bc

Law of Attraction [SHORT STORY - COMPLETED]

book_age12+
7
FOLLOW
1K
READ
lighthearted
mystery
secrets
like
intro-logo
Blurb

Want to know how does Law of Attraction works?

Why don't you try reading this story?

PS. Short story lang ito kaya don't worry. Hehe.

chap-preview
Free preview
Law of Attraction
5 pm, sunset, kakalabas mo lang ng trabaho at FRIDAY!! Ano pa bang hahanapin mo sa araw na ito 'di ba? Masaya ka na sana ngunit pakiramdam mo ay may kulang pa sa araw mo. "Ah. Isang masarap na kape at guwapong barista pala ang kulang," turan mo sa iyong sarili kaya naman agad kang nagpunta sa paborito mong coffee shop na hindi naman kalayuan sa pinagtatrabahuhan mo. At hindi ka naman nadismaya dahil nando'n nga ang guwapo at paborito mong barista, si Stell. Kabisado mo na agad ang pangalan niya, maging ang schedule ng shift niya dahil hindi naman ito ang unang beses mong magkakape rito. "Good afternoon, ma'am," bungad sa'yo ni Stell paglapit mo sa counter. "Good afternoon din, Stell cutie," tugon mo sa bati niya. "The usual po ba tayo? or iba ang order nila today?" tanong niya sa'yo nang may ngiti sa kaniyang mukha. "The usual lang, Stell cutie," pa-cute mong tugon sa kaniya. Habang naghihintay sa order mo, naghanap ka muna ng mauupuan. At himala, bakante na naman ang paborito mong puwesto, agad kang nagpunta rito at syempre, maliban sa usual mong order ay may usual note ring nakadikit sa paborito mong table. ‘Hi, boss ma'am. Gusto ko lang malaman mo na nabubuo mo ang araw ko tuwing nagpupunta ka rito. Enjoy your coffee.’ - Teytey ❤️ Saktong pagkabasa mo ng note ay agad ding dumating ang order mo. "Uhm, Stell cutie. Kilala mo ba kung sino ang nag-iiwan ng note dito sa table na 'to? Hindi lang kasi 'to ang unang beses eh," 'di mo mapigilang tanong kay Stell pagkatapos maihatid ang order mo. "Ah eh, w-wala p-po akong idea ma'am eh," utal pa nitong sagot sa'yo kaya naman hinayaan mo na lang. Isang paraan lang ang naiisip mo para mapaamin ang naglalagay ng note sa table mo. Ang magsama ng katrabaho mong lalaki sa coffee shop – si Alvin. Agad mong tinext si Alvin at idinetalye ang gagawin niyo. Magpapanggap kayong mag-boyfriend/girlfriend pagdating sa coffee shop sa lunes. Kasado na ang plano. Mabilis mo lang din naman siyang napa-oo. LUNES Tapos na ang trabaho kaya naman niyaya mo na si Alvin na lumabas na ng building ngunit sumenyas ito ng teka muna kaya matiyaga kang naghintay sa kaniya sa may lobby ng office niyo. 'Di rin nagtagal ay dumating na siya, hawak ang isang bouquet ng bulaklak. "Huy, masyado mo namang dinibdib 'tong pagpapanggap natin at talagang gumastos ka pa ah. Pero salamat. Bayaran ko na lang later," wika mo sabay kuha ng bouquet na iniaabot niya sa'yo. "Subukan mong bayaran, tototohanin natin 'to," seryosong sagot naman sa'yo ni Alvin. "Ah eh. Sabi ko nga eh. Tara na," nasabi mo na lang at nanguna ka na sa paglalakad. Ang awkward naman nito, sabi mo sa isip mo. Nang malapit na kayo sa coffee shop ay agad mo siyang kinapitan bago tuluyang pumasok sa loob. Siyempre, nandoon ang guwapong barista mo na sumalubong sa'yo pero he's not his usual self dahil malungkot ang mukha nito ngunit 'di pa rin niya nakalimutang bumati bilang mga customer niya kayo. "Good afternoon, ma'am at sir. Ano pong order nila?" tanong ni Stell sa inyo. Bibitaw ka na sana sa pagkakakapit kay Alvin para maka-order ngunit imbis na bumitiw ng tuluyan eh hinawakan pa nito ang iyong kamay. At nakita mong napansin din ito ni Stell. "Ah. The usual yung akin, sa'yo babe?" wika ni Alvin. Doon mo napagtanto na suki rin pala ng coffee shop na ito si Alvin. "Ah eh. The usual na lang din," napilitan mong sagot para matapos na ang pag-order niyo. Agad kang humanap ng mauupuan niyo and siyempre, your favorite spot will always be vacant. 'Di mo maiwasang magtaka dahil para sa isang ma-taong lunes at alas-singko ng hapon, malabo na walang uupo sa paborito mong puwesto. Maliban sa nasa sulok ito ay kitang-kita mo rin ang ganda ng paglubog ng araw mula rito. Pinuntahan niyo na ni Alvin ang puwesto na iyong napili at siyempre, may note ulit ito. 'Hi, boss ma'am. Ngiti ka naman diyan. Ang seryoso mo palagi eh.’ - Teytey ❤️ Siya ulit. Sino ka bang Teytey ka? tanong mo sa iyong utak sabay dating ni Stell dala ang order niyo. "Anything else, ma'am, sir?" tanong ni Stell pagkadala ng order niyo. "Ah yes. Do you have any idea kung sino ang naglalagay ng note sa table na ito, teytey?" wika ni Alvin. Nagulat ka sa naging tanong ni Alvin pero mas nagulat ka sa naging reaksyon ni Stell sa tanong na iyon. Naibagsak niya lang naman ang tray na bitbit niya na may mga orders pa ng ibang customers dito kaya nagkalat ang bubog sa lapag. "Ah eh. D-d-di k-k-ko po alam, sir," utal na sagot ni Stell kay Alvin habang dinadampot ang mga piraso ng mga bubog na nagkalat sa lapag. "'Wag mo ng ita--" simulang pagsagot pa sana ni Alvin ngunit agad mo itong pinutol. "Alvin, can you stop?" pakiusap mo kay Alvin at tumayo ka para tumulong sa pagdampot ng mga bubog. Ilang minuto pa, dumating ang boss yata ni Stell dahil halata mo sa pustura nito. "Ano ba, Tey? Can you work properly? Or just go home tutal rest day mo naman dapat ngayon," sermon nito kay Stell nang makalapit na ito. "Sorry, boss," malungkot na wika na lamang ni Stell. "And ma'am at sir, if you want to settle something with Stell, you can do it somewhere else po. Medyo marami na po kayong naaabala eh," pakiusap ng boss ni Stell sa inyo. Agad mong inilibot ang tingin mo and yes, lahat nga ng tao sa coffee shop ay sa inyo nakatingin. Kaya naman hinatak mo si Alvin at maging si Stell palabas ng coffee shop at dinala sa pinakamalapit na parke para makapag-usap. "So Stell cutie, I think you need to do some explanation here," panimula mo. "Ah yes po, boss ma'am. Sorry kung lagi akong nagdidikit ng sticky notes sa table niyo sa coffee shop. 'Wag po kayong mag-alala, hindi na mauulit," malungkot na paliwanag ni Stell habang nakayuko. Hindi mo alam kung ano ang dapat maramdaman pero tila mas nangibabaw ang lungkot sa'yo nang marinig na hindi na ulit 'yon gagawin ng paborito mong barista. "As you should. 'Di mo naman dapat talaga ginawa in the first place bro," wika naman ni Alvin. "Puwede bang 'wag kang mangialam dito, Alvin?" inis mong sagot sa kaniya. Buong akala mo ay hihinto na ito dahil ilang minuto rin siyang hindi umimik ngunit nung magsasalita ka na naman ay nagsalita ulit siya. "Paano naman ako ha? Paano ako, Aubrey? Ako yung nandyan sa tabi mo simula pa noon tapos biglang 'wag na kong mangialam sa'yo?! Nang dahil lang sa bullshit na Teytey na 'yan na wala namang lakas ng loob na magpakilala sa'yo kung hindi ko pa nahuli," singhal ni Alvin. Hindi mo na alam kung saan nanggagaling si Alvin. "I've been watching you, man. For a long time. Matagal mo ng gustong pormahan si Aubrey pero dahil torpe ka, hanggang notes ka lang at pag-reserve ng spot niya sa coffee shop. Sorry to tell you pero sa'kin na si Aubrey," dugtong pa ni Alvin sabay hatak sa kamay mo. Nagulat ka sa mga tinuran nito kaya agad mong tinanggal ang pagkakawak niya sa kamay mo. "Teka, kailan naging tayo Alvin? This is a misunderstanding," walang alinlangan mong sabi kay Alvin. Walang kahit anong salita ang lumabas kay Alvin, sa halip ay yumuko lamang ito ng sandali at tipid na ngumiti sa inyo bago umalis. "S-s-sorry boss ma'am. Sorry kung naghiwalay kayo ni Sir Alvin dahil sa'kin," wika ni Stell pagkaalis ni Alvin habang nakayuko pa rin. Isang malutong na tawa lamang ang sinagot mo sa sinabi ni Stell at lumapit ka sa kanya, iniangat ang kanyang ulo. "Hindi ko boyfriend si Alvin," malumanay mong sabi. Isang malapad na ngiti naman ang naging tugon ni Stell sa'yo. Muntik ka ng bumigay sa ngiti nito pero buti na lang at napigilan mo ang sarili mo. Napagtanto mong may mga tanong ka pa nga palang hindi nasasagot kaya naman hindi ka na nag-alinlangan pa at sinimulan mo na ang pagtatanong sa kaniya habang naghahanap kayo ng mauupuan. "So kailan nagsimula? Yung notes? Yung reservation ng spot ko sa coffee shop tulad ng sinabi ni Alvin kanina," panimula mo habang nakaupo na kayo sa isang swing. ”Ah. 3 months ago po, ma'am. Kung tama po ang natatandaan ko, 'yon yung araw na umiiyak ka sa coffee shop nang dahil sa isang lalaki na iniwan ka na lang sa gitna ng pag-uusap niyo. Kaya imbis na yung order niyo lang ang ibibigay ko, dinagdagan ko ito ng isang sticky note na sa tingin ko ay hindi niyo binasa dahil tinapon niyo ito agad at diretsong ininom ang kape niyo. Alam niyo po ba ma'am na ang ganda niyo para iyakan yung mga gano’ng lalaki?" panimulang paliwanag ni Stell at huminto ng kaunti para tignan ka. Isang matipid na ngiti lamang ang naging sagot mo sa tanong niya. "Kaya sabi ko sa sarili ko 'non ma'am, lahat ng paraan para mapangiti ka, gagawin ko nang hindi mo nalalaman. Kaya pagkatapos ng note sa kape, sinundan ko ito ng paghahanap ng magandang puwesto sa coffee shop para sa'yo. Kinabisado ko ang araw ng pasok mo, maging ang oras ng labas mo sa trabaho. Kaya kahit lunes at martes ang rest day ko, pinapasukan ko pa rin kasi sabi ko, worth it yung ngiti mo. Ikaw ang nagiging energizer ko eh," dugtong na paliwanag niya sabay tingin sa’yo at ngumiti ng malapad. Nagulat ka man sa naging rebelasyon niya, hindi nagtagal ay napa-ngiti ka na rin dahil nakita at naramdaman ang kaniyang sinsiredad. Ilang minuto pa ang lumipas, 'di mo namalayang nakatitig ka na pala sa kaniya ng matagal. Bumalik ka na lang sa realidad nang tinawag niya ang pangalan mo at sinabing siya naman daw ang may itatanong sa'yo. "Bakit po Stell cutie ang tawag mo sa'kin?" tanong niya. Ngumiti ka muna sa kaniya at unti-unting hinawakan ang mga kamay nito. "Sabi kasi nila, the best way to get something or someone is by attracting it. Tapos sabi rin nila lagyan daw ng cutie after mong sabihin yung tao or bagay na gusto mo kaya simula nung malaman ko yun, tinawag na kitang Stell cutie."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.0K
bc

His Obsession

read
98.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
158.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
158.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook