Chapter 2 - Pares ng mga mataAya's POV
Di ko inaasahang magigising ako ng maaga ngayong biyernes sa kabila ng pambubulabog na ginawa ni Paul saakin kagabi. Isa talaga siyang malaking epal sa buhay ko! Ikaw ba naman ang matutulog tapos bigla nalang may aakyat sa bintana mo at tatakutin ka pa. Nakakahiya tuloy kagabi, kung ano-ano pa ang nasabi ko.
"Haiiisst.. nakakainis!" Imbis na magmukmok ako dahil sa kaiisip nang nangyari kagabi ay Bumangon nalang ako at hinanap ang kapares ng tsinelas ko ngunit di ito mahagilap ng mga paa ko. Dumungo na ako at naghanap hanap na sa buong kwarto pero wala pa rin. Biglang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itim na bag, nung nilapitan ko ito ay isa palang gitara na nakahiga sa tabi ng malaki kong bintana na dinaanan ni Paul kagabi. May 'Sarvante' pa ngang nakatatak rito na naka italic ang desinyo. Halatang alagang alaga ito ng may ari.
"Nakalimutan ni Paul itong gitara niya ah!” sigurado akong hinahanap na niya ito ngayon, bahala siyang maghanap. Maaalala naman niya siguro na dito niya ito naiwan.
Hindi ko na binalak buksan pa ang guitar case niya at nagpatuloy nalang sa paghahanap ng tsinelas ko dahil maliligo na ako. Iisang lugar lang ang hindi ko natingnan, ang ilalim ng kama ko. Lumapit ako rito at sumilip agad sa ilalim, nakita ko ang kaparehas ng tsinelas ko ngunit hindi ko rin inaasahang makita ang dalawang pares ng isang matirik at matalim na mga matang nakatitig sa kawalan... nakakagimbal, nakakakilabot, hindi ko maintindihan kung ano ang aking mararamdaman.
"aaaaaaahhhhhhhhhh...!" isang malakas na sigaw lamang ang lumabas sa aking bibig kasabay ng isang magkakasunod na katok sa aking pintuan.
Hinang-hina at nangangatog ang aking buong katawan lalo na ng aking mga kamay habang binubksan ko ang aking pintuan. Agad nangilid ang luha saaking mga mata nang mabuksan ko ang pinto at tumambad saakin ang nagtataka at nag-aalalang mukha ni Paul. Sinugod ko siya ng yakap dahil sa takot, para akong napaos dahil walang salitang kumakawala saaking bibig.
Nanginginig ang aking buong katawan at palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Kailangan ko ng taong makakapitan para di tuluyang mahimatay ang katawan ko sa kaba.
Paul's POV
Maaga akong nagising dahil gaya nga ng sinabi ni Aya kagabi, may final exam kami bukas na mga seniors ng BEED. Natatawa talaga ako kapag naaalala ang mukha niya kagabi. priceless talaga at kung gaano siya nabubulol habang tarantang nagsasalita. Pero bago ko yun isipin, kailangan ko monang maalala kung saan ko naiwan yung gitara ko. Mahal na mahal ko pa naman yun. Agad naman akong nag dial ng number sa cellphone ko na maaari kong mapag tanungan.
"Hello.. Sir Miggs?" sabi ko pagkatapos nitong sagutin ang tawag ko.
"O? Paul? napaaga ata tawag mo, may problema ba?" halatang bagong gising lang ito at hinihikab pa na dinig ko sa kabilang linya ng cellphone ko. Siya ang manager at nag mamay-ari ng Bar na pinag-ta-trabahoan namin minsan pag may gig kami bilang isang banda ng apat ko pang mga kasama. mga middle 30's na si Sir Miggs at business minded talaga ito kaya malapit din ito sa mga empleyado niya.
"Wala naman po. Itatanong ko lang kung naiwan ko po ba jan yung gitara ko kagabi nung nag perform kami." sabi ko at humigop ng tinimpla kong kape.
"Ang huling naaalala ko ay dala-dala mo ito. Nakita pa nga kitang nilagay ito sa likod ng van ni Alex bago kayo lumarga." sagot naman ni Sir na halatang sigurado ito sakanyang sinasabi.
"Ah! oo! Naaalala ko na po! pagkadating ko po kasi sa kwarto ko kagabi ay agad akong nakatulog. Hindi ko po napansin na sa kwarto ng kaibigan ko po pala ito naiwan. sige po! salamat sir!" Masaya kong sagot dahil sa wakas naalala ko na rin.
"teka Paul, may dinaanan ka bang kaibigan kagabi? ang sabi saakin ni Alex deretso ka daw niyang inihatid sa boarding house mo. Pero napansin niya na hindi ka daw kaagad pumasok sa gate noong iniwanan ka na nila." nagtataka nitong tanong. Lagot.
"a-ah! O-opo! Yong kaibigan ko na malapit saamin sa kabilang boarding house, dinadalaw ko minsan dahil sakitin siya. Hihi." pagsisinungaling ko, sadyang maalalahanin talaga si Sir. Kahit kunting bagay napapansin niya.
Hindi niya dapat malaman na may curfew ako at sa bintana ako lumulusot pag gabi dahil sigurado akong hindi na siya papayag mag perform ako ng late night. Sayang yung oras kung ganun. Malaki kasi yung kita ko kapag matagal ang performance namin.
"ah..ganun ba? sige.. ingat nalang ulit. sabihin mo na rin dun sa kaibigang sinasabi mo na magpagaling siya. Bye."
"Hi-hi-hi.. opo, sige po bye."
sabi ko at ini-end na ang tawag. pwew!! Halatang pilit yung tawa ko, muntikan na akong mabuking ni Sir pero at least lusot parin.
Agad kong ininum ang kape kong lumamig na at sinuot ang nakasabit kong jacket. Dali-dali akong nagsuot ng tsinelas para pumunta sa kabilang building ng Boarding house kung saan andun ang kwarto ni Aya, magkaibang building kasi yong pang babae at pang lalaking dorm pero iisang compound lang din. Sigurado akong doon ko naiwan yung gitara ko. Kunti pa lang ang mga tao sa labas dahil maaga pa naman, Tumingin mona ako sa wrest watch ko. Alas-singko emedya na ng umaga, gising na siguro siya. Nasa harap na ako ng pintuan niya at Kakatok na sana nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa loob nito.
Si Aya yun ah... Ano'ng nangyari sakanya?
Mabilis at sunod-sunod na katok ang ginawa ko sa pinto niya, sinubukan kong ipihit ang door knob pero gaya ng inaasahan ko ay lock ito sa loob. Ni-lock ko kasi ito sa loob bago ako tuluyang umalis sa kwarto niya kagabi. Madalas din kasi siyang makalimot mag lock ng pinto.
Nakakarinig ako ng mabilis na yabag ng paa mula sa loob na naglalakad papunta sa direksyon ng pintoan. Inihanda ko na rin ang sarili ko kung ano man yung makikita ng mga mata ko.
Pagbukas nito ay bumungad saakin ang namumutlang mukha ni Aya at ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata. Hindi ako agad nakapag salita. Takot na takot ito at nanginginig ang mga kamay na tila ba'y may nakita siyang multo. Sinugod niya ako ng yakap na aking ikinabigla. Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at nanginginig ang kanyang tuhod dahilan upang mawalan siya ng lakas na tumayo kaya isinuporta ko ang kanang braso ko para hindi siya tuluyang matumba. Para ko na rin siyang yakap.
"P-Paul..." Halos pabulong at pilit niyang pagsasalita habang naiiyak sa takot.
"Shhh.. Aya, tahan na, ano ba ang nangyari? ano ba ang nakita mo?" pati ako ay nababagabag na rin sakanyang ikinikilos. Pilit ko siyang ihinarap saakin, hinawakan ko ang magkabila niyang braso at tiningnan siya deretso sakanyang mga mata.
"Aya, sagutin mo ako... ano ba ang nangyari?" pilit kong ikinalma ang sarili ko para makausap siya ng matino.
"P-patay Paul!!! sa kama ko!! sa ilalim ng kama ko!! M-may p-patay sa ilalim ng kama ko!!!" maging ako'y nabigla at hindi makapaniwala. Pero alam ko sa sarili ko na hindi marunong magbiro ng ganito si Aya kahit pa madalas kaming mag away. Kung kanina'y hindi siya makapagsalita, ngayon nama'y halos sumisigaw na siya sa pagpa-panic.
"Maniwala ka saakin Paul!! May nakahandusay na patay jan mismo sa ilalim ng kama ko. N-nakadilat panga ito at halatang m-matigas na itong b-bangkay!!!" halos mag sumamo pa siya at para paniwalaan ko lang siya. Wala akong magagawa, kailangan kong patunayan ang sinasabi niya.
"Jan ka lang. Wag kang aalis sa pintuan. Titingnan ko ang ilalim ng kama mo." seryoso kong sabi at hito na nga, tahimik at dahan dahan akong lumalapit rito. Pakiramdam ko’y para akong isang sundalong susugod sa lungga ng kalaban ng mag-isa. Hindi ako natatakot pero kinakabahan pa rin ako. Tila mabagal ang pagtakbo ng bawat segundong lumilipas.
"Mag-iingat ka Paul!!!" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsasalita ni Aya.
"Ano ba!! wag ka ngang maingay! aatakihin ako ng puso sayo eh! manahimik ka nalang jan. okay? at kung patay na to ay hindi na ito babangon pang muli para manakit!"
"Malay mo Zombie yan!" mangiyak iyak naman niyang sagot.
"yan ang epekto ng pagiging adik mo sa horror movi-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong nakaamoy ng parang nabubulok na patay na hayop, pero mas malala ang amoy na ito, pati si Aya'y napatakip na rin ng ilong.
"Ang baho! amoy bulok!!" ang tanging nasabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa. parang yun na yung que na ipag patuloy ko ang pagsilip sa ilalim ng kama niya at agad ko namang ginawa.
Pati ako ay napaatras at nanginig ng makita ko ang itsura nung bangkay. Tulad nga ng sabi niya, dilat na dilat ito at tila ba nakatitig sa kung sino mang taong titingin rito. Napaatras ako at napatayo at agad nilingon si Aya na tinitingnan rin ang reaksyon ng mukha ko.
Lumapit ako doon sa nag iisa at malaking bintana sa kwarto niya. Hindi ito lock, napansin ko rin yung gitara ko na hinahanap ko pero nawala na ito saaking isipan dahil sa nangyaring ito na di ko inasahan. May nabubuong ideya sa utak ko.
"diba sinarado at ni-lock mo itong bintana pagkatapos kong makapasok kagabi?" seryosong sabi ko na nakatingin parin doon sa bintana pagkatapos ay sa sahig malapit doon sa kama.
"hindi ako sigurado pero hindi ko pa yan binubuksan hanggang ngayong nagising ako dahil hinahanap ko yung tsinelas ko na nasa ilalim pala ng kama ko tapos yon na yong time na nakita ko yong bangkay. bakit ano bang naiisip mo Paul?" hindi ko siya sinagot sa halip ay inutosan ko siya.
"Kailangan na siguro nating tumawag ng polis. Dalian mo!! Call 911!!" Patakbo na sana niyang kukunin ang cellphone niya upang tumawag ngunit tumingin mona saakin ito nang nagtataka.
"teka, may 911 ba sa Pilipinas?" pati ako ay nagtaka rin sa sinabi ko, epekto rin ata yun ng madalas kong panonood ng hollywood action movies.
"H-ha? Hindi ko rin alam eh.’’ Saglit akong natahimik. ‘’ Ang mabuti pa ay bumaba tayo doon sa telephone station malapit sa cashier at kailangan na rin itong malaman ni Mrs. Reyes." hinila ko na siya sa kamay at dali daling kumuha ng tulong. Habang ang dalawang pares ng mata ng bangkay ay tuloy pa ring dilat at naghihintay ng hustisya sakanyang pagkamatay.
Pero sino nga ba ang may gawa nito? ano ang balak ng taong ito at ano na ang mangyayari saamin? higit sa lahat, paano napunta ang bangkay na yun sa kwarto ni Aya?
---
END OF CHAPTER 2
---