Chapter 7

1054 คำ
[Pagpapatuloy] Nalulungkot ba siya dahil hindi makikita ng kaniyang Ate Jizelle ang sandaling ito? Marahil nga ay nasasaktan siya sapagkat hindi makikita ng kaniyang kapatid ang paglaki ng anak nito. Kaagad na yumakap sa kaniya si Sasha kaya niya ito kinarga. "I love you, baby," bulong ni Janice sa bata. "I love you rin po, Mama," tugon nitong mas lalong nagpakirot sa kaniyang puso. Alam niyang hindi dapat siya ang tinatawag nitong 'Mama', kung 'di ang kapatid niya. "Hoy, friend, ang OA mo," pagsaway sa kaniya ni Candy. "Birthday ng anak mo ngayon, hindi niya kasal. Makaiyak ka naman diyan. Baka makahalata ang ibang bisita, oh?" pagpapaalala nito. "Maraming salamat, Candy, ha?" bulalas niya. Nag-umpisa na ang programa at simpleng palaro na inihanda para sa mga batang inimbitahan, na kung hindi kaklase ni Sasha, ay mga kapitbahay naman nila. Umingay tuloy ang paligid sanhi ng excitement ng mga ito. Pero 'di naman maiiwasang may mga batang nagkakaiyakan. Marami namang pa-giveaways na inihanda kaya mabilis din itong naresolba. Saka pa lang niya napansin si Heidi, kasama ang ina nito na kumaway sa kaniya. Nakapuwesto ang mga ito sa gilid malapit sa pagkain na kanina pa binabalik-balikan ng mga ito. Nakaupo naman sila ni Sasha sa pinakaharap habang pinapanood ang mga palaro. Paminsan-minsan din naman ay sumasali rin ito, pero nagbibigay lang ang kaniyang anak-anakan para makalaro ang lahat. "Mama, hayun si Allen, oh," wika ni Sasha na may itinuro sa kung saan. Napatingin din si Candy sa tinutukoy nito, saka naman ito napahagalpak ng tawa. "Iyan ba ang sinasabi ni Sasha na gusto niyang pakasalan paglaki niya?" pagbulong sa kaniya ng kaibigan. "Naku, mababa pa talaga ang standard ng mga bata," dagdag nito. "Bakit?" usisa niyang tiningnang maigi ang batang lalaki. Wala naman siyang ibang makita bukod sa kayumangging balat nito na nasunog sa araw, kulot na buhok na parang pugad, saka ang bungi nitong ngipin nang ito'y ngumiti. Pero baka naman kasi may itsura din, hindi niya lang malaman dahil sa kondisyon niya. "Naku, Sasha, lumayo ka roon at baka ma-nuno ka sa punso," bulong ni Candy sa bata. "Mama, si ninang, oh?" sumbong nito sa kaniya. "Mabait po siya, huwag kayong jugdemental." Hinawakan ni Candy ang magkabilang balikat ng bata. "Gets ko na 'yong sinasabi mong mabait siya. Basta, bilang isa sa ninang mo, ngayon pa lang sinasabi ko na sa 'yo, hindi puwede," pagbabala nito saka tumayo para ituloy ang pag-e-emcie. "At para sa main event, narito si Mr. Wonsky! Bigyan natin siya nang masigabong palakpakan!" pahayag n ito sa lahat saka inilahad ang kanang kamay para sa tinutukoy. Nanlaki ang mata nina Janice at Sasha nang makilala ang taong nakasuot ng custume na parang kay McDonalds, pero kulay orange. Kapansin-pansin din sa ilong nito ang malaking bilog na kulay ponkan. Humakbang ito sa mala-stage na kanilang na-set up, at hawak ang mic ay nagsalita ito gamit ang pinanipis na tinig. "Mga bata, ako si Mr. Wonsky, at hahandugan ko kayo ng aking incredible magic tricks." *** Hanggang ngayon, tawa pa rin ng tawa si Janice sa itsura ng kaniyang ama. Naging successful naman ang magic tricks nito, pero hindi niya maiwasang mapahagalpak ng tawa dahil sa effort nito. "Ngayong napasaya ko nang husto ang apo ko, magbibihis na ako para makakain," pahayag nitong napatingin sa mesa. "Mukhang nag-uumpisa nang magkaniya-kaniya take-out ang mga kapitbahay natin." "Tito, marami pa po kaming itinabi ni Mervin sa loob," pagbibigay-impormasyon ni Candy. "Gano’n ba, sige," sabi nitong pumasok na sa bahay. "Nasaan nga pala ang future boyfriend mo? Parang hindi ko pa siya nakikita," pansin niyang saka lang naalala na wala na pala si Mervin. "May pasok pa kasi ‘yon. Pagkatapos naming magluto, gomora na rin. Ang tumulong sa akin sa decoration dito ay 'yong mama ni Heidi na si Ate Wilma, 'yong kapitbahay mong napakamahadera." "Ano ka ba? Baka marinig ka niyon," pagsaway ni Janice saka niya hinanap ang seksing ginang gamit ang mata. "Wala na siya, umalis na po. After niyang mag-take out, iniwan na niya 'yong anak niya." May bahid nang pagkainis ang tinig ni Candy na umirap pa nga. "Mama, ano pong ibig sabihin ng mahadera?" usisa ni Sasha na narinig naman pala sila, kahit abala ito sa pagkain ng ice cream. "Walang ibig sabihin ‘yon, kalimutan mo ang salitang ‘yon, anak," wika niyang pilit na hinihypnotize ang matalinong bata. Walang duda, kapag nakarating sa kapitbahay nila ang sinabi ni Candy, tiyak magkakaroon ng giyera. "Ano ka ba naman, Candy? Dahan-dahan ka nga sa pagsasalita mo. Naririnig ka ng bata, eh,” pangaral niya sa kaibigan. "Paano napakapakialamera ng babaeng 'yon! Kung makaasta, akala mo may binili siya, ni isa man sa handa dito. Eh, tumulong lang naman siyang magdecorate saka, magbalot ng giveaways!" bulalas nito sa malakas na tinig na ikinagulat niya. "Hinay-hinay lang at baka atakihin ka pa riyan kahit wala kang sakit sa puso." Tinapik-tapik na lang niya ang likod nito. "Ano nga palang balita sa theather house? Hindi kami naka-attend ni Mervin noong nakaraan, eh," usisa ng kaibigan nang may maalala. "Totoo ba talagang matutuloy na 'yong project ngayon?" "Oo, kaya kung maaari, i-clear n'yo na ni Mervin ang schedule ninyo. Next week, start na ang rehearsals. Bukas may meeting ang buong prod. Sabi ni Direk Gian, may nakausap na siya bilang main actor. At final na rin ang actress nating nakapasa noong audition." Napahawak sa bibig ang kaibigan na mahahalatang 'di makapaniwala sa narinig. "Totoo ba talaga 'yan? Wow, Janice! Mabubuhay na naman ang dugo ko sa teatro!" May trabaho man pareho sina Candy at Mervin, hindi naman regular ang mga ito at nagpapart-time lang sa resto na pag-aaari ng kapatid ni Mervin. Ganoon din naman siya. Kapag walang proyekto ang Actor's Theather, bukod sa pagiging editor online, doon lang siya sa coffee shop ng papa niya madalas na maglagi. Hindi man kalakihan ang kanilang kinikita sa theater house, nagpupursigi sila dahil 'yon ang kanilang pangarap at pasyon. Iyon ang matagal na nilang hinahangad mula pa noong highschool. Nang mapatingin siya sa gate kung saan matatanaw ang lumang sasakyan ng kaniyang ama, saka pa lang niya naalala ang tungkol sa taong nakasanggi niyon. "Sandali, may tatawagan lang ako," wika niyang tumayo para dumistansya sa ingay sa paligid. Kinuha niya ang phone sa bulsa at idinayal ang numerong nakita sa business card.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม