. Sana ‘wag na lang niyang ipaglandakan. Siyempre kahit na ba crush ko lang ‘yan, umaasa pa rin ako. Kaasar, alam ko namang walang pag-asa pero umaasa pa rin ako. Feeling ko nawalan na ko ng gana na mag-practice. Pero pinilit ko pa rin ngumiti. Ngumiti na parang wala lang sa akin yung sinabi niya kahit sa loob ko para akong nabigo. "Ah, Allen may practice pa naman tayo bukas ‘di ba? Wala na kasi ako sa mood. Saan ko ba ilalagay 'tong script na 'to?" tanong ko sa kaniya. Inagaw niya sa akin ang script. "Ako na." sabi niya sa akin at tumalikod upang ayusin ang mga gamit niya. Unti-unti akong naglakad palayo roon at nang makarating ako sa garden ng G.A, napaupo nalang ako at pilit ngumiti nang mapait. Why do I always fail to get the attention of my crushes? Hmmmn, napaka-choosy ba talaga ng mga lalake ngayon? Sabi nila, ayaw daw nila sa akin dahil madaldal ako. Binansagan pa nga akong Happy kid dahil lagi akong masaya eh. May mali ba sa pagiging cheerful ko? Hmp, bakit sa mga w*****d stories na binabasa ko gusto ng mga lalaki ‘yong babaeng madaldal? Reality, gusto nila ng mahinhin. I sighed. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda kong uniform at agad kong tinawagan si Alyssa. (Huy bes? Bakit wala ka sa room?) "Ano kasi, pwede bang pumunta ka dito sa Garden ng G.A? Wag mong sasabihin kila Mau na nandito ako ah." paalala ko. Iba pa man din si Mau masyadong seryoso. Alyssa, Maureen and Carl sila ‘yong masasabi kong bestfriend ko sa G.A tipong kapag nagkasama kaming tatlo akala mo miss na miss namin ang isa't isa dahil sa kaingayan namin. (Huh? Bakit naman? Sige na nga.) Binabaan niya ako ng telepono. Napasimangot na lang ako. Ayaw talaga ni Alyssa na siya ang unang binababaan ng phone. Akala mo naman kung ikinaganda niya. Haist. Sumandal ako sa isang puno at nilanghap ang sariwang hangin. I wonder kung paano kaya kung hindi ko nalaman ang crush at love na yan? "Zyra!" Napangiwi ako nang marnig ko ang tatlong pamilyar na boses. "Aly! Sinabi ko sayo wag mong isasama ang dalawang 'to eh!" nagmamaktol kong sabi sa kaniya at tinuro si Mau at Carl. Ngumiti na lang siya at nag-peace sign. "Hehehe, sorna. Iniisip ko lang na unfair naman kung ako lang. Kaya tinawag ko sila, bestfriend naman tayo ‘di ba?" Napangiti na rin ako at niyakap ko sila. "Ew, ayokong niyayakap ako." maarteng sabi ni Mau kaya napahiwalay ako. "Tsss.. arte." Umupo kaming apat. "Oh tungkol na naman ba ‘to kay Allen?" tanong agad ni Maureen. Napanguso ako. Awkward mag-drama sa harap ni Maureen. "Sinabi ko naman sayo eh, ‘wag ng umasa." "Hayaan niyo na lang ako, crush lang naman eh." "Hay naku teh, kung si Fafa Allen lang rin ‘wag ka na talagang umasa." Sabat ni Carl. Bumuntong-hininga na lang ako. "Nakakaasar naman kayo eh! Dapat sinusuportahan niyo ako dahil mga kaibigan ko kayo." ngumuso pa ako sa kanila. "Naku Zyra ‘di ako madadaan ng nguso mong ‘yan! Mukha kang pusit." sabi ni Mau. "Ayan na naman kayo eh. Lagi niyo na lang akong inaasar." Inakbayan nila ako. "Sus, napaka-sensitive mo talaga, Zy." sabi ni Alyssa. "Haynaku, hindi ko alam kung anong mali sa inyo. Maganda naman kayo pero ayaw talaga ng mga fafa sa inyo. ‘Di ata nila bet ang mga fezlak niyo." natawa kami sa sinabi ni Carl. "Umuwi na tayo." biglang sabi ni Alyssa. "Bakit naman?" usisa ko. "Mang-iistalk pa ng sss 'tong si Mau eh." Ngumuso siya sa amin. Buti na lang may mga kaibigan ako na kahit papaano ay napapagaan nila ang loob ko. This is my second year in high school, para sa akin ibang-iba talaga ang mga karanasan dito. Nakaka-excite, halo-halong emosyon. Kilig pag nakikita ko si Allen at ibang saya naman kapag kasama ko ang mga kaibigan ko.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
483.5K
bc

My Accident Babies

read
252.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
574.2K
bc

Shotgun Wedding (Tagalog)

read
1.5M
bc

Loving the Nation's Idol

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook