HINDI na napigilan ni Andrea ang mapatayo mula sa kanyang kinauupuan nang masaksihan ang hindi inaasahang pasa ni Mendez papunta sa player na may Albañez na apelyido sa likod ng jersey. Kanina pa ngang malakas ang kabog ng kanyang dibdib at sa bawat paghawak ni Ricky sa bola ay kakaibang kaba ang dinadala nito sa kanya. Nakikita niya sa mga mata at labi ni Ricky ang kalayaan nito sa loob ng court. Makikita sa binata na nag-e-enjoy ito sa paglalaro ng basketball. Ngayon lang muli niya napanood itong maglaro matapos ang CBL, ang huling laban nila sa DWCC, at ibang-iba na ang number 3 ng Canubing Panthers kumpara sa dati. Kumpara sa CISA Flamers na Mendez... Napakalaki na ng pinagbago nito mula sa paglalaro hanggang sa attitude na mayroon ito sa loob ng court. Napahawak ang kanang kam