Prologue[Part 1.1]: Nica

1011 คำ
RATED SPG Patikim: Maririnig sa may kadilimang silid ang mabigat na paghinga ng dalawang taong abala sa isa't isa. Naroon sa kama ang isang bente-siyete anyos na lalaking mapusok na gumagalugad sa labi ng desi-otso anyos na dalaga. Patuloy rin sa paghaplos ang malalaki nitong mga kamay sa braso ng babaeng— tulad nito ay lango rin sa kung ano. Nagsimulang gumapang ang kamay ng lalaki patungo sa likod ng dalagang kayakap nito. Paulit-ulit 'yong humimas doon hanggang sa mapaliyad na ang dalaga. Napapaungol na lamang ito habang yakap-yakap ang ulo ng lalaking kasiping. Dinig na dinig din kung paano ito mapasinghap at mistulang sarap na sarap sa ginagawa ng kasama. Wala kamalay-malay ang babae na ang mga sandaling ito ang magiging simula ng delubyo na magpapabago sa buong buhay nito. Wala rin itong kaalam-alam na sa silid na iyon ay may ibang nanonood. Tanging ang ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa may katamtamang laki ng silid. Ngunit sa kabila nito, buong-buo at malinaw na nakukuhanan ng isang video camera ang naturang eksena— ang eksenang kanina lamang plinano at 'di gaanong pinag-isipan. Pero para sa mga kabataang tila nasaniban ng kampon ng kadiliman, at siyang nakaisip ng bagay na ito, nasisiguro na ng mga ito ang tiyak na tagumpay. Naroon lamang ang mga iyon sa kabilang bahagi ng silid, impit na pinipigilan ang pagtawa sa kaklaseng alam nilang sa oras na bumalik sa katinuan, higit pa sa pagsisisi at kahihiyan ang mararamdaman. Ngunit ni isa sa mga ito, wala ring nakababatid, na ang kanilang paglalaro ay mayroong matinding kapalit. [SIMULA] Mag-aalas otso pa lamang nang umaga ngunit nakapapaso na ang sikat ng araw. Hindi naman 'yon gaanong alintana ni Nica sapagkat okupado ang kaniyang isipan sa pagmamasid sa paligid. Maingat siyang naglalakad sa nilikuang eskinita patungo sa unibersidad— ang daang mas malayo pero sa palagay niya'y mas ligtas para sa kaniya. Palinga-linga siya habang niraragasa ng matinding kaba ang kaniyang puso. Kailangan niya itong gawin para makasiguro. Magmula nang pagtripan siya at huthutan ng pera ng grupo nina Angelica, dito na siya nag-umpisang dumaan. Gusto lamang niyang makaiwas sa mga ito para wala na sanang gulo. Noong nakaraang linggo pa siya naging 'target of the month'. Iyon ang tawag sa mga gaya niyang 'di lumalaban. Pero, hindi ibig sabihin niyon ay mahina siya. Nangako lang kasi siya kay Mama Fat na magtatapos siya sa naturang unibersidad. At mangyayari lang iyon kapag hindi siya nasangkot sa ano mang uri ng gulo. Ngunit makalipas ang ilang sandali ng kaniyang paglalakad, kaagad niya ring natuklasan na ang kaniyang pagdaan doon ay isang malaking pagkakamali. Naroon na kasi ang babae, nakasandig sa pader na puno ng graffiti. Hindi ito nag-iisa sapagkat kasama nito ang mga kampon nitong demonyita. Biglang napaismid si Angelika nang magtama ang kanilang paningin. Nagsimula na rin itong humakbang palapit kasunod ang mga alipores nito. Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Nica. Mukhang inabangan talaga siya ng grupo, na ngayon ay unti-unti nang pumapalibot sa kanya habang nakaplaster sa mukha ang mapang-asar na mga ngiti. Napahalakhak ang ibang kasama nito na pare-parehong hindi nakasuot nang maayos na uniporme. Ang isa ay may suot pang tshirt sa ilalim ng nakabukas nitong blouse. Tumawa nang malakas si Angelika at hinawakan ang kaniyang pisngi paharap sa mukha nito. "Tropa, iniiwasan mo ba kami?" tanong ng mala-anghel nitong tinig, ibang-iba sa mala-demonyo nitong ekspresyon. Hindi siya sumagot at tumingin lamang sa babae kaya lalo pang gumuhit ang pagkainis sa pagmumukha nito. Bigla nitong itinulak ang kanyang mukha kaya't bahagya siyang napaatras at muntikan pang mabuwal sa kinatatayuan. Napasandig na lamang siya sa kalapit na pader. Dumagundong din sa kaniyang pandinig ang paghalakhakan ng mga ito. "Eh, mahina 'ata ang utak ng isang ito, eh? Hindi ka maintindihan!" wika ni Lolly, ang matabang kaklase nilang kanina ay ngumunguya ng bubble gum. Ngayon, iniluwa iyon ng babae sa palad nito at itinapon sa loob ng bag niya. Halos bumaliktad ang kaniyang sikmura, hindi dahil sa pandidiri, bagkus ay dahil sa sama ng loob. Ngunit wala siyang magawa kundi ang mapakuyom sa kamao. "Dali! Akin na ang wallet mo!" pananakot ni Heidi, ang isa sa kasama nitong balingkinitan at may singkit na mga mata. Agad din siya nitong kinapkapan. Hindi niya alam kung bakit may mga taong sadyang nakakainis ang itsura. Siguro ay sadyang bumabagay lamang iyon sa pag-uugali. Kagaya ng magkakabarkadang ito. Pinagtulungan na siya ng mga ito na kuhanin ang dala niyang bag. May isang naghalughog niyon, at ang isa, sinimulan nang sampal-sampalan ang gilid ng kaniyang mukha. Wala siyang ibang magawa kundi ang mapapaling sa gilid. Nagsisimula na ring sumikdo ang kaniyang sama ng loob. Bigla siyang napakuyom sa kamao. Kaunti na lang, baka mapatulan na niya ang mga ito. Nang makita nga mga ito ang hinahanap sa kaniyang bag, agad 'yong iniabot sa pinakalider na si Angelika. Binuksan 'yon ng babaeng may kulay pulang buhok at kinuha ang lahat ng laman. Sinipat ni Angelika ang nilalaman ng wallet at muling napangiti. "Wow! Sino 'to? Ikaw ba ito?" tanong pa nito na kinuha ang maliit na picture na naroon. Itinapat pa iyon ng babae sa kaniyang mukha. "Para kang model dito, ah? Iba ka pala kapag naayusan?" pang-aasar pa nitong napangiti. Kaagad namang nagsalita si Kyle, ang morena sa grupo. "Naku! Edited lang 'yan!" wika nitong napahagalpak ng tawa. Nagsitawanan din ang iba pang kasama ng mga ito, na para bang sigurado ang mga ito sa kanilang naiisip. Hindi naman kasi siya 'yon, kung 'di ang nakatatanda niyang kapatid. May panibago na namang nakita si Angelika sa wallet niya at mas lalo pa itong natuwa. "Oh my! ATM card ba ito?" Doon na nagsimulang umalma si Nica. "Huwag 'yan! Bigay 'yan sa akin ng ate ko!" Sinubukan niyang hablutin ang card, pero inagaw naman 'yon ni Kyle na medyo may katangkaran, saka iniangat sa ere para hindi niya maabot. "Hanep! Nagsasalita pala siya?" wika ni Angelica na nasa mukha ang pagkamangha. "Sa ilang taon natin siyang naging kaklase, ngayon ko lang siya narinig na nagsalita? Akala ko nga pipi siya?"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม