CHAPTER 1
AUTHOR’S FRIENDLY REMINDER: THIS IS MATURE CONTENT STORY AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! HINDI PO SILA MAGKAPATID.. ANAK PO ITO NI NINONG ADAM NG NINONG GOVERNOR STORY. THANK YOU!
THISA IRENE
“Tabachingching,” naiinis ako tuwing inaasar ako ng kuya ko ng ganito.
Lalo na kapag nandito ako sa bahay nila. Sa lahat sa kanila ay siya lang ang bukod tanging nang-aasar sa akin. Minsan lang si Kuya Adler pero iting lalaking ito. Nakakairita siya.
“Pangit!” sigaw ko sa kanya.
“Tabachoy, tabachingching, Thisa.” tuwang-tuwa pa na pang-aasar niya sa akin. Lagi siyang ganito, happy pill niya ako.
“I hate you! You’re so pangit, so mabaho and so d*gyot!” parang iiyak na sabi ko sa kanya.
“Me? Pangit? Ang gwapo ko kaya,” nakangiti na sabi niya sa akin.
“You’re not handsome, you’re super pangit kaya. Mas gwapo si Kuya Adler sa ‘yo,” sabi ko sa kanya kaya nakita ko na napipikon na siya.
“Paano naman siya naging gwapo kung magkamukha lang naman kami?”
“Basta, mas gwapo siya. You’re not gwapo, si Kuya Adler lang,” sabi ko sa kanya at tumakbo ako palabas sa bahay nila.
“Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka pa, sige ka, ikaw rin hindi kita tutulungan na bumangon,” pang-aasar pa niya sa akin.
“I hate you talaga!” sigaw ko sa kanya pero tumawa lang siya.
“Hintayin mo nga ako! Sumampa ka na nga lang sa likod ko. Baka mamaya kapag napagod ka na naman ay magsumbong ka na naman na pinaglakad kita. Sasabihin mo na naman–ouch! Dahan-dahan lang ang bigat mo kaya,” reklamo niya dahil mabilis akong lumapit sa kanya at sumampa ako agad sa likod niya.
“You’re so maingay naman eh,” sabi ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at naglakad na lang siya habang nakasalabay ako sa likod niya.
“Kuya, ang slow mo naman maglakad. Makakarating pa ba tayo sa house nito?” tanong ko sa kanya dahil naiinip na ako.
“Ang bigat mo kaya, kung makapag-reklamo ka na mabagal ako maglakad akala mo ang gaan mo lang,” sabi niya sa akin.
“Whatever!” masungit na sabi ko sa kanya.
“Magdiet ka kasi, ang taba-taba mo na eh,” sabi niya sa akin kaya lalo akong sumimangot.
Hindi na ako nagreact sa kanya. O nagsalita. Kasi lagi naman siyang ganito.
“Oh, bakit hindi ka na nagsasalita d’yan?” tanong niya sa akin.
“Ouch!” react niya dahil sinampal ko ang bibig niya.
“Bakit ka nananakit?” tanong niya sa akin.
“You’re so maingay kasi, so annoying,” sagot ko sa kanya.
Hindi na siya nagsalita at tahimik na siya. Mabuti naman dahil hindi naman siya nakakatuwa.
“Kuya, ibaba mo na nga ako. Para ka talagang turtle, ang bagal mo talaga,” reklamo ko dahil ang layo pa namin sa bahay.
Pero bigla na lang akong napakapit sa kanya ng mahigpit dahil ang siraulo ay tumakbo na lang bigla.
“Ahh, sinasakal mo naman ako.”
“Sorry, nagulat lang.” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Hmmm, gumaganti ka lang yata sa akin eh. May lihim ka bang galit sa akin?” tanong niya sa akin pero mabilis akong bumaba sa likod niya dahil nakarating na kami sa house namin.
“Wala man lang thank you?” tanong niya sa akin.
“Bleeh!”
“Tabachingching, asan na ang thank you mo?!” sigaw niya pero hindi ko siya pinansin.
“Ohh, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ng kuya mo?” tanong sa akin ni mommy.
“Always naman, mom eh. Hindi mo na kailangan pa na itanong,” sagot ko sa kanya.
“Thank you, Raleigh!” ang mommy ko na ang nagpasalamat sa lalaking ‘yon.
Alam ko na umalis na ‘yon kaya hindi na ako lumingon pa.
“Baby, don’t treat your kuya like that,” sabi sa akin ni mommy.
“Siya nga po itong inaaway ako lagi.”
“Lambing lang niya ‘yon,” sabi pa ni mommy sa akin.
“It’s not lambing, mom. He’s hurting my feelings,” sabi ko sa kanya kaya hindi na niya ako pinansin.
Si Kuya Raleigh, he’s not my kuya talaga. Mas matanda siya sa akin at anak siya ni Mama Rachel. Ako ang ampon ng mga Dela Vega. Gusto ko rin maging part ng family nila, like my pretty Ate Reighn. Kaya lagi akong pumupunta sa kanila para makipaglaro kay Ate Alliyah. She's o mabait and caring na ate. Si Oliver naman ay matanda lang ako sa kanya ng ilang buwan. Mabait ang pamilya nila kaya gusto ko lagi sa kanila.
Pero ang nakakainis talaga ay si Kuya Raleigh, hindi man lang siya nagsasawa na asarin ako. Halos araw-araw ay naririnig ko sa kanya ang panlalait niya sa akin.
“Mommy, I want to join the taekwondo class,” sabi ko sa mommy ko habang nakaupo ako dito sa may sofa namin at kumakain ako ng fave snack ko.
“Baby, kaya mo ba ‘yon?” tanong niya rin sa akin kaya nakasimangot na ako ngayon sa narinig ko.
“Mom!”
“Baby, worried lang ako sa ‘yo. Baka mapagod ka doon–”
“I’m not gonna pagod myself, I want it, mom. Para masipa ko ang face ni Kuya Raleigh. He’s always asar-asar me, and I hate him,” naiinis na sabi ko.
Kahit na naiinis ako ay tumatawa lang ang mommy ko. Para bang wala lang sa kanya na inaapi ako ni kuya. Always silang tumatawa kapag ako inaasar ng pangit na ‘yon. Eh, ano ba ang magagawa ko, food is life. Masarap magluto ang daddy ko at ang sabi niya lagi akong kumain. Sadyang may basher lang talaga ako.
“Baby, hindi mo naman kailangan na sumali sa taekwondo class. Baka kasi mapagod ka lang doon,” sabi sa akin ni mommy.
“Mommy, naman eh. Gusto ko po–”
“Misis ko, hayaan mo na lang ang anak natin. Mas okay na maging active siya sa mga ganyan,” sabi ni daddy na kararating lang.
“Daddy! I miss you!” mabilis akong tumayo para salubungin siya.
“I miss you too, baby. Kumusta ang araw ng prinsesa ko?” malambing na tanong niya sa akin.
“Goods naman po, daddy.”
“May pasalubong ako sa ‘yo,” nakangiti na sabi niya.
“Wow! Strawberries,” nakangiti na sabi ko dahil isang box na naman ang dala ng daddy ko.
Kakauwi lang niya galing sa business trip niya. At sa Korea siya galing kaya naman may pasalubong siyang korean strawberries. Mahilig ako sa ganito lalo na dito ako pinaglihi ng mommy ko. Kaya nga red lips ako kahit wala akong lipstick. Pero bata pa ako para maglipstick.
“Happy?” nakangiti na tanong sa akin ni daddy.
“Super po, daddy. Thank you po,” malambing na sabi ko.
“Misis ko, pakitawagan naman si Raleigh para kunin dito ang para sa kanila–”
“Daddy, si Kuya Adler na lang po. Kagagaling na po ni Kuya Raleigh dito eh. Nagsasawa na po ako sa mukha niya,” sabi ko dahil hindi pa nga nawawala ang inis ko sa kanya.
Hindi man lang nila ako pinansin at talagang tinawagan nila ang lalaking ‘yon. Kaya naman bago pa siya dumating ay mabilis akong umakyat sa room ko. Kailangan ko talagang mapapayag ang parents ko na i-enroll ako sa taekwondo class.
“Lagot ka talaga sa akin, Kuya Raleigh. Sisipain ko ang mukha mo!” nakangisi na sa sambit ko habang nakatingin sa picture niya nasa pader ko.
Kapag kasi naiinis ako ay itong picture niya ang ginagantihan ko. Malapit ko na itong palitan dahil malapit ko ng mapuno ang mukha niya.
“Nakakainis ka talagang d*vil ka,” sabi ko ay nilagyan ko na naman ng sungay ang picture niya.
“Ako ang pinakagwapong d*vil ng buhay mo.”
Kaagad akong napalingon dahil narinig ko ang boses niya. Nakangisi na naman siya na parang dog. Nakakainis talaga siya, wala yata siyang balak na patahimikin ang buhay ko.
“Get out!” sigaw ko sa kanya.
“Ayaw ko nga,” sabi niya at pumasok pa talaga siya.
“Ayaw mo?”
“Ayaw ko, gusto ko pang makita kong ano ba ang ginagawa mo sa gwapo kong picture,” nakangisi na sabi niya sa akin at umupo pa talaga siya sa bed ko.
Kaya naman sa sobrang inis ko ay sumampa ako sa kama ko at sumakay ako sa likod niya sabay sakal sa kanya.
“A–Aray, bitiwan mo nga ako!”
“I’ll k*ll you!” sabi ko sabay tutok sa kanya ng knife na laruan lang naman.
“T—Tabachingching, ‘wag kang magjoke ng ganyan,” sabi niya sa akin.