THE ABANDON WIFE ||| CHAPTER THREE
MISSING PIECE
LA CARLAN, CEBU
ALAS-CINCO na ng madaling araw pero hindi pa rin halos makatulog si Melody. Halos hindi niya rin nagalaw ang pagkain niyang handa ni Benjie maging ang binigay sa kaniya ng tiyahin niyang si Giselle. Hindi humuhupa ang kabang nararamdaman niya sa puso niya para sa asawa niyang si Benjie. Wala pa rin itong paramdam, at halos isang oras na lang bente kwatro na silang walang pag-uusap na dalawa. Naroon siya sa silid nilang dalawa ni Benjie. Pinili niyang magkulong, hindi rin niya nagawang maligo kanina kahit anong panglalagkit ang nararamdaman nya dala ng init ng panahon. Sumakit lang ang dibdib niya dahil sa pagpilit niyang umiyak pero wala man lang luhang kumukuwala mula sa mga mata niya.
Miss na miss niya si Benjie. Bawat segundong lumalipas sa orasan gusto niya na itong makasama, mayakap at mahalikan.
"Benjie naman eh. Akala ko ba ako iyong uunahin mo sa lahat? Pero bakit hinahayaan mo akong mag-alala ng ganito sa iyo?!' malungkot niyang tanong sa sarili habang nakatingin sa picture nilang dalawa na pina-laminate niya pa noong nag graduate sila ng highschool. Niyakap niya ang unan niya habang nanatiling nakatingin sa larawan nilang dalawa.
'Sana mamaya magparamdam ka na ha. Please.' Huling kausap niya sa sarili nang dahan-dahan siyang pumikit dala ng sobrang antok na naramdamang hindi niya na nakayanan. Gusto niya man labanan ito para hintayin pa rin ang tawag ni Benjie hindi niya na kaya. Inisip niya na baka kapag tumawag na sa kaniya ang asawa niya siya naman itong magkasakit.
Tiwala siyang magpaparamdam din sa kaniya si Benjie. Hinde siya nawawalan ng pag-asa alam niya sa sarili niya iyon. Alam niya.
SI MELODY sa isang mahirap na pamilya sa Cebu. May tatlo siyang kapatid at pareho na itong may pamilya. Kaya nga hindi na nagulat ang magulang niya nang sabihin niyang magsama na sila ni Benjie pagkatapos nila ng sekondarya. Pangarap pa naman dapat nilang mag-aral ng kolehiyo; nanaig lang ang pagmamahalan nila.
Mahirap na pamilya lang din ang kinalakhan ni Benjie. Namatay ang ama nito nang mahulog mula sa building na pinagtatrabahuhan nito bilang foreman noong dose-anyos pa lamang ang nobyo niya. Ang nanay naman nito ay nagkaroon ng pangalawang asawa't dalawang anak. Hindi naman naging hadlang si Benjie dito, ang importante lang naman sa nobyo niya ay huwag lang din silang pakialamang dalawa. Masaya ang buhay nila ni Benjie, kahit madalas gulay at daing lang ang ulam nila sa maghapon wala na silang hahanapin pa basta ba't magkasama sila. Iyon ang lagi nilang hinahawakan sa isa't isa.
Tuluyang ginupo ng antok si Melody, dala-dala ang pag-asang magpaparamdam sa kaniya si Benjie pag gising niya.
___
LA CARMELA HOSPITAL
"MAE, UMUWI ka na muna. Kahapon ka pa nandito eh. Baka hinahanap ka na ni Rodel," aniya kay Mae. Magkatabi sila sa pandalawahang sofa sa pribadong silid kung saan nilipat ang pasyente niya.
"Ma'am Priyanka, okay lang ako rito. Hindi kita pweding iwan mag-isa dito," tugon nito sa kaniya.
"Pero kailangan mo rin naman magpahinga. Mamaya hinahanap ka na ng mapapangasawa mo eh," kinikilig pa nyang sambit dito.
"Naku, Ms. Priya. Maiintindihan ni Rodel ang sitwasyon lalo na kapag nalaman niyang ikaw naman ang asawa ko."
"Maraming salamat ha. Napakalaking tulong ng ginagawa mo sa akin para lang samahan ako at sa lahat-lahat ng mga nagawa mo na."
Ngumiti sa kaniya si Mae, kasabay ang pagbaling ng tingin nito sa pasyente.
"Anong plano mo sa kanya, Ms. Priya?" tanong nito.
Sinundan niya ang tingin nito.
"Gagawin ko iyong responsibilidad ko sa kaniya. Sasamahan ko siya hanggang sa maging maayos ang lagay niya."
"Wala ka bang plano ipaalam sa pamilya nya?"
"Mae, hindi ko alam. Gusto ko na lang siyang hintaying gumising para kahit papano siya ang magsabi sa atin kung saan ba siya galing o kung sino ba pamilya niya."
"Basta, Ma'am Priya ha. Sabihin niyo lang sa akin kung ano ang pwedi kong gawin. Lagi lang akong nandito, hindi naman ako mawawala. Basta ba tawagin mo lang palagi ang pangalan ko," aniya sa kaniya ni Mae.
Alam niya iyon. Kaya nga hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya oras na mawala si Mae sa tabi niya; may balak na itong magpakasal at bilang respeto sa lahat ng serbisyo nito sa kaniya hindi naman siya nagdalawang-isip para ibigay ang kalayaan na gusto nito.
Nagpaalam muna ito sa kaniyang lalabas lang para mamasyal sa hospital. Alas-nuwebe na ng umaga at nakakaramdam na rin naman siya ng antok ganoon din ng gutom. Hinihintay niya na lang iyong doctor na titingin sa kalagayan ni Ben bago niya muna ito iwan d'on. Babalik naman din agad siya; hindi naman siya magtatagal. Kailangan niya rin kausapin ang mga kliyente niya para sa mga proyekto niyang na-close ng team niya. Hindi siya pwedi magpabaya; don niya rin kukunin ang lahat ng gastos sa hospital, kahit sabihin pang milyonaryo rin naman siya dahil sa kayamanan ng lolo niyang iniwan sa kaniya. Naalala niya na naman ito. Kung nabubuhay pa ito alam niyang hindi ito magiging masaya sa ginagawa niyang pagbabantay sa lalaki. It's a good thing na wala naman siyang ibang pamilya pa, kaya ayos lang kahit maghapon at magdamag siya roon ang importante may trabaho siyang inaasikaso. Kukunin niya na lang ang cellphone niya't blueprint niya sa condo niya mamaya kapag magka-oras o si Mae na lang ang uutusan niya.
Sumandal niya ang likod niya sa coach ng upuan. Pinili niyang pumikit para i-relax ang sarili. Hiling niyang pag-gising niya magkaroon ng malaking himala at magising na rin ang lalaking kasama niya sa silid na iyon. Ikakasaya iyon ng puso niya, kahit may bahagi ng katotohanan na kailangan nitong makabalik sa kung saan man ito nagmula.