Chapter 4

1205 คำ
KINABUKASAN, araw na ng Miyerkules. Nakasuot ako ng janitor uniform ngayong araw. Ito kasi ang nakatoka sa 'kin kapag ganitong araw, ang maging janitor. Pang-gabi rin kasi ang klase ko, 6:00 pm hanggang 9:30 ng gabi. Sa hallway ng first floor ako nag-umpisang maglinis. Nagma-mop pa lang ako ng sahig ay ramdam ko nga agad na may ilang estudyante ang ako'y pinagbubulungan at pinagtatawan. Palagi ko itong nararanasan dito. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil lalo lang akong masasaktan sa mga salitang sasabihin nila sa akin. KINAHAPUNAN, natapos na rin ako sa aking duty. Pagka-pahinga ko ay naghanda naman ako para pumasok. Nakakapagod pero enjoy lang. Habang ako'y naglalakad papunta sa room ng first subject ko ay may isang bagay akong nakita sa daan. Isang kwintas na may nakasuot na singsing ito. Simple lang ito kung titingnan pero 'yong singsing, mukhang mamahalin. Napansin ko rin na may nakaukit sa ilalim ng nito. "Te Amo", spanish word na ang ibig sabihin ay 'mahal kita'. Gusto ko nga sanang dalhin sa Student Center pero mahuhuli na ako sa klase at gabi na rin, baka wala ng tao roon. Alas-dyis na ng gabi nang matapos ang klase ko, nag-extend pa kasi 'yong Prof' ko ng 30 minutes. Bago ako matulog ay pinagmasdan ko muna ang alahas kong nakita. 'Di ko alam kung ano'ng mayroon dito dahil parang nakaramdam ako ng lungkot habang tinitingnan ito. Hanggang sa nakatulugan ko na ito. Maganda naman ang naging gising ko kinabukasan. Nakuha ko pa ngang mag-jogging sa oval ng campus. Tutal, 9:00 am pa naman ang klase ko kaya pumunta muna ako sa library para magbasa. Sa totoo lang, isa talaga ang library sa paborito kong puntahan 'pag walang klase. Nagbasa nga muna ako ng dyaryo at napangiti ako nang mabasa ko ang nasa sports section nito. "Wow! Champion ang Basketball Team ng USA sa Olympics, Dwyane Wade with 28 points, 7 assists and 5 steals," sabi ko sa aking sarili. Mahilig kasi ako sa basketball, lalo na sa NBA. Hindi rin naman gaanong marami ang nagbabasa ngayon sa library at habang ako'y nagbabasa, napansin ko na may isang babae ang umiiyak sa kabilang mesa. Lihim ko siyang sinulyapan habang ako'y nagbabasa. "T-teka... si Lorraine?" Medyo nagulat ako nang siya'y mamukhaan ko. Bakit kaya siya umiiyak? Hindi ko maintindihan, pero kusa akong dinala ng aking mga paa palapit sa kanya. "M-miss... 'Eto ang panyo," mautal-utal kong winika at lakas-loob kong iniabot ang dala kong panyo. Pero dahil nahihiya ako, tinakpan ko ang aking mukha. Kunwari'y nagbabasa pa rin ako ng dyaryo nang sandaling iyon. Nagulat siya sa ginawa ko. Parang nagdadalawang-isip pa nga siya kung tatanggapin ang panyo ko. "'Wag kang mag-alala, malinis 'yan. 'Di ko pa 'yan nagagamit," paliwanag ko pa at kinuha niya rin ang panyo ko. Pinunas niya ang kanyang luha habang ako'y patuloy sa pagbasa-basahan ng dyaryo. "Bakit ka nga pala umiiyak?" tanong ko pa. "H-huh?" sambit niya at marahan siyang yumuko. "A-ang... totoo kasi," sabi niya na medyo naiilang. Akala ko ay hindi niya sasabihin pero sinabi pa rin niya ang dahilan kahit hindi niya ako kilala. Huminga muna siya nang malalim. "Kasi... Kasi, naiwala ko ang pinakamahalagang bagay na bigay ni Dad' sa akin," mahina niyang sinabi. Na-curious naman ako sa bagay na 'yon kaya medyo umiral ang pagka-tsismoso ko kaya tinanong ko siya. "K-kung 'di mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung ano 'yon?" Napakagat siya sa labi't marahang napahikbi. "I lost the ring that my Dad' gave to me..." Sagot niya at tuluyan nang pumatak ang kanyang luha. Nakita ko iyon at pakiramdam ko'y nalungkot din ako. Umiiyak si Lorraine Gonzales at gusto ko siyang patahanin... pero hindi ko kaya at hindi ko alam kung paano. "Nakalagay 'yong singsing sa isang kwintas. Kahapon pa siya namin hinahanap pero..." ani pa niya at nagpunas siya ng luha gamit ang panyong ipinahiram ko. "Hanggang ngayo'y 'di pa rin namin ito nakikita," dagdag pa niya. Nabigla naman ako sa sinabi niyang 'yon. Napakapa agad ako sa aking bulsa. Ito kaya ang tinutukoy niya? Pero malakas ang kutob kong ito iyon! Kwintas din ito... at may singsing na kasama. Balak ko na sana itong dalhin sa Student Center para madaling mahanap ng may-ari, pero mukhang 'di na kailangan. Hindi ko nga inaasahang aksidente kong matatagpuan dito ang may-ari nito't talagang si Lorraine pa na crush ko. "Itigil mo na 'yang pag-iyak mo," sabi ko sa kanya. Kinuha ko sa akin bulsa ang bagay na kanyang hinahanap. Inilabas ko ito't iniabot sa kanya. "Ito yata 'yon?" winika ko. Napahinto si Lorraine sa pag-iyak nang makita iyon. "T-teka? S'an mo 'to nakita?" tanong niya sa akin. Agad niya itong kinuha at hinawakan nang mahigpit na parang kaytagal bang nawala. Maingat ko namang inayos ang aking dyaryong binabasa, baka kasi mamukhaan niya ako. "Nakita ko 'yan kagabi dun sa malapit sa Education Dep't," pahayag ko sa kanya. "Dadalhin ko na sana 'yan sa SC kaso, naikwento mo na at... Sa 'yo pala 'yan." Napangiti na lang ako dahil nakita kong naglaho ang lungkot sa mga mata niya. May sasabihin pa sana siya sa akin kaso'y bigla kong naalala 'yong assignment ko. Naiwan ko pala sa Dorm'. "Uuna na pala ako," sabi ko at mabilis akong tumayo. Maingat pa rin ako upang 'di niya ako makilala. Ayaw kong malaman niyang ako ay ang janitor ng school. Ang lalaking may malaking pilat sa mukha. "Sige, smile ka na," sabi ko sa kanya bago ako tuluyang lumakad palayo. "T-teka..." Hahabol pa sana si Lorraine ng kanyang sasabihin kaso'y nakaalis agad ako dahil sa ako'y nagmamadali. Hindi ko na siya nilingon. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya. Basta ang alam ko, masaya akong napatahan ko siya. KINABUKASAN, unang subject ko ang Trigo'. Pagpasok ko ng room ay bumungad sa 'kin ang pag-iingay ng mga kaklase ko. Wala pa kasi si Mam. Gusto ko nga sanang maidlip kaso 'di ko magawa dahil sa ingay. "Nandiyan na si Ma'am!" wika no'ng nasa pinto naming kaklase. Signal 'yon para sa amin, kaya agad ngang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase ko. Lahat sila'y nagkunwaring nag-aaral kahit hindi naman. "Good morning Ma'am!" sabay-sabay naming pagbati sa pagpasok nito sa loob. "I will now announce the results of your home activities," ani Ma'am at biglang kinabahan ang marami rito. Inilibot ni ma'am ang kanyang tingin sa 'min. "Miss Gonzales?" tawag ni ma'am. Kinakabahang tumayo si Lorraine. "Y-yes Ma'am?" mabilis na sagot ng dalaga. "Good job! You only have a mistake," nakangiting wika ni ma'am. "And that mistake was unanswered and blanked..." dagdag pa ng aming professor. Hindi tuloy naiwasang mapangiti ni Lorraine sa kanyang narinig. Nakita ko iyon sa kanyang labi. Pagkatapos ay naisip ko ang score nito, hindi ko naman matandaan na may nakalimutan pala akong sagutan sa activity niya. "Mr. Cruz?" tawag ni ma'am sa akin. "For sure, perfect 'yan," wika noong nasa unahan. "You got a perfect score! Very well done," ani ni ma'am na napangiti pa sa akin. Agad ding nagsilingunan ang mga kaklase ko sa 'kin nang sabihin 'yon at pinalakpakan nila ako. "P're, ang lupit mo talaga. Sumama ka sa 'kin mamaya at iti-treat kita," alok ng katabi kong Lebron ang pangalan. "P-pasensya ka na p're. Full-sched' ako ngayon eh," tugon ko. "A-ah... gano'n ba, sayang naman," tila dismayado niya namang sinabi. "Next time p're... ma-join ako," dagdag ko naman at napangiti siya. Nang natapos ang aming klase ay may oras pang natira kaya naisip kong dumaan muna sa library para i-check ang nire-research ko. Palabas na sana ako... nang biglang may isang boses ng babae ang tumawag sa akin. "Mr. Cruz... Wait!"
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม