Simula

1384 คำ
Warning: Rated SPG [A year ago] Nagising ang diwa ni Cindy dahil sa mainit na labing nagsisimulang gumapang sa kaniyang leeg. Walang sawa ito sa masuyong paghalik patungo sa kaniyang tainga. Ang mainit nitong hininga na tumatama sa kaniya ang nagpapagising ng buong kamalayan niya. Sumunod nitong pinaliguan ng halik ang kaniyang magkabilang pisngi. Hanggang sa sumentro ang labi nito sa mismong kaniyang labi. At dahil nga gising na siya, sa gitna ng madilim na silid, hindi siya nag-alangan at gumanti. Nang ibukas niya ang kaniyang bibig, mas lalong naging marahas ang paghalik ng lalaki sa kaniya. Inilagay niya ang kaniyang kamay paikot sa leeg nito, ngunit inialis 'yon ni Brian. Masuyo nitong hinawakan ang magkabilang palad niya, na tila ba balak na siyang ibaon sa kama. Lumalim nang lumalim ang mga halik nito hanggang sa pakiramdam ni Cindy ay nalulunod na siya. Napakasarap sa pakiramdam ng malambot nitong dila na gumagalugad sa bibig niya. Para itong matamis na candy na hinding-hindi niya pagsasawaan. Patuloy lamang ang lalaki sa ginagawa nito. "Oh, Cindy. I've missed you so much." Nagsimulang gumapang pababa ang mga halik nito. Ramdam niya ang milyon-milyong boltaheng hatid nito sa kaniyang sistema. Hindi lamang siya nakikiliti sa mga oras na ito. Kakaunti na lang, alam ni Cindy na mayamaya lang ay sasabog na siya. Ganoon siya kabilis maapektuhan kay Brian. Noong una, aminado siyang pinatulan lang niya ito dahil mayaman ito. Kayang-kaya nitong ibigay sa kaniya ang pangaingailangan niya, lalo na ang pang-opera para sa kaniyang ina na may lung cancer. Isa siyang oportunista. Sa kabila ng nakakaakit nitong hitsura, malakas na karisma, perpektong pangangatawan at yaman, hindi ito ang tipo niya. Ayaw niya sa mga dominanteng lalaki, 'yong klase ng tao na kokontrolin ka sa lahat ng desisyon mo. Ngunit katagalan, nahulog na lang din siya kay Brian. Hindi man niya maamin sa sarili, pero sa mga oras na ito, nababatid niyang handa niyang ibigay ang lahat sa lalaking kasama niya sa kama, sa lalaking pinakamamahal niya. Alam niyang ito ang una't huling lalaki para sa kaniya. Noong manligaw ito sa kaniya, hindi niya talaga ito gusto, lalo pa't nagkakilala lang sila sa isang elite bar kung saan siya nagtatrabaho bilang stripper-- isang tagapagbigay ng aliw sa pamamagitan ng paghuhubad. Kilala siya sa alias na 'Innocence' at nagtatago siya sa ilalim ng kaniyang itim at makinang na maskara. Tanging si Brian lamang ang nakapag-alis n'on dahil sa matindi nitong pagmamahal. At wala siyang pinagsisisihan. Hindi niya maiwasang mapahalakhak dahil sa ginagawa nito. Saglit itong huminto. "Are you that happy, My baby?" Narinig niya ang pagngiti nito. Tumango-tango siya kahit hindi siya sigurado kung nakikita ba nito sa dilim ang isinagot niya. Kakaunti lang kasi ang liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas ng condo na kinuha nito para sa kaniya. Muli itong umatake sa labi niya. "Cindy, you are so sweet," usal ni Brian na halos mapaungol din. "You smell like lavender." Napakasarap talagang pakinggan ang boses nito habang pareho silang tila nalulunod sa isa't isa. Muling napangiti si Brian. Malakas kasi ang kiliti nito. Mas lalong ginaganahan si Cindy sa tuwing naririnig niya ang mahinang pagtawa nito. Hindi na talaga niya maitatanggi. Mahal na mahal na niya ang lalaking ito. Isa ito sa dahilan kung bakit matagal na niyang ninanais na umalis sa trabahong iyon. Upang maging malinis na siya para kay Brian. Upang kahit papaano ay maipagmalaki na siya nito. "I love you so much, Cindy," bulong nito sa kaniyang tainga. Napakasarap n'on sa kaniyang pandinig. Napakamakapangyarihan ng mga salitang 'yon. Mistulang mahika na nakapagpapalimot sa kaniya ng maraming bagay, mahahalagang bagay, katulad ng kaniyang pamilya at ng mga responsibilidad niya. Sa tuwing kasama niya si Brian, pakiramdam niya ay buong-buo siya. Pakiramdam niya ay ligtas siya. At wala na siyang ibang hihilingin pa. Mabibigat na pagkatok mula sa pinto ang nagpatigil sa kanilang dalawa. Alam ni Cindy na pareho silang napalingon ni Brian sa direksyon ng pinto. "Sir, importante po ito," pahayag ng lalaki mula sa labas, si Mr. Lee, isa sa assistant ni Brian. Kumalas si Brian mula sa kaniya, ngunit ramdam niya sa bigat ng paghinga nito ang pagkadismaya. "I'm sorry, Baby. Titingnan ko lang kung ano iyon," wika nito na agad na ring bumaba sa kama para magbihis. Bumangon din si Cindy at sa kabila ng kahubaran niya, binuksan niya ang lampshade sa gilid kaya agad sumambulat ang malamlam na liwanag sa silid. Napatingin din siya sa digital clock na nasa side table. Pasado alas diyes na nang gabi. Ano kayang importanteng bagay ang kailangan ni Mr. Lee? "Just stay here, babalik din ako kaagad." Pagkatapos ng mabilisan nitong pagbibihis, lumabas na rin ito patungo sa pinto. Naiwan naman si Cindy na natuon ang pansin sa smartphone na kareregalo lang sa kaniya ni Brian. Napangiti siya nang makita ang larawan nilang dalawa na ginawa niyang wallpaper. Napakaganda ng pagkakangiti nila roon. Kahit doon, makikita sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Nang buksan niya ang kaniyang MessageMe app, nakita niyang may ipinadala si Jane— ang taklesa niyang kaibigan sa elite club. [Alam mo ba ito?] Kasunod ng mensaheng 'yon ay isang artikulo mula sa pinakakilalang news outlet sa bansa. Agad na nagpakabog sa dibdib niya ang titulo na kaniyang nababasa. [Ang running for mayor na si Mr. Brian Malvar, engage na sa anak ni Senator Divino Lopez.] Nagsimulang mangilid ang luha ni Cindy nang basahin niya ang buong artikulo. Malinaw na nakasaad doon ang buong impormasyon patungkol sa nalalapit nitong pagpapakasal kay Janna Lopez, sa babaeng minsang humamak ng buong pagkatao niya noong highschool. Napalingon siya nang biglang bumukas ang pinto. Patakbong lumapit sa kaniya si Brian. Natigilan lang ito nang makatayo na sa harapan niya. Napatingala siya sa lalaking maraming dapat ipaliwanag sa kaniya. Ngayon ay napatitig na lamang ito sa luhaan niyang mga mata. "Cindy, I can explain." Nag-umpisa na ito sa mga dahilan nito. "Wala akong alam dito. Plinano itong lahat ni Dad. Ni hindi ko kilala ang babaeng 'yan. Maniwala ka sa akin?" pakiusap nito na lumuhod na sa tabi niya, at ngayon, ito na ang nakatingala sa kaniya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha. Nagsimula na rin siya sa paghahanap ng kaniyang mga damit. Dinampot niya sa ibaba ng kama at mabilisan niyang isinuot sa katawan ang tshirt, maging ang kaniyang short. Ano pa bang eni-expect niya? Umpisa pa lang, alam na niya na malayong-malayo ang agwat nila sa isa't isa. Kilala sa mundo ng pulitika ang pamilya nito, samantalang siya, 'di hamak na delivery girl na suma-sideline bilang stripper. "Cindy, pakinggan mo naman ako, oh?" pakiusap nito na hinawakan pa ang kaniyang mga kamay. Napatitig lamang siya roon. Hindi na niya magawang tingnan pa ang mukha nito. "I'm sorry, Brian," wika niya na may halong pait sa kaniyang dila. "Kailangan ko nang magising sa magandang panaginip na ito. Tapos na tayo." Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang palabas ng pinto. Ni hindi na sumunod pa sa kaniya ang lalaki. Patuloy lamang siya sa paglalakad palabas ng unit habang napakabigat ng kaniyang pakiramdam. Mistulang may nag-uumpisang malakas na ulan sa kaniyang puso, na unti-unting umaapaw at agad naging malalaking patak ng luha palabas sa kaniyang mata. Kasabay ng malakas na paghagupit nito kaya naninikip na ang dibdib niya. Impit niyang pinipigilan ang pag-iyak habang tinatahak ang daan palabas sa gusaling kinaroroonan. Saka naman tumunog ang hawak niyang smartphone. Sa kabila ng sakit at mahina niyang paghikbi, agad niyang sinagot ang tawag na nakuha mula sa kapatid na si Kristina. "Cindy, nasaan ka ba?" bumungad ang paghagulgol nito. "Bakit, Ate?" Natigilan siya dahil sa pag-aalala. "Umuwi ka na rito, Cindy," pag-iyak nito. "Wala na si Mama." Halos umalingawngaw sa kaniyang pandinig ang mga huling salitang sinabi ng kapatid. Mistulang tumigil ang kaniyang mundo dahil sa narinig. Makailang ulit siyang napailing sa sarili dahil hindi siya makapaniwala sa bagay na ito. Ang kaniyang ina? Wala na sa mundong ito? Tumatakbo sa isipan niya na isa lamang itong bangungot. Sa kabila ng panlalambot ng kaniyang tuhod, pinilit niya ang sarili na makapaglakad. Halos mawala na rin siya sa kaniyang bait habang napapahawak sa pader ng mamahaling condo. Ang alam lang niya ay kailangan na niyang umalis sa lugar na ito. Para mapuntahan na niya ang kaniyang ina, habang nagbabakasakali na magising mula sa masamang panaginip na ito.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม