LUMIPAS ang araw na iyon, kalmadong bumalik si Freya sa dormitoryo na tila nabunutan ng tinik sa dibdib sapagkat wala siyang mensahe natanggap mula sa kanyang kapatid na si Hellio. Matapos niyang magpalit ng damit ay mabilis siyang nagtungo sa gubat sa norte upang magsanay. Si Luke naman ay natulog lamang noong tanghali pagkabalik nito. Tahimik na bumalik ito sa dormitoryo. Napansin pa nga ito ni Leonora at hindi na nga nito nagawang tanungin ang binata sa kung ano ba ang nangyari rito. Sina Enma at Mirai, kasama ang tatlong kaklaseng may Indigo Aura ay namasyal naman sa buong Normal Area. Tila nga nakakapalagayan na ng loob nina Claude, Shilva at Odessa ang magkapatid. Sina Speed at Beazt naman, agad na dinala ng Demons Organization sa kanilang hide-out. Gamit ang Shadow Porta