SA IKALAWANG pagkakataon, nakita nilang muli ang aura ni Beazt. Isang kulay ng aura na wala sa talaan ng mga lebel nito. Isa rin itong aura na hindi nila alam kung saan ihahanay. Wala silang ideya sa kung gaano kalakas ito o kung gaano ito karami sa oras na gumamit si Beazt ng kapangyarihan kasama ito. Nagliwanag ang Silver Aura ni Beazt. Bigla na lamang itong lumabas nang may maramdaman siyang kalungkutan dahil sa kanyang pagkabata. Dahil lumaki siyang walang magulang na kinikilala. Dahil mag-isa siyang namuhay at ang tanging kasama niya ay ang mga hayop na kagaya ng mga narito. Napaatras naman si Freya nang makaramdam ng lungkot sa sinabi ni Beazt. Nakikita niya ito nang malinaw sa kanyang mga mata. Inakala niyang wala itong emosyon o kung anumang pakialam sa paligid subalit nang