7

2111 คำ
MABILIS na napamulat si Bornok at sariwa pa nga sa isip niya ang kanyang panaginip. Tayong-tayo nga ang kanyang alaga nang oras na iyon at wala na nga siyang nagawa kundi ang ilabas ito mula sa suot niyang shorts. Pumikit na lamang siya at nagmaryang-palad habang inaalala ang mainit na eksena mula sa kanyang panaginip. “Ang sarap mo Sophie…” impit at mahina niyang winika. Bumilis din ang kanyang pagtaas-baba dahil nararamdaman na niya ang pagkawala ng mainit niyang katas mula roon. “Uhmmm…” Naramdaman na niya ang kiliti mula sa kanyang alaga at doon na nga tumalsik pataas ang kanyang katas. Sa una ngang putok nito ay siya ring pagbukas ng ilaw sa kanyang kwarto na labis niyang ikinagulat. Binuhay ng babaeng pulubi ang kanyang ilaw at kitang-kita nito ang paglabas ng kanyang katas mula sa hawak-hawak niyang sandata. Pinanlakihan siya ng mata at mabilis na nagtaas ng shorts at nagtaklob ng kumot. Napakalaking kahihiyan ang kanyang naramdaman sapagkat nakita ng kasama niya ang kanyang ginawa. Parang gusto na nga lang niyang maglaho sapagkat isang hindi magandang eksena ang nakita nito. Habang nakatalukbong siya ng kumot ay isang tawa na lamang ang kanyang narinig mula sa pulubing nakatayo sa may switch ng ilaw sa loob ng kanyang kwarto. “Kung sa palagay mo ay makakaramdam ako ng pagkailang sa aking nakita mula sa ‘yo… Nagkakamali ka! Maraming beses na akong nakakita ng mga bagay na tulad niyan. Iyan ay isang bagay na ginagawa ng mga mortal upang ilabas ang init na kanilang nararamdaman,” winika ni Trixie na nagkamot pa ng buhok habang nagtitingin ng pwedeng kainin sa loob ng bahay. Kumakalam na kasi ang kanyang sikmura at ang biscuit na iniwan sa kanyang tabi ng binatang kasama niya ay nakain na rin niya kagabi nang siya ay magising nang bahagya. Hindi naman gumalaw o nagsalita pa si Bornok. Nanatili siyang nakatago at doon na nga lumapit ang babae sa kanya. Hinila nito ang kumot at binilog gamit ang dalawa nitong kamay. “Bumangon ka na lalaki! Kung anumang pagkain ang mayroon ka ay pagbigyan mo ako. Kumakalam na ang aking sikmura!” bulalas ng dalaga at binato niya sa mukha ang binata na ayaw imulat ang mata. “Kahit ilang ulit pa kitang makitang nagsasarili o tinatayuan ng kargada ay wala lamang sa tulad ko iyan. Sa mundo kung saan ako nagmula ay normal na sa tulad ko ang makasaksi niyan.” Habang nagsasalita si Trixie ay pasimple namang nakikinig si Bornok na dahan-dahang bumangon. Pero sa kabila noon ay nananatiling hindi tumitingin ang binata sa babae na kasalukuyang nakatingin sa mga lalagyanan sa ilalim ng maliit na mesa sa loob ng kwarto. “Lalaki? Naniniwala ka na ba sa sinabi kong kapangyarihan? Sa tingin ko ay nasubukan mo nang gawin iyon base sa nakita ko sa iyo? Kumusta? Nakontento ka ba sa abilidad na nakuha mo? Naging masaya ka ba?” wika pa ni Trixie at si Bornok ay pasimpleng naghanap ng mapagpupunasan ng kanyang malagkit na kaliwang kamay. “Ang kapangyarihan kong iyan ay bihira kong gamitin sa mga piling mortal na aking nais,” sabi pa ni Trixie at may nakita siyang maliit na garapon na may lamang mga butil, asukal iyon. Binuksan nga niya ito at nagpatak ng ilan sa kanyang palad. Tinikman niya iyon at napangiti siya nang bahagya sa katamisan noon. Isang linggo na rin ang nagdaan magmula nang makarating siya sa mundong ito. Akala nga niya ay magiging malaya na siya, pero nagkamali siya dahil mula sa kanyang pinanggalingan ay may isang nilalang na nagmula roon ang sumunod sa mundo ng mga mortal at nais siyang ibalik muli nito sa kaharian. Kagabi nga ay wala na siyang mapagpipilian kundi ang ipasa na ang kanyang kapangyarihan sa isang mortal dahil kung hindi ay baka malaman pa ng humahanap sa kanya kung nasaan siya. Sa sandali kasing mailipat ito ay mawawalan na ng kakayahan ang nilalang na naghahanap sa kanya na siya ay maramdaman. Ang kanyang pagiging mortal ay nagsimula na ring tumakbo sa nakalipas na isang araw. “Makalipas ang isang daang araw… Magiging ganap na akong mortal…” ani ng dalaga sa sarili habang nakatingin sa lalaking kasama niya sa loob. Wala naman siyang intensyon na ibigay rito ang kanyang abilidad, pero dahil nandito na siya ay wala siyang dapat gawin kundi ang tanggapin ang kapalarang nangyari sa kanila. “Ikaw ang magiging susi sa pagiging ganap kong tao.” ***** SI BORNOK ay napapunta muna sa labas ng kwarto niya upang maghilamos at maglinis ng sarili. Alas-singko pa lamang ng umaga iyon at nagmadali nga siyang nagpunta sa banyo nila. Nakahinga siya nang maluwag nang iwanan niya ang babae sa loob at dito ay naalala niya ang sinabi nito. Totoo nga ang kapangyarihang mayroon ito. Nangyari nga ang pagpunta niya sa panaginip ni Sophie at kahit hindi iyon totoong nangyari ay tila totoo pa rin ito para sa kanya. Pagdating nga niya sa pinto ng CR ay siya namang pagbukas nito kung saan ay agad siyang napaatras at napalunok ng laway. “G-good morning Sophie…” bulalas ni Bornok. Isang ngiti ang biglang sumilay sa labi ng dalagang nasa harapan niya. “Goodmorning din Bornok… Nagkape ka na? Join mo ko mag-coffee,” wika ng dalaga na tila kagigising lamang, at kakatapos lang nitong umihi at maghilamos pagkatapos noon. Nabigla naman si Bornok sa kanyang narinig. Kailan ba siya niyaya nito na magkape? Parang ni minsan ay hindi? “S-sigurado ka Sophie?” naitanong pa ni Bornok at tinawanan siya ng dalaga na tila ba kay aliwalas ng dating sa kanya. Ibang-iba ito sa babaeng nasa panaginip niya kagabi. Ni hindi nga niya alam kung totoong brokenhearted ito sapagkat kung titingnan ito ngayon ay tila napakasaya ng mga tingin nito. “Oo naman. Why not? Matagal na rin naman tayong magkakilala. Isa pa, masaya rin ang gising ko… Sige, sagot ko na ang timpla ng coffee mo. I’ll wait you sa table,” ani pa ni Sophie at si Bornok ay labis ang pagkabigla sa sarili sa nangyaring iyon. Pagkapasok ng binata sa loob ng banyo ay mabilis siyang umihi at habang pinagmamasdan niya ang kargada niya ay rumehistro bigla sa kanya ang imahe ng perlas ni Sophie. Ang eksena kung saan ay pinagbukahan siya nito ng hita habang nasa ibabaw ng lamesa. Napalunok na nga lang siya ng laway at mabilis na naghugas ng kamay matapos buhusan ang bowl. Naghilamos na rin siya ng mukha at nagmumog. Lumabas siya ng banyo at nakita niya si Sophie na may hawak na thermos at may dalawang tasa roon na sinasalinan nito ng tubig. Narinig pa nga niyang humihimig ito. Sa paglakad nga niya ay siya namang pagbangga niya sa babaeng nasa loob ng kanyang kwarto. Lumabas pala ito at may dalang mga damit na mukhang kinuha mula sa kanyang lalagyanan. “Matagal na rin nang huli akong naglinis ng aking sarili,” ani Trixie at nang mapatingin siya kay Sophie ay nginitian niya si Bornok. “Isa sa magandang epekto ng ginawa mo ay ang bigyan ng saya ang taong ginawan mo ng romansa. Mula sa kanyang malungkot na pagkadurog ay heto na siya ngayon na tila isang bagong bukad na bulalak na masayang hihintaying umusad ang mga araw…” Pagkatapos noon ay dumiretso na ang dalaga sa loob ng banyo at si Bornok ay natulala na lamang mula sa kanyang narinig. Napatingin siya kay Sophie na makikitang nakatingin din sa kanya. Hindi niya maisip na mangyayari ito… Isa pa, kung siya ang dahilan ng nangyaring ito sa babaeng nagyaya sa kanyang magkape nang magkasama, ibig-sabihin… “May silbi ka Bornok dahil sa kapangyarihang ito?” nasabi niya sa sarili at pagkatapos ay dumiretso na siya sa loob ng kanyang kwarto para kumuha ng biscuit. Kumuha na rin siya ng extra na tasa para kay Trixie. Nakangiti siyang umupo sa harapan ng mesa at napatingin siya kay Sophie na naglagay rin pala ng pandesal. “Huwag ka nang mahiya sa akin Bornok. If may lalaki man dito na mas okay na kausapin… For me ikaw iyon. Hindi kagaya noong mga iba na narito na panay tingin lang sa boobs ko,” natatawang wika ni Sophie at si Bornok ay parang nahiya dahil ganoon din naman siya. Ang kaibahan lang, ngayon lang siya kinausap ng ganito ng dalaga. “Ipagtitimpla ko lang ng kape iyong kasama ko,” ani Bornok na mabilis na naglagay ng powder ng 3-in-1 sa tasang dinala niya. Sinalinan din niya ng tubig ang tasa at pagkatapos ay hinalo niya ito. “Friend mo ba iyong beggar?” ani Sophie matapos kumain ng pandesal. “A-ah, h-hindi. P-pero, parang ganoon na rin. Tinulungan niya kasi ako,” sabi ng binata at uminom na rin siya ng kape at pagkatapos noon ay kumuha na rin siya ng pandesal. Isang simpleng kwentuhan ang nangyari kay Bornok at isa itong masayang alaala para sa kanya sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay may babaeng nakipag-usap sa kanya nang ganito. Sa tanan ng kanyang buhay ay puro pang-aalaska at pamumula sa kanyang pangalan at itsura ang kanyang inaabot mula sa mga babae… pero ngayon… “Sorry nga pala Bornok dati. If may mga times na inaasar kita. Napapagaya lang kasi ako sa kanila.” Bumuntong-hininga si Sophie. “Siguro, need ko nang magpakabait. And I will start it sa ‘yo!” “Pwede ba kitang maging kaibigan Bornok?” nakangiting winika ni Sophie at ang binata ay hindi makapaniwala sa kanyang narinig na iyon. Si Sophie, ang isa sa mga naggagandahang borders dito ay gusto siyang maging kaibigan. Panaginip daw ba ito o hindi? Ang magandang tingin ng dalaga at ang masaya nitong ngiti ay ang magpapatunay na ito ay sinsero. Hindi nga malaman ng dalaga kung ano ang nangyari sa kanya. Matapos ang mainit na panaginip niya kanina ay heto siya at pakiramdam ay napakasaya. Broken pa siya kagabi, pero ngayon; May positive energy siya na tila ba dumadaloy na sa kanyang katawan. Hindi niya maintindihan pero hindi niya mapigilang mapangiti nang makita kanina si Bornok. “Si-gurado ka?” paniniguro ni Bornok na mabilis na hinigop ang kapeng nasa kanyang tasa. “Oo naman! Why not?” nakangiting wika ni Sophie na tila kumislap pa ang tingin sa binata dahil doon. Ang puso ni Bornok ay tila sasabog sa saya at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya ang bagay na ito. “S-salamat Sophie. Sige, kaibigan na kita…” ani Bornok na pansamantalang napayuko. Pilit na lamang niyang kinalimutan ang sandaling naganap sa kanyang panaginip sapagkat ang dalagang kaharap niya ngayon ay hindi na niya kayang pag-isipan pa ng kalokohan. Ito ay dahil magmula ngayon ay magkaibigan na silang dalawa. Nagtawanan at nagkwentuhan pa sila habang si Trixie naman sa loob ng CR ay naliligo pa rin. Maya-maya pa ay nagsilabasan na nga rin ang mga borders sa compound na humihikab. Sa pagkakita nga nila sa nagkukwentuhang dalawang tao sa isang mesa ay nanlaki ang mga mata nila. Napakusot ng mata ang isa sa mga lalaki sapagkat si Bornok… Si Emily nga ay nawala ang antok nang makita si Sophie na masayang-masaya habang nakikipag-kwentuhan sa kasama nito. “B-bornok? S-sophie!” bulalas ng dalaga na nagpahinto sa nangyayari sa dalawa. Nilingon ni Sophie ang mga kasamahan sa compound. Ngumiti siya at binati niya ang mga ito sabay sabing, “Kape na!” Hindi nga sila makapaniwala sa nakikita nila sapagkat kagaya nila, isa rin si Sophie sa nang-aasar kay Bornok dito. “What the F!” nasambit na lamang ni Carlene na makikitang gulo-gulo ang buhok. Katabi nito ang isa pang babae na napailing na lamang at muling pumasok sa loob ng tinutulugan niya. Kasunod nga rin ng pagkabiglang iyon ay ang pagbukas naman ng pinto ng banyo na mas lalong ikinagulat ng mga naroon. Si Bornok nga ay napatayo nang makita ang paglabas ni Trixie na suot ang kanyang damit. Si Sophie naman ay napaseryoso sapagkat sa pagkakaalala niya ay ito ang pulubing kasama ng binatang kaharap niya ngayon. Nagpupunas ng buhok si Trixie at naglalakad na papunta sa loob ng kwarto ni Bornok. Ang marumi nga nitong damit ay ibinato na lamang nito sa basurahan. Isang buntong-hininga pa nga mula sa dalaga ang nangyari nang pumasok na ito sa loob. “Sa wakas, naging malinis na akong muli!” bulalas ng dalaga na nakangiting pinagmasdan ang kagandahan sa salaming maliit ni Bornok. Sa labas naman ay naroon ang mga borders na lahat ay nakatingin sa napalunok na si Bornok. “I-iyon ba ang pulubing kasama mo Bornok kagabi?” Ito ang mga salitang lumabas sa labi ng mga nakasaksi sa paglitaw ng magandang babaeng galing sa banyo.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม