MATURE CONTENT | SPG đâHubad.â Halos magsitayuan ang mga balahibo sa katawan ni Latrisse nang marinig niya ang matigas na utos ng lalaking nasa harapan niya. Prente itong nakaupo sa sofa; nakabukas ang unang dalawang butones ng puting long sleeves na suot habang nakalaylay ang itim na necktie. Kay riin ng mga titig na ipinupukol nito sa kanya, ngunit walang bahid ng kahit na anong emosyon ang asul nitong mga mata. Bahagyang nakakunot ang malago nitong mga kilay dahil sa pagkainip at nakaguhit sa tuwid na linya ang manipis ngunit natural na pula nitong mga labi.âDonât make me lose my temper, Ms. Yapchengo. Hubad,â ulit nito sa sinabi. Bakas na ang inis sa boses nito. Kay ikli lang talaga ng pisi ng pasensya nito na anumang oras ay mauubos na lang bigla-bigla.Nang hindi pa rin niya ginagawa ang gusto nito ay mabilis itong tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Kay bigat ng bawat paghakbang nitoâumaalingawngaw sa malawak na living room ng tahimik nitong mansyon.Nang makalapit ito ay doon mas naging klaro ang inip sa mga mata nito. Walang pasabi nitong hinawakan nang mariin ang kanyang baba, dahilan para mapangiwi siya.âDonât wait for me to do it myself, woman. You wonât like it,â may pagbabanta nitong sambit saka marahas siyang binitawan. Tinitigan siya nito nang diretso sa kanyang mga mata. Kay lalim at lamig ng mga titig nito, wari moây hindi nabahiran ng kahit na anong emosyon kahit kailan. Nayakap niya ang sarili. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi para kontrolin ang kanyang emosyonâang galit, ang pagkamuhi, ang panghihinayangâlahat.âYou wonât do it?â Tumaas nang bahagya ang boses nito. âThen, let me,â malamig nitong dagdag at marahas na pinunit ang kanyang damit dahilan para mapasinghap siya.âA-Ano ba? Stop!â Pilit niyang iniiwas ang sarili dito, pero patuloy lang ito sa pagpunit ng damit niya.âYou canât say no to me, Latrisse Yapchengo. Binili na kita,â mariing sambit nito at hinawi ang kanyang kamay. âThe moment you were sold to me by your parents was the moment you lost all the rights you have to your own fĂșcking life!â Umalingawngaw ang boses nito. Nagbaga ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya habang umiigting ang panga. âKaya wala kang karapatang magreklamo kung ano man ang gawin ko sa âyo. Youâre my fĂșcking property. Got it?âNanghina siya sa narinig. Hindi niya lubos akalaing mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Sheâs Latrisse Yapchengo. She has the life every woman desires. Sheâs the daughter of a successful businessman, a CEO of her own start-up company, and a strong, independent woman. Yet sheâs hereâstanding in front of a heartless man getting stripped and humiliated.Kahit saang angulo niya tingnan, hindi siya lubos makapaniwala kung paano siya humantong sa ganito; kung paano siya ibinenta ng ama sa isang walang pusong bilyonaryo para maging asawa nitoâo mas tamang sabihin: maging parausan nito.