Stolen Heart

Stolen Heart

book_age18+
7.0K
FOLLOW
58.1K
READ
HE
age gap
single mother
sweet
bold
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG!READ AT YOUR OWN RISK! Ang batang puso ni Donna ay maagang umibig kay Reed Serrano. Ang amo ng kanyang ama. Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay hindi nya mapigilan ang pusong tumibok dito. Kahit na ba parang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. Ginawa nya ang lahat para magpapansin dito. Ngunit nasaktan sya ng malamang may kasintahan na pala ito. Hindi matanggap ng batang puso nya. Labis syang nagseselos kapag nakikitang magkasama ang mga ito. At habang tumatagal ay sumisidhi ang selos na nararamdaman nya. Hanggang isang mapangahas na bagay ang ginawa nya na magpapababago sa buhay nya..Reed Serrano and Donna Capili story

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Year 2017... Donna "INGATAN mo si Donna, Felipe." Bilin ni Tita Rodora kay tatay. "Huwag kang mag alala Rodora, aalagaan ko ang prinsesa ko. Sya ang malaking alaala na iniwan sa akin ni Estelita." Bumaling sa akin si Tita Rodora at hinawakan ako sa balikat. "Mag aaral ka ng mabuti doon. Sikapin mong makapag tapos Donna. Ipangako mo." Ngumiti ako kay Tita Rodora. "Opo tita, magtatapos po ako. Pangako po yan." Yumakap ako sa kanya. Naiiyak pa ako dahil mamimiss ko sya. Parang sya na kasi ang pangalawang ina ko simula ng mamatay si nanay. "Sige na, sumama ka na sa tatay mo. Huwag mong kalimutan na tumawag tawag minsan." Bilin pa ni Tita Rodora. "Opo tita." "Anak halika ka na! Baka abutin na tayo ng dilim pag uwi sa bahay." Untag sa akin ni tatay na nilagay na sa loob ng dala nyang van ang duffel bag at maleta ko. "Opo tay." Humiwalay na ako ng yakap kay Tita Rodora at lumapit na kay tatay. "Mag iingat kayo sa byahe Felipe." "Oo Rodora. Maraming salamat sa lahat. Tutuloy na kami." Paalam ni tatay. Binuksan ni tatay ang pinto sa unahan ng van at inalalayan akong sumakay. Umikot din sya at sumakay naman sa driver seat. Hinubad ko ang bag pack ko at nilagay sa ibaba ng upuan. Kinabit ko na ang seatbelt sa katawan. Masaya ako ngayon dahil makakauwi na ako sa amin after seven years. "Ready ka ng umuwi anak?" Binuhay na ni tatay ang makina ng sasakyan. "Opo tay! Excited na po akong umuwi sa atin." Ngumiti si tatay at lumingon sa akin. "Ako rin anak, excited na akong makakauwi ka na sa atin. Magkakasama na ulit tayo. Pangako anak, aalagaan ka ni tatay at pag aaralin. Ibibigay ni tatay ang lahat ng gusto mo. May ipon na si tatay at maganda ang trabaho." "Talaga tay? Kung ganun sa inyo po itong van na ito?" Nilibot ko ang mata sa loob ng van. Malamig ang buga ng aircon. "Naku hindi anak. Company service ito. Hiniram ko lang sa boss ko. Ang paalam ko ay susunduin ko lang ang prinsesa ko kaya pumayag na ipahiram sa akin. Pero hayaan mo anak, magsisipag pa si tatay para makabili tayo ng sariling sasakyan." Pinausad na ni tatay ang van. "Ayos lang po tay kahit wala tayong sasakyan. Ang importante ay magkasama na tayo." Lumingon sa akin si tatay. "Tama ka dyan anak. Ang importante ngayon ay magkasama na tayo. Sa susunod na linggo anak sasamahan kitang magpa enroll sa eskwelahan." "Opo tay." Excited na akong pumasok sa bago kong school sa probinsya namin. Grade 11 na ako sa pasukan. Tumingin ako sa labas ng bintana. Palabas na kami ng subdivision. Bumuntong hininga ako. Sa pitong taon kong paninirahan dito sa Manila sa piling ng mga kamag anak ko sa side ni nanay ay bilang lang ang mga araw na naging masaya ako. Kung hindi pa namatay si lolo ay baka hindi ako nakuha ngayon ni tatay. Malaki ang galit ni lolo kay tatay. Sinisisi niya si tatay sa pagkamatay ni nanay. Namatay si nanay sa isang aksidente kasama ang bago nyang lalaki. Nawalan ng preno ang sasakyan nila habang bumibiyahe papunta ng Baguio. Nahulog sa bangin ang sasakyan nila. Sinisisi ni lolo si tatay. Kasalanan daw ni tatay kung bakit namatay si nanay. Kung hindi daw naging pabaya si tatay ay hindi daw hahanap ng ibang lalaki si nanay at sasama dito. Hindi daw sana ito naaksidente. At bilang ganti kay tatay ay kinuha ako ni lolo at nilayo sa kanya. Sa murang isip ko noon ay wala pa akong masyadong naiintindihan. Pero ngayon, para sa akin ay walang kasalanan si tatay. Desisyon ni nanay na sumama sa lalaki nya at iwan kami ni tatay. Pero wala akong galit kay nanay. Miss na miss ko na nga rin sya. Makalipas ang anim na oras ay nakapasok na kami sa bayan namin. Sa bayang sinilangan ko. Kumabog ang dibdib ko sa excitement. Makikita ko na ulit ang mga dati kong kalaro lalo na si Sally. Bago kami unuwi sa bahay ay kumain muna kami sa nadaanan naming resto. Para pag uwi sa bahay ay magpapahinga na lang kami. Bago lumubog ang araw ay nakarating na kami sa amin. Pagbaba ng van ay titig na titig ako sa bahay namin. Wala pa rin itong pinagbago. May nagbago man yun ay wala na si nanay. May kumurot na sakit sa dibdib ko. "Ipe, nariyan ka na pala." Nilingon ko ang tumawag kay tatay. Isa iyong matandang babae na kilala ko sa mukha pero di ko na matandaan ang pangalan. Nasa loob sya ng bakuran ng bahay nya at nagdidilig ng halaman. "Oho Nana Bebe, mabuti nga ho at hindi kami masyadong naubutan ng gabi." Bumaling sa akin si tatay. "Anak, magmano ka kay Nana Bebe mo." Lumapit naman ako kay Nana Bebe. Ngayon ay natandaan ko na ang pangalan nya. Madalas nya akong bigyan noon ng pera o kaya pagkain. "Mano po Nana Bebe." Nagmano ako kay Nana Bebe. "Aba'y ito na ba si Donna?" In-adjust pa ni Nana Bebe ang suot na salamin at mataman akong pinagmamasdan. "Oho, yan na ho si Donna. Ang anak namin ni Estelita." Sagot naman ni tatay. "Aba'y dalaga na ah. Kay gandang babae. Sabi na nga ba at lalaki kang maganda. Halatang nahiyang ka sa aircon sa Manila. Ilang taon ka na ba?" Nakangiti ng sambi ni Nana Bebe. "Seventeen po Nana Bebe." "Wala ka pa palang desi otso pero dalagang dalaga na ang hitsura mo. Naku bantayan mo itong dalaga mo Ipe, siguradong dudumugin ng manliligaw ito." Natawa na lang ako sa sinabi ni Nana Bebe. "Hindi sila makakalusot sa akin Nana Bebe. Wala pang pwedeng manligaw sa prinsesa ko dahil bata pa yan at mag aaral pa. Magtatapos pa yan. Di ba anak?" Baling sa akin ni tatay habang binababa ang duffel bag ko at maleta. "Opo tay." "Aba'y mabuti naman kung ganun. Ay teka, magluluto ako ngayon ng tinolang native na manok. Bibigyan ko kayo pagkaluto. Pang welcome ko kay Donna." Ngumiti ako at nagpasalamat kay Nana Bebe. Mabait pa rin sya sa akin hanggang nagyon. "Ay sige ho Nana Bebe, salamat ho. Kami'y papasok muna sa loob ni Donna para makapag pahinga." Ani tatay. "Aba'y sige." Nagpaalam na rin ako kay Nana Bebe at sumunod na kay tatay papasok ng bahay. Wala pa ring pagbabago sa loob ng bahay. Ganun pa rin ang sofa namin at ang pintura ng loob ng bahay. May bahagya lang binago gaya ng nagpalagay si tatay ng kwarto ko at pinapinturahan nya iyon ng baby pink dahil iyon ang paborito kong kulay. Bago din ang kama na kulay pink din ang kobre kama. May cabinet na rin at drawer. May electric fan na halatang bago pa dahil may plastic. Natouch naman ako dahil halatang pinaghandaan ni tatay ang pag uwi ko. Hindi man ito kasing laki ng kwarto ko sa Manila at walang aircon ay mas gusto ko naman dito. "Nagustuhan mo ba ang kwarto mo anak?" Tanong ni tatay. Nilingon ko sya at ngumiti. "Opo tay, ang ganda ng kwarto ko. Talagang pinaghandaan nyo. Salamat po." Ngumiti si tatay. "Alam kong hindi ito kasing ganda ng kwarto mo doon sa bahay ng lolo mo at wala pang aircon. Pero pangako anak, pagagandahin pa natin itong kwarto mo at palalagyan ko ng aircon para hindi ka minitan." "Tay, ayos na po sa akin tong electric fan." "Ah basta anak, palalagyan ko pa rin ng aircon tong kwarto mo." Mukhang desido talaga sya na palagyan ng aircon tong kwarto ko. Hinayaan ko na lang sya at di na nagkomento. Natigilan kami parehas ni tatay ng may kumatok. "Mang Felipe." Tawag ng isang boses na babae. "Teka lang anak, may tao sa labas." Lumabas na si tatay ng kwarto. Umupo ako sa kama at binuksan ang back pack. Kinuha ko ang charger at chinarge ko ang cellphone. "Anak, nandyan si Sally sa labas." Napalingon ako kay tatay. "Si Sally po nandyan?" "Oo anak." Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Namilog ang mata ko sa tuwa ng makita ang kaibigan at kababata. "Sally!" Lumapit ako sa kanya at nagyakapan kami sa tuwa. Kababata ko si Sally at kalaro. Isa sya sa iniyakan ko ng kunin ako dito sa amin ni lolo. Pero ng magkaroon ako ng cellphone na bigay ni Tita Rodora ay gunawa ako ng social media at nagkaroon kami ng contact at lagi na kaming nag uusap. "Welcome back Donna. Sobrang saya ko nandito ka na. At infairness ha, mas maganda ka sa personal." Bulalas nya. "Salamat! Ikaw rin naman maganda." Medyo kayumanggi ang kulay nya at malusog sya. "At mataba." Dugtong nya sabay tawa. "Hindi ah! Chubby ka lang." "Ganun din yun. Pinaganda mo lang." Natawa na lang ako. Kahit sa personal ay kalog sya. "Sigurado pagkakaguluhan ka ng mga boylet dito sa atin." Sambit nya. Ngumuso ako. "Wala muna akong pake sa mga boylet. Magagalit si tatay. Pag aaral muna ang aatupagin ko." Nagkibit balikat sya. "Pero hindi mo mapipigil ang mga boys na lumapit sayo. Super ganda mo kaya at ang sexy mo pa." Marami pa kaming pinagkwentuhan ni Sally. Gaya ng dati ay madaldal pa rin sya. Parang nawala ang pagod ko sa byahe sa wantusawa naming chikahan. Inabot kami ng alas onse sa kwentuhan at dito na rin sya kumain. Umuwi lang sya ng sitahin na na kami ni tatay dahil masyado na daw gabi at magpapahinga pa ako. MULA ng makauwi ako dito sa amin ay lagi na kaming magkasama ni Sally. Saan man ako magpunta ay kasama sya at kung saan din sya magpunta ay lagi din akong sumasama. Pero kapag malayo ang pupuntahan nya ay hindi ako pinapayagan ni tatay. Istrikto si tatay lalo na sa mga lalaking lumalapit sa akin. Isang linggo pa nga lang akong nakakabalik galing Manila ay may nagtangka ng manligaw sa akin pero hindi na sya natuloy dahil pinagsabihan ni tatay na hindi pa ako pwedeng ligawan. Marami na ang nagpapalipad hangin sa akin lalo na ang mga anak ng kapitbahay namin. Ang sabi ni tatay sa kanila pwede nila akong kaibiganin pero bawal ligawan. Si tatay ay isang foreman sa isang construction company. Isang engineer daw ang big boss nya at maganda ang pasweldo sa kanya. Araw araw ang pasok ni tatay. Aalis sya ng umaga at uuwi ng hapon, minsan ay gabi na sya nakakauwi. At sa tuwing uuwi sya ay lagi syang may dalang masasarap na pagkain. Hanggang ngayon ay spoiled na spoiled pa rin nya ako. At dahil kaming dalawa lang ni tatay dito sa bahay ay nag aaral na akong mag luto. Ginagaya ko lang ang mga napapanood kong cooking tutorial sa social media. Minsan tinuturuan ako ni Sally dahil marunong syang magluto. Cook sa isang eatery ang nanay nya kaya natuto sya. -- "O ANAK, kumpleto na ba ang lahat ng gamit mo sa school? Wala ka na bang nakalimutan?" Tanong ni tatay. Nilabas ko naman isa isa ang mga binili naming school supplies sa isang book store sa bayan. "Wala na po tay, kumpleto na po ito lahat." Kumpleto na ako sa gamit sa school, bag, sapatos at uniform. Talagang kinumpleto na ni tatay. "Kapag may kulang pa, sabihin mo lang anak." "Opo tay." "O sige, maiwan muna kita at maliligo na ako. Pupunta pa ako ng site." Pumasok na sa kwarto nya si tatay. Ako naman ay inayos na ang mga gamit ko sa bag at maayos iyong sinalansan. Nakapag enroll na ako kasama si tatay. Magiging kaklase ko si Sally dahil parehas kaming Grade 11. Dalawang linggo na lang ay pasukan na. Excited na akong pumasok. Excited na akong makakilala ng bagong mga kaibigan. Pero syempre si Sally pa rin ang best friend ko. Natigilan ako ng biglang may maalala. Oo nga pala, birthday pala ni tatay sa isang linggo. Ano kaya ang pwedeng iregalo? May sariling ipon naman ako galing sa mga allowance na binibigay ni Tita Rodora. Siguro ibibili ko na lang ng damit si tatay. Magpapasama na lang ako kay Sally sa bayan para bumili. "Tay birthday nyo na po pala sa isang linggo." Untag ko kay tatay ng makalabas na sya ng kwarto nya at bihis na. Polo shirt na puti, maong na pantalon at itim na safety shoes ang suot nya. "Oo anak, matanda na si tatay." Biro ni tatay. Natawa na lang ako. Malapit ng mag sixty si tatay ilang taon na lang. Pero matikas pa rin ang pangangatawan nya at hindi halata ang edad sa hitsura. May hitsura si tatay. Naaalala ko nga noong bata pa ako madalas silang mag away ni nanay. Lagi kasing nagseselos si nanay at pinaghihinalaan na may ibang babae si tatay. Yun pala sya ang may lalaki. Pumangalumbaba ako. "Alam nyo tay, hindi naman halata ang edad nyo sa hitsura nyo. I mean may asim pa kayo. Bakit hindi nyo naisip na mag asawa ulit?" Tumingin sya sa akin habang nagsusuklay ng buhok. "Gusto mo bang mag asawa uli si tatay?" Nakangising tanong nya. Ngumuso ako. "Nasa sa inyo na po yun tay kung gusto nyo. Wala naman akong magagawa doon kahit ayaw ko." Bumuntong hininga si tatay. "Aaminin ko anak, naghanap din ako ng ibang babae noong namatay ang nanay mo. Nagkaroon din ako ng nobya pero di rin nagtagal." "Ano pong nangyari tay? Di mo gusto ang ugali nya?" Kyuryosong tanong ko. Kung ganun ay totoo pala ang sabi noon ni lolo na may bago na syang babae. "Hindi naman sa ganun anak, mabait naman yung babae yun nga lang ay di ko sya magawang mahalin gaya ng pagmamahal ko noon sa nanay mo. Kahit nagawa akong ipagpalit ng nanay mo noon mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi na magbabago yun." Gumuhit ang lungkot sa mukha ni tatay pero agad din yung nawala ng ngumiti sya. "Kaya hindi na lang ako mag aasawa. Magfofocus na lang ako sa trabaho at sayo. Mag iipon ako pang college mo." Napangiti ako sa sinabi ni tatay. Mahal pa rin talaga nya si nanay. Hindi pa rin sya nagbabago. Sana makatagpo din ako ng lalaking gaya ni tatay balang araw. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
99.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook