SA NATITIRANG limang segundo ng laro ng CISA kontra sa City College of Calapan, bigla ngang napatawag ng time-out ang kalaban matapos nilang ma-steal ang bola mula kay Alfante na nagbuwaya sa balak nitong play. Lamang pa naman ang Flamers ng isa matapos iyon pero imbis na makampante sila sa kanilang last possession, ay heto at nasa sitwasyon sila na pwede pang matalo rito. Pagdating sa bench ng mga players ng CISA ay panay sisi sina Sy at Dizon kay Rommel Alfante na hindi naman sila pinansin. Bagkus ay nginisian lang niya ang dalawa na nagpainit sa atmospera sa bench ng Flamers. May mga laro silang naipanalo, pero mapapansing tila palaging may bangayan sa team na nagaganap. Ito ay palaging nagmumula kay Alfante, sa mga buwaya plays nito na madalas ay ikinapepeligro ng kanilang pagkapan